Chapter 10
Danica.
Hindi ako makatulog at mapalagay ng gabing iyon, nagimpake na ako at nagdesisyong umalis na sa Gallego Hotel at umuwi na sa Baguio. Magdidisoras na ng gabi at hindi ako sigurado kung may masasakyan pa ako ng ganitong oras pero gusto ko nalang umuwi. Ayoko na sa lugar na ito, gusto ko nang umalis. Hindi na dapat ako nagpunta pa dito kahit alam ko naman na posible kaming magkita ni Ridge.
Hindi na ako nagpaalam pa kay Luke, sigurado akong pipigilan lang ako nito. Bukas nalang ako magpapaliwanag sa kanya. Bumaba na ako sa lobby nang maayos ko na ang mga gamit ko, nagpalit nalang ako ng oversized jacket at pantalon. Habang naghihintay ng taxi ay may dumating na isang itim na Maybach, huminto ito sa harap ko pero hindi ko ito pinansin dahil baka bagong dating na guest lang ito ng hotel kaya nagpalingat-lingat ako nagbabakasakaling dumating na ang taxi ko. Pero ganun nalang ang pangungunot ng noo ko nang hindi parin umalis ang itim na kotse sa harap ko. Hanggang sa magbukas ang pinto ng driver’s seat nito at lumabas mula roon si Ridge. Madilim ang mukha nito habang matatalim ang mga titig sa akin. Naging mabilis ang kilos nito at agad na nakalapit sa akin at hinawakan ako sa braso ko.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat nang hindi binibitawan ang braso ko, I didn’t even have the chance to even react!
“Ano bang ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?!” Singhal ko rito, wala na akong pakealam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa labas. I don’t understand him, what I know is, my hatred towards him. He didn’t answer me and bang the door! Mabilis itong umikot para muling sumakay sa driver’s seat, bago ko pa man muling mabuksan ang pinto ng sasakyan nito ay nakapasok na ito sa loob, mahigpit na hawak muli ang braso ko at matatalim ang mga tingin na iginagawad sa akin.
“Ano bang problema mo?! Palabasin mo ako dito!” Muli kong sambit dito.
“Will you please stop shouting? Gusto lang kitang ihatid.” Malamig at malalim nitong tugon, hindi ako makapaniwalang tiningnan siya at nangunot ang noo.
“Who says you can do that?! Palabasin mo ako dito!” Muli kong sambit, pero imbis na buksan nito ang lock ng pinto ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko at tinipa ang numero ni Luke, pero mabilis iyong kinuha ni Ridge at ibinato sa labas ng bintana nito. Galit na galit ko itong tiningnan, habang siya ay nakatuon lang ang mga tingin sa kalsada.
“Ridge! Yung phone ko!” Singhal ko rito habang namimilog ang mga mata ko. Nababaliw na ba siya? Siraulo!
“Itigil mo itong sasakyan! Bababa ako!” Muli kong Singhal pero parang wala itong narinig. Wala akong pakialam kung nasa gitna man kami ng highway, gusto ko nalang na makalabas dito dahil anytime ay sasabog na ako. I was desperate, kaya pilit kong inaagaw sa kanya ang manubela.
“Danica! Stop it! Ano ba?!” Sigaw nito, I didn’t stop, wala na akong ibang maisip pa na paraan. He stops the car in the middle of the road. Muntikan pa akong masubsob dahil sa sobrang lakas ng pagkakapreno nito, mabuti na lamang ay madaling araw na at wala ng masyadong dumadaang mga sasakyan.
“Magpapakamatay kaba?! Hindi mo ba alam na pwede tayong maaksidente sa ginawa mo?!” Galit na sambit nito sa akin, nangingilid ang mga luha ko ng mga oras na iyon. I pressed the unlock button to his side to open the door, agad kong binuksan ang pinto at lumabas kasabay ng pagpahid ko ng luhang tumakas sa mga mata ko.
“Danica!” Narinig kong sigaw nito, lumabas siya ng sasakyan para habulin ako at hinawakan ako nito sa braso, galit ang emosyong gumuguhit sa mukha nito, pero bigla iyong nagbago nang humarap ako. I was crying, hard. I don’t know, maybe I was so tired of everything. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin, ano pa ba? kumawala ako mula sa pagkakahawak nito sa braso ko.
“Ano bang kailangan mo?! Ano pa bang gusto mo!” Sigaw ko rito nang humarap ako. I don’t know why I am crying, hindi ko na napigilan ang umiyak.
“Let’s get back in the car. Magusap tayo.” Aniya, umiling ako at mapait na napangiti. Sobrang sakit ng dibdib ko, nahihirapan na ako at anumang oras ay sasabog na ako.
“Ano pa bang kailangan mo sa akin? Matagal na tayong divorced hindi ba? Ikakasal na kayo ni Meghan, ano pa bang kailangan mo sa akin bakit ginugulo mo parin ako?!”
“Danica, please.”
“Gusto mong malaman kung anong rason kung bakit ako pumirma sa divorce papers mo? because that’s what you want!” Singhal ko rito, muling gumuhit ang sakit sa aking dibdib at panibagong luha ang kumawala sa aking mga mata. “Alam ko naman na darating ang araw na gigising ka nalang at marerealize mong hindi mo na ako mahal, pero bakit? Bakit mo ako nagawang lokohin?” Halos wala na akong boses dahil sa pagiyak ko, at dahil narin sa sakit ng mga salitang binibitawan ko. Bahagyang umawang ang labi nito at isang beses na humakbang palapit sa akin. Kunot ang noo na para bang naguguluhan.
“Anong sinasabi mo? Paano kitang niloko? I was in a coma when you left.” Sambit nito. Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya ito ngayon sa akin.
“Tangina ano ‘to Ridge! Magmamaang maangan ka nanaman?! Ano? Kunwari hindi mo naaalala ang panlolokong ginawa mo sa akin noon? You’re having an affair with Meghan! And you’re with her when the accident happened!” Galit kong sambit. Ayoko na sanang ungkatin pa ang nakaraan pero hindi na ako nakatiis, nagagalit ako sa klase ng reaksyong pinapakita niya sa akin ngayon. Ang bilis naman niyang nakalimot samantalang ako? Eto, durog na durog parin kapag naaalala ko ang mga nangyari.
“I don’t understand. Danica, I-I can’t remember… you.” Aniya, naestatwa ako sa sinabi niyang iyon, I tried my best to process what he said. “I lost all my memories about you.” Dugtong nito.
Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon, nanatili akong nakatayo at nakatitig kay Ridge. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Ayoko sanang maniwala, pero kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata nito, na kahit basang-basa ng ulan ang maganda nitong mukha ay alam kong umiiyak ito.
“Paanong…” Tangi kong nasambit, kasabay ng luhang muling tumakas sa aking mga mata. Alam kong hindi na dapat ako nasasaktan para dito, pero hindi ko mapigilan lalo na nang bumalik sa alaala ko kung paano ko siya sinumpa at kinamuhian noon at ngayon. Pagkatapos ay ganito ang malalaman ko? Sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Lumapit ito sa akin saka ako nito hinawakan sa kamay.
“Let’s talk somewhere else, Danica… Please.” Aniya.
Pinasadahan ko ng tingin ang malaking bahay na hinintuan namin, it’s been so long since the first time I came here. I wonder kung dito na ba siya ngayon tumutuloy at hindi na sa mansion. Muli kong naalala ang tagpo kung saan niya ako unang inalok ng kasal, napakabilis ng mga pangyayari, sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat samantalang wala man lang maalala si Ridge sa lahat ng nangyari tungkol sa amin. Napatitig ako sa likuran nito, hindi ko alam kung naaawa ba ako kay Ridge o sa sarili ko.
“Goodevening, Sir Ridge.” Bati ng isang matandang babae na nakauniporme ng puti, bahagyang umawang ang labi nito nang makita niya kaming basang-basa. Sandali pa itong napatitig sa akin, pero agad din binawi at tumingin sa amo niya.
“Please prepare bath and clothes for Danica.” Seryoso at baritonong sambit nito sa babae. Ngumiti naman ito saka tumango. Humarap sa akin si Ridge, pinasadahan muna ako nito ng tingin bago muling nagsalita. “Take a bath first, pumunta ka sa office ko pagkatapos.” Aniya, saka ako nito tinalikuran at umakyat sa hagdan. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw, nilapitan naman ako ng matandang babae.
“Ms. Danica, halika na po sa kwarto niyo para makaligo na kayo.” Sambit nito sa akin habang nakangiti. Agad akong nakaramdam ng pagkailang dito pero binalewala ko nalang iyon nang pasadahan ko ng tingin ang sarili ko. Sinundan ko nalang siya at huminto kami sa isang pinto, pagbukas ay agad na bumungad sa akin ang malamig na temperature ng kwarto. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa malamig na hanging dumampi sa balat ko. Dumeretso siya sa banyo, habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa may pinto habang pinapasadahan ng tingin ang buong silid.
Fully furnished and buong silid, brown at cream ang makikitang kulay ng kwarto, minimalist ang mga gamit at may isang malaking kama sa gitna, sa tapat nito ay isang set ng couch. Sinundan ko sa banyo ang ginang at sakto namang lumabas ito mula roon.
“Ms. Danica, nakahanda na po ang pampaligo ninyo. Mamili nalang po kayo sa walk-in closet nyo ng pamalit.” Nakangiti nitong sambit.
“Thank you.” Tugon ko rito saka ko ito nginitian. Kompleto ang mga gamit sa banyo at lahat ng naroon ay puro mga pambabae, binuksan ko ang isa pang pinto na konektado sa banyo, isa iyong walk-in closet. Kompleto rin ang nasa loob, mula sa mga sapatos, sandals, at mga damit na pambabae. Kay Meghan ba ang lahat ng ito? I wonder what’s her reaction kapag nalaman niyang ginamit ko ang mga gamit niya rito.
I shake my head and chose a dress eventually; I don’t have a choice. Ayoko namang humarap kay Ridge ng nakaroba pa. Kinuha ko na lang ang itim na dress na una kong nahawakan saka lumabas na, wala na sa loob ng silid yung ginang kaya lumabas na ako ng kwarto.
“Ms. Danica, tapos na po ba kayo? Naghihintay na po si Sir Ridge sa office niya.” Aniya, na noon ay naghihintay pala sa labas ng kwarto ko. Tinanguan ko ito saka ito naglakad sa pasilyo at huminto sa dulong pinto. Tahimik akong nakasunod dito. Hindi ko alam kung bakit, pero halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ang dami kong tanong at ang daming gumugulo sa isip ko. All this time, literal na estranghero ang tingin sa akin ni Ridge, na ang akala ko ay sinasadya niya lang dahil gusto niya akong gantihan. Pero nagkamali ako. Kumatok muna ang ginang sa pinto bago iyon buksan. Minuwestra nito ang kamay saka ako nito pinapasok sa loob, nilingon ko pa ito bago niya sinira ang pinto.
“Have a seat, Danica.” Baritonong sambit ni Ridge, nakasuot na ito ng puting t-shirt at trouser na itim. Lumapit siya sa pangisahang upuan saka ito naupo roon. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago ako naglakad patungo sa couch at naupo na. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, ang daming gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung ano ang una kong gustong malaman. Ang tungkol sa amnesia niya o sa relasyon nilang dalawa ni Meghan?
“Aren’t you going to ask me?” Baritonong sambit nitong muli, his voice gives shivers on me. I don’t know, baka siguro dahil ilang taon ko ng hindi naririnig ang boses niyang iyon. Tumikhim ako saka umayos ng pagkakaupo bago nagsalita.
“May amnesia ka? Kailan pa?” Tanong ko. He stared at me for a moment, inabot nito ang isang folder habang deretsong nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak nya at kinuha iyon, I was literally shaking, dahil sa lamig at kabang nararamdaman ko.
“I have a mild amnesia after my surgery in U.S, I can remember everything, except you.” Sambit nito, napaangat ako ng tingin nang marinig ang huling sinabi nito. I’m still in shocked, ang dami kong gustong sabihin pero wala ni isang lumalabas sa labi ko.
“W-why are you telling me this?” Tanong ko, tinungkod nito ang dalawang siko sa mga binti at pinagsalikop ang mga palad. He heaved out a deep sigh before he speaks. Na para bang napakahirap ng mga susunod nitong sasabihin.
“I want you to help me gain my memory, kapalit ng pagtulong ko sa kumpanya mo.” He casually said. Mas lalo akong nabigla sa narinig ko, what? He wants me to help him bring back his memories? Of me? nangunot ang noo ko dahil sa pagkalito. Hindi ba dapat ay mas matuwa siya dahil burado na ako sa memorya niya? Besides, he doesn’t love me at the first place! He even cheated on me, and he didn’t respect our marriage!
“At bakit ko naman gagawin iyon? dapat nga e matuwa ka pa dahil hindi mo naaalala lahat ng mga nangyari sa atin, we’re strangers anyway, I don’t see any reasons para bumalik pa ang memorya mo.” Madiin kong sambit dito. Nagigting ang panga nito sa sinabi ko, hindi ko alam kung alin don ang hindi niya nagustuhan. Pero totoo naman hindi ba? we are no longer connected to each other since the day I signed the divorce papers. Sa inis ay binitawan ko ang hawak na folder at tumayo na para umalis.