MAQI’S P.O.V. “NASAAN TAYO?” TANONG ko habang nasa harap kami ng malaking arena. It’s not typical arena, para bang arena na kung saan nagkukumpulan ang mga sindikato. “In my world,” sabi niya at titingin sana ako sa kanya ngunit huli na dahil nakababa na siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya bumaba na ako. Humawak ako sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad. “Good afternoon, Mr. Esteban,” bati ng mga armadong lalaki. Napahigpit ako ng kapit sa braso niya na ikinalingon naman niya sa akin bago muling bumaling sa lalaki na nagsalita. Sinenyasan niya ang mga ito at matapos iyon ay nagsialisan na sila. “Bakit tayo narito? Tsaka bakit ang daming armadong lalaki?” tanong ko sa kanya habang lumalakad kami papasok. “I want to show you the real me.” Iyon lang ang sinabi niya bago ak

