Capitulo Catorce

2219 Words
Jorge's It's been weeks mula ang nangyaring ambush sa akin sa mismong party ng Lola. Sinundan ko noon si Jacintha, na ang alam ko ay nasa silid ng Lola ng nakita ko itong nahihirapan. Lalapit na sana ako noon dito ng may humila sa aking tatlong naka-itim na tao at inundayan ako ng suntok at sipa. I was fighting for my life at nang binalingan ko si Jacintha ay wala na ito doon. Mabuti nalang at sumunod sina Kerin at Wesley na isinama ko sa security ng party, for situations like that. They saved me, while Kerin looked for Jacintha na unconscious na ng makita nito. The night was a mess, and we barely manage to live. I will make whoever did that to her pay. Hindi ko ito pinaalam sa Grandma Sol, at tila walang balita na nakarating rito. Ayokong mag-alala ito pero kailangan naming doblehin ang security ng bawat isa. But clearly, the assassins was unto Jacintha, for reasons I do not know yet. Maaring ang kabilang organisasyon ito, they must've taken a move sa nangyari kay Adolf. Duda tuloy ako, if our plan backfired and them knowing Jacintha is the Mistress eagers them to terminate her. "Diane, dali dali! Anduon haha!", nangibabaw ang boses ni Jacintha. Nilalaro nito ang mga kuneho kasama ni Diane sa backyard area ng bahay. "I wonder, if you would still laugh that freely if you knew how dangerously your situation got...", wika ko sa aking sarili. Nakatanaw lang ako sa mga ito. Nagtatakbo ang mga itong hinuhuli ang mga maliliit na hayop. At nang inakala kong hindi ako nito mapapansin ay biglang napadako sa aking gawi ang nakangiting si Jacintha. I simply looked at her, ng mawala ang mga ngiti nito at tila inirapan ako saka ako tinalikuran. My eyes widened at what she did. Is she even for real? So, totoo nga. Ang napaghahalataan kong pag-iwas nito sa akin. Mula ng gabi na may nangyari sa aming dalawa ay hinayaan lang ako nitong magpagaling sa kabilang mansyon. Bumalik lang ako rito ng pinayagan ako ng Doctor. Malalim akong napabuntong-hininga at pinipigil ang galit. Ito ang rason kung bakit ayoko sa presensya nito. She just stirs something in me, and I don't like it. Dahil alam ko naman na ginagamit ko lang ito. Tumalikod na ako palayo sa bintana ng may kumatok sa pintuan at pumasok sina Kerin at Wesley. "Speak...", naupo ako sa solo chair sa harap ng mga ito. "May balita na ho si Sir Benille sa CCTV footages ng gabing iyon", si Wes ang nagsasalita. "Binago ang anggulo ng mga ito, at wala rin ang iilang clip, lalo na ng umatake ang mga taong iyon" "Did you already found out who was it you saw that night?", tanong ko kay Kerin na siyang sumunod kay Jacintha ng gabing iyon. "Umpisa palang ay nagdadalawang isip na ako kaya di ko agad maibigay sa inyo ang impormasyon hanggang sa nakita ko mismo ang clip sa CCTV", "Anong ibig mong sabihin?" "Maaring nagkamali ako, pero maigi ko siyang tiningnan siya talaga iyon at nasa pagsasanay namin noon ang kilalanin ang mga tao na kilala at namamayagpag sa larangan at siya talaga ang nakita ko...", napuno ako ng kuryusidad at higpit na napahwak sa arm rest, lalo na ng banggitin ni Kerin ang pangalang iyon "Si Felixto Ravino", Agad tinabig ni Wesley ang balikat nito. "Ang Supremo ng Sovereign? ", paninigurado nito, hindi makapaniwala, tinango ito ni Kerin. "Paano nangyari iyon kung matagal na siyang patay?" "Walang katawang ipinakita, Wes. Naglaho nalang ito na parang bula noon at mula noon ay pinagpapasa-pasahan na nila ang pagdadala ng Sovereign. Di ka ba nakikinig sa lecture?", napangiwi ito. "Boring; I prefer the trainings", nagkarate chop pa ito. Felixto Ravino is back? Who would even believe that the No. 1 Mafia is back after decades of hiding. Sa tagal nitong nawala ay gaya ng sabi ni Wes ay inakala na ng lahat na patay na ito. Imposibleng magkamali si Kerin sa ganito ka importanteng bagay pero higit sa lahat, ay ang malaking katanungan. Bakit ito nasa Ball ng Grandma Sol? Paano ito napunta sa hallway kung asaan si Jacintha ng hindi man lang napupukaw ang pansin ng mga tao sa loob? Alam kong magaling ito; he is not the Sovereign Supreme for nothing, ngunit papaano? At bakit niya tinulungan si Jacintha kung pwede naman nitong hayaan ito doon kung maaring mabunyag ang presensya niya? Isa lang ngayon ang sigurado ako. He care less if people sees him, at may alam ang Grandma Sol dito. Ang Sovereign at Pacific ay matagal ng magkalaban sa pwesto ng nangungunang organisasyon. My brows twitched at the thought, maari kayang, nais nito ng isang alyansa? Pacific and Sovereign together, it will be one heck of a merge. "Mr. Desjardin...", pukaw ni Wes. I cleared my throat, masyadong malalim ang iniisip. May iniabot ito sa akin, ang crest iyon ng Pacific. "Nakita namin iyan sa pinagyarihan, kung saan kayo na ambush ng mga di kilalang tao" "The crest?" "Opo, pero walang finger print ninyo at intact rin ang sa aming dalawa ni Kerin. Ibig sabihin ay hindi iyan sa inyo kundi sa isa sa mga taong iyon. At definitely, parte sila ng Pacific. We have us traitors, Mr. Desjardin" Ang crest ng Pacific ay simbolo na nasa amin ang katapatan mo. Kahit ang mga katulong ay mayroon nito. Kaya siguro malakas ang loob nitong suotin ang crest sa sitwasyong iyon dahil alam nitong kahit na maiwan nito ito ay mahihirapan kaming alamin ang pagkatao nila. They could be anyone. Naikuyom ko ang aking kamao. "What else?", inilahad nito sa akin ang isang USB. "Ipinabibigay ho sa inyo ni Sir Donovan. Sabi niya rin ho ay i-check niyo ang e-mail", tumango lang ako. "Bring me the chips, I will be the one implanting it to her. Bring Jacintha here", kailangan ko lang maniguro, wala ako sa tabi nito palagi and she has a knack of disobeying ground rules. "Right away, Mr. Desjardin" Itinago ko na muna ang USB ngunit tiningnan ang laman ng E-mail at nang aking buksan ay mga salita lang ang nasa screen. "She was their pearl. They had been protecting her since the day that she was born" They? Nangibabaw ang kuryusidad sa akin at bubuksan na sana ang envelope ng marinig ko ang nagsisigaw na boses ni Jacintha. Napatayo ako, bumukas ang pinto. Akay-akay ng dalawa si Jacintha, sa likod nito ay kasambahay na may dalang briefcase na pinatong nito sa mesa. May dala pa itong kutsara sa kamay nito habang ice cream naman sa kabila, mint choco ice cream, my brows furrowed at the sight. "Leave...", Naiwan na kaming dalawa doon. Lumapit ako rito at hinila ito paupo sa sofa. "Di ba ako pwedeng huminde sayo? May ginagawa aah!", hinablot ko ang braso nito. "Hindi ito oras para iwasan mo ako, so stop it" "Iyan ka na naman sa mga stop it, stop this and that. Hindi kita iniiwasan, nag-aadjust ako sa set up nating dalawa. Kaya kung naiilang ka, ay problema mo na yon" Inilabas ko ang metal syringe na anduon. "Iyan ay...", sinubukan nitong hablutin ang kamay palayo ngunit hinigpitan ko ang kapit rito. "A tracking device, I will have it inserted in you", muli itong gumalaw. Naging gahibla ang pasensya ko. "Move and I will f**k you right here, right now, in front of that window. You will lose all your strength and dignity, you will let me insert this fucker in you unconscious or we will do it in a less dramatic way. Your pick, Mi Hermosa", I grin at her, her face flushed at tumahimik nalang. Na insert ko na ang chip sa ibabaw ng palapulsuhan nito. "Nanganganib ba talaga ang buhay ko, gaano kalala na kailangan mong gawin ito?", sabi nito ng di inaalis ang tingin sa kamay. She looks devastated, nakatingin lang ako sa mukha nito ng hawakan ko ang kamay na nilagyan ko ng chip. Iniangat iyon ng marahan at dinampian ng isang halik. "Ang nais ko ay lage kang ligtas; sa kahit anong paraan", binawi naman nito agad ang kamay. "Kung wala ka nang kailangan ay aalis na ako" Tumayo na ito at umalis, naipatong ko ang dalawang kamay sa aking tuhod at napahawak sa aking ulo bago naglabas ng isang malalim na buntong hininga. Jacintha's Kanina pa ako paikot-ikot sa kama pero hindi ako makatulog kaya binuksan ko na ang ilaw at nag jog sa loob ng kwarto. Ilang minuto lang ay nagawa ko nang mag exercise doon dahil hindi pa rin ako madalaw dalaw ng antok. Matapos ay nag shower na ako at pinatuyo ang buhok at isinuot ang pula na nighty at isinaklob ang pula ring roba nito nang ng mapansin kong may alwang ang pintuan ng kwarto ko. Hindi naman ako lumabas kaya bakit may alwang? Dahan dahan akong lumapit at tiningnan kung may tao sa labas ngunit wala. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng isarado ko na iyon. "You didn't lock your door", sa gulat ko ay agad kong sinapak ang nagsalita, napatakip ako sa aking bibig. Nakahalukipkip itong nasandal sa pader malapit sa pintuan. Ang suot nito ay isang velvet royal blue na roba. "Aw, well, I deserved that", "Gusto mo bang atakihan ako sa puso? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" hindi naman kasi kami nagtatabi noon pa man. Minamasahe ngayon nito ang panga at umalis sa pagkakasandal at lumapit sa akin ng nakalahad ang kamay, humakbang ako patalikod. "Kanina pa bukas ang ilaw mo." "Kaya basta basta ka nalang papasok sa kwarto ko, ganun?" "You like midnight snacks, don't you", out of nowhere nitong wika. Kumunot ang noo ko rito. "Hindi ka rin makatulog. So let's just eat", puno nito. Rin? Ibig sabihin ay hindi rin ito makatulog. Bumaba siguro ito at nakitang bukas ang ilaw ko dahil madadaanan lang naman ang kwarto ko bago ang kanya. "I had something delivered, I want you to join me, in the patio, at the back yard" Hinawakan nito ang siradora at binuksan ang pinto ko. "Salamat nalang...", tumalikod na ako ng magsalita siya. "I ordered a sushi platter.... lots of california maki", nanlaki ang aking mga mata at napalunok ng bigla sa sinabi nito. "O-okay, mali nga naman tanggihan ang grasya", tinabig ko ito paalis ng pintuan at naglakad na kami patungo sa patio ng likod bahay. Nadatnan namin doon ang mesa na puno ng sushi. "Hindi ito platter, sushi boat ito" "Oh, yeah, it's still sushi. Let's eat, Mi Hermosa" Naupo na nga kami. Nasa sofa ito habang ako naman ay kinuha ang throw pillow at inupuan iyon sa papag. "Sit comfortably", "Ito na nga" mababa kasi ang mesa kaya mas komportable talaga doon. "Salamat sa pagkain", sabi ko sabay lapat ng dalawang kamay. Kinuha na agad nag chopsticks at kumain. Di ko na ito kinausap, masyadong masarap ang pagkain para paghintayin. Nakain lang ako ng biglang umupo ito sa tabi ko, may distansya pa rin sa aming dalawa ng bigla nitong hinila nito iyon palapit sa kanya at nasama ako. Nabitin tuloy sa aking kamay ang sushi at nang makalapit na ito ay nilantakan iyon paalis sa chopstick ko. Dinilan pa nito ang gilid ng kanyang labi. "Tasty...", napakurap-kurap ako at tila na estatwa sa ginawa nito. Napakalapit namin ngayon sa isa't-isa, ang isang kamay pa nga nito ay nakatukod sa aking likod. Tila nawalan ako ng gana at ibinaba ang chopsticks at naharap rito. Kumulog nang bigla ang kalangitan at lalong lumalamig ang gabi. "Pwede ba, itigil mo na to?" "Ang alin?", may laman pa ang bibig nitong sabi. "Puro ka mixed signals. Alam ko ang pinasok ko at papanindigan ko. Don't make me read between the lines at mag expect ng mga bagay na di mo sa akin maibibigay" "No, Mi Hermosa. I just---", natayo na ako at lumayo rito. "Tumigil ka Jorge. Ikaw ngayon ang tumigil. Stop lying in my face" "Marami akong ginawa at kaya pang gawin pero wala doon ang magsinungaling sayo. I told you to love me did I not? Do that even if as your friend" "Baliw ka! Ginawa na natin lahat ng posisyon sa kwarto, pero kaibigan?" "So what do you want then?" "Ang gusto ko ay tumigil ka. This doesn't make sense", inaabot ako nito pero lalo lang along lumalayo. Tinalikuran ko na ito nag nagsimulang maglakad papalayo. "I'm confuse myself because you stir something in me, that is why I'm here to clear the air", hinarap ko ito. "Ayokong iwasan mo na naman ako. Ayokong takasan mo na naman ako. Ayokong tingnan mo ako na puno ng pagkamuhi. It irks me to my core", tuluyan nang bumagsak ang kamay nito "So let me first, at the very least, be your friend" "Baliw kang talaga", wala akong ibang masabi dahil kahit sa sarili ko ay dama ko ang senseridad nito. Gusto ko iyong pigilin dahil sa hindi naman talaga dapat pero naging marupok ang puso ko sa taong ito. Nagsimula nang lumakas ang ulan na may kasamang kidlat pero wala ni isa sa aming dalawa ang natinag kaya bago pa man kami maabutan ng ulan at mapagod ang aming mga mata sa pagtititigan ay nagsalita ako sabay ng tuluyangpagbagsak ng ulan sa aming dalawa. "Baliw ka dahil hindi ito ginagawa ng magkaibigan", sinunggaban ko ito ng isang mapusok na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD