Chapter 9

1476 Words
Chapter 9 I am paralyzed, muli kong naalala ang mga nakaraan namin ni Ridge. Bumalik ang lahat sa akin, kung paano kami nagumpisa, kung paano niya pinaramdam sa akin noon kung gaano niya ako kamahal. Ang mga halik niya, ang mga halik na hindi ko na inaasahang mararamdaman pa. s**t! He’s kissing me inside the restroom at nasa labas lang si Luke! Para akong nagkaroon ng lakas at naitulak ko si Ridge, habol hininga akong napatakip ng palad sa labi ko. Habang siya ay nakaawang ang labi at namumula dahil sa lipstick ko. “Baliw ka na ba?! bakit mo ginawa iyon?!” Singhal ko rito. He remains silent, I looked at him sharply. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili na magpadala rito kahit na ilang Segundo lang naman ang tinagal ng mga halik na iyon. Hindi parin pwede, hindi tama! He rubs his thumb in his lips before he speaks. “Bakit masama ba? you’re my ex-wife. I’m sure we already did more than that.” Aniya, saka ako nito nginisian. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sinundan niya ako dito. At nasaan si Luke? Nakita niya kaya si Ridge na pumasok dito sa restroom? Nangingilid ang luha ko dahil sa pagkainis at pagaalala. Ayokong magisip ng masama tungkol sa akin si Luke, mas nagaalala ako sa mararamdaman nito kaysa sa mga sinasabi ng taong nasa harap ko. “I’m sorry, Mr. Buenacera, pero wala akong oras para makipaglaro sayo.” Mariin kong sambit dito saka naglakad papunta sa pinto, pero bago pa man ako makarating ay hinablot nito ang braso ko, dahilan para mapaharap ako rito. “Bakit? Dahil ba sa lalaking iyon? siya ba ang dahilan kaya ka nakipag-divorce sa akin kahit na nakaratay ako sa hospital? Ganun ka ba kaatat na atat na sumama sa kanya, ha?!” Sambit nito habang mahigpit na hawak ang braso ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito, hindi ko alam kung saan galing ang lakas ko marahil sa galit na matagal ko ng kinikimkim. Nagigting ang panga nito at agad na namula ang parte ng pisngi na nasampal ko. Binitawan niya ako sa pagkakataong iyon at matatalim na tiningnan. Nangingilid na ang luha ko dahil sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman ko. “Wala kang karapatang paratangan ako ng ganyan! Ang kapal ng mukha mong paratangan ako sa bagay na ikaw naman ang gumawa!” Singhal ko rito, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata nito, bumakas dito ang kalituhan. “What do you mean?” Baritono nitong tanong, nangunot ang noo ko at umawang ang labi, hindi ako makapaniwala. Ano iyon? basta niya nalang kinalimutan ang ginawa niyang panloloko sa akin noon? At siya pa ang may ganang magalit sa akin ngayon. “And now you are acting like you’re the victim here? Ibang klase, hindi ako makapaniwala.” Natatawa at naiiyak kong sambit dito. I am so angry to the point that I don’t know how to let this pass. He remains unchanged, staring at me clueless. He’s not even look sorry for what he did to me in the past. At iyon ang lalong nagpapasiklab ng galit ko. Hindi ko siya maintindihan at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa kabila ng galit ko ay umaasa parin ako na may katititing parin itong nararamdaman para sa akin. Na sana narealize niyang ako parin ang mahal niya, ako parin at ako lang. But those faint hope vanish in an instant when I looked at his eyes. He doesn’t look at me like he used to. My tears started to roll over my cheeks, it’s not the same way, and I know it will never be. “What do you mean? Tell me!” Singhal nito, galit niya akong tiningnan. Pinunasan ko ang luha ko saka taas noong tumingin dito. “Ayoko ng gulo kaya palalampasin ko ang ginawa mong ito, Mr. Buenacera. And I hope not to see you again.” Tugon ko rito saka naglakad na patungo sa pinto. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay mahigpit ako nitong hinawakan sa braso sa sobrang higpit ay halos mapangiwi ako. “Why did you divorce me?! tell me your f*****g reason Danica!” Mariing sambit nito kasabay ng lalong paghigpit ng pagkakahawak nito sa braso ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, ang lakas ng loob nitong magtanong kung bakit ko siya hiniwalayan. Galit ko siyang tiningnan at nagpumilit na kumawala sa pagkakahawak nito. “I don’t know why you are so eager to know my reasons kahit na alam mo naman sa sarili mo kung bakit. Ikakasal kana kay Meghan, and I am happy for you, alam kong iyon naman talaga ang gusto mo hindi ba? kaya mo nga ako nagawang saktan. Okay na ako e, maayos na ang buhay ko nung nawala ka, kaya please lang! huwag mo na akong guguluhin at ayoko nang makita ka pang muli.” Sambit ko rito, saka ito tinalikuran at lumabas ng restroom. Kasabay ng pagsara ko sa pinto ay pagpatak ng luha ko. Mabilis akong naglakad habang pinupunasan ng palad ang luha ko bago bumalik sa party hall para hanapin si Luke. Nakita ko itong may kausap na isang Japanese national, hindi ako kaagad lumapit dito at inayos ang sarili. Nang lingunin ako nito ay agad siyang nagpaalam sa kausap at lumapit sa akin. “Luke.” Mahina kong sambit. “Are you okay?” Bahagyang nangunot ang noo nito, I smile faintly. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari and I want to get out of here. “I’m sorry, pero kailangan ko ng umalis, medyo sumama kasi yung pakiramdam ko.” Tugon ko rito, lalong nangunot ang noo nito at nagaalalang tiningnan ako. “Bakit? May masakit ba sayo? Ihahatid kita sa suite mo.” Aniya, agad akong umiling para pigilan ito. “Hindi na, kailangan ka ng mga bisita mo rito, hindi pa tapos yung party. M-magpapahinga nalang muna ako.” Sambit ko rito, ilang Segundo pa ako nitong tinitigan bago muling nagsalita. “Sige, tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Okay?” Baritono nitong sambit saka ako nginitian. Paalis na sana ako nang biglang humarang sa harap ko si Meghan. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita, walang emosyon ko siyang tiningnan, wala akong panahon para makipagaway pa sa kanya matapos ang nangyari sa restroom kanina. “Saan ka pupunta Danica? Are you leaving already? Sayang naman, may special announcement pa naman sana kami ni Ridge.” Sambit nito, bahagyang lumapit sa akin si Luke. “Meghan.” He warned her. “Kuya, I think Danica should know that Ridge and I will get married soon. Besides, I’m sure matagal na siyang nakamove on kay Ridge, tama ba ako Danica?” Aniya, saka nito binaling ang tingin sa akin at ngumisi. Gusto ko nalang na umalis dito, pero ayoko namang isipin ng babaeng ito na bitter ako, ngumiti ako rito bago ito tiningnan. “I’m wishing you all the best, congratulations.” Nakangiti kong sambit, satisfaction appears in her face. Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Ridge sa amin, tumabi siya kay Meghan saka siya nito hinawakan sa baywang. I stare at his hand momentarily. I don’t know what to feel, matapos niya akong halikan sa banyo ay ito ang ipapakita niya sa akin. “What’s going on here?” Baritonong sambit nito, malumanay na ngumiti si Meghan kay Ridge at humarap dito. “Danica wants to congratulate us.” Nakangiti nitong tugon. Lumapit sa akin ng bahagya si Luke, I glanced at him. “Congratulations on your engagement. Please excuse us.” Baritonong sambit ni Luke, saka ako nito hinawakan sa kamay at naglakad na palabas ng party hall. Hindi ko na nagawa pang lingunin ang dalawa pero nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Ridge bago kami umalis. Huminto kami sa lift saka ko hinarap si Luke. “Go back inside, kaya ko na. Kailangan ka ng mga bisita mo sa loob.” Mahina kong sambit dito. Sandali pa ako nitong tinitigan bago ito tumango. “Call me if you need anything.” Aniya. Tinanguan ko lang ito saka pumasok na sa loob ng lift nang magbukas iyon. Napasandal ako sa pader dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko, gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari at sa ginawa ni Ridge. Hindi ko siya maintindihan, marahil ay galit siya dahil sa pagiwan ko sa kanya habang comatose siya sa hospital. Pero hindi ba’t iyon naman ang gusto niya? Hindi naman ako tanga. Pagkatapos kong malaman ang relasyon nila ni Meghan at ang divorce papers na matagal niya na palang hinanda, anong gusto niyang gawin ko? Matuwa? Napahilot ako sa sentido nang magbukas ang lift at marating ko ang floor ng suite ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD