Chapter XXIII Jessica Marie Padilla's POV Napapailing ako habang nakatingin sa dinding ng kuwarto ni Kendall. Dahil sa model siya ay aasahan mo sa kuwarto niya ay ang mga sarili niyang mukha na nagmula sa iba't iba niyang photoshoots. But no, dahil mas marami pa ang mukha ni Tyler kaysa sa kaniya. Pati sa kaniyang shelve ay may isang linya na puro magazines at photobook ni Tyler ang naroroon. May mga galing sa solo projects at may mga galing sa group activities ng The Rulers. "You know, you should removed that bago pa makabalik galing Japan si Tyler, at bago pa maging si James at Selena." Napatingin ako kay Amber na siyang nagsalita. Saktong nakatingin din siya sa akin at mukhang napansin ang pagtingin ko sa mga collections ni Kendall bilang fangirl. Mamaya pa ang dinner namin kasama

