May ngiti sa mga labing nagpahatid ako sa isang simbahan upang mag-alay ng panalangin at magpasalamat sa magandang biyayang iniregalo niya sa akin at sa aking asawa. Pasasalamat narin at magaling na ang aking asawa mula sa sakunang nangyari ilang buwan na ang nakakalipas. Tanging mga pilat nalang ang mababakas sa nangyaring aksidente. Ang bakal na ikinabit naman sa binti niya ay pwede ng tanggalin pagkaraan ng siyam na buwan. At hindi rin masyadong halata ang pa-ika niyang lakad dahil sa bakal na nakakabit. Yun nga lang kimikirot daw yun kung nalalamigan.
Matapos akung mag-alay ng bulaklak at magtulos ng kandila. Muli akung nanalangin na maging malusog ang aming mga anak. Bago nagpasyang umuwi dahil nasasabik na akung ipagtapat kay Mykel Treyton ang aking kalagayan at kung paano kami nakabuo ng mga anak.
Isang surpresa ang inayus ko kasama ang aking maliit na video digitalcamera na isinet sa loob ng library niya. Para makita ko ang magiging-reactions niya. Muli akung lumabas ng bahay dala ang isang basong malamig na tubig at nagpahangin sa hardin. Nanlalamig ang aking mga palad sa kasiyahan. Gusto kung maglulundag sa tuwa. Ang tagumpay ni Doctor Aragon ang nagpabalik ng kanyang kompiyansa sa sarili. Ang nagbigay buhay din sa akin at sa aking asawa. Thirteen weeks at triplets ang magiging anak namin. Kaya pala parang tumaba ako at may umbok na ang akin tiyan, dahil tatlo sila. Gusto ko munang ipanatag ang aking damdamin bago pumasok sa loob.
"Saan ka galing?" Sindak ko ng isang sampal agad ang sumalubong sa akin pagpasok ko palang sa loob ng library niya, kung saan siya naglalagi para gawin ang mga trabaho niya na dapat sa opisina niya ginagawa. "Nakipagkita ka na naman sa lalaki mo? Hindi ka ba makapaghintay na muling manumbalik ang lakas ko kaya naghanap ka na agad ng ibang lalaking bubuntis sa iyo?" Nanlilisik ang mga mata niyang sigaw sa mukha ko. Hindi ako makahuma sa ginawa niya. Pagsapo sa pisngi kung humapdi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya ang tanging nagawa ko kasabay ng pamumuo ng aking luha sa mga mata.
"Anong sinasabi mo? Wala akung ginagawang masama. Wala akung kinikitang lalaki." Humihikbi kung katwiran sa kanya. "Galing ako ng hospital at nagpa-check up at wala akung kasama na kahit sino." Dagdag ko pa. At humawak mabuti sa isang kabinet.
"Yan na nga bang sinasabi ko sa iyo nuong una palang, wala talaga akung tiwala sa babaing yan. Tingnan mo, ng malaman niyang hindi mo siya kayang paligayahin naghanap agad ng ibang lalaki o baka talaga lang na meron na siyang karelasyon nuon pa man. Ang mga tipo ng mga babaing naghuhubad sa harap ng maraming tao ay hindi dapat sineseryoso dahil mga parausan lang sila ng mga lalaking mahilig sa kamunduhan. Palayasin mo yan dito sa pamamabahay ko." Mariin din sigaw ng kanyang ina. Matatalim din ang kanyang mga matang inuuyam ako na parang may nakakahawa akung sakit.
"Wala po akung ginagawang masama. Kung umalis man po ako para sa amin yun ng aking asawa. Wala rin po akung lalaki. Mahal ko po ang inyong anak at ginagawa ko ito para sa amin. Ang pahuhubad ko naman ay parte ng mga sinasalihan kung beauty contest, natural lang po yun sa ganung klase ng patimpalak." Malumanay ko ng katwiran sa kanya.
"Wala kang ginagawang masama? Hayan at kitang-kita ang ibidensiya, buntis ka. Alam nating na hindi ka na kayang buntisin ng aking anak. Isa na siyang baog ngayon na walang kakayahan makapagbigay ng anak sa kahit sinong babae. Hindi parin niya kayang makipagtalik kahit kaninong babae. Kaya naghanap ka agad ng kalunya. Isa kang babaing haliparut." Sigaw niyang muling kasabay sa pag-igkas ng kanyang palad na tumama sa kaliwang pisngi ko. Kaya muli ko itong nasapo.
Matitigas na mga daliri ng asawa ko ang biglang pumisil sa aking panga. Nanlilisik din ang kanyang mga matang nakatitig sa aking mukha. Halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya pero kailangan kung tumatag at kalmahin ang sarili para sa mga anak ko. Nagsakripisyo ako para mabigyan siya ng anak pero heto ang kinahinatnat. Ang paratangan ng walang matibay na katibayan, walang hinihinging paliwanag. At bakit nakarating agad sa kanila ang kalagayan ko. Sino ang nagsabing buntis na ako. Tagumpay ang ginawang insemination ng doctor at triples pa.
"Ayaw ko ng makikita pa ang pagmumukha mo dito sa bahay namin. Sayang ang ginugol kung panahon sa iyo. Sayang lang ang inukol kung pagmamahal sa iyo. Naghihinayang ako sa mga panahon na inaksaya ko sa isang babaing huwad at mapagkunwari. Isa kang puta. Nakakadiri ka wala kang pinagkaiba sa mga babaing bayaran.Tama nga sila pera at karanyaan lang ang habol mo sa akin. Kaya lumayas ka na sa pamamahay namin at huwag ka ng babalik kahit kailan." Mariing sigaw niyang nagtatalsikan pa ang mga laway. Padaskol din niya akung binitawan na muntikan kung ikatumba buti nalang at nakahawak ako sa likod ng bangko.
Umatras ako ng ilang hakbang upang makaupo dahil nanghihina ako at inaalala ko ang aking kalagayan. Kailangan kong proteksyonan ang aking tiyan, kung hindi masasayang ang pagsasakripisyo ko, namin ng Doctor at nurse na tumulong sa akin upang makabuo ng sanggol.
"Hindi mo ba muna ako pakikinggan sa aking paliwanag. Kaya kung ipaliwanag sa iyo kung bakit ako buntis ngayon." Malumanay kung usal sa kanya. Nananantiya kung pakikinggan ba niya ako. Marami akung katibayan na sa kanya galing ang mga batang ipinabubuntis ko at wala pang lalaking nakahawak sa akin katawan ni isa.
"Hindi ko na gustong makita ang pagmumukha mo o marinig pa ang boses mo lumayas ka na dito at huwag ng magpapakita pa sa amin. Hindi ko na kailangang marinig ang paglulubid mo ng mga kasinungalingan, dahil alam ko na ang totoong pagkatao mo. Isang babaing oportunista manggagamit, ambisyosa, pera ko lang habol mo at huwag kang umasang bibigyan kita kahit isang sentemo. Kahit kasal tayo wala ka parin karapatan sa kahit anung meron ako. Inutil lang p*********i ko, hindi ang buong pagkatao ko. Kaya lumayas ka na, malas ka sa pamamahay na ito. Isa kang babaing mababa ang lipad, isang salot sa buhay. Nakakadiri ka. Nandidiri ako sa babaing nalawayan na ng iba. Layas" Muli niyang sigaw sa harapan ko at mag-asawang sampal ulit ang aking natikman mula sa kanya. Kaya hinila ko ang mga throw pillow at itinakip sa aking tiyan upang maproteksyonan ko ang aking mga anak. Kailangan kung magtiis bilang isang ina at asawa sa kamay niya.
Malalaki ang ginawa niyang hakbang papalayo sa akin at pabalang na binuksan ang drawer ng working table niya. Ilang peraso ng puting papel ang hinugot niya dito at isang ballpen. Bahagya pa niyang pinasadahan ito ng tingin bago muling naglakad pabalik sa harapan ko. At pabagsak niyang inihagis sa kandungan ko ang mga ito.
"Pirma!" Mariin niyang sigaw. "Hindi ko na kayang matagalan pang mayroon kaugnayan sa iyo. Ayaw ko ng nadidikit pa ang pangalan ko sa isang walang kwentang babaing tulad mo." Nanggigil na niyang sikmat sa akin.
"Paki-usap pwede bang pakinggan mo muna ang dahilan ko kung bakit ako nagdadalangtao ngayon. Kahit ilang minuto lang parang awa mo na Treyton, makinig ka naman kahit ngayon lang bago mo ako husgahan." Umiiyak kung pakiusap sa kanya. Gusto ko parin isalba ang aming relasyon mahal na mahal ko siya, hindi totoo ang binibintang niya sa akin at kung makikinig siya baka pasalamatan pa niya ako sa ginawa kong pagsasakripisyo.
"Pumirma ka nalang at lumayas na dito. Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo. Malinaw na ang lahat sa akin. Kayamanan ko lang ang interest mo sa akin. Pera ko lang minahal mo sa akin at hindi talaga ako. Pumirma ka na at ayaw ko ng magtatagal ka pa dito. Ayaw kung malasin ako. Malas ang tulad mong nakikipagkalunyan." Sigaw pa niya. Ilang sunod-sunod na malalalim na higop, bunga ng hangin ang ginawa ko para kumalma ang aking katawan. Kailangan kong magpakatatag ngayon sa ganitong sitwasyon, magdisisyon kung ano ang tamang gawin. Buhay at kaligayahan ko at ng mga anak ko ang nakasalalay dito. At mas mahalaga ang buhay ng aking mga anak ngayon.
"Yan ba talaga ang gusto mong mangyari? Dahil pag ako pumirma dyan wala ng bawian kahit kailan paghabang buhay na yan. O baka mas maganda kung pakinggan mo muna ang aking paliwanag." Usal kong pagbabakasakaling magbago pa ang isip niya para sa kapakanan din ng aming magiging mga anak.
"Pumirma ka nalang at lumayas na dito dahil kahit kailang hinding-hindi ko na nanaising makita ka pa hanggang sa kabilang buhay. Pirma!" Mabalasik na niyang sigaw. Kalma lang ang tanging bulong ko sa aking sarili.
"Kung yan ang gusto mo pipirma ako pero meron akung mga kondisyon hihingin. Huwag kang mag-alala hindi tungkol sa pera o kayamanan mo, kung hindi mga kasunduan panghabang panahon na pwede kung panghawakan na wala na talagang tayung ungnayan sa isat-isa." Litanya ko. Gusto ko mang umiyak sa sakit na nararamdaman pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil hindi lang akong mag-isa ang nagmamay-ari ng katawan ko ngayon. "Pipirma ako sa annulment paper na yan kung kaharap ang isang abogado may hihilingin din akung mga kasulatan. Tumawag ka ng abogado ngayon para makaalis na ako ayun sa kagustuhan mo." Dagdag ko pa at inayus ang aking pagkakaupo. Pakiramdam ko nangangapal ang aking mukha sa sakit ng pagkakasampal nilang mga-ina sa akin at maging ang aking punong leeg masakit din.
Kaagad niya hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa at nag-dial dito habang palabas ng kwartong kinalalagyan namin. Kaya nakahinga ako ng maluwag ng lumabas silang mag-inang magkasunod. Pero walang patid ang pag-agus ng aking mga luha sa sama ng loob parang pinipiga ang aking puso sa mga sinabi niya. Ang pagsasakripisyo ko ay humantong sa isang masaklap na paghihiwalay. Ni hindi ako binigyan layang magpaliwanag at sabihin ang niloloob ko. Hindi siya makatarungan wala talaga siyang budhi.Tama nga siguro ang sabi ng mga matatanda luha lang ang idudulot niya sa akin. Wala daw awa ang karamihan sa mayayaman at ang tanging pinahahalagahan lang ng mga ito ang kanilang kayamanan at ayaw daw maligwak sa iba. Pero mahal ko siya at hindi ang yaman nila ang ang aking hangad sa kanya. Masakit at hindi katanggap-tanggap ang mga ibinibintang nila sa akin. Tumitimo sa aking isipan at puso ang binibitawan niyang masasakit na pangungusap. Pinagbuhatan din niya ako ng kamay hindi lang minsan kung hindi sunod-sunod at maging ang kanyang inang alam ko naman ayaw sa akin.
Nauulinigan ko ang pagtatalo nilang mag-ina sa labas ng kwartong kinauupuan ko, parang nagsisisihan sila sa kung anung bagay. Hindi ko naman magawang tumayo dahil nanginginig parin ang mga tuhod ko sa sama ng loob. Nag-aalala din akung baka kung anung mangyari sa akin at sa mga anak ko. Sila nalang ang meron ako ngayon ang tanging mga kayamanan ko. Palalakihin ko silang malayo sa kanilang ama. Ipapaliwanag kung bakit sila walang nakagisnan ama. Produkto sila ng makabagong teknolohiya at sensya. Marami naman tulad nila. Mga babae o lalaki na ayaw ng asawa, anak lang ang tanging nais. Kabilang na ako sa kanila ngayon.
Pagbukas ng pinto ang nagpaangat ng aking ulo, kaya kaagad kung pinahid ang aking mga luha sa pisngi at umayus ng upo. Sunod-sunod naman silang tatlong nagpasukan sa loob. "Eto na ang hinihiling mong abogado." Saad niya ng matapat siya sa harapan ko.
"Atty. Edward Puruganan." Pakilala niya sa akin at kinamayan ako, pero matagal ko na siyang kilala. Siya ang magaling na abogado at kilalang walang pinatatalong kaso. Ang abogado ng mga Legaspi.
"Magandang araw po Atty. Puruganan." Usal kung sumisinok dahil sa labis na pag-iyak.
"Atty. Gusto ni Reinette na ikaw ang maging saksi sa aming paghihiwalay. Gusto niyang kaharap ka sa pagpirma niya ng aming annulment paper." Kaagad na wika ng asawa ko pagkaupo palang ni Atty. Puruganan sa tapat ko.
"Atty Puruganan, nais ko lang pong magpagawa ng mga agreement o kasunduan bago ako lumagda ng aming annulment paper. Maari po bang magawan ninyo kami?" Banayad kung saad. Nilingon niya ang aking asawa na parang humihingi siya dito ng pagsang-ayun. Bahagyang naman itong tumango.
"Sabihin mo Mrs. Legaspi kung ano ang mga kasunduan na nais mo." Tugon niya. Ilang malalalim na buntong hininga ang aking ginawa para magluwag ang aking dibdib at lalamunan. Ito na ang katotohanang ayaw ko sanang mangyari, ang mawawala na siya sa aking ng lubusan. Pero siya ang nagdisisyon at hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya, baka ikamatay ko pa at ng magiging mga anak namin.
"Nais ko pong mawalan kami ng karapatan o ugnayan sa isa't isa, hanggang sa aming mga kamag-anak. Una. Simula po sa araw na ito bawal ng lumapit o pakipag-usap ang sino man sa amin dalawa o maging sino man myembro ng aming pamilya hanggang sa mga malalapit naming kaibigan. Pangalawa. Wala rin po akung hihingin kahit isang kosing sa pamilya Legaspi. Hindi r....."
"Mabuti kung ganun. Maliwanag naman talagang pera lang habol mo sa amin, nagkukunwari ka pa. Idagdag n'yo rin dyan Atty. na wala akung pananagutan sa kanya. Hindi ako ang ama ng ipagbubuntis niya. Kaya hindi niya pwedeng ihingi ng kahit anung tulong sa akin, at sa pamilya ko ang magiging anak niya sa lalaki niya." Sabad niyang bigla sa usapan namin ni Atty, sabagay kasali naman tagala siya, pero sana pinatapos niya ako.
Tuloy-tuloy lang ang pagsasalita niya at maging ang kanyang ina nakikisawsaw narin sa mga kasunduan. Kaya nanahimik nalang ako at pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Basta ako isa lang ang gusto ko, simula sa araw na ito wala na siyang karapatan sa akin at sa mga anak namin. Hindi ko siya ipakikilala bilang ama kung hindi isa sperms donor na nais magbawas ng katas at walang naging malalim na ugnayan sa isa't-isa.
.
.
.
.
.
..................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....