Chapter 7

3416 Words
MIGZ'S POV BASE SA nakita ko ay si Deib Lohr Enrile ang mali. Hindi ko alam kung paanong nagsimula ang gulo nila. Sa nadinig at nasaksihan ko kasi kanina ay mukhang hindi na iyon ang unang beses na paghaharap nila. Kilala siyang bully kaya hindi na ako magtataka. Bilang presidente ng council ay wala dapat akong kinakampihan. Mahirap gawin 'yon sa sitwasyon kanina. Sa t'wing sangkot ang Enrile na 'yon ay natatakot din ako. "Sino ba kasi 'yong lokong 'yon?" ani Naih. Nakapalibot lahat ng kaibigan ko kay Max na nakaupo lang sa mesa. "Campus bully," nakangiwing ani BJ. Naupo ako at bumuntong-hininga. "Kilala sila dito sa school. 'Yong lolo ng mga 'yon ay pare-parehong stockholders ng BIS. Great grandfather naman ni Deib Lohr Enrile ang may pinakamalaking share, bukod sa lolo niya si dean," paliwanag ko. "Kilala ang pamilya nila sa buong Laguna." "Varsity rin sila ng BIS basketball team," ani Michiko. "Crush ng halos lahat ng girls...and gays," nakangising ani BJ. "Ah, so pa-F4 effect lang?" ani Naih na ang tinutukoy ay iyong mga bida usong TV drama series ngayon. "'Yong mga sikat at siga sa campus? Mayayaman at lahat ng gusto ay ibinibigay ng mga magulang? 'Yong kapag walang magawa ay nang-aaway? 'Sus! Ang boring ng buhay nila! Kulang sa pansin." Sinulyapan niya nang masamang tingin ang grupo nina Deib. "May mga hitsura at matatangkad nga, ang papayat naman. Naku!" "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Max. Tumango lang siya. "Ako na ang humihingi ng sorry, ang pangit ng approach ng school namin sa inyo." "Sanay na 'yan sa ganiyan," nakangising ani Naih. "Punong-puno ng action ang buhay niyan." "Puntahan na lang natin si dean, magsumbong tayo," suhestiyon ko. "'Wag na, ayos lang ako. Baka lumaki lang ang gulo," seryosong ani Max. "Saka hindi naman siya ang natumba, 'di ba?" natatawang ani Naih. Nakita namin ang ilan sa mga nangyari kanina at aawat na sana ako nang pigilan niya ako. Tatawa-tawa pa nga niyang pinanood kung paanong nagkasagutan sina Max at Deib Lohr. "Ikaw lang ang nakapagpatumba kay Deib Lohr Enrile, Max," ani Michiko. Tumango kaming dalawa ni BJ. "Hahaha, astig!" nakipag-apir si Naih sa kaibigan. "Hindi ko siya itinumba, lampa talaga siya," ani Max saka bumuntong-hininga. Ang seryoso talaga ni bakla, hindi pwedeng ngumiti? Matapos naming mag-lunch ay bumalik agad kami sa klase. Hindi ko mapigilang humanga kina Max at Naih, kasisimula pa lang ng klase pero nakikita ko nang may ibubuga sila. Marami namang estudyante dito sa BIS na matatalino talaga. Ang kaso ay lamang iyong mga sikat, magaganda, mayayaman, loko-loko at talentado. Hindi naman sa mahihina ang ulo pero hindi kasingtatalino ng dalawang ito. Ako man ay aminadong tamad sa pag-aaral. Pumapasok lang ako para walang masabi ang parents ko. Mas gusto ko pa ngang gumala sa labas ng bansa, o mag-shopping. Kumanta nang kumanta magdamag. Sa ilang magkakasunod na subjects ay nangunguna sina Max at Naih sa recitation. Wala ni isang tanong na hindi nila nasasagot. Kaya hindi lang kami ang bumilib. Lalo pa at parang laro lang kay Naih ang karamihan, tatawa-tawa pa siya sa t'wing makakasagot. Habang si Max naman ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon. Nakakabilib. "Agripa," nangibabaw ang tinig ni Mr. Faller matapos ang ikatlong klase. Ito ang head ng BIS sports club. "Follow me on my office." "Yes, sir." Nagpaalam ako sandali sa mga kaibigan ko saka sumunod. "I'm sorry for suddenly bringing you here. I just received a letter coming from the head district office. Luna University's request regarding adding billiards in sports is already been implemented. I'm not sure if this is going to be a problem so I want you to help me build a team of boys and girls as early as now for this one." Halatang problemado si Mr. Faller. Ako man ay tumaas ang kilay.Naririnig ko nang ipinapatupad ng LU na maisali ang billiards sa sportsfest. Kung kailan nagsimula ang klase ay saka lang naaprubahan. Malaking problema nga iyon. Madalas kasi ay summer ang varsity try-out ng outdoor at indoor sports sa BIS. Ipino-post na iyon sa bulletin board, at ini-inform ang enrollees kung interesado ba silang sumali. "Yes, sir," sagot ko. "I will gather all the students tomorrow morning for the announcement." "Don't forget the acquaintance party," paalala niya. "It's going to be on the next Saturday. You can go, thank you, Migz." Billiards? Sino namang babae ang maglalaro ng billiards? Mukhang mapapasubo ako nito. "Anong meron, 'te?" salubong ni BJ sa 'kin pagkarating ko sa canteen para sa 15 minute break. "Bakit parang na-haggard ka?" "Na-stress ako sa announcements," umikot ang mga mata ko. "Anyway, don't be late tomorrow. May meeting lahat ng students sa quadrangle." Wala akong masiyadong alam sa sports maliban sa volleyball. Ang basketball ay hindi ko masiyadong alam kung paano ba ang daloy ng laro. Ano pa kaya ang billiards? Ang tanging nalalaman ko sa billiards ay sikat iyong laro dito sa lalawigan ng Laguna. Maraming bilyaran kahit saan, at dinig ko ay magagaling ang manlalaro mula dito. Bukod doon ay wala na akong ideya tungkol sa sports na iyon kaya paniguradong mahihirapan ako. DEIB'S POV HINDI MAWALA sa isip ko ang nangyari sa canteen kanina. Hindi ko matanggap kung paano akong naisahan ni Taguro sa plano kong batukan siya. Nagtataka ako kung paano niyang nagagawang kumilos nang mabilis sa kabila ng mabigat na katawan niya. Hindi normal, nakakagulat. Masiyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko siya nakita, at nagulat na lang ako na-out of balance na ako. At kung ngumisi siya sa 'kin ay para bang gano'n lang kadali sa kaniyang patumbahin ako. Lalo niya akong ginagalit. "Hoy!" Bigla akong tinapik ni Tob. "Ano!" singhal ko. """La! Bakit pati sa 'kin ay nagagalit ka?" "Ulul! 'Wag mo 'kong kausapin!" "Ulul ka rin! Sira kasi ulo mo, eh, sinabi nang tigilan mo na si Taguro, 'ayan tuloy!" "Eh, kung sa 'yo kaya gawin 'yon? Umalis ka nga sa harap ko!" "Hoy," si Lee. "Ano?" sabay naming singhal ni Tob. Sinamaan niya kami ng tingin habang nagpupunas ng kamay. "May practice daw bukas sabi ni coach, alas sais." Tiningnan niya ang kuko. "Tch, ang aga naman!" angil ko. "May reklamo?" sumulpot mula sa likuran si coach. "Ang aga no'n, coach, baka hindi ko kayanin. Biglaan pa," nakangusong pagdadahilan ko. "Kayanin mo, kung gusto mong manatili sa team ko, Enrile," nakangising aniya. "May balita ako," humanap ng puwesto si coach. "Kasali na ang billiards sa sports natin. Na-implement na kahapon." "Wala naman tayong players ng billiards, ah?" ani Tob. "Maghahanap palang," ngumiwi si coach. "Sana ay may makuha." "Meron 'yan," positibong sagot ni Lee. "Marami namang lalaki sa campus, at paniguradong meron doon na mahilig mag-billiards." "Ang lalaki ay hindi problema, paano ang babae?" tanong ni coach. "What?" nagulat kaming tatlo. "May girls division?" gulat na tanong ni Tob. "Yep." Tumango si coach. "At doon mahirap humanap ng players. Oh, siya, mauna na muna ako. See you tomorrow, team." Tinapik niya ang likod naming tatlo saka naglakad papalayo. Naglakad naman kami papunta sa canteen. "Tch," hinarap ko ang mga kaibigan ko. "Sino namang babae ang may interes sa billiards? Sa arte ng mga babae dito? Tch. 'Pusta ko ay wala silang makukuha. Ang mahirap niyan ay baka ma-disqualify pa tayo kapag wala tayong representative." "Hindi 'yan. Think positive, 'dre," ani Tob. "Basta maghahanap nang marunong." "Malamang," singhal ko. "Alangan namang humanap ng hindi marunong? Tch." "Pwede rin," ngumisi si Lee. "May mai-represent lang." Nagtawanan kami. "Hi, Deib!" nangibabaw ang tinig ni Kim. Agad akong nag-angat ng tingin at napangiti. "Hi, boys!" 'Sarap! Masarap sa pandinig ko ang boses ni Kim. Para iyong musika sa tainga. Boses pa lang niya ay gustong-gusto ko na. "Hi, Kim!" tumayo ako at inialok sa kaniya ang katabi kong silya. "Nag-lunch ka na?" tanong niya. Nakangiti akong umiling. "Hindi pa, pero parang busog na." "Ikaw talaga," tinapik niya ako. "Tara, snacks tayo. What do you want to have?" "'Yong katulad na lang ng o-order-in mo." Parang may kung anong nangingiliti sa loob ng katawan ko. Ganito kami ka-sweet ni Kim. Para kaming mag-on pero hindi. May mutual understanding na hindi maipaliwanag. Ang alam ko lang ay masarap siya sa pakiramdam. Walang I love you's pero may I miss you. Walang I want you pero may I care for you. Hehehe! Batchmates kami pero nasa higher section siya. Best friend naman ni Noona ang Ate niyang si Keziah. Medicine student ang parehong kapatid namin at magkaklase pa. "Ang aga ninyong mag-date, ah!" biro ni Tob. "Kim, kami rin!" utos ni Lee. "Hoy! Kayong dalawa ang magbitbit ng pagkain dito. Baka pagbuhatin ninyo pa ang prinsesa ko," nakangusong saway ko. "Ulul! Ikaw nga, si Kim pa inutusan mong um-order. Mukhang nagpalibre ka pa," ani Tob. "Talaga. Because she cares for me," nakangising sagot ko. "Ulul!" singhal ni Tob at saka pumunta na sa line. "Kim, tulungan na kita." Muli akong tumayo nang maupo si Kim. "Kumusta? Hindi pa ba kayo busy?" "Magiging busy pa lang. Magsisimula na ang practice namin," ani Lee. "Manonood ako, ah?" ani Kim na sumulyap sa 'kin. Nangulumbaba ako at deretsong tumingin sa kaniya. Hindi ko naiwasang ngumiti. "Basta ikaw. Ikaw, kumusta?" "Ayos naman. Wala pa masiyadong ginagawa pero may matitinding lectures at discussions na sa ibang subjects." Halos kaming dalawa na lang ang nagkwentuhan ni Kim, naiintindihan na nina Lee at Tob 'yon. Dalawang taon ko nang nililigawan si Kim, alam ko na kung gaano siya katalino. Pero sa t'wing magkukwento siya ay para bang bago ang nalalaman ko. Paulit-ulit kong hinahangaan ang pagiging matalino niya. Sa t'wing may tanong nga ako o hindi maintindihan ay tinatawagan ko siya. Ine-explain niya iyon sa 'kin, naiintindihan ko naman agad. Daig niya pa ang lecturer ko. "Matulog ka nang tama, Deib, i-condition mo ang katawan mo para hindi ka mabigla sa practice," paalala ni Kim. "Kayo rin, boys." Seryoso siya, napapangiti naman ako. Nasa gano'ng sitwasyon kami nang biglang may kumalabog. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo!" sigaw ni Aimee nang malingunan ko, batchmate namin. "Si Taguro 'yon, ah?" wala sa sariling ani Tob. "Oh, my god," ani Kim. Gulat kaming nag-angat ng tingin sa kaniya nang bigla siyang tumayo at lumapit kay Taguro. Tumayo rin ako ngunit hindi lumapit. "What are you doing, Kim?" Sinulyapan ko si Taguro na noon ay wala pa ring reaksyon ang mukha. "Miss, are you okay?" nag-aalalang ani Kim. Nag-angat ng tingin si Taguro, dumurugo ang pumutok niyang labi. Tch. Paniguradong kayabangan niya na naman ang dahilan kaya siya nagkaganiyan. Sinasabi ko na nga't hindi lang ako ang makakabangga ng tomboy na 'to dito. "Don't help her, Kim, she's stupid!" ani Aimee. "Watch where you're going, fat ass," singhal nito kay Taguro. "Look at me now! Ang dumi na ng damit ko!" "Stand up," mahinahong ani Kim kay Taguro. Pero gaya ni Lee ay hindi nito tinanggap ang tulong niya. Tch. "Is it hard to accept help from others?" natatawang bulong ni Lee. "What?" angil ni Aimee. "Aren't you going to say sorry?" hamon niya. "Aimee, enough," pumagitna si Kim. Yell on my princess, you will cry, Aimee. "No, Kim," mataray na ani Aimee. "I want her to apologize. Tinapunan niya ako ng juice!" Kahit galit ako kay Taguro ay mas kapani-paniwala sa 'king aksidente ang nangyari. "Miss, mag-sorry ka na." Hinawakan ni Kim si Taguro sa braso. "I don't apoligize when I'm not sorry," pagmamatigas ni Taguro. "What?" nagalit lalo si Aimee. "Look what you did to me, I look like a mess!" "Why would an apology be necessary for what you look like? Tss. Hindi matatanggal ng sorry ang dumi ng uniporme mo. Itinulak mo naman ako, patas na tayo," ani Taguro. Natural ang angas sa tono ng pananalita niya. Hindi pilit, hindi rin masagwa. Pero hindi ko rin gusto. Nilingon ni Taguro ang kamay ni Kim na naro'n sa kaniyang braso. Napapahiya naman iyong inalis ni Kim. Basta na lang silang tinalikuran ni Taguro matapos no'n. Nagtatakang nasundan siya ng tingin nina Kim at Aimee, gano'n na kami. Lalo na ako. Masiyado kang wirdo. Tch. Hindi naman bagay sa 'yo. "What a b***h!" gigil na angil ni Aimee. "She's crazy!" "Kim, halika na dito," anyaya ko sa kaniya. "Weird," napapailing na ani Kim bago muling naupo. Tumawa si Tob. "Exactly!" Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa para manahimik. Ayaw kong makarating kay Kim na ang babaeng iyon ang bago kong target ngayon. Bagaman wala talaga sa plano kong i-bully siya, nauwi na sa gano'n. "Why, do you know her?" tanong ni Kim. Sinamaan ko ng tingin si Tob. "Hindi, ah," tatawa-tawang tanggi niya. "Let's go? Baka ma-late tayo sa klase," ani Kim, sumubo pa siya ng ilan saka tumayo. "Ihahatid na kita sa room," presinta ko. Iniwan namin sina Lee at Tob sa Batibot, iyon ang disenyo sa secondary campus. Mula sa quadrangle ay Batibot ang sasalubong papunta sa building at canteen ng secondary. Nasa gilid ito ng gymnasium. May apat na puno na nakatayo na siyang nagsisilbing pundasyon sa net na nakabalot doon. Sa loob ng net ay may libo-libong paru-paro. May mga bulaklak din na nakatanim sa loob bukod sa mga puno. Sa labas ng net ay nakapalibot ang mesa at silya na madalas tambayan ng mga estudyante kapag breaktime. Madalas din magyaya si Lee doon para magbasa. "Balikan mo na 'yong dalawa," ani Kim pagkarating namin sa room nila. Nasa siya ng pinto at nasa labas ako. "Baka ma-late kayo. Salamat." "Kiss daw muna, Kim," nanunuksong anang kaklase niyang babae. Agad ko naman 'tong nginitian saka ako tumingin kay Kim. "Oh, kiss daw muna," nanunukso ring bulong ko. ""'Oy, kayo ah! Baka may maniwala d'yan." Halatang nahihiya si Kim. "Sige na, Deib, bumalik ka na ro'n." "If I we're you, Kim, hindi ko paalisin si Deib nang hindi ko naiki-kiss!" buyo muli ng kaklase. "Oo naman naman," anang isa pa niyang kaklase. "Marami pang makakasalubong 'yan bago makarating sa room nila. Baka maipagpalit ka." "I-kiss mo na kasi ako," muling biro ko. Namula siya. "Ano ka ba?" Saka siya bumaling sa mga kaklase. "Stop it, guys! Go now, Deib, they're waiting for you. I'll see you later." "Kahit yakap hindi pwede?" Nakalahad ang mga brasong buyo ko. "Kiss sabay hug!" sigaw ng lalaking kaklase niya. Pare-pareho kaming nagtawanan. "Sige, aalis na ako. I'll wait for you, I'll take you home. 'Wag kang aalis nang wala ako, sasagutin mo pa 'ko," kunyaring habilin ko. Nakangiti siyang tumango. "Aral mabuti." Inihatid niya ako ng tingin. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Gustong-gusto ko ang gano'ng samahan namin ni Kim. Lalo na kapag nararamdaman kong kinikilig siya. Kaya hindi ko siya minamadaling sagutin ako dahil nasisiguro ko namang may nararamdaman din siya sa 'kin. Hindi ko napansin ang dalawang taon na panliligaw ko dahil sa ganitong klase namin ng relasyon. Pero ang ngiting iyon ay napawi sa mga labi ko nang matanawan ko sa di kalayuan si Taguro. Iisang daan ang nilalakaran namin, at paniguradong magkakasalubong kami. Nakayuko siya kaya batid kong hindi pa niya ako nakikita. Malapit na kami sa isa't isa nang mag-angat siya ng tingin at magtama ang paningin namin. 'Ayun na naman 'yong masama niyang tingin, iyong animong sa walang kwentang bagay siya nakatingin. May ilang hakbang na lang nang wala sa sariling mahinto ako sa paglalakad. Nagtuloy naman siya habang nakatingin pa rin sa 'kin. Stupid, why did you stop? Are you afraid of her? Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Papalapit siya nang papalapit, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Walang magawa kundi ang makipagtitigan nang masama sa kaniya. Gano'n na lang ang inis ko nang lampasan niya ako. Kakaiba ang naging epekto no'n sa utak ko. Nakagat ko ang sarili kong labi at iritableng nilingon siya. "Abnormal ka!" Huminto siya at nakapamulsang humarap sa 'kin. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko. "What?" Hindi siya nagsalita at sa halip ay binigyan ako ng nakakalokong ngisi. Ngisi na mabilis napalitan ng seryoso niyang tingin. Seryosong tingin na napalitan nang masamang tingin. Saka niya ako tinalikuran at nakapamulsa pa ring naglakad papalayo. Hindi ko maipaliwanag ang inis. Mabilis ko rin siyang tinalikuran at bumalik sa Batibot. "Ang tagal mo," ani Tob. "Nakipagbolahan pa 'yan kay Kim," ani Lee. "Let's go." Hindi ko nagawang kibuin sila agad. "Nakasalubong ko si Taguro." Sa classroom na ako nagsalita. At ang masama ay mukha akong tanga na nakatulala. "Eh, di may ginawa ka na naman?" awtomatikong protesta ni Lee. "Wala, ah," asik ko. "Bakit parang meron?" "Tch! Linagpasan nga lang ako, eh," inis kong sagot. Sandali silang natahimik bago nagsalita si Tob, "Nakakapanghinayang ba?" natural na ang mapang-asar na tono niya. Napailing ako. "Oo, tch. Nagmukha akong tanga, eh. Dadambain ko na sana kaso...linagpasan langa ko." Iyon ang sinasabi ng isip ko pero kakaiba ang epekto nang nangyari sa dibdib ko. "Immature," pagpaparinig ni Lee. "May nagawa na naman siyang hindi pa nagawa ng iba sa 'yo." Ngumisi siya. Inis naman akong nag-iwas ng tingin. Yeah, right. Tch. Nakatingin kami sa isa't isa 'tapos lalagpasan niya lang ako? Sira-ulo ba siya? Si Deib Lohr Enrile 'to! "Why, Deib?" banat ni Tob. "Don't tell me..." Binitin niya ang sasabihin sa nang-aasar na tono. "What?" angil ko. "Are you expecting her to do something?" sumeryoso si Tob. "Eh, ano naman kung linagpasan ka lang niya?" "Tch. Kakaiba ka ngayon, ah? Sumerseryoso ka, eh," nag-iwas ako ng tingin. Ano nga ba ang nakakainis do'n? Tsk. Basta, naba-bad trip ako sa mukha niya. "Baka ang akala niya ay ta-tumbling si Max sa harap niya." Hindi maganda sa pandinig ko ang banat ni Lee. Sinamaan ko siya ng tingin. "Answer me, 'dre," ani Tob. "Naiinis ka ba dahil linagpasan ka lang niya?" "Tch. Kailangan ba talagang paulit-ulit mong banggitin na linagpasan niya lang ako?" seryosong asik ko. Natawa sila. "Siya lang ang gumawa sa 'kin no'n, eh," sabi ko habang kunot-noong nakatingin sa kung saan. "Linagpasan niya lang ang isang Deib Lohr Enrile? She's not afraid to mess up." "It's nonsense, 'dre," mariing ani Tob. Hindi ko na sila pinansin. Dahil ako mismo ay hindi maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit gano'n ang maging reaksyon ko. Hanggang sa magsimula ang discussion ay hindi nawala iyon sa isip ko. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong natutunan sa tatlong magkakasunod na subject. Kaya nang mag-breaktime ay nagyaya agad akong bumaba para mag-snack. "I'll text Kim," sabi ko nang makapasok sa canteen. "Para sa 15 minute break, papupuntahin mo pa?" ani Lee. "Oo nga," tinapik ako ni Tob. "Hatidan mo na lang ng snacks, mas sweet 'yon." Napangiti ako at ginawa ang sinabi ni Tob. Bumili kami ng snacks para sa 'ming tatlo at kay Kim. Sinamahan nila ako papunta sa building ng higher sections. Malayo pa lang ay siya na ang pumuno sa isip ko, nawala ang kaninang bumabagabag sa utak ko. "Kim, nandiyan na si Mr. Right, oh!" muling buyo ng kaklase niya nang makita ako. Nahihiyang sinaway ni Kim ang mga kaklaseng nagpaugong nang matinding tuksuhan sa 'ming dalawa. "Kayo talaga, puro kayo kalokohan," namumulang aniya pa. "Sana ay may Deib Lohr Enrile din ako!" anang kaklase niya. "Wala na! Nag-iisa lang 'yan," natatawang ani Kim, kinikilig, bago lumapit sa 'kin. "Nag-iisa lang ako, may gusto pa sa 'yo," seryoso kunyaring sabi ko. "So, don't let me go." Umugong muli ang tuksuhan, pinangunahan nina Lee at Tob iyon, inaasar ako. "Hinatiran kita ng snacks." "Baka masanay ako niyan, ah?" Ngumiwi ako. "Sanayin mo, 'yon nga ang gusto ko. Masanay ka sa 'kin." Hindi siya nakasagot, nagpigil siya ng ngiti hanggang sa makagat ang sariling labi. "Tsh. Let's go," anyaya ni Lee. "Oras 'to ng meryenda at hindi ng ligawan." Epal. Tch. Sinamaan ko ng tingin si Lee saka ako napapahiyang tumingin kay Kim. "Umiral na naman ang pagiging killjoy ng pinsan mo. I'll see you again later." Kumaway si Kim sa 'kin. "Tch. Sana ay hindi niyo na lang ako sinamahan, hindi ako makaporma nang ayos, eh!" "Psh, poporma ka pa ba naman, eh, parang sa 'yo na?" ngumisi si Tob. Nanagiti ako. "May oras ang panliligaw, baka ma-late tayo," ani Lee. KJ! Tch! "Pabalik na nga tayo, 'dre, masiyado kang KJ, eh," nakangusong sabi ko. Madalas ay si Lee ang KJ sa 'min tatlo, siya rin 'yong pinakaseryoso. Palibhasa'y wala siyang inspirasyong tulad namin ni Tob, siya ang parating kontrabida sa oras naming pumorma. Hindi namin maintindihan kung bakit marami namang babae na naghahabol sa kaniya pero wala siyang mapili. Malihim din siya, hindi gaya namin ni Tob na lantarang ipinapakita kung sino ang nagugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD