Reset Series 2: A long lost Love
5 years later.
Danica
Santorini, Greece
“Thank you, Mrs. Salvador. It’s such a pleasure to work with you.” Nakangiti kong sambit habang nakikipagkamay sa bago naming supplier ng wines. Dumako rin ang tingin nito kay Kaila at nakipagkamay.
“No, actually, I’m the one who should be flattered, thank you.” Sambit nito saka nakipagkamay din kay Kaila.
“Welcome to our company Mrs. Salvador.” Tugon naman ni Kaila rito. Hindi na rin nagtagal at umalis narin ito at nagpaalam na.
I survive the five years without Ridge. Time flown by in a haze.
And I’m finally back, bumalik na ang dating Danica. At mas minahal ko lalo ang sarili ko ngayon. Ganun pala no? kapag mas minahal mo ang sarili mo. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko naramdaman ang totoong kaligayahan na gustong-gusto kong maramdaman dati. Did I already move on?
The truth is, I don’t know.
Pero masasabi kong mas masaya ako ngayon, mas kontento. Iyon naman ang mahalaga hindi ba? Ang makontento sa kung anong mayroon ka?
“Let’s go? Finally! Atleast we still have a day to enjoy this place.” Sambit ni Kaila nang kumapit ito sa braso ko. Ngumiti naman ako rito.
“Let’s go back to our hotel and enjoy this whole day!” Tugon ko rito, saka kami umalis ng restaurant.
Kaila and I put up a business, we supply vegetables, fruits and different root crops fresh from our farm na binili namin ni Kaila. Bumili kami ng ten hectares farm sa baguio, mga local farmers ang kinuha naming trabahador para may kabuhayan sila. We build our company from scratch, at first syempre, mahirap. We don’t know how to handle such a huge farm. Mabuti nalang at tinulungan kami nila nanay at tatay. Luke also helps us to gather investors and clients. Hanggang sa lumaki ang kumpanya at nagkaroon ito ng sariling pangalan sa industriya. La Centra change our life, indeed!
Lumaki ng lumaki ang La Centra at nagkaroon pa ng satellite office sa Manila. We’re the top suppliers in many hotels sa Manila at Visayas. Dahil naging maganda ang takbo ng negosyo kaya naging maganda ang buhay namin ni Kaila, at ng pamilya ko. And its all because of our hard work and determination. Minsan may mangyayari talagang hindi maganda sa buhay natin, para ihanda tayo sa mas magandang blessing na ihinanda ng maykapal.
“Okay, baby. Don’t cry na anak, promise paggising mo bukas, nandyan na si Mommy at si Titamommy mo okay? Bye bye baby! I love you, anak!” Narinig kong sambit ni Kaila sa telepono bago nito binaba. Ngumiti naman ako at inabot ang isang baso ng wine dito.
“Is that Nica?” Tanong ko rito. Bumuntong hininga ito bago inabot ang wine glass.
“Oo, naku. Sabi ni Manang umiiyak nanaman, kaya kinausap ko muna.” Aniya, natawa ako sa sinabi nito. Limang taon na ang anak ni Kaila at napakalambing na bata. Nakakatuwa dahil sa tuwing umuuwi kami sa bahay ay sumasalubong iyon sa amin, nakakawala ng pagod kahit papaano. Kaila is such a strong woman, hindi ko akalaing makakaya rin niyang lampasan ang lahat. Wala na kaming naging balita kay Brent, hindi rin naman nagkukwento si Kaila at ayoko namang panghimasukan ang buhay niya. Kung saan siya masaya ay doon ako, hindi madali ang maging isang dalagang ina, kaya palagi kaming nandito para sa kanya.
“Anyways, let’s cheers to our success! Hindi parin ako makapaniwalang nandito na tayo! Yung pinapangarap natin noon? Heto na siya ngayon!” sambit ni Kaila, ngumiti naman ako rito. Tama siya, maski ako ay hindi rin makapaniwala.
“It’s because of our hardwork, thank you Kaila for supporting me. I appreciate you a lot, kayo ni Luke. Siguro hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala kayo.” Tugon ko rito, binaba nito ang hawak na wine glass saka bahagyang humarap sa akin.
“No, ako ang dapat na magpasalamat sayo, kung wala kayo nila tito at tita baka hindi ko kayaning alagaan si Nica magisa.” Aniya, may gumuhit na lungkot sa mga mata nito. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nahihirapan din siya. Malaki na ang pinagbago ni Kaila mula nang dumating si Nica sa buhay niya, wala na ang dating easy-go-lucky na Kaila na nakilala ko. I saw how responsible she is pagdating sa anak niya.
“Anyway, bago pa tayo magkaiyakan dito. May I ask what’s the real score between you and Luke?” Tanong nito habang pinanliliitan pa ako ng mga mata.
“Kaila! Ano pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami ni Luke.” Tugon ko rito, bahagya itong tumawa na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Pwede ba Danica! Napaka-showbiz mo! Obvious naman na gusto ka nung tao.” Aniya, inismiran ko ito saka uminom ng wine bago tumugon.
“Hindi ako nagpapaka-showbiz, at hindi naman ako manhid para hindi maramdaman si Luke. But I want to focus on my career for now, ayoko munang sumugal sa pagibig… sa ngayon.”
“Really? Talaga bang career first muna o baka naman may hinihintay ka lang na bumalik?” Panunuya nito, natigilan ako sa sinabing iyon ni Kaila. Tinamaan ako sa pasaring niya. Tumayo ako saka lumapit sa kusina para kumuha ng ice.
“Wala na akong nararamdaman pa kay Ridge, kung iyan ang ibig mong sabihin.” Sambit ko rito saka tumayo at tinungo ang kusina.
“Mabuti naman kung ganun, at dapat lang dahil balita ko engage na yung dalawa.” Tugon ni Kaila, natigilan ako sa sinabi nito. I felt a pang of pain, yes. I’m still hurting, which means I’m still inlove with him. I tried, alam ng Diyos iyon! I tried my best to forget him, but I can’t. All these years, siya parin. s**t.
Muli akong humarap kay Kaila saka ngumiti, trying to suppress my feelings, “Good for them. Matagal na kaming divorce ni Ridge, and I don’t think there’s something wrong with their engagement.” Sambit ko rito. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi ang mga iyon sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.
“Ugghh! Huwag na nga natin silang pagusapan, let’s just enjoy this night.” Aniya, saka muling kinuha ang baso ang ininom ang laman non’ ngumiti naman ako rito.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Kaila at nagtungo sa airport, ngayon ang flight naming pabalik ng Manila. Mahaba at nakakapagod ang byahe but we’re happy dahil na-close namin ang deal with Mrs. Salvador. Pagdating sa Manila ay sinalubong kami ni Luke.
“Hi, I’m sure you guys are tired.” Baritonong sambit ni Luke nang makalapit sa amin, ngumiti naman ako rito.
“Yes, but it’s all worth it! Na-close namin ang deal with Mrs. Salvador. I still can’t believe it!” Sambit naman ni Kaila sa matinis nitong boses na akala mo ay hindi napagod sa byahe. “But wait, we need to go. Namimiss ko na ang Nica ko, let’s go!” Dugtong nito, muli namang ngumiti si Luke saka kinuha ang mga bagahe namin.
“Thank you.” Sambit ko rito, ngumiti naman ito sa akin saka na kami nagpatuloy sa paglalakad palabas ng airport kung nasaan nakapark ang kotse nito.
A/N.
“Yes, Tita. We’re in the airport now.” Sambit ni Meghan sa kabilang linya habang kausap si Mrs. Leonore. After five years, bumalik sila sa Pilipinas para sa engagement nila ni Ridge. Ngumiti ito kay Ridge na noon ay nakatayo sa tabi niya at blangko ang ekspresyon.
“Bye, tita. I think my driver is here. See you later.” Muling sambit nito sa kabilang linya saka nito binaba ang cellphone at humawak sa braso ni Ridge.
“Let’s go hon.” Matamis na ngiti ang pinakawalan nito, bahagya siyang nginitian ni Ridge saka sila nilapitan ng isang lalaki na nakasuot ng suit and tie. Binati sila nito at nagpakilalang driver ni Meghan. Habang naghihintay na maisakay ng driver ang mga gamit nila ay may namataang isang pamilyar na mukha si Ridge, kahit malaki na ang pinagbago nito ay hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ang babaeng kasasakay lang sa isang itim na SUV. Tinitigan niya pa ito hanggang sa makaalis na ang sasakyan.
“Hon? Are you okay?” Narinig nitong sambit ni Meghan nang mapansin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Ridge. Hindi niya matukoy kung naiirita ba ito.
“Nothing, let’s go. Mom is waiting.” Baritonong sambit nito saka sumakay na ng kotse. Sandaling napatitig si Meghan dito, ngunit kalaunan ay sumakay narin sa backseat katabi ni Ridge.
Mabilis na lumipas ang limang taon, pero para paring nanglilimos ng pagmamahal si Meghan, ramdam at tanggap niya iyon. Naging successful ang surgery ni Ridge ngunit nagkaroon siya ng komplikasyon sa utak kung saan nakalimutan nito ang ilang mahahalagang memorya niya bago ang surgery. He remembered his childhood, his friends, Mrs. Leonore, Catherine and Meghan but he doesn’t remember Danica. All of the memories he has with her are all gone. Hindi makapaniwala si Meghan sa sinabi ng doctor tungkol sa kalagayan ni Ridge. Naisip niyang ito na siguro ang pagkakataon niya, para palitan si Danica sa puso ni Ridge. Pinaalam nito ang mga nangyari, ang lahat ng tungkol kay Danica, kung paano sila kinasal, at kung paano ito nakipag-divorce sa kanya habang nasa coma siya. Galit ang namutawi sa isip ni Ridge sa nalaman. At simula noon ay mas pinili nalang ni Ridge na huwag nang sumailalim pa sa therapy, he doesn’t want to remember his ex-wife who abandoned him while he’s unconscious. It is a great opportunity for Meghan.
“Ma? Anong mayroon? Bakit ang daming pagkain may bisita ba tayo?” Tanong ni Catherine nang madatnan ang ina sa dining area at abala sa pagaayos.
“O, nandito kana pala. Tamang-tama parating na ang kuya mo at si Meghan.” Aniya, bahagyang nangunot ang noo ni Catherine bago muling nagsalita.
“What do you mean? Bumalik na si kuya Ridge?” Kunot noong tanong nito. Ngumiti naman si Mrs. Leonore saka huminto sa ginagawa.
“Oo nga pala, you didn’t know. Yes, he’s on his way home. Mabuti pa, tawagan mo na ang asawa mo and let’s have dinner together.” Masayang sambit ni Mrs. Leonore, bahagyang napaawang ang labi ni Catherine saka ito nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
“He’s busy with the company. You should have told me na uuwi si Kuya Ridge.”
“That’s why I called you to come here. Isa pa baka kapag sinabi ko sayo kaagad baka ibalita mo pa iyan sa ex-wife ng kuya mo. Alam mo naman ang kalagayan ni Ridge, so please Catherine, don’t ever mention that woman’s name in front of your brother, understand?” Sambit ni Mrs. Leonore saka muling nagpatuloy sa ginagawa. Napailing nalang si Catherine saka lumabas ng dining area.
Catherine appointed as Vice Chairman habang wala si Ridge at nagkaroon ng problema ang Hermosa nang umalis si Ridge, muntikan nang malugi ang Hermosa kung hindi lang ito sinalo ng mga Graciallano. Catherine married to Brent Graciallano. Ang nagiisang tagapagmana ng Graciallano Investment Corp. at ngayong nandito na muli si Ridge ay hindi na niya kailangan pang manatili sa kumpanya. Matagal na siyang nagplano na pumunta ng London kapag maayos na ang lahat, kasabay non’ ay ang pakikipaghiwalay nito kay Brent. Paglabas nito sa dining area ay kinuha niya ang cellphone sa bag at tangka sanang tatawagan ang numero ni Danica. Hindi niya alam kung ito parin ba ang gamit na number ni Danica, dahil simula nang umalis si Ridge ay hindi na rin sila nagkita pa o nagkausap man lang. Natigilan nalang siya nang maalala ang huling sinabi ng kapatid nito sa kanya sa hospital. Muli niyang pinasok ang cellphone sa bag saka sana aalis na nang bumungad sa pinto si Brent. He is wearing a brown suit and tie, nakaawang pa nag labi nito nang makita si Catherine.
“Where are you going?” He asked.
“Paalis na, anong ginagawa mo dito?”
“I heard Ridge is coming, bakit aalis ka? Hindi mo ba hihintayin si Ridge?” Tanong nito, hindi sumagot si Catherine at bumuntong hininga lang. “Stay here, I’m sure Ridge’s excited to see you.” Aniya, saka ito lumapit at hinawakan siya sa kamay pabalik sa loob.