MAQI’S P.O.V.
SA BUONG BYAHE ay tahimik lang ako at pinapakiramdaman ko lang sila. Ang nag-uusap lang ay si Kier at si Bien na nalaman ko na rin ang pangalan. Tahimik lang si Esteban at nakatingin lang sa bintana. Poker face at hindi mo mababasa kung ano ang iniisip niya.
Gusto ko man tanungin kung saan nila ako dadalhin pero hindi ko na magawang makapagtanong pa dahil nang subukan ko ay hindi naman ako sinasagot ng dalawa sa matinong sagot. Puro kalokohan at hindi ko naman maunawaan ang pinag-uusapan nila.
Huminto ang sasakyan kaya napabaling ako ng tingin sa labas. Nasa isang salon and botique store kami nakahinto. Inayos ni Esteban ang suot nitong tuxedo na tila a-attend ng party.
Binutones niya ang coat at pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto sa side niya. Nang makababa siya ay sinilip niya ako at naglahad siya ng kamay.
“Take my hand.” Hindi iyon pagsusumamo kundi sa pautos pa rin na paraan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakapalautos niya?
Napahinga ako nang malalim at wala rin namang masama kung hahawakan ko ang kamay niya. Inalis ko ang kumot sa lap ko at umusog ako para maabot ang kamay niya. Nang mahawakan ko ay tila ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Napakalambot ng kamay niya at tila ako pinanlambutan ng tuhod nang makababa ako dahil mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako palakad. Napatingin ako sa kamay namin at napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit lumalakas ang kabog nito.
Napatingin ako sa mukha niya na wala man lang reaksyon at tila hari pa siya kung maglakad habang ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng slacks niya.
Tumingin ako sa likuran dahil tila hindi sumunod ang dalawa. Nakita ko na sumandal lang ang mga ito sa kotse at nanigarilyo. Napahinto ako. Anong gagawin namin sa loob at bakit kami lang ang papasok?
Tumingin ako kay Esteban at nakita ko ang pagkalito sa mata niya. “Bakit hindi sila sumunod sa atin?” tanong ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinatak lang akong muli papasok sa mamahaling salon & botique. Pinagbuksan kami ng attendant at yumukod ito sa amin.
“Good afternoon, Master,” bati nito.
Nilagpasan namin iyon pero ngumiti ako para hindi naman mapahiya iyong lalaki na attendant. Pagkatapos, nang makarating kami sa mismong loob kung saan nakahilera ang mga empleyado ng botique ay yumukod din ang mga ito.
“Good afternoon, Master,” bati rin ng mga ito. Bakit kaya Master ang tawag ng mga ito kay Esteban?
Hindi pinansin ni Esteban ang pagbati ng mga ito. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko at nagtungo siya sa mga nakahilerang mga dress at gown na nakasabit sa isang clothe’s hang metal.
May pinipili siya at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon. May mga kinuha siya at inabot itong lahat sa sales lady bago siya huminto at tumingin na sa akin. Mga sampu siguro iyon.
“Move and change,” sabi nito at binitiwan ang kamay ko. Naguguluhan na tiningnan ko siya na naupo sa sofa at nag-cross legs. Napatingin ako sa mga sales lady na hinawakan ako sa magkabilang braso.
“Saglit! Saan n’yo ako dadalhin?” naguguluhan kong tanong pero hindi nila ako sinagot. Dinala nila ako sa fitting room at may inabot sila sa akin na kulay violet na dress.
“Isuot n’yo po ito at lumabas po kayo ’pag okay na,” magalang na sabi ng mukhang pinakamatanda sa mga sales lady. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay isinara na nila ang glass door na hindi kita ang nasa loob. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa dress.
“Geez! Ano kaya ang problema no’n?” usal ko habang sinusuot ang one off shoulder na dress. Above the knee lang ito at may malaking ribbon sa harap. Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako habang nakanguso.
“Ipakita n’yo kay Master at siya ang magsasabi kung ayos na ang suot n’yo, Miss,” sabi ng sales lady.
Lumakad naman ako at dahan-dahan na lumapit kay Esteban na may kinakalikot sa phone nito.
“Ahem!” pukaw ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin. “Bagay ba?” nakangiti kong tanong. Walang emosyon niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
Umiling siya saka ako sinenyasan na bumalik at tila pinapagsukat akong muli. Umirap ako dahil maganda naman. May ribbon pa. Napahinga ako nang malalim bago bumalik muli sa fitting room. Kada sukat ko ay hindi niya gusto.
Kaunting-kaunti na lang talaga at sasabog na ako at tiyak na masisigawan ko siya. Nakakapagod kaya ang magpalit nang magpalit. Kulang na lang din kasi sabihin niya na wala man lang bagay sa akin sa mga dress na pinasusuot niya. Hindi naman siguro ako pangit sa mga dress na sinusuot ko dahil kita ko naman sa salamin na ayos lang at bagay sa akin.
Sinuot ko ang ocean blue na dress na mababa ang neckline kaya kita ang cleavage ko. Mahaba ang dress hanggang talampakan ko at may mga diamond din sa design ng neckline at strap nito. Lumabas ako habang tinatakpan ang dibdib ko. Hindi ako confident na magsuot ng ganito.
Nakakaasiwa!
Nasa harap na ako ni Esteban na nag-angat ng tingin kaya nakanguso na umiwas ako ng tingin at todo takip sa dibdib ko. Tumayo siya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin habang inaayos ang tuxedo niya. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin.
Nang makarating siya sa harap ko ay itinaas niya ang kamay niya at hinaplos ang buhok ko. Napatingin naman ako sa mga kamay niya nang sakupin niya ang lahat ng hibla ng buhok ko.
“A-anong ginagawa mo?” tanong ko pero hindi siya sumagot. Binuhol niya ang buhok na pa-messy buns at pumitik siya tila merong sinesenyas.
Inabot ng sales lady ang isang gold clip pin na ginawa niyang pang-ipit para hindi matanggal ang ginawa niyang pag-ayos sa buhok ko. Napatingin lang ako sa kanya na seryoso habang inaayos ang buhok ko. Nang matapos siya ay tumingin siya sa akin.
“Lipstick,” aniya at inabot ng sales lady ang lipstick sa kanya. Akala ko ay ibibigay niya sa akin iyon para magpahid ako sa labi ko pero imbes na sa akin ay siya ang nagpahid ng lipstick at sa mismong labi pa niya.
‘Oh my gosh! Don’t tell me he’s . . . Gay?’ piping sabi ko.
Nang matapos siyang maglagay ay natawa ako at napailing dahil ngayon lang ako nakakita ng lalakeng marunong magpahid ng lipstick.
“Hindi mo sinabi sa akin na bakla ka pala,” sabi ko habang natatawa. “May pa-serious type ek-ek ka pang personalities nalalaman para magmukha kang lalaki sa paningin ng lahat, ’yun pala ay meron kang tinatago.”
“Are you done talking?” aniya.
“Huh?” takang sabi ko. Nabigla ako nang hapitin niya ako sa baywang. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang ibaba niya ang mukha niya palapit sa akin at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Tila ako natuod habang hinahalikan niya ako. Para din akong nawala sa sarili ko dahil ang bilis ng t***k ng puso ko.
Bumitiw na siya ng halik at tumingin sa gulat ko pa ring mukha. Hinaplos niya ang labi ko habang ako ay parang nakukuryente.
“This is the way to put lipstick,” aniya at ngumisi. Agad ko siyang tinulak kaya napalayo ang distansya naming dalawa.
“Argh! Maniac! Sinong may sabi na halikan mo ako, ha?!” inis kong sigaw sa kanya.
Dinilaan niya ang labi niya at lumapit muli sa akin. Napaatras ako habang nakaharang ang kamay ko upang huwag siyang lumapit. “Hey! D’yan ka lang!” babala ko sa kanya.
Huminto siya nang nasa dalawang pulgada siguro na pagitan sa akin. Nabigla ako nang iluhod niya ang isang tuhod saka lumapit pa sa akin at hinawakan ang isang paa ko. Nakasuot ako ng white rubber shoes kaya alam ko ang awkward at hindi bagay sa dress ko. Inalis niya ang rubber ko at may inilapag ang sales lady na isang silver high heels na mga three or four inches ang taas. .
Sinuot sa akin iyon ni Esteban at hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon sa pinapakita niya? Para niya akong itinuturing na prinsesa.
Nang maisuot niya ang parehong pares ng sapatos ay tumayo siya at inilahad ang braso niya. Napatingin ako sa kanyang mukha at napahinga nang malalim. Kumapit ako sa braso niya kaya naglakad na siya habang kasabay ako.
“Bakit mo ako pinabihisan ng ganito?” tanong ko.
Nakalabas na kami ng pinto ng botique nang mapahinga siya nang malalim bago nagsalita.
“I invited in the party and I want you to be my date,” sabi niya.
“Pero bakit sa dami ng babae ay ako pa ang gusto mong maka-date?” tanong ko.
“Why? May problema ka ba sa nais ko?” tanong niya tila at mababanas na naman.
“Wala naman,” sabi ko at umiling. Umasik siya at inakay na ako palapit sa dalawa na napaayos ng tayo nang makita kami.
“Wow! You’re so beautiful, Miss Maqi,” sabi ni Kier kaya nahihiya na napahawi ako ng buhok ko habang nangingiti.
“Kier is right. Your are so beautiful and sexy,” puri naman ni Bien.
“Both of you, stop talking,” sabi naman ni Esteban sa dalawa sa mariin na tono.
Napailing ang dalawa at binuksan ang pinto. Pinauna ako ni Esteban na sumakay sa front seat. Nagtaka pa ako kung bakit doon. Sinara na ni Esteban ang pinto at hindi muna siya sumakay dahil may sinasabi siya sa dalawa.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay umikot na sa kabila si Esteban at sumakay na sa driver seat.
Napatingin ako kina Kier na tumalikod na at hindi ko alam saan pupunta.
“Saan pupunta sina Kier? Hindi ba sila sasama?” tanong ko at bumaling kay Esteban na binuhay na ang makina ng sasakyan. Tumingin siya sa akin at inilapit ang sarili kaya napaatras ako ng katawan at ulo na ikinasandal ko sa pinto ng sasakyan.
“Don’t mind them,” sabi lang niya at nakarinig ako ng pag-click ng seatbelt. Umayos siya ng upo kaya napahinga ako nang malalim. Umayos na rin ako ng upo nang paandarin na niya ang kotse.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko mula sa sandaling katahimikan namin.
“You will find out soon.” Iyon lang ang sinabi niya muli habang focus ang mga mata niya sa daan.
Napahawak ako sa seatbelt ko nang bilisan niya ang pagmamaneho. Pumikit ako dahil takot ako sa mabibilis na pagmamaneho ng kung ano mang uri ng sasakyan. Naiisip ko kasi na once na maaksidente kami ay ayokong makita ang pagbabanggaan namin. Mas masakit kapag nakita ko pa.
“You have a crazy thought on your pretty head again.” Hindi tanong iyon kundi hula lang niya. Dumilat ako at tumingin sa kanya. Nakangisi siya habang nakatingin sa daan.
“Anong crazy pinagsasabi mo? Sino ba kasi hindi mapapapikit kung para na rin akong mamatay sa mabilis mong pagda-drive? Paano kung mabangga tayo tapos tumama ako sa masakit na bagay? Edi ang sakit isipin no’n. ’Pag nakapikit ako, ’yong pakiramdam ko lang ang masakit at hindi ang isip ko,” sabi ko sa kanya na kinailing niya pa dahil tila hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko. “Bakit ka natatawa, ha? Akala mo nonsense ang pinagsasabi ko, ano?” inis kong sabi sa kanya.
“Ikaw ang may sabi, hindi ako,” nakangisi niyang usal kaya hinampas ko siya sa braso na balewala lang sa kanya habang ako ay tila tatlong palo pa lang ay ayaw ko na dahil ang tigas ng muscle niya.
“Jerk!” sabi ko na lang at humalukipkip habang siya ay ngumiti at sumisipol pa.
SOMEONE’S P.O.V.
SA MADILIM NA apat na sulok ng opisina ay mayroong medyo may-edad ng lalaki ang nakaupo sa isang swivel chair. Habang ang mga armadong tauhan nito ay may sukbit-sukbit na mga baril at tahimik na nakahilerang nakatayo sa isang gilid. Bumukas ang pinto at pumasok ang mga ka-transaksyon ng lalaki.
Naupo na ang mga ito sa mga swivel chair na bakante.
“Tonight is the best day for us. Lahat ng mayayaman na business man ay a-attend sa party ko. Kaya gusto kong maging handa kayo sa pagkuha ng pera sa bidding mamaya. At siguraduhin n’yo na makakalabas agad kayo bago pa sumabog ang lugar,” sabi ng lalaki sa mga ito.
“Sure, Mr. Phantom,” sagot ng isa at ngumisi na ang mga ito at ganoon din ang tinatawag nila na si Mr. Phantom.
MAQI’S P.O.V.
MEDYO NAGING MAHABA ang byahe namin kaya inabot na kami ng gabi bago ipinasok ni Esteban sa isang hotel ang sasakyan. Isang tagong hotel na nakakapagtaka kung bakit nasa ganoong lugar samantalang isang malaki, maganda, at mukhang mamahaling hotel naman ito. At bakit nga kaya kami narito?
Hininto ni Esteban ang sasakyan sa entrance na may red carpet pa. Maraming naka-formal suit na itim ang nakabantay sa paligid at tila mga nagmamasid. Tumingin ako kay Esteban na inalis ang seatbelt niya at binuksan ang pinto sa side niya kaya wala na akong pagkakataon na makapagtanong pa. Inalis ko na rin ang seatbelt ko nang makita siya na inabot sa isang car boy ang susi niya. Umikot siya at lumapit sa pintuan ko. Pinagbuksan niya ako kaya binaba ko na ang paa ko sa carpet para makababa. Humawak ako sa kamay niya habang ang isa kong kamay ay nasa dulo ng dress ko.
“Let’s go,” aya niya at inayos ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya.
Tumango ako kahit na marami akong gustong itanong sa kanya. Naglakad kami palapit sa receptionist na nakaharang sa entrance.
“Good evening, Ma’am and Sir. Do you have an invitation?” tanong ng lalaki.
May kinuha si Esteban sa coat niya at may inilabas na bilog na itim na parang chips. Kinuha naman ng lalaki iyon at itinapat sa isang computer.
“Invitation accepted,” sabi ng computer na kinamangha ko.
Wow! Ang galing naman.
Yumukod ang dalawang receptionist at iniabot muli kay Esteban ’yong bilog na invitation daw.
“Welcome, Sir, Ma’am. Here’s the mask that you need to wear inside,” sabi ng isa pa at inabutan kami ng mask.
Kinuha iyon ni Esteban at inakay na akong pumasok sa kabilang pinto kung saan ay pinagbuksan kami ng isang guard.
“Wear this now, Maqi,” sabi sa akin ni Esteban at huminto kami. Inabot niya ang pink na maskara kaya kinuha ko at excited na isinuot ito. Nang maitali ko sa likod ng ulo ko ay tumingin ako kay Esteban na sinuot ang kulay itim na maskara na labi lang niya ang kita. At masasabi ko lang ay parang lalong lumabas ang s*x appeal niya dahil doon.
Parang ang hot niya pa kahit may takip ang mukha. Wait! Ano bang pinagsasabi ko? Hot? Siya? At ano, s*x appeal? Oh c’mon, Maqi! Ano bang nangyayari sa isip mo at pinupuri mo siya?
“Are you done checking me?” tanong niya.
“Huh?” Tila nablanko pa ako at hindi nagproseso sa utak ko ang sinabi niya.
“Never mind. But I want you to stay with me always, Maqi,” dagdag pa niya.
Tumango na lang ako kahit hindi ko maunawaan ang pinagsasabi niya.
“Good. Let’s go,” pagpapatuloy niya at inakay na muli ako.