Episode - 5

2176 Words
Mahabang katahikan ang namagitan sa amin habang nagtitipa ng kanyang laptop ang abogado. Nakikiramdam lang ako at manaka-naka kung sinusulyapan ang gwapong mukha ng aking asawa. Ito na huling pagkakataon kung masisilayan siya ng malapitan. Ang kulay asul niyang pares ng mga mata na binagayan ng malalantik at mahabang pilik mata. Ang makakapal niyang kilay. Ang matangos niyang ilong na minana daw niya sa kanyang namayapang ama na isang banyaga mula sa dulong Eupora. Ang matipuno niyang katawan na alaga sa loob ng gym na hindi ko man lang nadama kahit minsan. Ang taas niyang 6'1, kaya marami ang nahuhumaling sa kanyang mga babae. Idagdag pa ang galing at husay niya sa negosyo kaya napakayaman nila. Mga kayamanan tanging maipagmamalaki at sinasamba nila na animo laging aagawan o makikihati ng yaman nila. At lahat ng taong nalalapit sa kanya iniisip niyang mga mandurugas. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa siya nakilala at minahal sa kabila ng maraming babalang natatanggap mula pa nuon hanggang sa ikasal kami. Sinisisi ang aking puso kung bakit pa siya ang itinibok nito, samantalang marami din naman nanliligaw sa akin meron din may sinasabi sa buhay pero siya ang pinili ko at hindi ang ipinagmamalaki niyang pera at yaman nila. Sa kanya ko nadaman ang kaligayahan ng aking puso, pero mali palang sundin ang t***k ng puso. Dapat talaga kasama ng puso ang utak at binabalanse sa pagpili ng makakasama at makakatuwang sa buhay. Bahagya kung minasahe ang aking mga tuhod na kanina lang nangangatal dahil sa takot. Sa unang pagkakataon may nagbuhat ng kamay sa akin, na hindi ko naranasan sa aking mga magulang. Kung sino pa ang inaakala kung poprotekta sa akin siya pala ang diyablong mananakit sa akin, sila ng kanyang inang matapobre. Wala silang awa sa taong walang laban. Titiisin ko lahat ng sakit na dulot nila basta ang sa akin, mabuhay at lumaki ang aking mga anak sa piling ko. "Mrs. Reinette Legaspi paki basa nalang muna ang kasunduan bago natin lagdaan." Ani ng abogado matapos niyang mai-print ang mga ito. "Atty. Puruganan, paglilinaw lang po. Simula sa oras na ito huwag na ninyo akong tatawagin sa ganyang pangalan. Miss Reinette Ocampo po ang pangalan ko." Usal ko at inabot ang mga dukomentong nagawa niya. Pinasadan ko ito ng tingin at muling ibinalik sa kanya. "Mr. Mykel Treyton Legaspi ikaw naman ang bumasa. Kung may idadagdag pa ba o kung may papalitan pa?" Muli niyang saad. Dinig ko ang malalalim niyang buntong hininga, nagtatangis din ang kanyang mga ngipin, koyum na kuyom ang isang kamao niya. Matatalim naman ang mga mata ng kanyang inang nakatingin sa akin. Ano bang masamang nagawa ko sa kanila. Darating ang araw kayo naman ang magmamakaawa sa akin. Piping bulong ko sa aking isipan. "Paunahin n'yo na siyang papirmahin." Maawtoridad niyang utos at padaskol na ibinaba ang mga papel. "Kailangan natin ng mga taong tatayong titistigo at lalagda sa kasunduan." Saad ng abogado. "Ako, pwede akung lumagda d'yan bilang isang tistigo." Sabad ng kanyang ina. Na sinangayunan ng kanyang anak at ng abogado. Matapos ang pirmahan at iringan sa pagitan naming tatlo. Pumirma din ang abogado at nilagyan ng dry seal ang dukomento bago inabut sa amin ang kanya-kanya sipi. "Atty Puruganan, lilinawin ko lang po. Pwede ko na itong magamit sa korte bilang matibay na katibayan kung sakaling may lumabag sa amin sa mga isinasaad dito?" Usal kong paninirugo. Kahit alam ko na. "Isang malinaw na katibayan yan na pwede mong gamitin at pahahalagahan yan saan mang korte ng ating bansa." Matapang niyang turan. Kaya napatango ako, pero nag-uumpisa na naman mag-init ang aking mga mata sa nagbabadyang pagluha. Nagwakas ng ganito kabilis ang amin relasyon. Napakasakit sa akin, para akung pinagtakluban ng langit at lupa pero wala akung magagawa at hindi ko ipagpipilitan ang aking sarili sa kanila. Dini-Diyos nila ang salapi nila. Para sa kanila ito ang pinakamahala sa lahat ng ano mang bagay sa ibabaw ng lupa. Ayun pa sa kanila lahat kayang tapatan ng salapi at magiging makapangyarihan ka kung madami kang salapi, dahil lahat daw ng tao sasambahin ka. "Ngayon naman siguro pipirma ka na diyan. Naibigay ko na ang kahilingan mo."Mariin niyang sikmat at marahas niyang ibinagsak sa harapan ko ang mga dukomento. Kaya wala na akung nagawa kung hindi hawakan muli ang ballpen para pirmahan ang aming marriage annulment paper. Ilang buwan pa lang nakakalipas ng pumirma kami sa mga dokumento para sa aming pag-iisang dibdib at nagsumpaang mamahalin ang isa't isa hanggang sa huling hibla ng aming hininga. Ngayon naman ang para sa aming paghihiwalay ng walang malinaw na kadahilanan at hindi pinakinggan ang aking dahilan. Ang tanging kagustohan ko lang maisalba ang huling semen niya para mabigyan siya ng anak. Ang magsakripisyo para sa ikaliligaya niya pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon pakinggan ang aking dahilan. Napakasakit sa kalooban ko bilang isang asawa na mahiwalay sa pinakamamahal mong kabiyak. Ganuon pa man maligaya bilang isang babae na magkaroon ng sariling mga anak muna sa lalaking iyong sinasamba. Umaagus ang aking mga luhang lumalagda sa amin annulment. Itinuturo nalang ni Atty Puruganan ang mga dapat kung pirmahan dahil nanlalabo na ang aking paningin sa luha. Matapos kung pirmahan lahat. Tumayo na ako at hinubad ang aking suot na kiwentas na regalo niya sa aking nuong unang taon ng anibersaryo namin bilang mag-nobyo. Kasunod ng bracelet. Inunat ko pa ang aking palad at masusing pinagmasdan ang mga suot kung singsing, at isang malalim na hininga ang aking pinawalan bago ko hinugot sa darili ang amin wedding ring, sinunod ko ang aming engagement ring at inipon sa aking mga palad. Binuksan ko rin aking slimbag at hinugot ang aking pitakang pinaglalagyan ng dalawang card na bigay niya na kahit minsan hindi ko pa nagamit. Pinagsama-sama ko ang mga ito sa aking palad at ibinaba sa gitnang ibabaw ng dokumento. "Maraming salamat sa lahat ng magagandang ala-ala mula sa iyo. Salamat sa maiksing panahon na naging kabahagi ng buhay mo. Simula sa araw na ito ibabaun ko na sa limot ang lahat at kakalimutang nakilala kita. At hindi na nanaising pang makita at malapitan ka pa kahit kailan. Umaasang ganuon din ang gagawin mo. Ang tanging hinangad ko lang ang iyong kaligayahan pero bale wala lang pala ang lahat ng aking pagsasakripisyo. Sana maging maligaya ka na ngayong wala na ako sa buhay mo, sa buhay ninyong mag-ina. Salamat." Mahabang litanya ko at marahang inusog sa tapat niya ang pinirmahan kung annulment paper na pinagpapatungan ng mga isinuli ko sa kanya. Pigil na pigil ko ring tumulo ang aking luha sa harap niya. "Maraming salamat din sa inyo Mrs, Legaspi, kahit alam kung labag sa kalooban ninyo ang pagpapakasal sa akin ng anak ninyo tinanggap parin ninyo ako dito sa masyon ninyo." Usal kung kontrolado ang aking emosyon. "Maraming salamat din Atty. Puruganan sa abala." Wika ko matapos kung kumpirmahin ang dapat kung gawin at tinantadaan ang araw na dapat akung pakipagkita sa kanya para sa kopya ng aming annulment finality. "Paalam sa inyong lahat. Sana ito na huling araw na makikita at makakausap ko kayong lahat at wala ng kasunod." Banayad kung wika at inayus ang aking nagulong damit. Hinila ko rin ang nakapatong na wedding frame namin sa ibabaw ng lamesa niya at binaklas ito para mabuksan. Tinuklap ko ang litraro namin saka hinati sa gitna para mahiwalay kaming dalawa at pinunit ng malilit ang parte ng aking mukha, kasunod ng paglamukos ko dito. Muli ibinalik ang frame na mukha nalang niya ang natira. "Wala ng saysay ang mga ito, hindi na dapat makita ng kahit sino. Manang pakitapon nalang po lahat ng mga larawan meron ako dito at lahat ng may kaugnayan sa aking mga bagay. Salamat po." Dagdag ko pa. "Manang maari ko po bang mahingi ang inyong tsinelas para magamit sa aking pag-alis." Pakiusap ko sa isa nilang katulong na naging saksi sa aming paghihiwalay ng aking asawa. Lumuluha siyang niyakap ako ng mahigpi at hinubad ang kanyang tsinelas. Kaya hinubad ko na ang sapatos kung suot na bigay ng nanay ng aking asawa. Maingat ko itong ipinatong sa ibabaw ng isang bangko at sinuot ang tsinelas ni Manang. "Ayaw ko po kasing magdala ng kahit ano mula sa mga taong ayaw mabawasan ni katiting ang kanilang kayaman. Salamat po. Paalam." Dagdag ko at tumalikod na sa kanila. Alam kung lahat ng mga mata ng taong kasama ko sa kwarto sa akin nakatingin. Itinaas ko ang aking kamay pagtapat ko sa pantay taong kabinet at inabot ang camerang inilagay ko kanina sa ibabaw nito, buti nalang naglagay ako ng camera, meron tuloy akung malinaw na katibayan sa lahat ng nangyari at mga sinabi nila. Balang araw magagamit ko ito. Ipapakita ko ang mga ito sa aking mga anak para hindi na ako mahirapan magpaliwanag sa kanila kung bakit wala silang tatay. "Paalam sa inyong lahat. Dalangin kung maging daan ito ng magandang simula ng bawat isa sa atin." Usal kong nakatalikod sa kanila at pinihit ang siradura ng pinto at lumabas ng hindi na sila muli pang nilingon. Diretso lang akung naglakad patungo sa magarbong entrada ng pinto, upang tuluyan ng lisanin ang mala-palasyong tahanan ng mga Legaspi na ilang buwan ko rin tinirhan. Pinagpahingahan. Nangangapus man ang aking hininga at naghihina ang aking mga tuhod dumiretso parin ako ng lakad patungo sa lampas taong itim na bakal nilang gate upang tuluyan ng lumisan. Iwan ang lalaking buong puso kung minahal. "Balang araw kakainin mong lahat ng mga sinabi mo at ibabalik ko lahat ng pait na dinanas ko ngayon at dadanasin pa." Mahinang usal ko bago pa ako pagbuksan ng mataas na gate ng mga guards. . . ****** . . "Aaaahhhhh..." Isang mahabang pagsigaw na bigla nalang umalingawngaw sa loob ng library ng mansyon ng mga Legaspi. Kasunod ng pagbagsakan ng mga bagay na hindi malinaw kung ano. Mga nababasag na salamin. "Bakit niloko mo ako? Lahat ginawa ko para sa kapakanan mo tapos ganito ang iginanti mo sa akin. Dahil ba sa kapansanan ko? Ang sabi mo tanggap mo ako kahit ano ako pero niloko mo ako." Mga balahaw ng isang tinig. Kung kanina matapang at nagliliyab ang mga mata niya sa galit ngayon naman lumuluha na ang mga ito "Treyton, tama na anak. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang ganung klase ng babae. Wala siyang kwenta. Hindi siya nababagay sa iyo. Marami ka pang makikitang babaing mas higit pa sa kanya." Pakiusap ng kanyang inang umiiyak. Yakap-yakap siya nito upang awatin sa pagwawala. "Mahal na mahal ko siya Mommy. Siya lang ang babaing seneryoso ko. Siya ang pinakasalan ko, siya ang gusto kung makasama habang buhay. Pero naghanap agad siya ng ibang lalaking magbibigay ligaya sa kanya. Wala na akung silbi. Hindi niya hinintay na gumaling ako, pwede pa naman akung gumaling at bumalik sa dati sabi ng doctor. Ang hindi ko lang matanggap ang pagiging baog ko. Kaya nagpabuntis na siya sa iba." Litanya niyang tumatangis sa ina. Kung kanina galit siya dito, ngayon gusto niya itong sundan. "Huwag na huwag mo na siyang patatapakin dito sa bahay ko. Hinding-hindi ko na siya matatanggap dito. Marami pa naman mga babae dyan na pwede mong pakasalan pagna-annual na ang kasal ninyo. Siguro naman magalin ka nuon." May diing niyang paliwanag kay Treyton. "Ingatan mo parin ang sarili mo at huwag kang masyadong gumalaw ng biglaan at baka bumuka ang sugat mo sa tiyan." Dagdag pa niya sa anak. Habang yakap ito upang pigilin sa pagwawala. Wala rin nagawa ang kanilang abogado kung hindi pagmasdan lang silang mag-ina. Kung kanina palaisipan dito ang dahilan kung bakit sa ganito humantong ang pagsasama ng mga ito. Isa rin ito sa naging saksi sa matamis na sumpaan ng mga ito ng ikasal, ilang buwan palang ang nakararaan. Ngayon naman ang mapait na paghihiwalay. "Reinetttteee napaka walanghiya mong babae ka. Wala kang kuwenta. Iningatan at minahal kita pero ginago mo ako. Hayup ka magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Hinding-hindi ka na makakalapit sa aking kahit kailan hayop ka. Isinusumpa ko pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin. Hindi kita patatahimikin." Mga balahaw niyang sigaw at hindi alintana kung may makakarinig ba sa kanya ibang tao. Halos isang oras din ang tinagal ng pagwawala niya bago napakalma ng ina. Ngayon naman tumatangis siya na parang batang hindi nabilhan ng paboritong candy ng ina. Kulang nalang maglupasay siya sa sahig at humagulgol ng iyak. Paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng asawa. Sinisisi ang mga taong nakapaligid sa kanya na wala naman kinalaman sa paghihiwalay nila. Maliban nalang sa kanilang driver na nagbalita sa kanya ng kalagayan ng asawa. Dito niya natuklasan buntis ang asawa. At ayun dito tuwang-tuwan ito na parang nanalo sa jackpot prize sa isang lottery. Na siyang ikinasiklab ng galit niya. Hanggang ngayon nagaapoy man siya sa galit pero hindi parin niya matanggap na wala na ang asawang kay tagal inasam na makasama. Isinumpang mamahalin hanggang sa huling hibla ng hininga. . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD