Chapter 6

1645 Words
Danica.  Halos madaling araw na nang makauwi ako sa Baguio. Pagod at masakit ang ulo ko dahil sa byahe at pagiyak kanina. Madilim na ang buong bahay kaya malamang ay tulog na silang lahat.  "Danica?" Narinig kong boses ni Kaila mula sa hagdan. Tiningala ko siya saka bahagyang nginitian.  "Kumusta? Nakausap mo ba si Mr. Lazaro?" Tanong nito habang bumababa sa hagdanan. Naupo naman ako sa couch saka hinilot ang sintido ko. Tiningnan ako nito saka bahagyang nangunot ang noo bago naupo sa tabi ko.  "May problema ba? Okay ka lang ba?" Muling tanong nito, bakas ang pagaalala sa mukha habang nakatunghay sa akin. Malalim akong bumuntong hininga bago ito sinagot.  "Nakausap ko si Mr. Lazaro, but apparently, he's no longer the owner of Z Hotel." Tugon ko rito, umawang ang labi ni Kaila at lalong nangunot ang noo sa sinabi ko.  "Ano? Paano nangyari iyon? Sino ang bagong may-ari ng ZHotel?" Kunot noo nitong tanong. Muli akong bumuntong hininga, ayoko na sana pang banggitin kung sino ang bagong may-ari ng Zhotel dahil iisipin ko palang siya ay kumikirot na ang dibdib ko.  "S-Si... Ridge." Mahina kong sambit.  "W-what?! Si Ridge?!" Bulalas nito, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwala sa sinabi ko.  "I'm tired. Bukas nalang tayo magusap." Tugon ko rito saka tumayo na at tinungo ang hagdan. Naiwan namang nakatingin sa akin si Kaila. She was left shocked.  Pagpasok ng kwarto ay nahiga na ako sa kama, hindi na ako nagabala pa na maligo o magpalit man lang ng damit ko dahil sa pagod. Muli kong naalala ang nangyari kanina sa opisina ni Ridge. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pinapakita niya sa akin. Pero isa lang ang napatunayan ko sa muli naming pagkikita, he is no longer mine. Hindi na siya ang dating Ridge na nakilala ko, and he will no longer be mine. Hindi ko namalayan ang muling pamumuo ng tubig sa mga mata ko at pagagos ng mga ito. I tried to convince myself that I’m okay, I’m fine all these years, but I was just fooling myself. At ang pinakamasakit sa lahat ay yung alam mong wala ka ng magagawa kundi ang umiyak nalang at muling masanay sa sakit hanggang sa makalimutan mo itong muli. How I wish I can forget everything and reset my life. But I know, I can’t. I hate him, I love him… and I miss him. Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa opisina. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko ang mga bat ana nasa sala habang nanunuod ng t.v. Sumaglit muna ako sa kanila para makipaglaro, bago pumunta ng dining. Hinainan ako ni Nanay, siguro ay alam na nila ang nangyari kaya hindi na ito nagtanong pa sa akin. “Nay, nakaalis na po ba si Kaila?” Tanong ko rito. Ngumiti naman ito bago nilapag ang plato ko sa lamesa. “Oo anak, maaga siyang umalis. May sumundo sa kanya ditong matangkad na lalaki.” Tugon ni Nanay, nangunot ang noo ko. Lumapit sa lamesa si Ericka na noon ay galing sa kusina saka ako nito tinabihan. “Nagpunta dito si Brent Graciallano.” Sambit nito sa akin, napaawang ang labi ko at binaling ang tingin kay Nica na noon ay nasa sala at abala sa pakikipaglaro kay Rui. “A-alam na niya ang tungkol kay Nica?” Pabulong kong tanong dito. Umiling si Ericka bago muling nagsalita. “Hindi pa, but sooner or later siguradong malalaman din niya.” Ani nito, bumaba ang tingin ko saka bumuntong hininga. Nagalala ako sa kaibigan ko pati narin kay Nica, alam ko namang hindi magsasawalang bahala si Brent kapag nalaman niya ang tungkol sa anak nila ni Kaila. “Um, Nay, hindi na po ako kakain. Papasok na ako sa office.” Sambit ko saka tumayo, humarap naman sa akin si Nanay na noon ay may ginagawa sa kusina. “Bakit anak? Kumain ka muna kahit kaunti.” Sambit nito. Lumapit ako rito saka humalik sa pisngi. “Hindi na po, marami pa po akong tatapusin sa office.” Tugon ko saka ito tinalikuran at lumabas ng dining area, muli kong dinaanan sila Nica at Rui na nasa sala at nagpaalam sa mga ito bago lumabas ng bahay, sinundan naman ako ni Ericka hanggang sa sasakyan ko. “Ipaalam mo nalang ako kay Tatay paguwi niya.” Sambit ko rito. Bahagya naman itong ngumiti. “Sige, sasabihin ko nalang kay Tatay.” Tugon nito, “Ate Danica…” Dugtong nito, napahinto ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse at nilingon ito. “Are you okay? Tungkol sa nangyari sa kumpanya, may kilala akong pwede nating hingan ng tulong.” Aniya, bakas ang pagaalala sa mukha nito, parang may kung anong humaplos sa puso ko. Atleast I still have my family. “It’s okay, Ericka, pero salamat.” “Nandito kami palagi para sa’yo, Ate Danica.” Tugon nito. ngumiti ako saka ito niyakap. Pagdating ko ng office ay binati ako ng ilang empleyadong abala sa mga trabaho nila. Lumapit sa akin ang sekretarya ko. “Good morning, Ms. Danica.” Bati nito. Bahagya akong ngumiti rito saka ito binati. “Good morning, nandito na ba si Mam Kaila mo?” Tanong ko. “Wala pa po Ms. Danica, akala ko nga po kasama niyo siya e.” Tugon nito, muli akong nakaramdam ng pagaalala. Kung wala pa siya dito sa kumpanya ay siguradong kasama pa nito si Brent. Kinuha ko ang phone sa hawak kong bag saka tinipa ang numero ni Kaila pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Nangunot ang noo ko saka muli siyang tinawagan pero wala parin. “Um, Ms. Danica, may naghihintay nga po pala sa inyo sa conference room.” Muling sambit ng rekretarya ko, natigilan ako at kinabahan. “S-Sino?” -- “Atty. Dominguez…” Mahina kong sambit pagbukas ng pinto. Ibang kaba ang naramdaman ko, para akong nanlamig at umurong ang lahat ng dugo sa buong katawan ko. Huli naming pagkikita ni Atty. Dominguez ay noong pinirmahan ko ang divorce papers namin ni Ridge five years ago. And that was the painful day in my life. Tumango sa akin si Atty. Dominguez. “Ms. Jensen.” Aniya, I tried to gather up all the courage that I have. Ngumiti ako rito saka lumapit. Naupo ako sa unahang upuan ng conference table, sa kanan ko naman nakaupo si Atty. Dominguez. Hindi ko alam kung bakit siya narito, baka pinadala siya ni Ridge para sa termination ng contract. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko kaya pinagsalikop ko ang mga ito at pinatong sa ibabaw ng mga hita ko. “Mr. Buenacera sends me here, Ms. Jensen.” Panimula nito. tumikhim ako bago nagsalita. “I know, he wants to terminate the contract of my company with Zhotel, I have a lot of things to do, Atty. Pwede bang ibigay mo na sa akin ang mga dapat kong pirmahan?” Sambit ko rito, sinusubukang hindi mautal. “Yes, of course.” Aniya, saka kinuha ang ilang papeles sa dala nitong itim na suitcase. Agad ko naman iyong binasa at pinirmahan. Upon agreement kailangan kong bayaran ang penalty sa Zhotel, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko, hindi ko na mababawi pa ang mga nagawa ko na. Saka ko nalang iisipin kung paano ko haharapin ng consenquences ng mga nangyari. Nang matapos ay inangat ko ang tingin kay Atty. Dominguez. “I’ll issue the cheque this week, pakisabi kay Mr. Buenacera, hintayin niya nalang.” Matigas at madiin kong sambit. ngumiti naman si Atty. Dominguez. “You don’t have to pay the penalty, Ms. Jensen.” Nakangiti nitong sambit, nangunot ang noo ko rito saka muling nagsalita. “What?” “Mr. Buenacera didn’t want you to pay anymore, besides he wants a new contract with La Centra.” Sambit nito, umawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay nagkakamali ako ng pagkakarinig. “He wants La Centra to be the new supplier of Grand Fierro Hotel.” Dugtong nito, hindi ako makapaniwalang tiningnan si Atty, nasisiraan na nga siguro ng ulo ang amo nito. Matapos niya akong pahirapan at iterminate ang kontrata ko sa Zhotel ay gusto niya naman ngayon maging supplier ang La Centra sa hotel niya. “I’m sorry, Atty. Dominguez, pero baka nagkakamali ang boss mo, maluwag kong tinanggap ang termination ng Zhotel sa La Centra dahil ayoko ng magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon sa kanya. Please tell Mr. Buenacera that I don’t need his pity.” “Pero, Ms. Jensen, malaki ang magiging outcome nito sa La Centra, isa ang Grand Fierro Hotel sa pinakamalaking hotel dito sa bansa, at isa pa makakatulong din ito sa mga empleyado mo, lalong-lalo na sa mga local farmers.” Tugon ni Atty. Dominguez, binalingan ko ito ng matatalim na tingin. Galit ang namumutawi sa buong sistema ko imbes na matuwa dahil totoo nga namang magiging maganda ang outcome nito sa kumpanya ko at mga tao ko. Pero ang ideya na si Ridge ang may pakana ng lahat ng ito ay hindi ko nagustuhan. May mga bagay parin talaga na hindi na mababago iyon ay ang pagiging dominant niya sa lahat ng bagay. At kung iniisip niyang madadaan niya ako sa pera niya, no way! not this time! The nerve of that man to used local farmers to get even with me! Alam ko namang gumaganti lang siya sa akin dahil hindi niya matanggap na naunahan ko siyang makipag-divorce. “Thank you for the concern, Atty. Dominguez, but as far as I know, I still can provide bright future for my people. Hindi ko kailangan ng tulong ni Mr. Buenacera. I have a lot of things to do this morning, please excuse me.” Huli kong sambit dito saka ito tinalikuran at lumabas ng conference room. Muli pa sana ako nitong tatawagin pero hindi na nito tinuloy dahil nakaalis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD