Back to normal na naman ang situation at routine nilang dalawa. Maagang sinundo ni Rupert si Chona sa boarding house. Pagdating sa school sinalubong sila ni Donna, nakangiti ito na parang mang aasar na naman.
Okey ka na pala manyakis, banat nito kay Rupert, sabay tawa ng malakas at tinapik ito sa balikat.
Donna, baka may makarinig sayo isipin nila na totoo ang sinasabi mo sa akin. Tiningnan siya ni Rupert ng matalim na parang naiinis.
Di ba Chona? tanong ni Donna.
Subalit biglang lumayo sa kanila si Rupert at pumasok na ng room.
Alam mo Chona, guilty talaga yan si Rupert kasi alam ko na may gusto yan sayo nahihiya lang magsabi, paliwanag ni Donna kay Chona na may pakiliting sundot ng daliri sa bewang nito.
Huwag ka ngang maingay Donna maraming mga nakakarinig sau, sabay tingin sa paligid at inginuso iyon kay Donna. Tinakpan ni Chona ng palad niya ang bibig ni Donna para manahimik na.
Ano ba Chhhoona, halos di siya makapag salita dahil tinakpan ang bibig nito.
Halika na sa room baka mahuli pa tayo sa klase, sabay hila ni Chona sa braso ni Donna. Pagdating nila sa room andun na si Rupert at tahimik na nagbabasa ng book, napasulyap ito pagpasok nila dahil maingay si Donna.
Lumapit si Donna kay Rupert at hinila ang aklat na binabasa nito, "wag masyadong seryoso baka maging magna cumlaude ka nyan," pang aasar na naman nito.
Kinuha lang ito ni Rupert sa kanya at Ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Donna, tawag ni Chona sa kanya sa mahinang boses.
Lumapit si Donna kay Chona at natahimik na ito dahil padating na ang kanilang professor.
Pauwi na sila ng hapon, habang nasa kotse sina Rupert at Chona ay biglang nagyaya si Rupert na magsimba sila sa darating na Linggo.
Chona, hindi ka ba uuwi sa inyo sa Laguna ngayong weekend? tanong ni Rupert.
Hindi Rupert, bakit?
Yayain sana kita na magsimba tayo sa baclaran church, kung okey lang sayo?
Hmmm.. Sige malalaman mo sa Friday kapag wala akong gagawin, makakasama ako sayo Rupert, sagot ni Chona.
Hindi pa man sigurado ang sagot ni Chona ay excited na si Rupert. Pinag iisipan na nito ang gagawing pagtatapat kay Chona if ever na makakapag simba silang dalawa sa Baclaran.
Hindi ni Rupert tinawagan ng Friday si Chona kundi Saturday ng hapon. Para kung free ito ay makakabili pa siya ulit ng bulaklak para kay Chona at lakas loob na niya itong ibibigay. Bumili na kasi siya before pero hindi niya naibigay dahil naunahan siya ng hiya ng asarin siya ni Chona. Ito na siguro ang perfect time kapag sumama siya sa akin na magsimba kami sa Linggo.
Tinawagan niya si Chona ng Sabado.
Ring... Ring.. ring... ring, sinagot ni Chona ang tawag niya sa cellphone nito.
Rupert napatawag ka yata? sabi ni Chona.
Baka kasi nakalimutan mo Chona ... ani Rupert.
Ay oo nga pala Rupert.. kumakabog ang dibdib ni Rupert habang hinihintay ang sasabihin ni Chona.
Free ka ba? ulit ni Rupert sa malumanay na boses, na kung makikita lang ito ni Chona ang hitsura ng mukha ay parang batang kinikilig, na medyo nakakagat pa ang kanyang labi.
Yes, hmmm.. basta sunduin mo lang ako dito sa boarding house anytime sa Sunday, okey?
Napasayaw siya at suntok sa hangin ng marinig ang pagsang-ayon ni Chona. Mabuti na lang at walang tao na makakakita sa kanya kundi baka isipin na may sira siya sa ulo.
Yes.... yessss.. yes!.. yan ang sinasabi ni Rupert habang napapasayaw sa sobrang tuwa. Bibili na siya ng mamahaling bulaklak para sa babaeng special sa puso niya, at iyon ay si Chona. Magtatapat na siya ng kanyang nararamdaman sa Linggo.
Bago siya dumiretso kay Chona ay dumaan muna si Rupert sa flower shop. Nagpagawa siya ng bouquet of 12 red roses. Sana magustuhan ito ni Chona, yan ang tumatakbo sa isip ni Rupert habang inaayos ng tindera ang mga red roses. Pagkatapos ayusin at bayaran kinuha na niya ito at dinala sa kanyang kotse. Pupuntahan na niya si Chona para makaabot sila ng ten ng umagang misa.
Pagdating sa boarding house nag spray muna siya ng pabango sa kanyang damit, para sure na mabango siya paglapit ni Chona sa sasakyan.
Beep..beep.. bumusina na siya para lumabas si Chona.
Namangha na naman siya sa kagandahan ng babaeng gusto niya. Naka dress ito na hapit sa bewang at lumabas ang hubog ng katawan. Binuksan niya ang pinto ng kotse para makasakay si Chona. Itinago niya ang bulaklak, ibibigay niya iyon after ng mass. Habang nasa byahe Iniisip ni Rupert kung paanong diskarte at paano magtatapat kay Chona. Nakakatorpe pala talaga kapag gusto mo ang isang babae, nkakahiyang magtapat, nasa isip ni Rupert habang nagda drive papuntang simbahan.
Naninibago ako sayo Rupert, sabi ni Chona. Dati ang kulit mo kapag nasa byahe tayo, bakit ngayon parang pepe ka yata at di man lang nagsasalita dyan ha?
Ganoon ba? hehehe.. nagkataon lang siguro minsan na makulit ako... ani Rupert.
Halika na baba na tayo Chona, na park na natin ang kotse. Inalalayan ni Rupert si Chona pagkabukas ng kotse. Taimtim silang nanalangin at hinintay nila hanggang sa matapos ang misa. Naglabasan na ang mga tao pero nagpaiwan pa din silang dalawa sa upuan.
Mamaya tayo lumabas Rupert, sabi ni Chona.
Gusto ko kasi sa ganitong lugar yong tahimik at marefresh din ang utak ko sa daming iniisip minsan.
Sige maaga pa naman para sa lunch natin, doon nga pala tayo sa Mall of Asia "MOA" kakain para after ng lunch makapamasyal naman tayo. Maganda doon sa tabing dagat lalong marerelaks ang isip mo, sabi ni Rupert.
After 30minutes nilang naupo, nagyaya na din si Chona na lumabas sila ng church. Nagpunta muna sa gilid ng church. Naghanap sila ng nagtitinda ng kandila para bumili.
Lumapit sa kanila ang isang babae, mam, sir bili na po kayo ng kandila tapos sindihan po ninyo doon sa banda don. Ganda naman po ng asawa mo sir, sabi ng babaeng nagtitinda. Oo sagot ni Rupert, kaya mahal na mahal ko po yan ate. Napatingin sa kanya si Chona, hindi nagsalita kasi baka marinig ng ale na hindi pala sila mag asawa at mapahiya ito. Bumili si Rupert ng kandila at naglakad sila papunta sa sindihan doon sa gilid na tinuro ng aleng nagtitinda ng kandila. Nagdasal siya na sana sagutin siya ni Chona sakaling magtapat siya sa dalaga mamaya. Gayon din si Chona taimtim na nanalangin habang may sindi ang kanilang kandila. Mga ilang minuto naglakad na sila papunta sa kotse.
Ito ang sandaling bumalik ang kaba ng dibdib ni Rupert, pinapag pawisan siya kahit malakas ang hangin sa labas. Iaabot niya ang bulaklak kay Chona bago ito sumakay sa kotse, ito ang plano ni Rupert.