CHAPTER 5
"Are you sure you can go alone?" Tanong ni Luke kay Danica habang nasa lobby sila ng Gallego Hotel. Ngumiti naman si Danica saka tumango rito.
"Yeah, alam kong marami kang naiwan na trabaho dito, don't worry, tatawagan kita paguwi ko sa bahay." Tugon nito, hindi na tumutol pa si Luke dahil totoong marami pa siyang kailangang asikasuhin at meetings ngayong araw. Lumapit sa kanila ang secretary ni Luke saka ito ngumiti sa dalawa.
"Sir, Mr. Santos is waiting in the office." Sambit nito. Tumango naman ito sa sekretarya saka muling binaling ang tingin kay Danica.
"Mag-iingat ka, call me when you get home. I'll see you in weekend, ipapasundo ko kayo ni Kaila." Baritonong sambit nito.
"Sige na, may meeting ka pa. Malapit na yung na-book ko na taxi." Sambit ni Danica. Muli itong ngumiti at ganun din si Luke bago niya ito tinalikuran at naglakad papunta sa lift. Hinila ni Danica ang kanyang maliit na bagahe at lumabas na ng hotel, palingat-lingat siya sa mga dumaraan na mga sasakyan. Hanggang sa tumunog ang cellphone nito, agad naman niya iyong sinagot dahil akala niya ay iyon na yung driver ng na-book niyang taxi.
"Where are you going?" Sambit ng baritonong boses sa kabilang linya. Agad naman niya iyong nakilala at pinangunutan ng noo ang kausap.
"Mr. Buenacera, I already sent to you the files that you needed. Siguro naman magbabago na ang desisyon mo sa pagkansela ng kontrata." Sambit nito.
"Are you deaf Ms. Jensen? You don't get my instructions right. I said meet me at my office. Anong gagawin ko sa sinend mong file? Present it to me now, or else, forget about the contract." Sambit nito bago binaba ang linya. Hindi makapaniwala si Danica habang nakatitig sa hawak nitong phone. She cursed him mentally.
"Ano pa bang gusto nya?! Nakakainis!" Sambit ni Danica sa sarili. Maya maya pa ay dumating narin ang taxi nito, pero imbes na sa terminal magpahatid ay binigay nito ang address ng Hermosa.
Nakangisi si Ridge habang nakatingin sa cellhpone nito. Kasalukuyang nasa harap ng conference room si Brent at nagdidiscuss tungkol sa annual report ng kumpanya. Huminto siya sa pagsasalita nang makitang wala sa kanya ang atensyon nito. Nagkatinginan narin ang mga empleyadong naroon sa loob, nawala naman ang ngisi ni Ridge nang napaangat ang tingin nito kay Brent at nakitang nakatingin ang lahat ng naroon sa kanya.
"It's okay, proceed with the financial statement last month." Sambit nito bago tumikhim at inayos ang kurbata. Naniningkit naman ang mga mata ni Brent habang nakatingin sa kaibigan.
“But I’m already done with the financial report, and this is the end of my presentation.” Tugon ni Brent, muling tumikhim si Ridge, saka tiningnan ang mga empleyadong naghihintay at nagtataka habang nakatingin dito.
“You may go, let’s end our meeting here.” Baritonong sambit nito, agad namang nagsitayuan ang mga empleyado at lumabas ng conference room. Nanatili namang nakaupo si Ridge at muling ni-review ang mga papel na nasa harap nito. Lumapit si Brent nang makitang wala ng ibang tao bukod sa kanilang dalawa.
“Tell me, tumaas nanaman ba ang market price ng Hermosa at napapangiti ka?” Pabirong sambit ni Brent nang makalapit sa kaibigan, hinila nito ang upuan sa may bandang gilid ni Ridge saka doon naupo.
“No.” He coldly said. Sumandal si Brent sa kinauupuan at muling pinanliliitan ng mga mata si Ridge.
“I’m sure there is something going on. Tell me, what is it?” Sambit nito habang nakangisi sa kaibigan. Binalingan ito ng tingin ni Ridge, blangko ang ekspresyon ng mukha.
“She’s coming here.” Baritonong sambit nito. Bahagyang nangunot ang noo ni Brent.
“Who’s coming?” Tanong nitong muli. Hindi na sumagot pa si Ridge at nginisian lang si Brent. Sabay silang napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Nang magbukas ang pinto ay pumasok ang rekretarya ni Ridge.
“President, Ms. Jensen is already here.” Sambit nito, nakaawang ang labing tiningnan ni Brent si Ridge. Bahagya pang nangunot ang noo nito na para bang naguguluhan sa narinig.
“Ms. Jensen? Danica Jensen?” Tanong ni Brent.
“Yes, Sir Brent. Ms. Danica Jensen po.” Muling sambit ng rekretarya ni Ridge. Muling binaling ni Brent ang tingin kay Ridge na noon ay seryoso ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin parin sa mga papel na nasa harap nito.
“Why she’s here?” Muling tanong ni Brent, tumayo si Ridge bago humarap sa kaibigan at nagsalita.
“She’s here because of business.” Baritonong sambit ni Ridge. Tumayo si Brent saka hindi makapaniwalang tiningnan ang kaibigan.
“Ridge, she shouldn’t be here, ano? Balak mo ba siyang imbitahin sa kasal mo? Paano kapag nakita siya ni Meghan at Mrs. Leonore dito?” Nagaalalang tugon ni Brent, nangunot ang noo ni Ridge saka muling nagsalita.
“Why you’re so worried about her? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa akin? You shouldn’t be worried about her, she’s just a gold digger whore.” Baritonong sambit muli ni Ridge, hindi na sumagot pa si Brent. Nakakuyom ang mga kamao nito dahil sa pagpipigil sa sarili. Hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa utak ni Ridge at kailangan niya pang guluhin si Danica. Gumaganti ba siya rito? He knows the truth, but he can’t tell it to him, ilang segundo pang pinangunutan ng noo ni Ridge si Brent bago ito umiling at umalis. Napaupo naman sa upuan si Brent at hinilot ang sentido dahil sa pagsakit nito.
Samantala, iginala ni Danica ang paningin sa buong opisina ni Ridge, nagbago man ang ilang furniture at pwesto ng mga gamit ay pamilyar parin sa kanya ang lugar at ang mabagong amoy ng silid. Maski pagpasok niya sa building ay samu’t saring mga alaala ang kanyang naalala noong nagtatrabaho pa siya rito. Mas lalong lumaki at nakilala ang Hermosa sa pagdaan ng panahon.
Napatingin si Danica sa malaking lamesa ni Ridge na nakapwesto malapit sa may glass wall, may mga patong-patong na documents ang naroon, bukod sa computer at iilang décor na naroon. Umagaw ng pansin niya ang isang picture frame, nakatalikod iyon sa kanya kaya hindi niya nakikita kung ano ang nakalagay doon. Hindi niya alam kung bakit parang may nagtutulak sa kanya na tingnan iyon na sana ay hindi niya nalang ginawa.
She saw Ridge and Meghan’s photo na mukhang kuha sa ibang bansa. Nakangiti si Meghan at nakatingin naman si Ridge sa kanya. Parang may punyal na tumutusok ng paulit-ulit sa puso nito lalo na nang makita kung paano tingnan ni Ridge si Meghan sa litrato. The same way he looked at her when they are still together. Full of admiration, love. Hindi niya napigilan pa ang pamumuo ng luha nito, parang muling nabuhay ang sakit na akala niya ay matagal ng namatay. Isa isang dumaloy ang luha sa mga pisngi ni Danica ng hindi nito namamalayan. Yumuko siya saka binitawan ang frame at akma sanang kukunin ang bag niya nang makita ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa may pinto. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ni Danica saka nagmamadaling kinuha ang bag niya, hindi niya ito kayang harapin lalo na sa kalagayan niya ngayon, kung hindi pa siya aalis ay baka tuluyan na niyang hindi mapigilan ang sarili.
“I-I’m sorry, Mr. Buenacera, but I think I can’t discuss the files now. Excuse me.” Halos mabasag pa ang boses nito dahil sa pag-iyak. Hinawakan ni Ridge ang palapulsuan nito nang dumaan si Danica sa gilid niya. Kunot ang noo, nagtataka at naguguluhan si Ridge sa nararamdaman niya nang makitang umiiyak ito habang nakatingin sa picture nila ni Meghan. Hindi niya maintindihan kung bakit at para saan ang pag-iyak nito? bakit? She abandoned him. Iyon ang tumatak sa isipan ni Ridge mula nang magising siya pagkatapos ng surgery. Ilang Segundo nyang tinitigan ang namumulang mga mata ni Danica. Naghahanap ng sagot sa mga tanong nito, pero wala siyang makita. Sino ba ang babaeng ito sa buhay niya? Panibagong tanong na hindi niya mahanapan ng sagot.
“I’m sorry, Mr. Buenacera.” Muling sambit ni Danica, kasabay ng panibagong pagagos ng luha niya sa kaliwang mata. Kumawala ito mula sa pagkakahawak ni Ridge at nagmamadaling tinungo ang lift. Naiwang nakatulala si Ridge, nang tangka niya sanang sundan si Danica ay nakasakay na ito sa lift at bago pa iyon magsara ay kitang kita niya kung paano humagulgol ng iyak si Danica. Napahawak siya sa dibdib nang parang may kung anong tumusok doon.
Sa loob ng lift ay hindi na napigilan ni Danica ang humagulgol ng iyak, mahigpit ang hawak nito sa dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Na sa sobrang sakit ay halos hindi na siya makahinga. Maging sa pagsakay ng taxi ay patuloy parin ang pagiyak nito. Parang sa isang iglap lang ay muli niyang naramdaman ang sakit na ginawa ni Ridge limang taon na ang nakakaraan. Akala niya ay kaya na niya itong makitang masaya sa iba pagkatapos ng nangyari pero niloloko niya lang pala ang sarili. Dahil ang totoo ay hindi niya kaya. Para siyang mamamatay sa sakit. The endless pain has begun to bleed again. And she knows that this is never going to be easy. It was never been easy.