Pumasok sina Chona at Rupert sa Seaside Samgyupsal, nagkatinginan silang dalawa dahil first time nilang kumain ng Korean foods. Iniabot ng waitres ang menu sa kanilang dalawa.
Mam at sir pili lang po kayo, mamaya babalikan ko po kayo para sa inyong order.
Kinuha nila ang menu at naghanap ng kanilang oorderin.
Chona nakapili ka na ba? tanong ni Rupert.
Ito yon Rupert sabay turo sa, pork belly, lettuce, pero kapag sinabi natin sa waitres na pang samgyupsal automatic ibibigay na siguro sa atin ang complete set ng mga ingredients. Okey, sabi ni Rupert, wait natin ang waitres pagbalik at kunin ang orders natin. Masaya silang kumaing dalawa, dahil gutom at nasarapan sa mga foods di nila namamalayan ang oras na malalim na pala ang gabi.
Thank you Rupert sa dinner nabusog ako sobra. Nevermind Chona, basta't ikaw always welcome,, sabay kindat kay Chona. Let's go at ihahatid na kita sa boarding house mo. Pagkadating sa boarding house ay umuwi na din si Rupert. See you on.. ... Monday Chona, Friday na pala ngayon., ani Rupert.
Successful ang unang move ni Rupert na maka date si Chona. Tagal nilang kumain kaya't matagal din niyang napagmasdan ang kagandahan ni Chona. Kapag ngumingiti ito at sabay sa paglabas ng malalim na dimple sa kanyang kanang pisngi at pantay pantay na maputing mga ngipin at mga labing katamtaman na parang kaysarap halikan.
Dumating ang lunes, hindi nakapasok si Rupert dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Naghintay si Chona sa kanya subali't hindi ito dumating sa oras na 6:30 ng umaga ay dapat andoon na ito sa boarding house kaya nag decide siya na mag taxi na lang papunta sa school. Natapos ang maghapon na walang dumating na Rupert, nag alala na si Chona.
Matawagan nga ang mokong na yon bakit kaya hindi pumasok ngayon, usal ng isip ni Chona.
Ring.. ring.. ring.. hindi sinagot ni Rupert ang tawag ni Chona kaya't tinawagan niya ulit ito.
Ring.. ring.. ring.. Hello Chona! bakit ka napatawag? ani Rupert
Wala naman, tatanungin lang kita kung bakit di ka pumasok kanina.
May pinuntahan kasi ako kanina Chona sa sobrang busy di na kita natawagan na hindi kita masusundo at hindi rin ako makakapasok, sabi naman ni Rupert.
Ayaw niyang sabihin kay Chona na maysakit siya, gusto niyang maramdaman kung hahanapin siya nito at mag aalala.
Kinilig si Rupert ng marinig ang boses ni Chona pakiramdam niya ay biglang gumaan ang mabigat niyang ulo. In love na talaga ako kay Chona, bulong ng kanyang puso at isip.
Next week na ako papasok Chona, pa copy naman ng mga lessons natin please?
Don't worry Rupert, anytime makakahiram ka ng mga notebooks ko, sabi ni Chona.
Salamat! bait mo talaga Chona, swerte naman ng magiging boyfriend mo.. hehehe. nagawa pa niyang asarin si Chona.
Kailangan kong magpagaling para makapasok na ako next week. Dahil hindi makabili ng pagkain si Rupert sa labas, umaasa na lang siya sa mga delivery at umoorder na lang siya ng mga lutong pagkain para makakain. Mahirap palang mag isa kapag nagkakasakit, nasabi ng isip niya. Minabuti na muna niyang magpahinga para bumalik ang dati niyang lakas. Trangkaso yata ang tumama sa akin, ani Rupert. Sumakit ang katawan ko at ulo, buti na lang medyo ok na ako konting kain at pahinga lang ito at balik na ako sa normal makakapasok na ulit sa school.
Parang may nag doorbell, dinig iyon ni Rupert.
Sumilip siya sa bintana ng kwarto niya, harap kasi iyon ng gate ang pwesto sa bahay nila. Yong pagdungaw ay makikita kong sino ang tao sa gate. Nagulat siya sa nakita, si Donna at Chona ang nasa labas ng gate at nag doorbell. Dali-dali siyang nagpunta sa banyo, nag toothbrush at nagbihis, nagsuklay na din at naglagay ng konting gel. Kilos na parang walang sakit, iyon dapat ang gawin niya para hindi malaman ni Chona na nagsisinungaling siya. Lumabas siya ng kwarto para pagbuksan ang dalawa at papasukin.
Mga classmates, bakit naligaw yata kayo? tanong ni Rupert kina Chona at Donna.
Hindi kami naligaw Rupert, sagot ni Donna.
Tuloy muna kayo sa loob para makapag meryenda, yaya ni Rupert.
Parang matamlay ka yata Rupert, bati ni Chona.
Napansin kasi ang kilos niya na hindi kasing liksi gaya ng dati. Nanghihina pa kasi siya kaya di pa makakilos ng mabilis.
Hindi naman Chona bagong gising lang kasi ako, sagot naman ni Rupert.
Nasaan ang meryenda Rupert?
Banat naman ni Donna sabay hampas kay Rupert. Sa puntong iyon biglang natumba si Rupert at lumapit silang dalawa para alalayan ito.
Parang may lagnat ka Rupert, mainit ang katawan mo, sabi ni Chona. Lumapit din si Donna at dinama ang noo nito.
Bakit di ka nagsasabi ng totoo Rupert? Maysakit ka ano? sabi ni Donna sa mataas na boses at nakatitig kay Rupert. Hindi naman mapakali si Chona, dalhin ka na ba namin sa doctor Rupert? nag aalalang sabi ni Chona habang hinahawakan ang kanyang balikat.
Okey na ako, wag na kayong mataranta mga classmates nagpapagaling na lang ako, sabi Rupert. Tamang-tama may dala kaming prutas kainin mo ito para gumaling ka kaagad., ani Chona. Tumawag pa ako sayo hindi mo sinabi na maysakit ka, sana noon ka pa namin nadalaw ni Donna, sabi ni Chona.
Napangiti si Rupert pati puso niya ay lumakas ang t***k, ramdam niya ang pag aalala ni Chona sa kanya. Hinawakan ni Rupert ang kamay ni Chona, sabay sabi ng "Salamat sa concern", bigla akong lumakas ng makita kita, sabay ngiti at pisil ng kamay nito.
Nakatingin lang sa kanila si Donna, at ng seryoso si Rupert sa pagpapasalamat kay Chona bigla ito sumingit sa usapan.
Oooppsss.. ano yan Rupert, bakit may pahawak-hawak ka pa sa kamay na nalalaman ha? Sabay hila sa kamay nilang dalawa ni Chona para maalis ang pgkakahawak ni Rupert.
Hahaha .. ano ba Donna, ani Rupert. Nilakihan niya ito ng mata na ibig sabihin ay hayaan sana silang dalawa sa ganoong sitwasyon.
Mapang asar naman itong si Donna, umupo ito sa gitna nilang dalawa sabay sabi. Paano ka gagaling niyan Rupert eh puro kalokohan ang alam ng utak mo. Hindi makabwelo si Rupert kapag andyan si Donna lagi kasi siyang sinusupalpal sa bawat sasabihin niya kay Chona.
Kumain na muna tayo tanghali na pala, yaya ni Rupert. May mga pagkain akong inorder kanina, kaya pala marami iyon dahil pupunta kayo at alam ko naman kay Donna pa lang kulang ang 5 cups ng kanin. hahaha. . hahaha.. nang aasar na biro ni Rupert. Inayos nilang tatlo ang mga pagkain sa lamesa at sabay-sabay silang kumain na nagbibiruan at asaran.
Kumain kang mabuti Rupert para sa Monday ay makapasok ka na, malapit na din ang examination natin para makahabol ka pa sa mga lessons, sabi ni Chona.
Oo sure na makakapasok na ako ng Monday, syempre namimis na din kitang kasabay at sunduin sa pagpasok natin.
Hayyyy.. na naman, parang may langgam yata dito, banat na naman ni Donna na pang aasar kay Rupert.