Chapter 7
“What?” Baritono at malalim na sambit ni Ridge kay Atty. Dominguez nang malaman nito na hindi pinirmahan ni Danica ang kontrata. Umawang ang labi nito saka sumandal sa swivel chair niya.
“She doesn’t want to sign the contract, kahit pa maganda ang magiging outcome nito sa kumpanya niya.” Muling sambit ni Atty. Dominguez. Tumango-tango si Ridge, saka muling binaling ang tingin rito.
“Thank you, Atty. You may leave now.” Baritonong tugon nito, bahagyang tumango si Atty. Dominguez dito bago umalis. Iniwan nito ang folder kung saan nakapaloob ang kontrata, binaba ni Ridge ang tingin doon saka ngumisi. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto nito, inangat niya ang tingin doon bago kinuna ang folder at nilagay sa drawer ng lamesa niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nagbukas na ang pinto at iniluwa no’n si Meghan. Nakangiti at may dalang mga paper bags.
“Lunch?” Nakangiti nitong sambit saka inangat ang mga dalang paper bags, ngumiti naman si Ridge saka tumayo at lumapit dito.
“Why are you here?” Tanong nito nang makalapit, sinimangutan naman ito ni Meghan bago nagtungo sa couch at naupo saka isa isang nilapat sa lamesita ang mga dalang pagkain.
“Bakit? Hindi ba pwedeng bisitahin ko ang fiancée ko? come here, let’s eat first, I’m starving.” Sambit nito saka tumayo at hinawakan si Ridge sa braso at pinaupo sa couch.
“By the way, we need to finalize the date of our engagement party, may napili na kami ni Tita Leonore na date. Pero mas gusto ko paring ikaw ang pumili ng date, what do you think?” Nakangiting tanong ni Meghan sa kalagitnaan ng pagkain nila. Tumigil sa pagkain si Ridge saka binaba ang pagkain at inangat ang tingin kay Meghan.
“Meghan…” Aniya, he heaved out a deep sigh before he continued, “About our engagement.” He continued. Natigilan si Meghan sa pagkain, kinakabahan at natatakot ito sa tema ng pagsasalita ni Ridge kaya agad niya itong pinutol.
“Oh, I forgot! May meeting pa pala ako. I have to go, kung wala ka pang napili na date for our engagement, it’s okay. Kami na ang bahala ni Tita Leonore doon, kung ayos lang sa’yo.” Tugon nito, saka siya nagmamadaling sinukbit ang bag at tumayo.
“Nagkita na kami.” Seryosong sambit ni Ridge na agad na nagpahinto kay Meghan. Marahan siyang pumihit at binalingan ng tingin si Ridge.
“Ridge…” Mahina nitong sambit. Tumayo si Ridge saka bahagyang lumapit kay Meghan.
“You told me that she doesn’t love me, that she left me while I was in a coma. Pero bakit niya iniiyakan ang picture natin? Bakit parang galit nag alit siya sa akin? Tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Sambit ni Ridge, namilog ang mga mat ani Meghan at binalot siya ng takot. Sa oras na malaman ni Ridge ang totoo ay siguradong iiwanan siya nito at babalik kay Danica. Agad na lumapit si Meghan kay Ridge saka hinawakan ang mga kamay nito.
“Huwag kang maniwala sa babaeng iyon! sigurado akong gumagawa lang siya ng paraan para mapaikot kang muli, Ridge. She signed the divorce papers when you are in a coma. Si Atty. Dominguez pa nga ang nagayos ng mga papeles, iniwan ka niya nung mga panahong kailangang kailangan mo siya. At ngayong nandito kana ulit, sigurado akong nagsisi siya sa ginawa niya kaya ginugulo ka niya ngayon.” Giit ni Meghan, malamig siyang tiningnan ni Ridge, pero agad din iyong nagbago nang makita ang pamumuo ng mga luha ni Meghan. Niyakap siya nito ng mahigpit na para bang mawawala siya anumang oras.
“I was there, alam ko ang lahat ng nangyari, iniwan ka niya at ako lang ang nandon para tulungan ka. Mahal na mahal kita, Ridge.” Tugon muli ni Meghan. Hindi na muling nagsalita pa si Ridge at hinayaan nalang si Meghan. Gulong-gulo ang isip at puso niya, hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito.
Nang maiwang mag-isa ay tinawagan ni Ridge si Catherine, tumayo siya saka humarap sa glass wall habang tinatanaw ang nagtataasang mga building sa labas. Maya-maya pa ay sinagot n ani Catherine ang phone.
“Kuya.”
“Where are you?” Baritonong sambit nito, bago malalim na bumuntong hininga. Nangunot naman ang noo ni Catherine dahil sa narinig na pagbuntong hininga nito, doon ay alam na niyang may problema ito.
“I’m on my way to Grand Fierro, bakit? May problema ba?” Tanong nito. Muling bumuntong hininga si ridge, nilingon nito ang litrato nila ni Meghan na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya at rumehistro sa kanya ang imahe ni Danica habang umiiyak at hawak ang litratong iyon.
“Let’s meet there.” Sambit nito saka binaba na ang linya at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. Nagaalalang tinitigan ni Catherine ang phone saka nagmamadaling pumasok sa kotse niya at nagmaneho papunta ng Grand Fierro Hotel.
Pagdating ni Catherine ay dumeretso siya sa restaurant ng hotel kung nasaan si Ridge. Agad siyang tinuro ng manager ng restaurant sa VIP area. Nang makarating ay natanaw nito ang kapatid na nakaupo sa isa sa mga VIP seats at sumisimsim ng wine. Lumapit siya rito at saka naupo.
“Kuya, is there something wrong?” Tanong nito, muling sumimsim ng wine si Ridge bago nito inangat ang tingin sa kapatid.
“You were there when I was in a coma, five years ago. Alam mo ang totoong nangyari five years ago, tell me. Bakit umalis si Danica? Sigurado akong may dahilan kung bakit niya pinirmahan ang divorce papers.” Seryoso at baritonong sambit ni Ridge. Natigalgal si Catherine, hindi nito alam ang sasabihin dahil narin sa pagkabigla.
“K-Kuya, h-hindi ba’t sinabi naman na ni Meghan ang lahat ng nangyari? Kung ano ang sinabi niya ay iyon na iyon. B-bakit? M-may nangyari ba? M-may naaalala ka na ba?” Nauutal na tugon ni Catherine. Napalunok siya ng tingnan siya ng matalim ni Ridge.
“Kuya, hindi ko alam kung anong nangyayari, pero… hindi ako ang dapat na tanungin mo tungkol sa mga nangyari, si Danica ang dapat mong tanungin. Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, tanungin mo siya, siya lang ang makakasagot sa mga tanong mo.” Dugtong nito, saka tumayo na at umalis, naiwan namang magisa si Ridge, nakatingin sa kung saan at nakakuyom ang isang kamay.
Samantala, napansin ni Luke na wala sa sarili si Meghan, nagkita sila matapos siya nitong tawagan at yayain para magdinner. Huminto ito sa pagkain saka pinunasan ng table cloth ang bibig bago nagsalita.
“Meghan, are you okay?” Baritonong sambit nito. Bumalik sa realidad si Meghan saka inangat ang tingin kay Luke at ngumiti.
“Um, yeah, pagod lang ako. Sunod-sunod kasi yung meetings ko kanina for the engagement.” Nakangiti nitong sambit. Sumandal si Luke sa upuan saka malalim na bumuntong hininga habang nakatingin sa kapatid. Nabahala si Meghan sa naging reaksyon ni Luke kaya umamin din ito.
“Actually, I have a problem.” Mahinang sambit nito.
“What is it? Si Ridge ba?” Baritonong tugon ni Luke. Tumango naman si Meghan bago muling nagsalita.
“He keeps on asking me about Danica, kuya, nagkita na sila. Alam mo ba ang tungkol doon?” Sambit nito, naalarma si Luke sa sinabi ng kapatid at bahagyang umawang ang labi.
“Bumalik na ang ala-ala niya?” Tanong nito, umiling si Meghan saka malungkot na nagangat ng tingin kay Luke.
“I don’t think so, pero kuya, nagaalala ako. Paano kung puntahan niya si Danica? Paano kung magkita ulit sila? Paano kung…” Natigilan ito dahil sa punyal na tumutusok sa puso niya habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nagkakaganun si Ridge.
“Meghan.” Sambit ni Luke. Muli itong nagangat ng tingin. “Kung hindi kana masaya sa mga nangyayari bakit hindi mo nalang hayaan si Ridge? Alam naman nating pareho kung sino talaga ang mahal niya.” Dugtong nito. Mariing umiling si Meghan dahil sa di pagsang ayon sa sinabi ni Luke.
“No! that’s not gonna happen! Mamamatay muna ako bago mangyari iyon, Kuya.” Singhal nito, agad na namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata nito. Hinawakan niya ang kamay ni Luke, saka ito nagmakaawa sa kapatid.
“Please Kuya, help me. ilayo mo si Danica kay Ridge, hindi ba’t mahal mo si Danica? Then marry her! Hindi ako tututol, Kuya… Please.” Pagmamakaawa nito, malalim na bumuntong hininga si Luke saka tinanggal ang kamay ni Meghan.
“Meghan, hindi ko pwedeng gawin iyan. I love her, and I respected her decisions. Kung hindi man niya ako piliin, desisyon niya iyon. Sana magising kana sa katotohanang hindi ka naman talaga mahal ni Ridge. Kapatid kita kaya ayokong nakikita kang nagkakaganito.” Tugon nito. Mariing umiling si Meghan saka ito muling nagsalita.
“I don’t care if he doesn’t love me! Kuya, mahal ko si Ridge at gagawin ko ang lahat para lang matutunan niya akong mahalin. Kung ayaw mo akong tulungan, ako nalang ang gagawa ng paraan para mawala sa buhay namin ang Danica na iyon!” Singhal nito sa kapatid saka siya tumayo at umalis ng restaurant. Nagaalalang tinawag ito ni Luke pero hindi na siya nito pinansin pa.