Chapter 15

2280 Words
Danica. “Ate Danica.” Napalingon ako kay Ericka ng tawagin ako nito, kasalukuyan akong nakaupo sa may bakuran namin at tinatanaw ang papalubog na araw. So many things happens this fast few days, kaya hindi na muna ako pumasok sa opisina, pagod na pagod ang katawan at isip ko. “Ericka, dumating kana pala, nasaan si Ryu?” Tanong ko rito, ngumiti ito saka naupo sa tabi ko at inabot sa akin ang isang tasa ng kape. “Nandun sa yaya niya, kakasundo ko lang galing school, bakit pala nandito ka? Hindi ka pumasok sa office?” Aniya, tumango ako rito saka tipid na ngumiti, “How are you and Ridge? N-nagkaayos na ba kayo?” Dugtong nito. “Hindi, he just helping me to have clients again.” Tugon ko rito, tumango ito saka sumimsim ng kape, at nakatingin narin sa papalubog na araw. “Ang ganda talaga ng view dito, maaliwalas ang paligid. Ngayon nalang kita ulit nakitang tumambay dito, simula ng bumalik ka. I hope the view helps you to clear your thoughts.” Sambit nito. “There’s a lot to process and to think about, Ericka. Hindi ko alam sa sobrang dami parang ayoko nalang isipin pa. Nakakapagod.” Tugon ko, nilingon ako nito bago muling nagsalita. “You are tired because you make things so complicated, I know you still love your ex-husband. Kaya nga hindi mo magawang papasukin sa puso mo si Luke hindi ba? Because Ridge is still there.” Aniya, nagbaba ako ng tingin, pakiramdam ko nababasa ni Ericka lahat ng nasa isip ko. Tama siya, hindi nawala at kahit kailan ay hindi mawawala si Ridge sa puso ko. “Hindi na kami pwede, he is engaged. At may sarili na akong buhay, ako ang nangiwan sa kanya, I chose to leave him, iniwan ko siya ng hindi man lang naririnig ang paliwanag niya. Kaya naiintindihan ko kung galit siya sa akin, I’m just here because he is helping me, at gusto niyang bumalik ang ala-ala niya.” Tugon ko, malalim na bumuntong hininga si Ericka saka muling binaling ang tingin sa tanawin. “Pareho ko kayong hindi maintindihan, parehas niyo namang mahal ang isa’t isa pero mas gusto niyong pinahihirapan ang bawat isa.” Naiiling nitong sambit. I am certain with my feelings for him, I still love him, but I’m not sure if he still feels the same way, ang namamagitan nalang sa aming dalawa ni Ridge ay isang kontrata, wala ng iba. I’m already contented to admire and love him from afar. It’s more than enough for me. And that’s what my love for him meant to me. My sunset. My unending goodbyes, but endless love and beauty. Kinabukasan ay maaga akong umalis para pumasok sa office, sinalubong ako ng secretary ko pagpasok ko ng building. “Good morning po Ms. Danica.” Bungad nito sa akin. “Good morning din.” Nakangiti kong sambit. “Um, may bisita nga po pala kayo, nasa loob siya ng opisina niyo.” Aniya at parang natataranta pa, kitang-kita rin ang pamumula ng mga pisngi nito hindi ko lang alam kung napasobra ba siya ng makeup blush, bahagyang nangunot ang noo ko, sa pagkakatanda ko ay wala akong scheduled meeting ngayon at inaasahang client. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang opisina ko at binuksan ang pinto, natigilan ako at napahinto rin ang sekretarya ko saka ito nagtatakang napatingin sa akin. “R-Ridge.” Mahina kong sambit, nakaupo ito sa upuan sa tapat ng table ko at saka siya tumayo nang makita ako at ngumiti. “Si Mr. Buenacera po ang bisita niyo Ms. Danica, excuse me lang po ikukuha ko kayo ng kape.” Aniya, saka umalis na. Tuluyan akong pumasok sa loob, dahil siguro sa pagkabigla kaya halos walang lumabas sa bibig kong kahit na anong salita. “Good morning.” Baritonong sambit nito, he’s wearing a three-piece suit that compliments his mascular body, kaya naman pala halos mataranta ang sekretarya ko kanina at halos mangamatis ang pisngi nito. he looks domineering and aristocratic. Tumikhim ako bago nagsalita. “Mr. Buenacera, what are you doing here?” Tanong ko saka ako lumapit sa table ko at nilapag ang handbag dito. Sinundan ako nito ng tingin at humarap sa akin. “Come with me, Mr. Mitzumoto wants to talk to you.” Aniya, nalaglag ang panga ko sa pagkabigla, alam kong nabanggit na nito sa akin ang tungkol kay Mr. Mitzumoto, pero hindi ko naman ineexpect na ngayon na iyon! Hindi naman sa hindi ako prepared pero, hindi pipitsuging kliyente si Mr. Mitzumoto, he owns a famous and well-established japanese fast food restaurant in the country. And I need to be well- prepared kapag nagkaharap kami. “Why didn’t you tell me ahead of time?” Sambit ko rito. “I already told you about him when we are having a dinner, nakalimutan mo na ba?” Aniya. “I know, but you didn’t tell me na ngayon na iyon. I need to prepare everything before I talk to him. Baka mamaya madismaya ko lang siya, or something might happened at baka magkamali ako! You should have info....” Natataranta kong sambit, lumapit ito sa akin saka ako nito hinawakan sa magkabilang balikat. “Danica, you can do it, nakaya mo ngang makipagusap sa ibang client hindi ba? And they liked you! Sigurado akong mapapapayag mo si Mr. Mitzumoto sa deal, I trust you.” Sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago tumango rito. Agad kaming bumyahe patungong Manila gamit ang kotse nito, dahil biglaan ang meeting ay ngbrowse nalang ako ng presentation from my previous clients habang nasa byahe. Nagbilin narin ako sa sekretarya ko ng mga pinasesend kong mga documents, saka ako nagtext kay Ericka na bababa ako ng Manila. Nakarating kami ng Manila before the scheduled meeting, huminga ako ng malalim saka binaba ang hawak kong files at tumingin sa bintana, pamilyar ang dinaraanan namin kaya napalingon ako kay Ridge na noon ay nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. “R-Ridge... saan ang meeting place?” Tanong ko rito. Sinulyapan ako nito sandali. “Hermosa Group.” Maiksi nitong tugon, para akong namutla sa sinabi nito. “R-Ridge, does it have to be there? Pwede namang sa ibang lugar, sa restaurants or hotel. Bakit sa kumpanya mo pa?” Sambit ko rito, habang nakakunot ang noo at namumutla. “Mr. Mitzumoto suggest to meet in my company, isa pa he wants to see my latest diamond collection. Try to relax, Danica. You’re going there as the CEO of La Centra, be confident, your company relies on you.” Baritono nitong sambit. Hindi na ako muling nagsalita pa, para akong maduduwal at sumama ang pakiramdam ko dahil sa kaba, muli akong huminga ng malalim para mapalakas ang loob ko. Tama si Ridge, I am here as the CEO of La Centra at wala ng iba. Nang makarating kami sa harap ng building ng Hermosa Group ay sinaluduhan si Ridge ng guard pagkalabas nito ng sasakyan, umikot siya para pagbuksan ako na siyang kinailang ko. Nakilala rin kasi ako ng guard at bahagyang nagtaka nang makita ako. Nilapitan si Ridge ng valet para maipark ang kotse nito, bago pa kami makahakbang papasok sa loob ng building ay may lumapit kay Ridge na isang middle-age woman, may dala itong tablet at nakangiting bumati kay Ridge. “Good Morning, Mr. Buenacera.” Aniya. “Has everything been prepared?” Baritonong sambit nito. Tumango naman ang babae. “Yes, Sir! We’re just waiting for Mr. Mitzumoto.” Aniya, saka kami pumasok sa loob. Walang pinagbago ang Hermosa Group, napakaganda parin ng building at lobby nito, I’m still fascinated to the diamond chandelier na nakasabit sa gitna ng lobby. Parang mas lalo pang naging maunlad ang kumpanya nitong mga nagdaang taon. May iilang empleyado kaming nadaanan na hindi maiwasang magusisa at magtaka kung sino ang kasama ni Ridge, muli akong nakaramdam ng pagkailang kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad papuntang lift. Nakahinga nalang ako ng maluwag nang makasakay na kami sa lift, Ridge look at me and smile. It makes me feel relax a little bit. Nang makarating sa conference room ay agad kong inayos ang mga documents na ipapakita ko kay Mr. Mitzumoto at nireview ang ilang importanteng details sa company ko, making sure that he will agreed to our deal. Maya-maya pa ay kumatok ang sekretarya ni Ridge at pumasok. “Mr. Buenacera, nandito na po si Mr. Mitzumoto.” Aniya, bumuga ako ng malalim na hinga saka naman tumayo si Ridge at nilapitan ako. “You can do it, Danica. I trust you.” Sambit nito, tinanguan ko naman ito saka kami parehong ngumiti kay Mr. Mitzumoto at kasama nito na pumasok sa conference. Inalis ko ang kaba at confident kong pinakilala kay Mr. Mitzumoto ang La Centra, nakita kong interesado siya dahil sa sariling farm namin kinukuha ang mga gulay at prutas namin, lalo na ng malaman nitong organic ang mga ito at hindi kami gumagamit ng kahit na anong fertilizer maliban sa mga natural na dumi ng mga hayop. Ilang beses din akong napapatingin kay Ridge dahil panay ang ngiti at tango nito habang nagsasalita ako, nagbibigay din siya ng suggestions at feedback kay Mr. Mitzumoto kaya lalong nawala ang kaba ko dahil pakiramdam ko ay magiging successful ang deal namin dito. Halos dalawang oras din ang lumipas bago natapos ang meeting. “Thank you, Mr. Buenacera, Ms. Jensen, I’m looking forward to sign the contract with La Centra.” Sambit ni Mr. Mitzumoto saka ito tumayo, tumayo narin kami at nakipagkamay dito. “It’s such a pleasure to work with you, Mr. Mitzumoto. Thank you, for lending your time with us.” Nakangiti kong sambit saka ako nakipagkamay dito. “Thank you, let’s come to my office, I want you to see my latest diamond collection, I’m sure Mrs. Mitzumoto would love it.” Sambit ni Ridge, sumangayon naman si Mr. Mitzumoto at dinaluhan sila ng sekretarya ni Ridge papunta sa office nito. Naiwan kaming dalawa sa conference room, sa sobrang saya ay parang gusto kong magtatalon at sumigaw, finally La Centra will be back to its place. “Thank you, Ridge.” Masaya kong sambit dito. Ngumiti naman ito sa akin. “Sabi ko naman sa’yo, you can do it. I’m so proud of you.” Aniya, parang may kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ko ang huli nitong sinabi. Sandali kaming nagkatitigan bago muling bumalik ang sekretarya nito, kaya napatikhim ako at agad na nagbawi ng tingin. “Wait me here, saglit lang to.” Aniya, saka mabilis na lumabas ng conference room. Naiwan akong magisa at hindi na nakasagot pa. Muli akong napangiti at excited na kinuha ang phone ko para tawagan si Kaila. Madalas kaming magkausap nito sa chat para magkamustaha, pero nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya sumagot sa mga chat ko, naging abala rin ako kaya hindi ko na siya muli pang nakausap. Pagka-dial ko ng numero niya ay operator ang sumagot, which means nakapatay ang phone nito. Bahagyang nangunot ang noo ko, pero dahil sa sobrang excitement ay inisip ko nalang na baka lowbat ito, kaya ang sekretarya ko nalang ang tinawagan ko para maprepare na rin niya ang kontrata. Halos tatlumpung-minuto akong naghintay sa conference room bago muling may nagbukas ng pinto at iniluwa non si Ridge. Ngumiti lang ako rito saka ito lumapit sa akin. “Let’s eat, I know you’re starving.” Aniya. Tumango naman ako rito bilang pagsang-ayon, nakalimutan ko ng kumain, at ngayong naalala ko na ay saka ko lang naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Pumunta kami sa malapit na restaurant at doon kumain. “Thank you.” Sambit ni Ridge sa waiter nang matapos kaming umorder, binaling nito ang tingin sa akin bago muling nagsalita, “You really did a great job, Danica. Mr. Mitzumoto can’t stop praising you.” Aniya. Lalong lumawak ang ngiti ko rito. “Talaga? Mabuti naman kung ganun, akala ko hindi niya magugustuhan ang kayang ioffer ng La Centra.” Sambit ko. “I have something to give you.” Muling sambit nito, saka siya may kinuha sa bulsa ng coat niya na itim at maliit na box. I frowned out of curiosity, and my mouth left hanging when he open the box, it’s a red diamond earrings, made with whitegold. It was the shinest diamonds that I ever seen, I have a few pero iba ang red diamonds, they are rare and mostly found in Africa. Simula ng maging magasawa kami ni Ridge ay nahilig narin ako sa mga alahas, I even tried to make my own designs pero hindi ko iyon pinakita kay Ridge. Sayang nga lang at naiwan ko ang lahat ng sketchbooks ko sa mansyon nung umalis ako. “R-Ridge, I-I can’t have this.” Sambit ko habang papalit-palit ang tingin ko rito at sa diamond na nasa harap ko. “Please accept it, this is my gift to you, because of a job well done. Consider it as a bonus sa contract natin.” Aniya. Tumayo ito para isuot sa tenga ko ang diamonds, mabuti nalang at hindi ako nagabalang magsuot ng hikaw ngayon. “This is a 0.90 carat princess shape red diamonds, one of my newest collection.” Aniya, habang sinusuot sa akin ng hikaw, halos mapatid naman ang hininga ko ng bahagya pa itong yumuko at halos maramdaman ko na ang hininga nito sa tenga ko. My heart is racing abruptly. Gusto ko man siyang pigilan sa ginagawa pero malaking bahagi sa sarili ko ang umaayaw, my sunset is putting a light on me, an expensive light. Indeed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD