K A B A N A T A 46 Anger “ASHRIEL!” Pagmulat ng mga mata ko ay bumulaga sa akin ang kisame ng kuwarto ko sa bahay na unang beses kong natulugan sa kagustuhan ni Nanay na sila na muna ni Nana ang magbantay kay Ash. Bumangon ako at tinapik-tapik ang puso kong malakas ang kabog dahil sa masamang panaginip. I knew it. Panaginip lang ang lahat. Nakangiti kong pinunasan ang mga luhang namalisbis sa pisngi ko at hinanap ang cellphone ko. Pero naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ang date sa digital clock sa bedside table. Alas-dose na nang madaling araw at tapos na ang kaarawan ng anak ko. Ganoon na ba ako kapagod para hindi magising sa araw ng birthday ni Ash. Umiling-iling ako at sinapo ang ulo ko nang may mga imaheng lumitaw sa isipan ko. “N-no…panaginip lang ‘yon.” Paul

