Nakatingin ako sa kisame habang iniisip ang sinabi sa akin ni Cassiel. Hindi ko gusto ang mga nangyayari pero bakit parang unti-unti ko na itong nagugustuhan? Bakit kung ano pa ang mali, 'yon pa ang nais kong tahakin. Bakit kahit alam kong mali na pagnasaan siya dahil may mahal akong iba ay nagawa ko pa rin ang nakasusuklam na bagay na iyon? Hindi ko alam kung ano ang dulot sa akin ni Cassiel pero, habang tumatagal, paiba nang paiba ang aking nararamdaman sa kaniya. Wala akong ideya kung ano ito, kung ano ang kumikiliti sa dibdib ko pero habang maaga pa ay kailangan ko na 'tong pigilan nang sa gayon ay hindi na ako mahirapan. Hindi ko nais na magkaroon siya ng kakaibang pakiramdam sa akin. Hindi ko gusto ang konsepto na 'yon. Mas lalo lang siyang mahihirapan kaya nararapat lang na hab

