KABANATA 7

3390 Words

MAQI’S P.O.V. MABILIS NA PINAHARUROT ni Esteban ang sasakyan niya paalis ng apartment ko. Kanina paglabas namin ay nakita ko na puno ng tama ng bala ang bintana at pinto roon. Takot na takot ako dahil baka nasa labas pa ang mga nambaril, pero sabi ni Esteban sa akin ay wala na raw. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Tulala akong nakatingin sa bintana, iniisip ko kung wala siguro si Esteban sa apartment ko ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Baka . . . baka natamaan na ako ng baril at namatay. Jusko! Ano ba talagang kamalasan ang meron ako? Para bang nais na ng kapalaran na mawala ako dahil wala naman akong halaga at tiyak ko na walang makakaalala sa akin kung mamamatay ako. Pwede pa sila Marie dahil alam ko na itinuturing nila akong kaibigan. Huminto ang sasakyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD