Nahiga siya sa bed katabi ni Mabel pagkatapos at sa sobrang pagod nakatulog din siya doon. Umaga na ng magising siya at wala si Mabel sa tabi niya. Lumabas siya ng room at hinanap si Mabel. Nakita ito ni Rupert na naglalakad sa baybayin ng Boracay mag isa. Nahihiya si Rupert sa nangyari kaya hindi siya makalapit muna kay Mabel. Tinatanaw lang niya ang mga kilos nito bago siya bubwelo na lumapit kay Mabel.
Kumain ka na ba Mabel? bati ni Rupert paglapit niya sa dalaga.
"Huwag kang mag alala Rupert sa nangyari kagabi, wala kang dapat sisihin at kung magbunga man di kita guguluhin, ito ang bungad ni Mabel sa kanya."
Hindi nakapag salita si Rupert, natahimik siya sandali ng walang lumalabas ng kahit anong salita sa bibig niya. Pinag masdan lang niya si Mabel habang nilalaro ang tubig ng kanyang mga paa.
Pwede bang sabay na tayo mag almusal? sabi ulit ni Rupert.
Sige na mauna ka na, wala pa kasi akong ganang kumain, masakit kasi ang ulo at katawan ko, usal ni Mabel. Nakonsensya si Rupert, alam niyang kasalanan niya ang lahat ng nangyari kagabi kaya may galit si Mabel sa kanya. Umalis saglit si Rupert at umorder ng pagkain nilang dalawa. Pinilit na niyang isama si Mabel na kumain para mawala ang hang over nito. Pagkatapos kumain ay umakyat si Mabel sa room niya at naiwan na naman si Rupert na mag isa. Magsisisi man siya ay hindi na maibabalik ang lahat kaya't napabuntong hininga na lang siya ng malalim. Marupok ka kasi Rupert, usig niya sa kanyang konsensya.
Flight na nga pala nila mamayang hapon ng 4 o'clock at pabalik na ulit sila ng Davao ni Sheila. Umakyat na din siya sa room niya at nag empake. Hindi naman lumabas ng room si Sheila buhat ng umakyat ito pagkatapos nilang kumain ng almusal. Pinabayaan muna ito ni Rupert na makapag pahinga dahil sa hang over at sa nangyari kagabi.
Hindi rin mapakali si Rupert kapag naiisip ang nangyari sa kanilang romansa kagabi dahil sobrang nag enjoy siya kay Sheila. Sa kanya naranasan ni Rupert ang unang pakikipag niig sa katawan ng babae at memorable iyon at sa Boracay pa nangyari. Kakaiba ang nararamdaman ni Rupert parang nahuhulog na ang loob niya kay Sheila. Pero ayaw siyang kausapin ni Sheila at if ever daw na may mabuo wala siyang dapat alalahanin.
Paano kung mabuntis siya at magka baby kami? magulong tumatakbo sa isip ni Rupert. Hindi ko dapat siya pabayaan para makilala ako ng bata na ako ang tatay niya. Pero paano??? Galit si Sheila sa kanya ngayon. Kanino siya lalapit para humingi ng payo?
Baka isipin nila na sinamantala ko ang
kahinaan ni Sheila nung time na magkasama kami. Ahhhh.. sakit sa ulo. . usal ni Rupert.
Pagdating ng hapon ay dumating na ang van na maghahatid sa kanila sa airport.
Mabel... knock! knock! ready ka na ba? tawag ni Rupert habang kinakatok ang pinto.
Oo saglit lang lalabas na ako, galit at kaswal na sagot ni Mabel na halatang napilitan lamang na kung makikita mo siguro ay salubong ang kilay na may matang nakatitig
sayo na para kang matutunaw.
Pagbukas ng pinto ay binitbit ni Rupert ang bag ni Mabel at sabay silang naglakad papunta sa van. Bumayahe na sila papunta ng airport pabalik ng Davao, matapos ang naging overnight lang na bakasyon sa Boracay. Tahimik silang magkatabi sa eroplano at minabuti na lang ni Rupert na maidlip para hindi mainip sa oras ng byahe. Pagmulat niya ay nasa Davao na sila at malapit ng lumapag. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at kung paano papawiin ang galit ni Mabel sa kanya. Tumawag ng taxi si Rupert at inihatid niya si Mabel sa kanilang bahay, bago ito nagpahatid sa driver papunta naman sa bahay.
Sir .. sabi ng driver, bakit hindi yata nagsasalita yong babae?
Ah .. ehhh.. manong may sumpong lang siguro un, sagot naman niya.
Nang makarating siya ng bahay ay nagpahinga muna si Rupert, naisip niya na ilang araw na lang ay babalik na pala siya ulit ng Manila. Doon na naman pumasok sa isip niya si Chona, (napaka babaero tlaga ng binatang ito, marupok nga. hahaha) kumusta na kaya siya.. naglalarong mga alaala ang nasa utak ni Rupert ng kabuang kagandahan ni Chona. Kailangan na niyang mag ayos ng mga gamit para hindi siya maghagilap pag malapit na siyang umalis.
Dumating ang buwan ng June at pabalik na siya ng Maynila. Hindi man lang sila nagkita ni Mabel at hindi niya ito nakumusta man lamang. Mas excited pa si Rupert na makita si Chona. Yes! usal ni Rupert Manila I'm coming. Pagdating ng Maynila ay ready na naman siyang pumasok sa school, second year in Law School, UST at classmate sila ulit nila Chona at Donna.
Ring..ring...ring.. Hi Chona? Tumawag si Rupert para ipaalam na susunduin niya ito pagpasok sa Monday.
Oy Rupert! dumating ka na pala, sabi ni Chona pagkasagot ng cellphone.
Syempre, bakit ayaw mo ba akong makita? pang asar na sabi ni Rupert kay Chona.
Hahaha para kang abnormal Rupert, banat naman ni Chona.
Susunduin nga pala kita sa Monday Chona para sabay na ulit tayong papasok sa school.
Sige na .. oo .. wag ka munang estorbo Rupert andito pa ako sa Laguna, Sunday pa ang luwas ko, sabi ni Chona.
Okey Chona, bye, see you on Monday! pakilig na huling sinabi ni Rupert bago patayin ang cellphone.
Beep..beep.. bumusina si Rupert sa tapat ng boarding house ni Chona. Ilang sandali pa ay lumabas na si Chona, biglang natulala si Rupert at hindi agad nakapag salita ng makitang muli si Chona. Kakaiba talaga ang ganda niya, iyon ang nasa isip ni Rupert.
Hi Rupert! Kumusta ang bakasyon mo? ani Chona. hoyyy! .... sabi ulit ni Chona sabay tapik sa braso ni Rupert. Halika na nga baka mahuli pa tayo Rupert, pumasok ka na dito sa kotse mo. Doon lang natauhan si Rupert sa kanyang pagkatulala, ng hampasin siya ni Chona sa braso.
Ah.. ehh.. anong sabi mo Chona? ulit ni Rupert.
Wala, sabi ni Chona. Tara na baka mahuli pa tayo ano!
Lalo kang gumanda Chona, sabi ni Rupert.
Hahaha grabe ka Rupert, now mo lang ba napansin yan? hmmmm.. Joke! Thank you sa compliment Rupert.
Tuwing may pasok ganoon ang naging set up nilang dalawa, ang magkasabay na sa sasakyan ni Rupert papunta ng school. Habang tumatagal lalong napapalapit ang loob ni Rupert kay Chona at ito ang dahilan kaya lalong niyang sinipagan ang paghahatid at sundo dito. Iniisip niya kung paano magtatapat kay Chona na parang mag bestfriend na nga silang dalawa for almost two years. Hindi na niya palalampasin ang kanyang nararamdaman at humahanap lang siya ng tyempo para magtapat sa kay Chona.
Minsang sinundo ni Rupert si Chona sa boarding house nito ay may dala siyang bulaklak. Binili niya ito para talaga kay Chona, sisimulan na niyang mangligaw.
Pagsakay ni Chona sa kotse ni Rupert ay nagulat ito dahil ipinatong ni Rupert ang bulaklak sa front ng kotse.
Wow! may pa flowers flowers pa siya Ah.. banat ni Chona pagkaupo ng kotse.
Kanino ba natin yan ibibigay Rupert? Help na kitang mangligaw para sure na sasagutin ka kaagad. hahaha.. tawang pang asar ni Chona.
Tiningnan lang siya ni Rupert na parang naiinis, habang patuloy sa pagmamaneho. Inirapan siya nito na halos magsalubong ang makakapal na kilay. Umuwi si Rupert na dala pa din ang bulaklak at hindi iyon naibigay kay Chona. Inis siya sa sarili niya dahil hindi niya nagawa ang first move.
Ano kaya ang gagawin ko para maniwala si Chona na siya ang pagbibigyan ko ng bulaklak noong nakaraang araw? gulong nasa isip ni Rupert. Mabiro siya at makulit pero pag pala usapang puso ay natatameme siya, lalo pa at kay Chona tumitibok ang kanyang nararamdaman.
Mahirap paibigin si Chona dahil focus ito masyado sa pag aaral. Pangarap niyang maging isang Abogado katulad ng kanyang daddy at kuya Sonny, panganay na kapatid ni
Chona. May mga nangliligaw sa kanya sa school pero lahat sila ay hindi pinapansin ni Chona. Ganoon siya kaseryoso na makapagtapos ng kolehiyo.
Chona pwede ba kitang yayain na kumain sa labas after school ? yaya na tanong ni Rupert.
Oo naman Rupert, sagot ni Chona. Sakto kasi wala na akong food sa boarding house ko. Dinner tayo mmya, sabi ni Rupert. Saan mo ba gustong kumain Chona?
Kahit saan Rupert basta ikaw ang taya ha? hehehe, nakangiting sabi ni Chona na nakatingin kay Rupert. Lalong nainlab yata ako sa mga ngiti mo, usal ni Rupert sa isip niya.
Bakit parang malalim ang Iniisip mo Rupert?
Huwag kang mag alala konti lang naman ako kung kumain eh... biro na naman ni Chona.
Wala yon Chona, kahit damihan mo pa ang kain mo walang problema para tumaba ka naman at magka bilbil. .. pang asar ni Rupert.
Ayoko ngang magka bilbil baka wala ng mangligaw at makagusto sa akin noh, sabi naman ni Chona.
Lika na, daan tayo sa samgyupsal, ani Rupert.
Wow! galante ang driver ko ah, hahaha .. joke lang, sabi ni Chona. Subukan naman nating maging Korean... hahaha .. hahaha . .. sabay silang nagtawanang dalawa.