Chapter 4 (Unedited)
“You’re the new owner of Z Hotel?” Hindi makapaniwala kong sambit. Nginisian lang ako nito bago muling nagsalita.
“And as the new owner, I decided to terminate the contract between Z Hotel and La Centra.” Malamig at baritonong sambit nito. Umawang ang labi ko, nanlamig ang buo kong katawan. Bakit? Bakit sa dinami dami ng pwedeng bumili sa hotel ni Mr. Lazaro si Ridge pa?
“Mr. Lazaro, I have to go. I have another meeting with a client.” Muling sambit nito, nakatingin na ito kay Mr. Lazaro na noon ay nakangiti naman kay Ridge. Sabay silang tumayo at kinamayan pa ni Mr. Lazaro si Ridge bago ito tumalikod.
“Wait!” Hindi iyon malakas, pero sapat na para mapahinto si Ridge at muli akong balingang ng malamig na tingin. Bahagya akong lumapit dito.
“You cannot terminate the contract, hindi ako papayag.” Dugtong ko. Nginisian ako nito at sarkastikong tiningnan.
“And who are you to tell me what to do? Besides, its your company’s fault kung bakit mateterminate ang kontrata.” Aniya.
“Walang kinalaman ang kumpanya ko sa nangyari, sinisigurado naming maayos ang lahat ng deliveries namin.” Halos manginig ang boses ko sa galit, hindi ito ang inaasahan ko. Pero kailangan kong makiusap sa lalaking ito para sa kumpanya ko! tangina!
“Then where’s your proof?” Sambit nito, saka tuluyang humarap sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Napalunok ako, wala akong kahit na ano para patunay na hindi kasalanan ng kumpanya ko ang nangyari. I paused, I don’t know what to say, my hands are shaking because of anger.
“Mr. Buenacera.” Si Luke na noon ay lumapit narin sa amin, humarap dito si Ridge, blangko ang emosyon na binalingnan ng tingin si Luke.
“Give La Centra another chance. They are new in the industry, pero ito palang ang unang pagkakataon na nangyari ito.” Sambit ni Luke, tumaas ang dalawang kilay ni Ridge saka bahagyang tumawa.
“Dr. Gallego, you’re also a businessman. Alam mo kung may pag-asa pa ang isang negosyo o wala na, and for the La Centra’s case, I don’t think its worthy of my time and money.” Baritonong sambit nito saka binaba ang tingin sa akin. Ilang Segundo iyong nagtagal bago kami nito tinalikuran at naglakad na palabas ng restaurant. Matatalim ang mga tingin ko kay Ridge na kung nakakamatay ay malamang kanina pa ito bumulagta sa sahig.
“Are you okay?” Tanong ni Luke sa akin saka ako nito hinawakan sa braso. Tumango lang ako rito. Hindi ko alam kung paano ko makukumbinsi si Ridge na huwag ituloy ang termination. I stayed in my room the whole day, doing some paperworks. Maya’t-maya rin ang pagtawag ni Kaila sa akin para i-update ako sa imbestigasyon nito sa nangyari. I still want to clean my company’s name, kahit pa alam kong buo na ang desisyon ni Ridge. Kahit man lang pangalan ng kumpanya ko ay maprotektahan kong hindi mabahiran ng kahit na anong issue. Sumandal ako sa couch saka malalim na bumuntong hininga. Napalingon ako sa labas, tumayo ako saka lumapit sa nakasarang glass door papuntang balcony. Unti-unti akong kumalma nang bumungad sa akin ang malamig na hangin, sobrang ganda ng sunset mula sa kwarto ko.
Napakaganda.
Marahan akong napangiti, saka nilanghap ang sariwang hangin, pinikit ko ang mga mata saka tinukod ang dalawang kamay sa barandilya. I felt relax, sandali kong nakalimutan ang problema. Nang muli kong minulat ang mga mata ay napatingin ako sa lalaking nasa dalampasigan, nakakrus ang mga braso nito sa dibdib habang nakatitig sa akin. He’s now wearing a white shirt and summer shorts. Naestatwa ako sa klase ng titig na iginagawad nito sa akin. Para bang tumatagos iyon sa loob ng sistema ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya naroon at nakatingin sa akin dahil wala naman siya kanina. He keeps on staring at me, I know I should go, but I can’t. Siguro may hinahanap ako sa mga tinging iyon ni Ridge, kahit na alam kong imposible ko nang makita pa iyon sa kanya. Gumuhit ang sakit sa aking dibdib saka ako tumalikod at pumasok na sa loob ng suite ko.
I know I shouldn’t have felt this, hindi na dapat!
Muli akong naupo sa couch, still bothered by his gaze. Hinilamos ang mga palad sa mukha out of frustration, hindi ko dapat hinahayaang lamunin nanaman ako ng emosyon ko. I have more important things to do. Napalingon ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa nang tumunog iyon. Agad ko iyong kinuha at napakunot ang noo nang rumehistro ang isang unknown number. Ilang segundo ko pa iyong tinitigan bago sinagot.
“Hello? Who is this?”
“I’ll give you three days. Patunayan mong walang kinalaman ang kumpanya mo sa nangyari at iuurong ko ang termination of contract.” Malalim at baritonong boses ng isang lalaki sa kabilang linya. Bahagyang napaawang ang labi ko, I know his voice.
“Ridge…” Halos pabulong kong sambit, hindi ko alam paano at saan niya nakuha ang numero ko. Hindi ako kaagad nakasagot, hindi ko alam. Siguro dahil hindi parin maalis sa isip ko kung paano niya ako titigan kanina, at biglang pagtawag niya naman ngayon. Ilang malalalim na hinga pa ang narinig ko sa kabilang linya bago ako nito binabaan ng telepono.
I spend almost two days gathering some documents and recordings na makakatulong para mapatunayan kong maayos ang mga products na naideliver kay Mr. Lazaro. Kaila helps me with the documents and Luke help me with recordings. I barely eat and sleep for almost two days, gusto ko nalang na matapos na ito at makabalik na kaagad sa Baguio.
Sa pangatlong araw ay natapos ko na ang lahat at pwede ko na iyong ibigay kay Ridge, hinanap ko sa call log ko ang numero nito saka siya tinawagan, agad naman niya iyong sinagot.
“Good afternoon, Mr. Buenacera, I’m done with the documentation, can we meet at the resort’s restaurant?” Sambit ko sa kabilang linya.
“I already left.” Baritono nitong tugon, nangunot ang noo ko hindi ko alam kung nabingi lang ba ako at hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
“Pardon?” Muli kong sambit, ilang malalalim na hinga ang narinig ko mula sa linya niya bago ito muling nagsalita.
“I’m going back to Manila. Meet me at my office.” Aniya, saka ako nito binabaan ng phone, lumuwag ang pagawang ng labi ko at napatitig sa hawak na cellphone.
“What is it, Danica?” Takang tanong ni Luke habang nakatingin sa akin. A thin line appears on my lips because of anger. Talaga nga yatang gusto akong pahirapan ng lalaking iyon, hindi man lang siya nagpasabi na babalik na siya ng Manila.
“He’s already left, pabalik na si Mr. Buenacera ng Manila.” Tugon ko habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. We decided to go back in Manila later that afternoon, I also emailed all the files to him. Luckily, nakuha ni Luke ang email ni Ridge, iba talaga kapag maraming resources. I also send him a text message, informing him that I already emailed him about the files and information that he needed para magbago ang isip niya at huwag nang iterminate ang kontrata. Pagdating ng Manila ay nagstay muna ako sa Gallego hotel para makapagpahinga. Siguro naman bukas ay may marerecieve na akong sagot galing kay Ridge.
“Magpahinga kana, may mga aasikasuhin lang ako sa office. Call me if you need anything.” Sambit ni Luke nang maihatid ako nito sa suite ko. Agad akong tumango rito, ang laki ng naging abala ko kay Luke, sigurado akong tambak ang trabaho nito ngayon dahil ilang araw siyang nawala sa opisina niya.
“Thank you, Luke. Salamat sa lahat ng tulong mo.” Tugon ko rito, ngumiti naman ito bago ako tinalikuran at lumabas na ng suite ko.
A/N
Dumeretso si Luke sa opisina nito, kahit gusto niya pang Samahan si Danica ay wala na siyang nagawa dahil sa dami ng trabaho na naudlot nang pumunta sila sa Palawan, he did all the means to help her. Gabi na kaya wala nang tao sa table ng sekretarya niya, pero nangunot ang noo nito nang makitang bukas ang ilaw ng opisina niya, lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Nakangiting bumungad sa kanya ang kapatid na si Meghan habang nakaupo ito sa swivel chair ng kuya niya.
“Kuya!” Nakangiti nitong bati saka tumayo at lumapit kay Luke na noon ay nakatayo parin sa may pinto. Yumakap si Meghan sa kapatid habang nakangiti ito.
“What are you doing here?” Baritono at seryosong sambit nito.
“I didn’t call because I want to surprise you, actually ilang araw na akong nandito sa Manila. I was just busy for my engagement.” Nakangiti parin nitong tugon, seryoso parin ang mukha ni Luke habang nakatingin kay Meghan saka ito lumapit sa table niya at naupo sa swivel chair. Tinitigan lang siya ni Meghan saka ito napabuntong-hininga.
“I’m busy, please leave.” Muling sambit ni Luke habang nakatingin ito sa computer niya. Lumapit ng bahagya si Meghan sa table ni Luke.
“Are you still angry? Kuya… can you just be happy for me? I’m engage with Ridge. Ikakasal na kami, it’s all worth it kuya. At hinding-hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko.” Sambit ni Meghan, ilang segundong nanatiling nakatingin si Luke sa computer niya bago nito inangat ang tingin sa kapatid.
“What you did is not right, Meghan. Nilason mo ang isip ni Ridge, kaya ka masaya ngayon. You take advantage of his illness. Paano kung biglang bumalik ang alaala niya? Pakakasalan ka pa ba niya kapag nalaman niya ang totoo?” Seryosong tugon nito, natigilan si Meghan at namutla. She knows that. Unti-unting namumuo ang mga tubig sa mata nito pero agad din niya iyong pinawi.
“That’s not going to happen. Hindi na niya mahal ang babaeng iyon, at sa oras na bumalik ang ala-ala niya. Sisiguraduhin kong huli na ang lahat. Wala akong pagsisisihan sa ginawa ko dahil masaya ako ngayon. I wont expected you to forgive me, but please… attend to my engagement party… kuya.” Aniya, saka nito kinuha sa bag ang isang invitation card at nilapag sa lamesa ni Luke. Muli niyang pinagmasdan ang kapatid bago tumalikod at umalis. Napatitig si Luke sa invitation card na nasa lamesa nito, saka siya tumayo at hinabol si Meghan. Sa huli ay hindi niya parin natiis ang kapatid, naalala niya ang pinangako niya sa kanilang ama bago ito mamatay. Pinangako niyang aalagaan si Meghan at sisiguraduhing masaya ito palagi. Nagtatalo ang puso at isip niya, naiipit siya sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya.
He knows everything. But he doesn’t have a heart to tell Danica everything he know. Mahal niya ito pero mahal din niya ang kapatid. Hindi niya gusto ang ginawa nito pero hindi rin naman niya gustong saktan ang isa sa kanila.
He knows he needs to choose.
“How is she?” Tanong ni Meghan habang kumakain sila ni Luke sa isang Italian restaurant. Inangat ni Luke ang tingin sa kapatid saka ito bahagyang ngumiti. Alam nito na si Danica ang tinutukoy ni Meghan. Kahit nagaalala parin siya sa kapatid ay hindi parin nito gusto ang pagpapakasal nito kay Ridge.
“She’s doing well. Sigurado kana ba sa desisyon mo? Hindi madaling maging Buenacera, Meghan. Bakit hindi mo nalang ako tulungan sa hotel? hindi na ba mahalaga sayo ang pinaghirapan ni Papa?” Tugon nito, sandaling natigilan si Meghan sa pagsubo ng pagkain saka nito nilapag ang hawak na kobyertos at tiningnan ang kapatid.
“Kuya, alam kong nag-aalala ka sa akin, but I’m happy right now, hindi naman porket magpapakasal na ako kay Ridge ay tatalikuran ko narin ang Gallego Hotel.”
“But you already did, Iniwanan mo ako at ang hotel five years ago.” Seryosong sambit ni Luke, napasinghap si Meghan bago muling nagsalita.
“That’s why I’m here, you know the reason why I left the hotel kuya. Hindi ko pwedeng iwan si Ridge ng mga panahong iyon. He needed me.” Sambit nito. Malalim na bumuntong hininga si Luke, tanggap niya sa sarili niya na hindi na nito mababago pa ang isip ng kapatid tungkol sa pagpapakasal kay Ridge. Pero hindi nito maalis ang pag-aalala dahil alam niyang sa oras na bumalik ang ala-ala ni Ridge ay siguradong siya rin ang masasaktan.
“Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo bilang kapatid mo. Pero sana pag-isipan mong maigi ang desisyon mong pagpapakasal kay Ridge. Ayoko lang na masaktan ka, Meghan.” Tugon nito sa kapatid bago siya tumayo at tinalikuran ito.
“Do you like Danica?” Sambit ni Meghan kay Luke habang nakayuko ito. Hindi kaagad nakasagot si Luke saka nito nilingon ang kapatid. “Hindi ba’t mas magiging pabor para sayo ang pagpapakasal ko kay Ridge? Pwede nang mapasayo si Danica kapag nangyari iyon.” Dugtong nito saka inangat ang tingin kay Luke. Bahagyang umawang ang labi ni Luke dahil sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng kapatid nito. Halos naging estranghero na ito sa paningin niya. Hindi na ito ang dating Meghan na masiyahin at mabait, ibang-iba na ang Meghan na nasa harap nito ngayon. She’s blinded by her selfishness.
“I’m not selfish like you, Meghan. Hindi ko pipilitin si Danica kung hindi niya naman ako mahal. Kapatid kita kaya gusto kitang maunawaan, pero sa nakikita ko… mukhang nabulag kana ng tuluyan diyan sa nararamdaman mo.” Huling sambit ni Luke saka ito tuluyang umalis, nangingilid ang luha sa mga mata ni Meghan habang sinusundan nito ng tingin ang kapatid niya.