Chapter 8
Danica.
Halos magdamag akong hindi nakatulog dahil sa pagaalala kay Kaila, hindi parin kasi ito umuuwi simula kahapon. Lumapit ako sa bintana ko ang hinawi ang kurtina, papasikat palang ang araw. Naisipan kong muling tawagan si Kaila, pero napahinto ako nang may pumaradang puting Mercedes sa labas. Agad na nangunot ang noo ko at napaawang ang labi ng makita kung sino ang lumabas mula sa passenger side ng sasakyan. Si Kaila. Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba para salubungin ito. Napasok na siya sa gate nang madatnan ko at papaalis narin ang Mercedes na naghatid sa kanya. Gulat pa ako nitong sinalubong ng tingin.
“Danica…” Mahina nitong sambit.
“What happened to you?! Ilang beses kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang phone.” Bungad ko rito, malungkot ako nitong tiningnan, guilt is visible in her beautiful face.
“I’m sorry, m-may kinailangan lang akong gawin.” Aniya, malalim akong bumuntong hininga at kumalma nang makita ang ekspresyon ng mukha nito.
“Si Brent ba iyon? yung nagpunta dito kahapon at naghatid sayo?” I asked. She looked at me and nodded.
“Alam na ba niya ang tungkol kay Nica?” Nagaalala kong tanong dito. Umiling ito saka yumuko.
“Hindi, at ayokong malaman niya. H-he’s married, at ayokong idamay ang anak ko sa gulo. Hindi niya pwedeng makita si Nica.” Tugon nito, lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko, look desperate and wary.
“Please, Danica. Tulungan mo ako, alam niya na kung nasaan ako, at hindi malayong malaman din niya ang tungkol kay Nica. Please, help me.” Halos paiyak na nitong sambit, I bit my lip. Ramdam ko ang takot ni Kaila, hindi ko rin naman gugustuhing kunin ni Brent si Nica sa amin.
“Tutulungan kita. I have a property in Cebu. Doon muna kayo ni Nica, I’m sure hindi na kayo mahahanap ni Brent doon. Ako na’ng bahala sa kumpanya.” Sambit ko rito, niyakap ako ni Kaila habang umiiyak. Hindi ko na inalam pa ang dahilan ng pagpunta ni Brent dito at hindi niya paguwe, kailangan ng kaibigan ko ng tulong ko at mas importante sa akin ang safety nilang mag-ina. On that day, umalis si Kaila kasama si Nica, ayaw ko man ay wala akong magagawa. Hindi narin tumutol sila Nanay at Tatay sa naging desisyon ni Kaila nang pinaliwanag ko ang dahilan nito sa paglayo.
I was in my office nang tumawag sa akin si Ericka na naroon daw si Brent at hinahanap si Kaila, pero umalis din daw dahil wala naman doon ang hinahanap niya. Galit parin ako kay Brent dahil sa ginawa niya kay Kaila noon, but I felt sorry for him at the same time. Pinagkakait namin ang Karapatan niyang maging ama pero naiintindihan ko naman si Kaila kung bakit niya ito ginagawa. Kung ako man sa kalagayan ni Kaila ay mas gugustuhin ko nalang na buhaying mag-isa ang anak ko kaysa lumaki itong bastarda at hindi tanggap ng sarili niyang pamilya. Malalim akong bumuntong hininga saka sumandal sa swivel chair ko. Napalingon ako sa pinto nang may mahihinang katok akong narinig mula roon. Bahagyang umawang ang labi ko nang makita si Luke, he smiled at me genuinely.
“Are you okay? Kaila called me.” Baritonong sambit nito, tumayo ako saka lumapit dito.
“Okay lang naman ako, hindi kana dapat nagpunta pa dito. Naabala ka pa.” Tugon ko.
“I was supposed to fetch you anyway, today is the anniversary party of Gallego, remember?” Aniya, namilog ang mga mata ko sa narinig. Sa dami ng mga iniisip ko ay nakalimutan ko na ngayon nga palang araw iyon.
“I’m sorry, I forgot. Sa dami kong iniisip hindi ko na naalala.” Sambit ko. Mahinang natawa si Luke nang makita ang pagkataranta ko.
“It’s okay, I already prepared everything, ikaw nalang ang kulang. So… let’s go?” Nakangiti nitong sambit saka inilahad ang kamay sa akin. Sandali akong natigilan, pero agad din akong ngumiti saka kinuha ang kamay nito. Dumaan muna kami sa bahay para personal na magpaalam kanila Nanay at Tatay, sinabi ko naman kay Luke na hindi na kailangan dahil pwede ko naman silang tawagan nalang, but he insisted. Gusto din daw kasi niyang personal na magpaalam sa mga magulang ko. I am happy and nervous at the same time, it’s been a while since I felt this way, being so special to someone. Kaunti nalang ay baka isipin ko ng baka hindi lang din kaibigan ang nararamdaman ko kay Luke. Siya kasi ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng karamihan. Baka natatakot lang ako na hindi ko maabot yung expectations niya at masaktan ko lang siya kaya paulit-ulit ko siyang nirereject. Siguro kaunting panahon pa, kapag naayos na ang lahat at nandyan parin siya para sa akin, maybe that’s the time. That’s the sign that I should give a shot again in love?
Kagaya ng sinabi ni Luke ay nakahanda na ang lahat, iniwan niya na ako sa isang suite ng Gallego kung saan naroon ang iba’t-ibang klase ng mga dresses, shoes at jewelries. Sinalubong ako ng dalawang babae na nakauniform, sila ang magaayos sa akin. Hindi na ako tumutol pa at hinayaan ko na sila na ayusan ako. Pinapili lang ako ng mga ito ng dress na gusto kong suotin, halos sumakit pa ang ulo ko dahil hindi ako makapili. Luke really knows what I want, lahat ng mga gusto kong dresses ay narito, I just settled in a silver bodycon sequin dress backless and the rest is up to the stylist.
The party starts at seven, muli kong pinasadahan sa salamin ang sarili saka napangiti. Tama nga ang desisyon ni Luke, dahil magagaling ang mga nagayos sa akin at very professional. Sigurado akong malaki ang binayad nito sa mga iyon. Napatingin ako sa couch nang tumunog ang caller tone ng phone ko.
“Are you done?” Barintonong sambit ni Luke sa kabilang linya.
“Oo, nasaan kana?” Sambit ko rito.
“Nandito na sa party hall, susunduin kita diyan.”
“Hindi na, ako nalang ang pupunta diyan.” Sambit ko rito.
“Okay, hihintayin kita dito sa labas ng party hall.” Baritonong sambit nito, saka binaba na ang phone, kinuha ko ang itim na hand bag at pinasok sa loob ang phone ko bago muling dumaan sa may salamin at tiningnan ang sarili bago lumabas ng suite. Sumakay na ako sa lift at pinindot ang ground floor button dahil ako lang naman magisa sa loob ng lift, hanggang sa huminto ito sa 20th floor, humigpit ang hawak ko sa handbag na dala nang makita si Meghan sa harap ko, wearing a red long gown, she looks like a model dahil narin sa tangkad at magandang hugis ng katawan nito. Ngumisi siya bago pumasok sa lift, agad din naman iyong nagsara. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, bakit nga ba hindi ko naisip na posibleng nandito rin ang babaeng ito dahil kapatid siya ni Luke.
“Kumusta ka? Ang tagal nating hindi nagkita.” Narinig kong sambit ni Meghan, nilingon ko ito at sinalubong ang mga tingin nito. I didn’t smile or gave her an expression.
“I’m good.” Malamig kong tugon. Ngumisi itong muli saka humarap na sa pinto ng lift.
“I’m sure you are, my brother chooses you over me. But it’s okay, as long as hindi mo sasaktan ang kapatid ko wala tayong magiging problema.” Sambit nito saka ako nito tiningnan, umawang ang labi ko sa sinabi nito. Pero bago pa man ako makapagsalita ay tumunog na ang lift at nagbukas dahil nasa ground floor na kami. Nauna siyang lumabas at muli pa ako nitong nginisian bago tuluyang naglakad palayo. I felt angry, but I choose to be calm, iniisip ko nalang si Luke. Ayokong masira ang gabing ito dahil lang sa mga sinabi ni Meghan.
Dumeretso na ako sa party hall at natanaw ko si Luke na nasa may entrance, binabati nito ang mga pumapasok na guest. Huminga ako ng malalim bago muling naglakad papalapit dito. He smiled, looking manly and sophisticated with his gray three-piece handmade suite and leather black shoes. I was stunned momentarily. This man never failed me to feel amused.
“You lovely tonight, Danica.” Sambit nito nang makalapit na ako, muli akong ngumiti.
“Your stylist did their job well.” Pabiro kong tugon.
“Then I must pay them more.” Aniya saka ito tumawa, he motioned his arms behind my back. “Let’s go?” Dugtong nito, muli ko siyang nginitian saka tumango. Hindi ko na binanggit pa kay Luke ang pagkikita namin ni Meghan kanina sa lift. Hindi ko narin naman ito nakita dito sa party hall, baka dahil narin sa dami ng mga tao. May ilang pinakilala sa akin si Luke na mga hotelier at ang iba pa ay interesado sa kumpanya ko. Magandang senyales ito para sa akin, ibig sabihin may posibilidad na madagdagan ang kliyente ko at kapag nagkataon ay mas maaga kong mababayaran si Ridge. Kahit pa sinabi ng abogado niya na hindi na pababayaran ni Ridge ang penalty ng kontrata ay gusto ko paring gawin ang dapat, ayokong magkaroon ng utang na loob sa taong iyon. The party started, pinaupo ako ni Luke sa tabi nito, ayoko pa nga sana dahil agaw atensyon at hindi ako sanay sa mga atensyong nakukuha ko simula palang ng pagpasok namin ni Luke sa party hall.
“Stay beside me, this is for La Centra.” Pabulong na sambit ni Luke saka ako nito pinaghila ng upuan, napatingin pa ako dito bago naupo na dahil nagumpisa nang magsalita ang nasa harapan. Naupo narin si Luke saka ako nito nginitian, naagaw ang pansin naming lahat ng marinig ang ingay at parang nagkakagulo sa may entrance ng party hall. Nang lumingon ako ay nakita ko si Meghan at Ridge na pinagkakaguluhan ng mga reporter sa labas, pinipigilan naman ito ng mga security hanggang sa makapasok ang dalawa sa loob. They caught the attention of all the people inside the party hall, bakit hindi sumagi sa isip ko nung makita ko si Meghan kanina na nandito rin syempre si Ridge, hindi ba.
They look perfect, lahat ng nasa party ay hindi maialis ang mga mata sa kanilang dalawa. Hindi ko maitanggi ang kirot na nararamdaman ko habang nakatingin sa kanilang dalawa, his gestures towards her are different from his aura. Soft, kind and vulnerable. Parang mamahaling kristal na kinakailangan niyang ingatan at baka magasgasan o mabasag. I shifted my gaze at the stage when I felt uncomfortable, I felt a sudden suffocation. Napalingon ako kay Luke nang hawakan nito ang kamay ko.
“Are you okay? I’m sorry, I didn’t know they will come.” Mahina nitong sambit, pilit akong ngumiti rito para maitago ang sakit na nararamdaman ko, kahit alam kong visible naman ito para kay Luke. I still tried to pull myself together. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa dalawang iyon, alam ko namang darating at darating ang panahon na kailangang magkrus ang mga landas namin.
“Yeah, ofcourse. She’s your sister, anyway.” I sound sarcastic, but I don’t mind. I felt, like I need to breathe air, kaya nagpaalam muna ako rito para pumunta sa banyo. “I’m just going to the restroom.” Dugtong ko. Tumango naman ito saka niya inalalayan ang upuan ko nang tumayo na ako. Pero pagpihit ko ay nasa harap na namin sila Meghan at Ridge.
“Kuya! Sorry, we’re late. Ito kasing si Ridge, may inasikaso pa bago pumunta dito.” Nakangiting sambit ni Meghan. I was stunned, nanatili akong nakatayo roon. Si Luke naman ay nakatayo rin at ngumiti sa kapatid.
“It’s okay, maupo na kayo. Naguumpisa na ang program.” Baritonong sambit ni Luke saka ako nito dinaluhan at hinawakan sa siko ko. “Let’s go.” Sambit nito sa akin, saka kami naglakad paalis. Para akong mauubusan ng hangin sa klase ng tingin ni Ridge, alam kong nakatitig siya sa akin. Ramdam ko iyon, hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa kanya. The last time we talk para siyang ibang tao, pero ngayon, kulang nalang kainin niya ako ng buhay. Malalim akong huminga nang makapasok ako sa restroom, habang si Luke naman ay naghihintay sa akin sa labas. Hindi niya naman ako kailangang samahan pa dito, but he insists. Napatitig ako sa salamin at napahawak sa dibdib, trying to calm myself, convince my alter ego to shut up and don’t make a mess. I shouldn’t feel this in the first place, pero bakit ang sakit parin? I examine myself, naghihintay sa akin sa labas si Luke kaya hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Binuksan ko ang pinto para lumabas na pero halos mapatalon ang puso ko sa gulat nang may humarang sa akin sa pinto, umawang ang labi ko dahil sa labis na pagkagulat. Namilog ang mga mata ko at halos marinig ko na ang pintig ng puso ko nang itulak ako nito pabalik sa loob ng banyo at ilock nito ang pinto. Umawang ang labi ko para magsalita pero wala pa mang boses ang lumalabas dito ay mabilis siyang lumapit sa akin at ikulong ang mukha ko sa mga palad niya.
The man is kissing me inside the restroom!
Ridge is kissing me inside the f*****g restroom and Luke is outside. Damn!