Chapter XXII Jessica Marie Padilla's POV Nakahalukipkip ako nang pumasok sa talyer ni Daddy. Nasa bahay si Daddy nang umalis ako sa bahay papuntang trabaho, sa Jesstle bar. Kaya naman alam kong si Kuya Luke ang maaabytan ko rito ngayon. At hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko siyang abala sa makina ng isang puting sasakyan. Mukhang wala siyang trabahador ngayon. Pero kung sabagay, late na kaya naman malamang ay umuwi na ang trabahador nila ni Daddy. Well, tatlo lang naman sila. Si Kuya at dalawang katiwala ni Daddy noon pa. "Yes, anong- Jessica!" Ngumiti ako kay Kuya nang napansin niya na ang presesya ko. Lumapit siya sa akin ngunit nang mukhang balak niya akong hagkan ay umatras ako at nagtaas ng palad. "Kuya, puro grasa ka!" Napatingin siya sa puti niyang damit na ngayon ay ma

