7

1250 Words
Samantala makalipas ang dalawang buwan pagkagaling nila ni Rupert ng Boracay, parang may kakaibang nararamdaman si Mabel. Mayo sila nagbakasyon at ngayon ay Hulyo na, parang noong nakaraang buwan ay hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw, hanggang ngayon. Naisip ni Mabel na baka delay lang talaga ang dating ng menstruation niya tulad ng sa mga nakaraang buwan. Hindi niya ito pinansin. Mabel parang tumataba ka yata ngayon saka magana kang kumain kapag nagkakasabay tayo, bati ng kasamahan niya sa work sa bangko na si Rona. Pansin mo din ba Rona? Akala ko ako lang nakakaramdam na parang sumisikip na ang aking uniform ngayon. Di ko kasi maiwasang hindi kumain parang lagi akong nagugutom eh.. sagot ni Mabel. Minsan nga inaantok ako dito sa work natin Rona, pinipigilan ko lang baka makita ako ni sir matanggal pa ako sa work. Naisip ko nga Mabel wala ka naman nakwento na may boyfriend ka kaya imposible na buntis ka naman di ba? ani Rona. Buntis??? bigla siyang kinabahan at napaisip, natulala siya saglit habang kausap si Rona. Hoy Mabel, bakit parang natulala ka yata? tanong ni Rona habang nakatitig sa mga mata niya. Gustong maluha ni Mabel sa mga oras na iyon pero walang lumalabas na luha sa kanyang mata. Galit, sobrang galit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Si Rupert ang may kasalanan ng lahat ng ito, galit na usal ng kanyang damdamin. Kung andito lang sana ang walanghiyang lalaking iyon baka masampal at mapatay ko pa siya. Hindi siya mapagkakatiwalaan manyakis na hayop na iyo, galit na galit na sinasabi paulit-ulit ng isip niya. Wala naman Rona, bigla lang kasi akong may naalala. Kapag may problema ka Mabel, huwag kang mahiyang magsabi sa akin. Dito lang ako anytime, alam mo naman halos tayo lang ang laging magkasama dito sa Bangko araw-araw di ba? Ngumiti lang si Mabel nguni't hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan niyang si Rona ang lahat ng lihim niya. Pagdating sa bahay nila ay dumiretso na si Mabel sa kanyang kwarto, nahiga, maya-maya ay bumangon at pumasok ng banyo. Binuksan niya ang shower at habang pumapatak ang tubig sa kanyang ulo ay sabay ding bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Bakit? tanong niya sa sarili niya na hindi alam kung paano haharapin ang pagsubok na iyon. Paano kung totoong buntis nga siya? Hindi ko ito ipapaalam kay Rupert, ito ang nabuong desisyon ni Mabel. Halos namaga ang kanyang mata sa kakaiyak pero hindi niya alam kung gaano karami ang luhang bumuhos sa kanyang mga mata dahil tinakpan iyon ng tubig sa gripo na matagal nakatutok sa kanyang ulo. Nagbihis siya at inayos ang sarili. Humarap sa salamin... Hinawakan niya ang kanyang tiyan at sinabi, .. "palalakihin kita na hindi mo makikilala ang iyong ama!" Di pa rin mapigilan ni Mabel na biglang tumulo ang kanyang luha habang kinakausap ang baby sa kanyang tiyan. Masakit na walang makikilalang ama ang bata pero hindi naman niya pwedeng pilitin ang sarili niya na mahalin at makasama si Rupert sa iisang bubong. May nararamdaman pa kasi siya sa ex boyfriend niya kahit malabo ng magkabalikan pa silang dalawa. Mas gugustuhin pa muna niyang mag move on kesa makipag relasyon para makalimot. Pero dahil ibinigay ng Diyos ang anghel sa kanyang sinapupunan, (kung meron man) kaya ready na siyang maging ina ngayon. Next month magpapa check up siya sa OB Gyne para malaman kung totoong buntis nga siya at iyon ay papatak na tatlong buwang delay. Biglang lumawak ang kanyang imahenasyon, gusto ko baby girl.. un ang nasa isip niya. Kailangan ko palang bumili ng mga damit at gamit ng baby, bigla siyang napangiti kahit may luha ang kanyang mga mata. Bigla na naman siyang nalungkot... ang daming tanong sa isip niya. Natulala si Mabel habang nakahiga sa bed niya. Paano ko sasabihin sa parents ko na buntis ako? Paano kapag nalaman nila na si Rupert ang ama? Baka sabihin ito kay Rupert at pilitin kaming ipakasal? ilan sa mga katanungan na gumugulo sa isipan ni Mabel. Kung sakaling buntis siya, kakausapin niya ang kanyang parents na huwag ipaalam kay Rupert na nabuntis siya nito. Dahil hindi niya ito ipapakilala sa magiging anak nila. Dumating ang August at nagpunta na siya sa doctor para magpa tsek up. Kabado siya na pumila, maraming nauna sa kanya na ibang pasyente kaya't napakalayo pa ng number niya. Mag isa lang siya na nagpunta dahil wala pang nakakaalam sa tunay na sitwasyon niya ngayon. Maya-maya ay nakita niya ang kanyang number sa monitor at naririnig niya ang kanyang pangalan na tinawag ng nurse, Ms. Mabel Sanatar. Tumayo si Mabel at pumasok sa room ng doctor. Maraming tinanong sa kanya, hinahanap pa ang asawa daw niya. Mam nasaan po ang Mister mo? tanong ng doctor. N..n .. n.. nasa work po doc, nauutal na sagot ni Mabel. Dahil ang totoo ay wala naman siyang asawa. Pakisabi na lang Mam sa mister mo na, congratulations! nakabuo na po kayo mam ng baby. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, di agad nakapag salita sa narinig niyang sinabi ng Doctor. Bibigyan kita ng vitamins para sa inyo ng baby mo mam, para po parehas kayong maging healthy. Gumulo na naman ang isip ni Mabel, ito na talaga ang pinakahihintay niyang araw para makapag isip ng mga hakbang kung paano maresolba ang kanyang problema. Ganito pala ang buntis, meron akong amoy na ayaw ko na dati naman ay gustong gusto ko. Kahit sa pagkain nagiging maselan na ako, pansin ni Mabel sa kanyang sarili. May mga times pa na bigla akong nahihilo at nasusuka, lahat ng iyan ay bago kay Mabel. Naisip niya na darating ang time na mapapansin din ito ng family niya, kaya dapat maging handa siya sa isasagot sa mga ito. Nang pumasok siya sa work, masayang ngiti ang salubong sa kanya ni Rona. Kumusta Mabel? okey ka na ba? Nakapag patsek up ka na ba sa Doctor? nag aalalang usisa ni Rona sa kanya. Oo Rona, matamlay na sagot niya at hindi makatingin ng deritso kay Rona. Naghihintay pa din si Rona sa susunod niyang sasabihin habang nakatitig sa kanya. Naiintindihan kita Mabel kasi first time mong magkaka baby. Napayakap si Mabel kay Rona, bigla itong napahagulhol sa balikat niya. Huwag kang umiyak makakasama yan sa inyo ng baby mo, sabi ni Rona, habang hinahagod ang likod ni Mabel na nakayakap pa din sa kanya. Mamaya after ng work o sa lunch time natin, kung okey sayo Mabel pwede natin yan pag usapan. Don't worry irerespeto ko ang bawat sasabihin mo, sabay kumuha ng tissue si Rona at iniabot kay Mabel para punasan ang mga luha nito. Salamat Rona, mabuti na lang andyan ka para sa amin ng baby ko, sabay ngiti ng bahagya at bumalik na sila sa kanilang pwesto sa trabaho. Ingat sa bawat kilos ha? paalaala ni Rona kay Mabel. Tumango lang ulit si Mabel at ngumiti na parang bata kanina na humihikbi kung umiyak. Nabunutan na siya ng isang tinik sa pakiramdam ni Mabel. Sarap kumilos sa work na may kasamang isang kaibigan na nakakaunawa sa kalagayan niya. Sana magkalakas ako ng loob bago mahalata itong tyan ko sa bahay, ito naman ang next na plano ni Mabel ang sabihin sa family niya ang kanyang sitwasyon. Mabait ang parents niya at siguradong maiintindihan nila ang totoong kalagayan niya ngayon. Baka nga mas excited pa sila na lumabas ang apo nila... napapangiti siya ng lihim sa mga tumatakbong positibong maaring mangyari kapag nagtapat na siya sa parents niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD