MAX'S POV
"WHAT TOOK you so long?" bungad ni Maxwell nang makarating ako sa main gate. Nag-text siya kay Naih para makipagkita sa 'kin sa main gate. Sinabi niyang may ibibigay at sasabihing importante kaya agad akong pumunta.
"What do you want?" tamad kong tanong, iniiwas sa kaniya ang paningin ko.
"Take this." May iniaabot siyang paperbag. Base sa tatak ay mukhang cellphone ang laman.
Nakapamulsa ko lang siyang tiningnan saka ako bumuntong-hininga. "I don't want one. May klase pa 'ko, mauuna na 'ko," saka ko siya iniwan.
"Hey," humabol siya pero nagtuloy-tuloy na ako.
Hindi ko kailangan ng cellphone, ayaw ko ng cellphone. Wala akong kailangang tawagan. Kung meron man ay si Naih lang iyon, na nakakasama ko naman araw-araw.
Dumeretso na ako sa classroom pagkabalik. Pero pakiramdam ko ay nawalan na ako ng ganang makinig. Lumipad lang ang utak ko habang nasa klase, bagot na bagot sa kahihintay na mag-afternoon break.
"'"'Buti na lang at okay 'yong seatwork na ginawa natin, very good tayo," Michiko. masayang ani
"Kaya sumama ka sa 'min parati," inakbayan siya ni Naih. "Wag kang mawawalan ng pag-asa, aral lang nang aral!"
Nilingon ko sila saka ako bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. Napansin namin ni Naih ang pagiging mahina ni Michiko sa klase. Sa simpleng tanong ng lecturer ay grabe ang panginginig niya. Kung tutuusin ay nasa libro naman ang lahat ng sagot sa tanong, maaaring hindi lang siya nagbabasa. O kung hindi naman ay hindi niya naiintindihan ang binabasa. Kailangan niya lang ng kaunting focus pa, lahat naman ay dumaan sa gano'n.
"Oo na, nai-inspire ako sa inyo ni Max," ani Michiko saka itinago ang hawak na notebook.
"Okray, ah!" asik ni Migz. "Nandito rin ako, 'te! Pwede bang ako rin ay nakaka-inspire?"
Natawa sila. "Ikaw naman ang idol ko
pagdating sa leadership, don't worry, Migz,"
bawi ni Michiko.
""Tse!" kunyaring pagtataray ni Migz saka ako bahagyang tinapik. "Tulala ka na naman, 'te!"
"Tss." Nag-iwas ako ng tingin.
Hindi ako tulala, may nakaagaw lang sa atensyon ko. Si Siopao, at iyong dalawang abubot niya. Naglalakad paakyat sa building na siyang nasa mismong harapan namin ngayon.
Sinulyapan ng mga kasama ko ang tinitingnan ko. ""'Sus! Si Lee ang tinitingnan mo, 'no?" nanunukso ang tinig ni Migz. Pinagkunutan ko siya ng noo. "Si Lee lang kasi ang may potensyal diyan na magustuhan mo."
"""Ayan na naman 'yong F3." Nakakaloko ang tawa ni Naih, naupo siya sa tabi ko. "Teka, si Lee 'yong Inglisero, 'di ba? Kung makapag-Ingles, akala mo ipinanganak sa labas." biro niya. "Parang kilalang-kilala ninyo talaga sila, ah? 'Sabagay, sila nga pala ang feeling F4 ng campus."
"Mababait naman kasi sila," nakangiting papuri ni Michiko.
Nilingon ko ang tatlo. "Sa anong paraan sila naging mabait?" dismayadong tanong ko.
"Oh, teka, ako na ang magkukwento," bumida si Migz. "Kay Tob tayo magsimula," namaywang siya.
"Ayusin mo, ah?" nakangiting ani Michiko,
animong kinikilig pa.
""Tse!" Nilingon ni Migz ang tatlo saka pinagkrus ang mga braso. "Ayun si Yakiro Tobi Yanai, mas kilala bilang Tob."
Itinuro ni Migz iyong matangkad ngunit siyang pinakamaliit sa tatlo. May kaputian ito at talagang sumisigaw ang pagiging gwapo. Hindi ko makakalimutan kung gaano ito kadaldal, lalo na kung gaano kalakas at kahaba ang kaniyang pagtawa.
"Siya ang manliligaw ni Michiko," pagkadiin-diing dagdag ni Migz. "Siya 'yong pinakamalakas tumawa sa tatlo. Kahit isang floor ang pagitan natin d'yan, masasabi mong siya 'yon kapag narinig mong tumawa 'yan. Pero siya rin ang middle man sa tatlo. Kapag hindi nagkasundo sina Deib at Lee ay siya ang pumapagitna."
"Gano'n kabait si Tob," papuri ni Michiko, kinikilig pa rin.
"Low profile ang mga Yanai sa bansa," patuloy ni Migz. "Pero mayaman sila. Actually, sila ang may ari ng Pavilion mall." Iyong malapit na mall sa BIS ang tinutukoy niya. "Stockholder ng BIS ang lolo niya. He's half-Japanese and both of his parents stays in Japan. He's staying here naman with his grandparents. Karamihan sa business nila ay shopping malls o supermarket."
Ang sumunod na itinuro ni Migz ay iyong madalas na mag-alok ng tulong sa 'kin. Mukha pa lang nito ay maamo na kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang mabait ito.
"'Yon naman si Papa Lee," may halong landi ang boses ni Migz.
"Psh! Tabang, Lord!" palag ni Naih.
"Lee Roi Gozon. 'Ganda ng pangalan niya, 'di ba? Panggwapo! Siya ang pinakatahimik sa tatlo, kabaliktaran ni Tob. Parehong nasa business ang parents at kung saan-saang bansa pumupunta. Stockholders ng iba't ibang kompanya. Medyo high profile kompara kay Tob. Actually, siya talaga ang campus heartthrob sa kanilang tatlo. Marami ang may gusto sa kaniya kasi gwapo na, mabait at matalino pa." Halatang isa siya sa maraming nagkakagusto dito.
Muli kong nilingon si Lee. Naalala ko pa kung paano siyang nagpakilala sa 'kin sa parking lot. Nasisiguro kong napahiya siya.
May hustisya naman kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. Totoong gwapo siya, lalo na kung nakangiti. Maayos sa pandinig ang boses niya kompara ro'n sa dalawa na tila ba nagpapataasan ng falceto kapag sumisigaw. Bukod do'n ay tahimik si Lee, bagay na madalas magustuhan ng mga babae.
"Iyon naman si Deib Lohr Enrile," ani Migz, inginunguso si Siopao.
Bumaling kay Siopao ang paningin ko. Hindi ko maitatangging gwapo talaga siya. Gwapo silang pare-pareho pero nangingibabaw ang hitsura niya. May kakaiba sa dating niya na hindi makita sa dalawa. Lee is very charming and nice-looking while Tob's charisma is very appealing. Ang Deib Lohr na 'yon ay hindi ko alam kung ano ang itatawag. He's very good-looking, opulent, fanciable type of guy.
Napangiwi ako. Masama nga lang ang ugali. Tss.
"Ang pinakamabait na estudyante ng BIS," umiiling at nakangiwing ani Migz.
Natawa sina Michiko at BJ. "In fact, hindi siya bully," biro ni BJ. Lalo silang natawa.
Napabuntong-hininga si Migz. "Iyan lang naman ang numero-unong problema ng BIS, ang mismong apo ng dean. Dios ko!"
Natawa ako nang bahagya. Bukod kasi sa sinabi ni Migz ay nakakatawa ang hitsura niya. Para bang napakalaking problema ng Deib Lohr na iyon sa school na ito. Problema na hindi masolusyunan dahil sa pagiging bully.
"Mabait naman 'yan," nakangiwing patuloy ni Migz, hindi tuloy ako kumbinsido. "Kaso alam mo 'yon?" problemado siyang humarap sa 'min at gusto ko na namang matawa. "Parang nauulul siya bigla at nambu-bully ng students! Taon-taon 'yan, 'te! Ni hindi na nga nawala sa record book ng mga pasaway ang pangalan niyan. Last school year ay kumalat ang balita na titigilan niya na ang pambu-bully. Kaso...mukhang walang nangyari," tumingin siya sa 'kin at nagkibit-balikat. Nag-iwas ako ng tingin.
"Grabe," umiling si Naih. "Wala bang mga magulang 'yan?"
"Meron," sabay na sagot nina Michiko at BJ. "Maganda ang mommy niyan. Gwapo rin ang daddy."
"Nandiyan 'yong itutulak niya lahat ng transferees na nakaharang sa daraanan niya. Sisigawan lahat ng babaeng bumabanggit sa pangalan, at kinikilig sa harap niya. Minsan pa nga ay may ini-lock na transferees 'yan sa washroom ng boys." Umiikot ang mga mata ni Migz sa pagkukwento. "At 'yong pinakamalala ay 'yong ginawa niya kay Jessica. Ipinagkalat niyang ginahasa kahit kasinungalingan lang naman pala. Napaka-bully! Karamihan pa naman sa binu-bully niya ay babae."
Kasi iyon lang ang kaya niya. Sinulyapan ko ulit si Siopao. Tss. Ngayon mo sabihing ako ang abnormal.
"Hindi naman kaya bading 'yan?" tanong ni Naih.
Sabay-sabay na umiling sina Michiko, Migz at BJ. "Hindi ko ramdam, 'te," ani BJ.
"Saka hindi bagay sa kaniyang maging bading. Isusuka siya ng pederasyon kapag nagkataon," ani Migz. "Sikat sa Laguna ang pamilya nila. Community doctors ang parents niya at madalas tumulong sa mga nangangailangan. 'Yong ate niya ay med student, nandiyan sa kabilang campus."
"Eh, 'yon, sino 'yon?" Itinuro ni Naih 'yong babaeng kausap no'ng tatlong magkakaibigan.
"Si Kimeniah 'yon," ani Michiko. Sinulyapan ko
si Kim bago mag-iwas ng tingin.
Tumikhim si Migz saka muling namewang. "Kimeniah Sirvey Gozon, pinsan ni Lee. Siya ang prinsesa ni Deib Lohr Enrile." Tumango-tango pa si Migz. "May dalawang taon nang nanliligaw si Deib Lohr kay Kim. Buong BIS ay suportado ang love story nila. Bagay na bagay sila, 'no?" Doon lang ulit ngumiti nang kinikilig si Migz. "Sobrang sweet ni Deib sa kaniya kahit pa nagliligawan palang sila. Tingnan mo, dinalhan pa ng meryenda."
"Eh, may pag-asa naman ba ang Deib Lohr na 'yan kay Kim?" usisa ni Naih.
"Naku, 'te! Oo, 'te, malaki ang pag-asa!" nanlalaki ang mga matang ani Migz. "Parang mag-on na sila. Madalas ay sabay pumapasok, magkasamang nag-aaral sa campus kapag may chance, sabay rin lagi kumain at umuwi. Ibang section man si Kim, silang apat lang ang nagkakasama. Pero syempre, sino-solo ni Deib si Kim. Oo na lang ang kulang para maging official na ang relasyon nila."
"Eh, bakit hindi niya pa sagutin?" nakataas ang kilay na ani Naih.
Nagkibit-balikat si Migz, malungkot. """Yon ang hindi ko alam."
"Tss. Ang pangit ng taste niya," wala sa sariling sabi ko.
"Diyos ko, 'te," humarang si Migz sa paningin ko
saka namaywang sa harap ko. "Yong hitsurang
'yon ni Deib Lohr, 'te, pangit pa? May katarata
ka ba o tomboy ka lang talaga?"
"I'm not pertaining to his looks, but to his attitude," sagot ko.
Natutop ni Migz ang bibig. "Kailangan talaga English?" napaatras siya, nagbibiro.
"Hindi naman alam ni Ate Kim na ganiyan si Deib," ani Michiko, nakasimangot sa lungkot.
"What do you mean ganiyan?" usisa muli ni Naih.
"Hindi alam ni ate ang mga pinaggagagawa ni Deib Lohr. Ang alam niya lang ay mahilig si Deib mang-asar, gano'n. Wala ring nagkukwento kay ate tungkol sa mga kalokohan ni Deib kasi paniguradong malalagot ang mga 'yon," kwento ni Michiko.
"Mabait si Kim, 'te, sobra. Marami ring may
gusto sa kaniya pero hindi maligawan kasi
covered na, hehe," ani Migz. "Bakit? Hindi pa naman siya girlfriend ni Deib,
ah?" ani Naih.
"Ang kay Deib Lohr ay kay Deib Lohr," sabay-sabay na sabi nina Michiko, Migz at BJ.
Nakangiwing tumango si Naih. "Corny."
Matapos ang kwentuhan ay muli kaming bumalik sa klase. Nang matapos naman ang klase ay inihabilin ni Migz na agahan naming pumasok kinabukasan dahil may announcement. Kami naman ni Naih ay dumeretso sa The Barb.
Kilala ang TB sa Laguna bilang tambayan ng iba't ibang uri ng students. Iba't-iba. May coño, bigtime, smalltime, sosyal, social climber, coffee addicts, nerds at game addicts.
Ang kabuuan ng TB ay nahahati sa apat na hall; restaurant, coffee shop, gaming hall at bar. Sa umaga ay bukas ang restaurant, gaming hall at coffee shop, sabay-sabay ring nagsasara sa gabi. Mula gabi hanggang madaling araw naman ay iyong bar ang bukas. May tatlong taon pa lang na nakatayo ang TB. Pero mula noon hanggang ngayon ay dinaragsa ng tao, lalo na ang gaming hall. Madalas kasi ay may pustahan doon ang billiards at darts.
"Look who we have here?" nakangiting salubong sa 'min ni Barb.
"Long time no see," mula sa likuran ay lumapit si Jep. Bakla si Barb, silahis naman si Jep, they're best of friends. "What brought you here? Maaga pa, ah?" Nakipagbeso sila sa 'min.
"Kape," sabi ko saka naunang pumasok.
Tumawa ang dalawa. "Yon ba talaga?" ngumiwi si Jep.
"Bakit parang stressed ka?" baling sa 'kin ni
Barb.
"Bigyan niyo na lang ng kape," nangingising ani Naih.
Matagal ko nang kaibigan sina Barb at Jep, ako ang nagpakilala sa kanila kay Naih. Pinatatag na rin ng panahon ang samahan namin, pamilya na ang turingan.
Ipinaghanda nila kami ng mamahaling coffee, cake at biscuits. Mahilig ang dalawa na mag-travel sa iba't ibang bansa. Doon din sila nag-aaral ng bartending, baking at kung paano maging mahusay na barista. Iyon ang puhunan nila sa maganda nilang business. May tatlong branch ang TB bukod sa nandito sa Laguna; Manila, QC at Tagaytay.
"Akala ko ay nalimutan na ninyo kami," nagtatampo kunyaring ani Barb. "Napadalaw kayo?"
"Nag-aaral kami sa BIS," nakangising balita ni Naih.
Tumaas ang kilay ng dalawa. "Ang tataas ng pangarap ninyo, ah? Seryoso?" tanong ni Jep, hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin. "Good for you. We're happy," sinsero sila. "Maraming tumatambay na BIS students dito," ngumiwi siya. "Nasa demanding list."
"Kumusta naman ang prestihiyosong paaralan kung gano'n?" tanong ni Barb.
"Masaya naman, sana," sagot ko. "Maraming bully."
"Normal na ugali ng mga spoiled bratts," ani Jep. "Sa laki ng katawan mo, ano ang ikinatatakot mo?" Tumawa sila.
"Gusto naming mag-parttime," isingit ni Naih
ang pakay namin.
Tumaas muli ang kilay ng dalawa. "Aba, bakit?" mataray na ani Jep. "Sa edad ninyong 'yan? Marunong ka na bang maglaba ng salawal at karsonsilyo, Zarnaih?"
"Kaya niyo ba?" nakangiwing tanong ni Barb. "Estudyante kayo at nag-aaral sa prestihiyosong eskwela. Hindi magiging madali ito, maniwala kayo sa 'kin." Nagsasalita siya base sa sariling eksperyensa at hindi para manakot. Bumuntong-hininga siya. "Alas siete ng gabi hanggang alas dose ko lang kayo hahayaan na magtrabaho. Bumawi na lang kayo kapag Biyernes tutal walang pasok sa susunod na araw." Hindi langad sa kaalaman niya ang sitwasyon ko kaya naman nasiguro ko nang ganito ang magiging usapan namin.
Sandali pa kaming nanatili ro'n para makipagkwentuhan. Wala sa plano kong ikuwento ang pambu-bully sa 'kin ni Siopao pero dahil kasama ko si Naih ay nalaman nila 'yon. At dahil sa dami ng ikinuwento ni Naih, doon na rin kami kumain ng dinner bago umuwi.