Author’s Narrate.
“Meghan!” Sigaw ni Luke habang pinipigilan si Meghan na umalis. Mahigpit niya itong hinawakan sa braso pero pilit itong kumakawala.
“Ano ba kuya! Bitawan mo ako!” Singhal nito, habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng kapatid.
“I told you! Aalis tayo sa ayaw at sa gusto mo!”
“Ayoko! Bakit ba pinipilit mo ako! Hindi ako aalis at hindi ko iiwan si Ridge!” Sigaw nito. Hindi malaman ni Luke ang gagawin kaya marahas niyang binitawan ang kapatid na kinagulat nito, nangingilid ang luha ni Meghan na nilingon ang kapatid na noon ay tuluyan ng naubusan ng pasensya sa kanya.
“Is that really what you want? Sige! Sa oras na lumabas ka sa pintuang iyan, kalilimutan kong kapatid kita at kalimutan mo ng kapatid mo ako!” Matigas at halos naluluha naring sambit nito, mahal niya ang kapatid at hindi niya ito makayanang nakikitang nagpapakabaliw sa taong hindi naman siya gusto. Pero wala siyang magawa para pigilan ito, this is his last straw, he knew Meghan loves him, at iyon ang pinanghahawakan niya ng mga oras na iyon.
“K-kailangan mo bang gawin sa akin ito kuya? How could you! You’ve promise me you’d do everything para maging masaya ako. Pero bakit ikaw pa ang humahadlang sa kaligayahan ko?!” Umiiyak at galit na galit na sambit nito sa kapatid.
“Mali na itong ginagawa mo Meghan! Nakasira ka ng pamilya at ng isang relasyon! Can’t you see? Ridge doesn’t love you! Bakit ba pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa lalaking iyon?! Gumising ka sa katotohanan Meghan!” Aniya, malungkot na ngumisi ang kapatid saka nito pinahid ang luha na umaagos sa pisngi.
“Hindi ako duwag kagaya mo kuya, kung ito lang ang paraan para makuha ko si Ridge, gagawin ko! I love him, and I needed him. Kung hindi mo ako kayang suportahan sa gusto ko, please huwag ka nalang humadlang sa mga plano ko. That’s the least you can do for me.” Huling sambit nito bago tuluyang umalis at sumakay ng kotse. Naiwang tulala si Luke at hindi makapaniwala sa kapatid.
Pumunta si Meghan sa mansyon ng mga Buenacera, ilang minuto itong nanatili sa sasakyan habang umiiyak, nagagalit at nalulungkot siya dahil sa kapatid. She doesn’t have a choice, she wanted to fight for her love and no one can stop her now. Pinunasan nito ang luha niya at nagayos ng sarili bago bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob ng mansyon.
“W-what did you say? What are you talking about, Meghan?” Halos hindi makapaniwalang sambit ni Mrs. Leonore nang malaman nito ang muling pagkikita ni Ridge at Danica.
“Ridge doesn’t want to get engage anymore tita Leonore, what should I do?” Aniya, napahawak naman sa ulo si Mrs. Leonore dahil sa pagkabigla sa binalita nito, ilang saglit pa ay mahigpit itong napahawak sa didib dahil sa paninikip non’. Natatarantang lumapit si Meghan dito para tulungan, sumigaw siya para humingi ng tulong at agad namang pumasok ang mga katulong nito. Nanginginig na sinundan nito ng tingin ang ginang na buhat buhat ng mga tauhan niya para dalhin sa hospital, hindi niya gusto at inaasahan na ganito ang mangyayari.
---
“Ihahatid na kita sa office mo.” Sambit ni Ridge ng makalabas na sila sa restaurant, ngumiti naman si Danica saka umiling dito.
“Hindi na, alam kong may meeting kapa, magtataxi nalang ako.” Aniya. Tumango naman si Ridge rito bago muling nagsalita.
“Babalik ka ba agad sa Baguio?” Tanong nito.
“Magche-check in nalang ako sa hotel malapit sa office, may mga kailangan din kasi akong asikasuhin sa satellite office.” Tugon ng dalaga rito. Sandali silang nagkatitigan, halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata nila, they have so much to say to each other, but they can’t even utter a word. Naputol lamang iyon nang dumating na ang valet na may dala ng kotse ni Ridge.
“Mag-iingat ka sa pagda-drive.” Sambit ni Danica rito.
“Text me when you get to your hotel. Goodbye, Danica.” Baritonong sambit ni Ridge.
“Goodbye, Ridge.” Tugon naman nito.
Pinagmasdan niya itong sumakay sa sasakyan at umalis, may kung anong kirot siyang naramdaman sa pagalis nito. Hindi niya alam sa tuwing magpapaalam sila sa isa’t-isa ay pakiramdam niya iyon na ang huling pagkikita nila. Hinaplos niya ang suot na hikaw saka malungkot na ngumiti. She knew to herself that she’s falling again, and she knows that she can’t do anything now.
Habang papaalis ay muling tiningnan ni Ridge si Danica mula sa side mirror nito, he doesn’t want to leave her, but he need to attend the company meeting. Napatingin siya sa phone nang magring iyon, nakita nito ang pangalan ng ina na si Mrs. Leonore kaya sinagot niya iyon.
“Ma, what is it?” Sagot nito.
“R-Ridge....” Umiiyak at paos na boses ni Meghan ang bumungad dito sa kabilang linya kaya nangunot ang noo niya.
“Meghan?” Pagkukumpirma nito.
“Ridge, si tita Leonore...” Humihikbing sambit nito.
“What happened?!” Tugon ni Ridge na noon ay naguumpisa ng magalala. Agad itong nagmaneho papunta sa hospital kung saan sinugod si Mrs. Leonore. Halos paliparin na nito ang sasakyan makarating lang ng mas mabilis sa hospital. Pagdating niya ay nadatnan niya si Meghan na nakaupo sa bench at umiiyak. Tumingala ito sa kanya at yumakap.
“Anong nangyari? Bakit siya inatake sa puso?” Seryosong tanong nito kay Meghan, humihikbing kumawala sa pagkakayakap si Meghan nang maramdaman ang panlalamig nito.
“I-I don’t know, we were just talking and suddenly bigla nalang sumikip ang dibdib niya.” Tugon ni Meghan, ito ang unang pagkakataon na inatake si Mrs. Leonore ng sakit niya, regular naman siyang natitingnan ng doctor at umiunom ng gamot, kaya palaisipan kay Ridge kung bakit bigla nalang itong inatake. Tinawagan ni Ridge si Catherine nang mailipat na si Mrs. Leonore sa private room nito, pagkababa niya ng phone ay nakarecieve siya ng text mula kay Danica.
*I’m in my hotel now, thank you ulit, Ridge.
-Danica.
*Okay. Rest well, good night.
-Ridge.
Pagkasend niya ng message ay pumasok siya sa ward ni Mrs. Leonore at nadatnan si Meghan na nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama nito. Lumapit sya rito saka naman siya tipid na nginitian ni Meghan.
“You can go now, ako ng bahala dito.” Baritonong sambit nito.
“Okay lang ako, pwede naman akong magbantay kay tita Leonore. Baka may mga aasikasuhin ka pa, ako na munang bahala dito.” Sambit nito, mababaw na kumawala ng hangin si Ridge bago muling nagsalita.
“Meghan. Why are you doing this?” Tanong nito, nagkunwaring walang alam si Meghan sa gustong iparating ni Ridge, mahigpit ang pagkakahawak nito sa kama at muling ngumiti.
“What are you talking about? Nagwo-worry lang ako kay Tita Leonore.” Aniya, blangko ang naging ekspresyon ni Ridge dito.
“If you think I would change my mind, if you do this...”
“Ridge, this is not about us, I really do care about tita, pwede bang kalimutan muna natin ang issues natin? I’m not here dahil nageexpect ako from you, tita Leonore needs us.” Pagpuputol nito kay Ridge, saka nito binaba ang tingin sa natutulog na si Mrs. Leonore. Sandali pa itong tinitigan ni Ridge bago lumabas ng ward, hindi niya maintindihan kung bakit malapit parin ito sa ina niya, pero hindi niya naman maikakaila ang pag-aalala nito. Ilang minutong nakatitig si Meghan sa pintong nilabasan ni Ridge, she looks determine to get him, at alam niyang si Mrs. Leonore lang ang makakatulong sa kanya.