Chapter 2

2476 Words
Chapter 2 “Mommy!” Matinis na boses ni Nica ang sumalubong sa amin pagpasok palang namin ng pinto. Yumakap ito kay Kaila na agad namang lumuhod para pantayan ang anak niya at yakapin ng mahigpit. “Namiss ko ang baby ko! namiss mo ba si mommy?” Sambit ni Kaila. “O, wala bang hug for titamommy?” Sambit ko rito, agad naman siyang kumawala kay Kaila at niyakap ako. Pinakita pa nito ang hawak na bagong manika. Lumapit sa amin si Ericka na noon ay nakasuot pa ng apron. “O, nandito na pala kayo. Saktong-sakto luto na yung niluto ko.” Nakangiti nitong sambit sa amin. “Nasan si Rui saka sila Nanay?” Tanong ko. “Nagpunta sila sa farm kasama si Rui, maya-maya nandito narin iyon.” Aniya, nginitian ko ito saka humarap kay Luke habang si Kaila ay abala na sa anak niya. “Dito kana kumain, Luke. Sigurado ako napagod ka sa pagda-drive.” Sambit ko rito, nginitian naman ako nito saka tumango. Nasa kalagitnaan kami ng tanghalian nang dumating sila Nanay at Tatay kasama si Rui. Kung hind isa farm ay sa dati naming bahay pumupunta sila Nanay at Tatay para magpalipas ng oras o di kaya ay malibang. Trabaho, farm at bahay ang naging buhay ko sa loob ng limang taon. Masaya naman ako dahil nakikita kong masaya ang pamilya ko. Lalo na sila Nanay at Tatay, sa wakas ay naibibigay ko na sa kanila ang mga bagay na dapat dati ko pa ginawa. “Dito kana rin maghapunan at magpalipas ng gabi Luke, sigurado akong gagabihin kana sa byahe kapag lumuwas ka ngayon.” Sambit ni Tatay, napahinto ako sa pagsubo ng pagkain. “Tay, baka may mga importante pang gagawin si Luke sa Hotel.” Tugon ko. Tumingin naman sa akin sila Kaila at Ericka saka ito ngumisi. “Ano ka ba naman Danica, I’m sure he’s tired. Ano ba naman yung pagpahingahin mo siya dito mamayang gabi, isa pa tama si Tito alanganin na bumyahe.” Sambit naman ni Kaila, pinanlakihan ko ito ng mga mata saka nilingon si Luke at ngumiti. “Oo nga naman anak, thank you nga pala iho sa paghatid mo kanila Danica at Kaila.” Ani ni Nanay saka ito ngumiti. “Wala po iyon.” Nakangiting tugon nito. “Ano iho? Ihahanda ko na ba yung iinumin natin mamaya?” Pabirong sambit muli ni Tatay, pinangunutan ko ito ng noo bago nagsalitang muli. “Tay! Ano ba naman kayo, hindi ba’t sinabi kong bawal na ang alak sa inyo?” Kunot noo kong sambit dito. “Kaunti lang naman isa pa, healthy naman ang lambanog anak. Minsan lang magawi dito iyang si Luke, pagbigyan mo na ako.” Aniya. Sinimangutan ko ito saka muling nilingon si Luke, bumaba ang tingin nito sa akin saka ngumiti. I’m expecting him to say no, alam ko namang marami pa siyang inaasikaso sa Hotel. “Okay lang po sa akin, may extra clothes naman po ako sa sasakyan.” Tugon nito, napaawang nalang ang labi ko sa narinig. Hindi ko alam kung talagang lagi siyang may dalang extra clothes or he expected this to happened that’s why he came prepared. Pagkatapos managhaliaan ay pinuntahan ko si Luke sa may balcony ng sala. Naabutan ko siyang nakatanaw sa labas at prenteng nakasandal sa barandilya, nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng trouser nito at nakatanaw sa labas, mula kasi rito ay tanaw na tanaw mo ang mga bundok at iilang mga bahay. Ito ang pinakapaborito kong parte ng bahay kaya nagpalagay ko ng lamesa at upuan dito. “Coffee?” Sambit ko saka inabot ang isang tasa ng kape nang makalapit ako rito, ngumiti naman ito nang lingunin ako, saka nito inabot ang kape’ng hawak ko. “Thank you.” Aniya, bago kinuha ang tasa, naupo na ako sa upuan at nilapag sa lamesa ang tasa ng kape. Sumunod naman ito sa akin saka naupo rin sa katapat kong upuan. “This place is wonderful.” Komento nito, ngumiti ako bilang pagsang-ayon. “That’s true, kaya nga mas pinili nila Nanay at Tatay na dito na tumira.” Tugon ko. “Thank you nga pala, kung hindi dahil sa’yo baka hindi na namin nakausap si Mrs. Salvador.” Dugtong ko. “It’s nothing, you know I can help you with anything Danica.” Sambit nito habang nakatingin sa akin, his deep brown eyes express a deep emotion. Emosyon na hindi ko mapangalanan. Tumikhin ako saka binaling ang tingin sa ibang direksyon. Ganun din siya nang maramdaman ang pagkailang ko. “By the way, Gallego Hotel will be having an anniversary party next week. You and Kaila must come, a lot of hoteliers will be invited. It’s a great opportunity for you to introduce La Centra.” Aniya, bago sumimsim ng kape. “Really? Sure, pupunta kami ni Kaila.” Nakangiti kong tugon dito. I felt excited and nervous at the same time, sigurado akong maraming dadalong malalaking tao sa party na iyon dahil kilala si Luke pagdating sa hotel industry bukod sa pagdodoctor nito. “Thank you, Luke. Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa mga tulong mo sa amin.” Dugtong ko. binaba nito ang hawak na tasa saka ngumiti sa akin. “Be my date then.” Aniya, bahagya akong natigilan at ilang sigundong napatitig sa kanya, processing what I heard. “Be my date at the party. Kung okay lang sayo.” Dugtong nito, nakahinga ako ng maluwag nang dugtungan nito ang sinabi niya, saka tumango rito. “Oo naman.” Sambit ko, saka humigop ng kape. There’s some point na parang naiilang ako kay Luke, pero agad naman siyang gumagawa ng paraan para mawala ang pagkailang ko at maging komportable kahit na alam kong may iba siyang nararamdaman para sa akin. I don’t know how he did that, he amaze me in so many different ways. Kung pwede nga lang, kung natuturuan nga lang ang puso, bakit hindi di’ba? considering that he’s kind and gentleman, he has it all. Kumbaga sa empleyado ay overqualified na siya para sa akin. He’s a great man, but he’s out of my league. He deserves someone better, at hindi ako iyon. Kinagabihan pagkatapos naming kumain ay inaya na kaagad ni Tatay si Luke para uminom, we also drink some wine habang nanunuod ng TV sa sala. Ang mga bata naman ay maagang pinatulog dahil may mga pasok pa ang mga ito kinabukasan. Wala pa yatang hating gabi nang tulungan ako ni Kaila para ihatid si Luke sa kwarto nito, paano ba naman kasi iinom-inom hindi naman pala kaya. Napatitig nalang ako kay Luke na noon ay wala ng malay at humihilik pa, hindi na nga ito nakapagpalit pa ng damit niya, hinayaan ko nalang siya na makapagpahinga at lumabas na kami ng kwarto. Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil may maaga akong meeting, pagpasok ko ng dining ay naabutan ko si Luke na kausap sila Nanay at Tatay habang nakaupo sa dining. Ngumiti ito sa akin nang lingunin ako. Iba na ang damit nito, naka-dark green shirt at maong pants na ito na pinaresan ng puting rubber shoes, his hair is still wet, mukhang nakaligo na ito. “Kumusta? Sigurado akong may hangover ka ang dami mong nainom kagabi e.” Sambit ko habang papalapit dito. “I’m okay now.” Tugon nito saka hinaplos ang batok na para bang nahihiya. “Okay lang iyan Luke, huwag mong intindihin iyang si Danica. Sigurado akong bihira ang lambanog sa Maynila at mas healthy kaysa sa mga mamahaling inumin na nakasanayan mo.” Natatawang sambit naman ni Tatay. “Oo nga pala, where’s Kaila? may meeting kami ngayon.” Tanong ko habang nagsasandok ng pagkain sa plato ko, napatingin pako kay Luke nang abutan ako nito ng ulam. I just smiled at him. “Naku, kanina pa nakaalis. Akala ko nga ay magsasabay kayo sa pagpasok, sabi niya ay tawagan mo daw siya kapag nagising ka na.” Ani naman ni Nanay. Bahagyang nangunot ang noo ko saka kinuha ang phone sa bag at tinipa ang numero ni Kaila. Agad naman itong sumagot sa tawag ko. “What!?” I exclaimed. Napatingin sa akin sila Nanay at Tatay ganun narin si Luke. Ang isa naming client ay gustong iterminate ang kontrata dahil nasira ang mga gulay at prutas na na-deliver namin sa hotel niya which is impossible to happen. “Mabuti pa tawagan mo nalang si Mr. Lazaro, pakiusapan mo siya, sigurado naman akong hindi sa atin ang may problema, lahat ng mga products na dinedeliver ay chinecheck kong maigi. Kaya imposibleng masira ang mga iyon bago pa man makarating sa kanya.” Sambit ni Kaila sa kabilang linya. Lalong nangunot ang noo ko, hindi kami pwedeng mabawasan ng kliyente, at hindi pwedeng masira ang pangalan ng kumpanya ko ng dahil lang dito. “Okay, I call him.” Tugon ko saka binaba na ang linya. “What happened?” Tanong ni Luke na noon ay seryoso ang mukhang nakatunghay sa akin. Humarap ako ng bahagya rito bago nagsalita. “Gustong ipa-terminate ni Mr. Lazaro ang kontrata dahil sira ang lahat ng mga prutas at gulay na nadeliver sa kanya.” Nagaalala kong tugon. “What? Paano nangyari iyon?” “I don’t know, I should go. Magiingat ka pabalik mo ng Manila.” Sambit ko rito saka tumayo na at nagpaalam narin kanila Nanay at Tatay. Palabas na ako ng bahay nang sundan ako ni Luke. “Ihahatid na kita.” Aniya. “Thank you.” Tugon ko saka sumakay na kami sa sasakyan nito, habang nasa byahe ay tinawagan ko si Mr. Lazaro para makausap. Pero hindi ito sumasagot sa tawag ko. Muli kong tinipa ang numero nito hanggang sa sumagot ito sa wakas. “I told you Ms. Jensen, I’ll terminate our contract nasira ang lahat ng event sa hotel ko ngayong araw dahil sa palpak na delivery nyo.” Halos pasigaw nitong bungad sa akin. “But Mr. Lazaro, I assured you that there’s nothing wrong with our delivery, maayos at sariwa ang lahat ng gulay at prutas bago ideliver sa inyo.” Depensa ko. “What are you implying Ms. Jensen? That I’m lying? I have ten events ruined today! I don’t care about your explanation. Just give me my refund at iteterminate ko na ang kontrata.” Huli nitong sambit saka ako binabaan ng linya nang hindi man lang nito pinapakinggan ang paliwanag ko. “Are you okay?” Tanong ni Luke. Nagaalala akong umiling saka bumuntong hininga. “I should do something, hindi pwedeng iterminate ni Mr. Lazaro ang kontrata, hindi iyon makakatulong sa kumpanya. Baka kapag nalaman pa ni Mrs. Salvador ang nangyari magpull out din siya.” Malungkot kong sambit dito. “Don’t worry, I’ll talk to him.” Aniya, saka ako nito binalingan ng tingin bago muling binalik ang paningin sa kalsada. “No, sasama ako sayo sa Manila, I should do something. Hindi ako papayag na masira ang imahe ng La Centra. Ako mismo ang kakausap kay Mr. Lazaro.” Tugon ko, muli kong tinipa ang numero ni Kaila at agad naman itong sumagot. Pinaalam ko rito na pupunta ako ng Manila para makausap si Mr. Lazaro, binilinan ko nalang siya na imbestigahan kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Dahil napaka imposibleng mangyaring masira ang lahat ng produkto namin bago pa man matanggap ng kliyente. Tinawagan ko narin sila Nanay para hindi ito magalala sa akin kung sakaling hindi ako kaagad makabalik. Buong byahe ay kaliwat kanan ang phone calls ko dahil sa nangyari. Hindi ko na nga halos namalayan na nasa Manila na kami. Huminto ang sasakyan ni Luke sa tapat ng entrada ng hotel ni Mr. Lazaro. Agad siyang bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok kami ay dumeretso kaagad ako sa reception area, nakangiti ang receptionist sa amin. “Good morning, Ma’am, do you have reservation?” Tanong nito. “Sorry, but I’m here for Mr. Lazaro, nandito ba siya?” Tugon ko, she paused for a sec then looked at the screen of her computer. “Um, may I ask Ma’am if you have scheduled meeting with Mr. Lazaro?” Muli nitong tanong. “Wala, pero kailangan ko siyang makausap. Importante lang.” Sambit ko rito. “I’m sorry Ma’am, pero hindi po pwede kung wala naman po kayong scheduled meeting with Mr. Lazaro.” Aniya, bumuntong hininga ako at malapit nang mawalan ng pag-asa nang magsalita si Luke. “Excuse me, I’m Luke Gallego, please tell Mr. Lazaro that I need to talk to him.” Baritonong sambit nito, bahagyang umawang ang labi ng receptionist nang si Luke na ang magsalita. “Sandali lang po, tatawagin ko lang po ang manager ko.” Tugon ng babae, nagaalala akong tumingin kay Luke habang kinukurot-kurot ang mga daliri ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Mr. Lazaro, hindi namin alam kung anong nangyari sa mga produkto namin at ngayon lang ito nangyari. Muli akong napatingin kay Luke nang hagurin nito ang likuran ko. “It’s okay, don’t worry.” Pabulong nitong sambit. maya-maya pa ay muling bumalik ang receptionist kasunod ng isang lalaki na nakasunod ng itim na suit ang tie, may name plate din ito sa kanang dibdib at nakasulat sa ilalim ng pangalan nito ang manager. “Dr. Gallego, my staff said you want to talk with President?” Bungad nito kay Luke nang makalapit, sa tingin ko ay kilala nito si Luke dahil sa pormal na tono ng boses nito. “Yes, um. Nandyan ba siya? Kailangan ko siyang makausap.” Tugon ni Luke. “Opo naman Dr. Gallego, but unfortunately, nasa business trip si President.” Aniya. “Kailan ang balik niya? Kailangan ko kasi siyang makausap as soon as possible.” Muling sambit ni Luke habang ako ay nakatunghay sa kanilang paguusap. “Hindi ko po alam, Dr. Gallego, hindi na kasi sakop iyon ng trabaho ko. Pero ang alam ko ay sa Palawan ang business trip niya.” Sambit ng kausap ni Luke, napatingin sya sa akin saka muling binalingan ng tingin ang kausap. “Thank you.” Lumabas kami ng hotel na dismayado, hindi ko alam kung ano nang susunod kong gagawin. Humarap sa akin si Luke saka ito bahagyang ngumiti. “Makakagawa rin ako ng paraan, magpahinga kana muna. I’ll just call someone para makalipad tayo papuntang Palawan.” Baritonong sambit nito. “Pero masyado na kitang naaabala, alam kong marami karing ginagawa sa Gallego Hotel. Mabuti pa maghihintay nalang ako sa pagbalik ni Mr. Lazaro.” Tugon ko rito. “Danica, gusto kitang tulungan dahil alam kong mahalaga sa’yo ang La Centra, nandoon ako nung mga panahong binubuo mo palang ang kumpanya mo. Hayaan mo na akong tulungan ka, please.” Aniya, lumipas ang ilang minuto bago ako tumango rito at sumangayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD