Chapter 6

1252 Words
LEE'S POV GULAT AKONG napalingon sa humarurot ng motor sa likuran ko. Kararating ko lang parking lot ng BIS at kasalukyang sinisigurong naka-lock ang pinto ng kotse ko. Hindi ko na tiningnan pa kung saan iyon nag-park, dumeretso na ako papasok sa campus. Sa dami ng bumati sa 'kin ay kakatwang isipin na si Taguro ang hinahanap ko. Binuhay niya ang interes ko dahil sa paraan niya ng pakikitungo sa 'kin kahapon. "Enemy spotted," ani Tob. Napangiti ako nang makitang si Taguro ang kaniyang tinutukoy. Sinulyapan ko si Deib. Nakakatawa ang inis na mababasa mukha niya. Kunot na kunot ang noo, nakasimangot at nakangiwi ang mga labi. ""'Wag mo nang subukan na dumaan dito, Taguro," iritableng ani Deib Lohr. "Ang sabi mo ceasefire na, Deib, 'wag kang talkshit, 'dre," tatawa-tawang ani Tob. "I can't help it, Tob. Tch. She makes my blood boil." "But where the hell is Michiko?" Mag-isa si Taguro. Minasdan ko siyang maglakad papunta sa line at um-order ng bottled mineral water. Nakangiti kong inilingan ang kawalan niya ng reaksyon, gano'n na gano'n siya kahapon. Lalo akong napangiti nang maisip kong hindi lang siya sa 'kin gano'n. Palibhasa'y sa daan lang nakatingin, mukhang hindi pansin ni Taguro ang presensya namin. Mula sa line ay hindi ko inalis ang tingin sa kaniya habang dumaraan sa harap namin. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang biglang tumayo si Deib at akmang babatukan si Taguro. Ngunit mabilis na nahuli ni Taguro ang braso niya at ginamit iyon para ibalibag siya. Sabay kaming napatayo ni Tob at gulat na napatitig kay Deib. "Bakit ka umiwas!" singhal niya. Sa kalokohang plano niya ay siya ang napunta sa sahig. Agad na lumapit ang mga estudyante sa gawi namin. Ang ilan ay pasimpleng nagtatawanan habang ang karamihan ay lihim na sinasamaan ng tingin si Taguro. "Tayo na agad, 'dre," mabilis na lumapit si Tob. "Ang daming nakatingin, nakakahiya. Ang pangit no'ng bagsak mo, 'dre," aniya saka tinulungan ang kaibigan namin. "Bakit ka sabi umiwas!" singhal na naman ni Deib. "Hindi ka sasagot?" galit na aniya. "Deib," awat ko pero hindi niya ako pinakinggan. Nagulat na lang kami nang damputin ni Deib ang tray sa kabilang mesa. Akma na sana niyang ihahampas kay Taguro iyon nang pigilan siya ni Tob. "What the hell, 'dre?" seryoso si Tob. "Tama na, okay?" "'Wag kang makialam," banta ni Deib saka tinabig si Tob. Mabilis siyang lumapit kay Taguro at hinawakan ito sa damit na para bang isang lalaki. "Talagang kinakalaban mo 'ko, ano? Hindi mo ba ako kilala? Kayang-kaya kitang patalsikin dito!" inuga-uga niya pa si Taguro. "Let her go, Deib!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Deib sa damit ni Taguro. "Bakit ka umiwas!" sigaw ni Deib. "Kung hindi ako iiwas ay tatamaan mo 'ko," malumanay na sagot ni Taguro dahilan para takang mapalingon ang karamihan sa kaniya at matawa. Kakatwa namang sa sitwasyong iyon ay wala pa rin siyang ekspresyon. "What do you think of me, stupid? Syempre, tatamaan ka talaga!" angil ni Deib. "Eh, ano rin ang akala mo sa 'kin, tanga? Malamang ay iiwasan talaga kita," malumanay ngunit may diin ang pananalita ni Taguro. Gusto kong humanga. "Bitiwan mo nga 'ko," angil niya saka walang kahirap-hirap na itinulak si Deib dahilan para muli itong matumba. "Tss. Lakas ng loob mong magsalita, eh, ikaw 'tong lampa." "Enough," muling awat ko ngunit wala ni isa sa kanilang nakinig sa 'kin. Humakbang papalapit si Taguro at pumuwesto sa paanan ni Deib. "Tayo," pautos niyang sabi. "Anong tayo?" kunot-noong tanong ni Deib. "Tumayo ka." Kabadong bumangon si Deib. "Ano ang gagawin mo?" Seryosong tumitig sa kaniya si Taguro. "Sasapakin kita, susubukan mong iwasan. "Tapos ay tatanungin kita kung bakit ka umiwas." Umugong ang malakas na tawanan. Kaliwa't kanan ang bulungan ng paghanga sa itrinato ni Taguro sa kaibigan ko. Hindi na ako nagtataka dahil ngayon lang nangyari ang ganito. Wala pang pumatol sa ganitong ugali ng isang Deib Lohr Enrile. "Are you crazy?" nanggigigil na ani Deib. Humakbang muli papalapit si Taguro. "Kung talagang gusto mo ng gulo, sabihin mo. 'Wag mo 'kong idinadaan sa mga papatid-patid at pambabatok mo dahil gano'n lang din ang igaganti ko sa 'yo." Napako ang galit na tingin ni Deib dito. "Who do you think you are?" "Sino ka rin ba sa akala mo?" malunamay pa rin ang pananalita ni Taguro, walang nagbago sa tono at hitsura niya. "Don't you know who I am?" "Bakit, ako ba kilala mo?" "Bakit kita kikilalanin? Ako ang dapat mong kilalanin!" Humakbang papalapit si Deib sa kaaway at saka tinitigan ito mata sa mata. "I am a big deal." Kumurap lang si Taguro. "Hindi ako interesado." Inabot niya ang bote ng tubig nang hindi inaalis ang tingin kay Deib saka tinalikuran ito. Napamaang si Deib, maging ang lahat. Matagal bago namin nagawang sundan ng tingin si Taguro, na noon ay naglakad na para bang pag-aari niya ang mundo. "Ha," suminghal at tumawa nang malakas si Deib na animong tunay siyang natutuwa. Galit siya. "Did you see that?" baling niya kay Tob. "I'll never forgive her!" "She's really something," tatango-tango ang nakangiting si Tob. "Whose fault is it anyway?" "That girl is a goddamn problem!" namulsa si Deib at inis na sinipa ang sahig. "She did this to me!" inis niyang pinagpag ang dumi sa pants. "What?" hindi ko napigilang manahimik. "It's not her fault, Deib." Inis niya akong nilingon. "I didn't say it was her fault, I said she did this to me, Lee!" Itinuro niya ang sarili. "Sana ay hindi mo na lang pinatulan." Hindi namin inaasahan ang presensya ni Migz. Natahimik ang karamihan. "No one ever wins a fight or an argument against you, Mister Enrile, you know that. At halos lahat ay ikaw ang kinakampihan." "What do you want me to do, then? It's not my fault, Migz. I'm special, different from others, I am Deib Lohr Enrile and you cannot do anything about it." Ngumisi si Deib. Ngumiwi naman si Migz. "Alam mo kung sino sa inyong dalawa ang mali. Sana ay hindi na maulit 'to. Maraming students ang nakakakita sa inyo at hindi maganda ito. Senior ka at junior student naman si Max," sumulyap ang ngiti sa mukha ko nang banggitin ni Migz ang pangalan ni Taguro. "Hindi magandang example ito sa freshmen at sophomores." "So her name is...Max?" Ngumisi si Deib. "Sa inyo kasi ay biruan lang 'yan, sa amin away na 'yan at hindi magandang tingnan. Babae si Max. Bukod do'n ay tatlo kayo, nag-iisa lang siya." Nanatiling seryoso si Migz. ""'Oy, hindi kami damay," nakangusong ani Tob. "Umaawat nga kami ni Lee, eh." "We will try to fix this, Migz, I'm sorry," ako na ang nagpakumbaba. "Fix it," mariing ani Migz. "Sana ay 'wag nang maulit 'to, Deib, ako na ang nakikiusap sa 'yo." "Sino ka para pakinggan ko?" mayabang na ani Deib. "Nakikiusap lang ako, nasa sa 'yo na 'yon kung hindi ka magpapaubaya," pagtatapos ni Migz sa usapan bago umalis. "What's wrong with those people?" angil ni Deib saka muling naupo sa table. "Lagot talaga sa 'kin 'yong babaeng 'yon." "Tsk, enough, Deib, okay?" palag ko. "Ano ba? May gusto ka ba ro'n?" "Wala." "'Wag mong kampihan kung gano'n." "Mas matanda na ang pag-iisip ko kompara sa 'yo, Deib." Sinamaan niya ako ng tingin at hindi na sumagot. liling-iling siyang nag-iwas ng tingin. Iyon si Deib Lohr Enrile, ang numero unong bully sa campus na ito. Hindi tinatanggap ang sariling kamalian. Gagawa ng kalokohan at sa huli ay magagalit kapag siya ang napahiya. Sa madaling salita, isip-bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD