Prologue
"Tay saan poba tayo pupunta at pina bihis mo pa talaga ako ng maganda." tanong ko kay tatay habang naglalakad
" Anak eto ang tandaan mo huh Mahal mahal ka nang tatay, gagawin ko to para sa ika bubuti mo"
Hindi ko alam kung anong balak gawin ni tatay.
Bigla akong kinabahan nang makarating kami sa isang napakalaking bahay ang ganda nang bahay at ang laki nang gate at may guard pa, pang mayaman talaga!
"Mang Elias! Grabe angtagal mo nang hindi naka balik dito ah!" sabi nang guard nang bahay kay tatay. " Oo nga ehh balita ko nakauwi na daw si sir Javier andyan ba sya pwede ko ba syang makausap?"tanong ni tatay
" Ah ganon ba sige teka lang" may tinawagan muna ang guard sa telepono bago kami pinapasok sa bahay.
"Grabe ang laki ng bahay tay, bakit tayo nandito tay mag aapply po ba ako bilang katulong?"
"Hindi anak. Basta eto ang tandaan mo Mahal na mahal ka nang tatay" hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako nang subra.
Nakaupo kami sa isang napakagandang sofa sa sala nang may dumating na isang Lalaki na parang kaedad ni papa, matangkad, nakakatakot syang tingnan parang ang strikto nya . " Elias long time no s---ee" parang nagulat ang lalaki nang makita nya ko.
"sir Javier si Athena po pala" pagpapakilala ni tatay sakin"magandang umaga po" bati ko sa kanya. " Sir Javier hindi napo ako mag papaligoy ligoy pa pero andito po ako para po ibiga--" Para akong nanlumo nang narining ko ang rason kung bakit kami nandito hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko kung magagalit ba ako o malulungkot.
Parang binagsakan ng napakalaking bato ang puso ko sa bigat nang nararamdaman ko pano niya nagawa sakin yun paano niya kinayang gawin yon sa sarili nyang anak.Pero wla akong magawa kung hindi sumonod nlang para sa mga kapatid ko gagawin ko to para makakain na sila nang tatlong beses sa isang araw gagawin ko ang isang bagay na labag sa pusot isip ko.