Chapter XXIV Jessica Marie Padilla's POV "Salamat sa pagpunta, akala ko hindi ka na darating dahil hindi pa tayo puwede." Tiningnan ko si Tyler na seryosong nakatingin sa akin habang nasa gilid ko. Nandito kami sa veranda ng kanilang bahay, na kung tawagin nila ay studio. Isang pool party ang hinanda ni Cath para sa celebration nila. Buti na lang ay sinabi iyon ni James kay Selena kaya naman nakapaghanda kami. Katatapos lang namin mag-dinner at ngayon ay nagkakatuwaan na sila sa pool. Ako ay nagpasyang pumasok muna dahil lamigin ako kaya heto, mabilis akong nilamig. Nakasuot na ako ng large size na t-shirt. Ang haba nito ay hanggang hita ko, kaya naman sapat na iyon para matakpan ang bikini ko. Si Tyler naman ay topless at naka trunks lang. Wooden ang inuupuan namin kaya kahit medyo ba

