Episode - 3

2128 Words
Itinaas ko ang aking dalawang binti sa magkabilang patungan nito pero parang hinangin ako kaya muli kung ibinababa at hinila ang nakatuping puting kumot sa may ulunan ko na may logo ng hospital at itinabing sa bandang baba ng aking katawan. Alam kung pabubukakain din ako mamaya ng doctor makikita at makikita rin niya ang aking p********e dahil dun naman niya ipapasok ang isang tubong pagdadaanan ng mga sperms ng aking asawa. Sayang nga lang at sa ganitong pagkakataon kami bubuo ng anak na pangarap namin. Lima ang gusto niyang anak samantala ako, isang lalaki at isang babae lang ayus na sa akin. Pero ngayon nanalanging makabuo kami ng anak kahit isa lang. Magtagumpay ang aking pagsasakripisyo, umayun sa amin ang pagkakataon at maisaayus na mabuti ng doctor ang proseso. Sana lahat ng sperms ni Treyton active at makisama sa amin plano. Lumangoy sila patungo sa aking matris at mag-fertilize sa aking mga itlog upang mabuong sanggol. Kahit ilan pa sila bubuhayin at aalagaan ko sila, namin ng aking asawa. Sabi ng iba kadalasan daw kambal o triples pa ang nagiging anak ng nagpapa-insemination. Pwede ka rin daw mamili kung babae o lalaki pero sa kalagayan namin bahala na kung anung maging kasarian niya ang importante makabuo kami ng anak at sana malusog siya. Halos isang oras na akung makahiga pero hindi parin bumabalik ang doctor at nurse sabi pupuntahan lang niya si Doctor Aragon para tulongan ito sa mga gagawin pagkokolekta ng mga semen ni Treyton. Ano pa bang mga procedures ang kailangan. Baka hindi kaya sila nagtagumpay na makakuha ng mga sperm cells. Paano pa kaya nila makukuha yun kung lupaypay na ang paglalalaki niya. Dalangin nalang nausal ko. Kailangan kung maghintay at magtiyaga. Umasang papatnubayan kami ng may kapal. Para rin ito sa ikabubuti namin at hindi naman masama ang aming gagawing tatlo. Kailangan kung magisip ng puro positibo para lumakas ang loob namin pare-pareho upang magtagupay kami. Ako para sa pagsasakripisyong magkaroon ng anak, si Dr. Aragon para bumalik ang kompiyansa niya sa sarili. Pagkalabas ko ng kwarto kaaagad kung tinungo ang kwarto ng asawa ko pero ang sabi nailipat na sa isang pribadong kwarto si Treyton. Kaya dahan-dahan akung naglakad patungo sa nasabing kwarto. Medyo masakit pa ang pwerta ko dahil sa ginawang insemination. Pagbukas ko ng pinto matatalim na mga mata ng aking biyanan ang sumalubong sa akin. Wala akong imik na naupo sa tabi ng kama ng asawa ko. Marami siyang sugat at galos sa mukha at braso may benda rin siya sa tiyan na siyang natusok ng isang matalim na bakal. Namumutla rin ang kanyang labi. Nangingitim narin ang mga parte ng katawan niyang tinamaan ng matigas na bagay. Hinawakan ko nalang ang kamay niyang walang swero. At umusal ng panalanging magising na siya. At maging ligtas sa ano mang kapahamakan. "Mommy ako nalang po magbabantay kay Treyton. Pwede na po kayung umuwi para makapagpahinga.Tatawagan ko nalang po kayo pagnagising siya. Alam ko pong pangod na rin kayo." Usal ko dahil naaasiwa akung kasama siya. Maya't maya siyang nagbubuntong hininga. Bumubulong din siya na tila mo nagoorasyon. "Siguradohin mo lang na aalagaan at babantayan mong mabuti ang anak ko. At huwag kang aalis sa tabi niya, kung hindi mananagot ka sa akin babae ka." Singhal niya at dinakma ang kanyang shoulder bag sa ibabaw ng maliit na lamesa. Nagmartsang papalabas ng pinto. Kaya nakahinga ako ng maluwag at inayus ang aking upo. Medyo masakit pa ang aking gitna, mawawala din daw agad ito sabi ng doctor. Hawak ang kamay ng asawa kung dumukdok ako sa kamang hinihigaan niya. Kailangan kung ingatan ang sarili ko ngayon para sa magiging anak namin. Kailangan ko munang makomperma kung tagumpay ba ang ginawang insemination bago ko ipaalam sa kanya. Gusto ko yung sure na sure ng buo ang anak namin bago ko ipaalam sa kanya. Kapag may mga ultra sound na akong panghahawakan na pwedeng ipakita sa aking asawa. Naalimpungatan ako ng may pumisil sa aking kamay. "Treyton!" Kaagad kung saad. "Kumusta pakiramamdam mo? May masakit ba sa iyo? Sandali tatawagin ko ang doctor." Natataranta kung wika at nagmamadaling lumabas. "Ayus ka lang ba? May gusto ka bang kainin?" Tanong ko sa kanya, iling lang ang naging tugon niya at hindi umiimik. Simula pa kaninang nagising siya hindi na siya nagsasalita maliban nalang sa mga tanong ng mga doctor sa kanya. Parang kay lalim ng iniisip niya. "May problema ba? Sabihin mo naman sa akin kung anung gumugulo sa isipan mo para makatulong ako sa iyo." Panghihikayat ko pa sa kanya. Matipid na ngiti at iling lang din naging tugon niya at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Matiim ko lang siyang tinitigan at banayad na hinagod-hagod ang kanyan buhok. Sunod-sunod na pumatak ang luha ng kanyang ina ng malaman ang kalagayan ng kanyang anak. Kaya napayuko nalang ako at hindi na nagsalita. Pinakikinggan ko nalang mga sinasabi ng doctor niya. Alam ko na ang lahat at nagawan ko na ng paraan. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila hanggat hindi pa ako siguradung mabubuo ang ipinunla sa aking sinapupunan. Ayaw kung umasa sila at mabigo sa bandang huli. "Dadalhin ko siya sa ibang bansa para ipagamot dun. Alam kung magagaling ang mga doctor sa ibang bansa at marami silang kagamitang wala dito sa atin. Magagawan nila ng paraan ang kalagayan ni Mykel. Gagaling siya at manunumbalik ang lakas niya at babalik siya sa normal." May kompiyansa sa sariling turan niya. Paano niyang nasabing manunumbalik pa ang lakas ni Treyton kung ang specialistang doctor na mismo sa kondisyon niya ang nagsabing wala ng pag-asa pang makabuo ng anak ito. Nagpakadalubhasa at dati rin doctor sa bansang America ang doctor na tumingin dito. Ang magagawan nalang daw ng paraan ang pagkakalalaki nito pero mahihirapan pa daw sa ngayon. At hindi basta-basta ito gagaling sa maiksing panahon. Pero Permanente na siyang unproductive o barren sabi ng Doctor. Hindi rin ako pwede sumama sa kanila. Hindi ako pwedeng matagtag sa biyahe, hindi rin pwedeng magpuyat at mapagod hanggat hindi pa ako sigurado sa kalagayan ko. Bahala na siya kung anung gawin niya sa anak niya. Kahit saan pa niya ito ipagamot madami naman silang pera. Piping bulong ko nalang at hindi siya pinansin sa mga litanya niya. Kailangan kung alagaan ang aking sarili. "Kung dadalhin po ninyo ang asawa ko sa ibang bansa kayo na po ang bahala sa kanya hindi po ako pwedeng sumama sa inyo. Wala po akung sapat na dukomento para makalabas ng bansa natin."Turan kong may halong pagsisinungaling. Dahil hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan ko. Matalim na sulyap lang iginanti niya sa akin at padabog siyang naupo sa couch. "Iniaasa mo nalang sa aking ang lahat dapat ikaw nag-aasikaso kay Treyton dahil ikaw ang asawa niya. Anung silbi mong asawa kung hindi mo magampanan ang tungkolin mo?" Mariing asik niya, pero hindi ko siya pinansin. Ayaw kung patulang ang mga patutsada niya at baka makasama pa sa akin, di bali sana kung may mga sperm cells pang pwedeng katasin sa anak niya ayus lang pero said ng lahat at kung may makuha man wala ng buhay. Mga suyot na lahat at masuwerte kung may mabuhay pa kahit isa sa bawat isang milyon. "Gaanu po kayo katagal sa ibang bansa?" Tanong ko nalang sa kanya at hindi pinansin ang pagtataray niya. Mahigit kumulang na isang buwan daw maglalagi sa America ang aking asawa. Tama lang nakapagpapahinga ako ng maayus para sa kalagayan ko. Gusto ko man siyang samahan pero mas mahalaga ang aming magiging anak dahil wala na akung pag-asa pang magka-anak kung pababayaan ko pa ang aking sarili. Wala na akung makakatas pa sa kanyang simelya upang ipunla ulit sa aking sinapupunan. Huling katas na niya ang nakuhan namin kaya kailangan kung ingatan mabuti. Sa loob ng isang buwang wala ang aking asawa, tanging paghiga at pagupo lang nagagawa ko. Kumain ng masusustansiyang pagkain para sa magiging anak namin. Hindi ko rin makuhang dalawin ang aking ina. Kailangan kung magtiis muna. Mga kasambahay lang ang mga nakakausap ko. Mababait naman sila at palabiro kaya naaliw akung kausap sila. At nalilimutan kahit saglit ang mga pasanin mga problema. Ang sakit ng nangyari sa aking asawa, sa mismong araw ng aming kasal. Sana pinigilan ko siyang huwag umalis hindi sana nangyari ang sakuna. Mga hinaig ko at pagsisisi sa mga nangyari. Pero huli na ang lahat at wala na akung magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanang isa ng inutil ang aking asawa at taon pa daw ang bibilangin para pumalik ang kasiglahan ng p*********i nito depende pa daw sa kondisyon ng kalusugan nito. Ang mahalaga naman sa ngayon ang magkaroon kami ng anak, dahilan din para mapagtakpan ang kondisyo niya. Sinalubong ko ng mahigpit na yakap ang aking asawa sa kasabikan sa kanya. Inalalayan ko rin siyang maupo sa couch. Kahit ayus naman na ang paglakad niya. "May masakit pa ba sa iyo? Gusto mo na bang kumain?" Sunod-sunod kung tanong at hindi pinansin ang mga pasaring ng aking biyanan. "Medyo makirot lang yun tuhod ko pero ayos na. Ilang araw lang daw mawawala rin ito at magiging normal na uli paglakad ko. Mga siyam hanggang sampung buwan naman pwede ng tanggalin ang bakal." Saad niyang may lungkot sa mga mata. "Huwag kang mag-alala andito lang ako aalagaan kita." Usal ko, kinitalan din siya ng halik sa labi. "Gusto ko munang magpahinga." Aniya at tumayo na kaya muli ko siyang inalalayan. "Alam kong alam mo na kung ano kakulangan ko. Siguro ngayong nagsisisi ka kung bakit ako pa naging asawa mo?" May angil niyang saad at pahinamad siyang sumandal sa kama. Yun bang iniisip niya kaya matamlay siya, kaya wala siyang ganang kausapin ako. "Kahit may kakulangan ka pa mahal na mahal parin kita at hindi magbabago ang nararamdaman ko sa iyo. Andito lang ako kaagapay mo. Hindi ako aalis dito lang ako sa tabi mo. Ang sabi ng Doctor hindi naman daw panghabang buhay ang kapansanan mo. Maaari pa rin daw magbalik sa normal ang lahat kaya huwag ka ng malungkot. Ang importante buhay ka at malakas, yun lang sapat na sa akin." Mahabang litanya ko para maglubag ang kalooban niya. Totoo naman mahal na mahal ko siya at wala ng papalit sa kanya sa puso ko siya lang sapat na sa akin. Ikinawit ko ang aking mga bisig sa leeg niya at malambing siyang hinalikan sa pisngi. Isinandig ko rin ang aking ulo sa dibdib niya. Hindi man niya tinutugon ang panglalambing ko naintindihan ko naman yun. Malaking kawalan sa isang lalaki ang maging isang impotent lalo na sa isang katulad niyang kilala sa lipunan hinahangaan at marami rin nagkakagustong mga babae sa kanya. Ilan narin ang mga babaing dumaan sa buhay niya. "Hindi ko na maibibigay ang kaligayahan mo. Nangangamba akung baka hanapin mo yan sa ibang lalaki." Saad niya. "Hinding-hindi mangyayari yun Treyton alam mo kung gaanu kita kamahal. Sana huwag mo akung pagdudahan, at pangunahan tapat ako sa iyo. At wala akung ibang minahal maliban sa iyo, ikaw ang buhay at kaligayahan ko. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal ko. magtiwala ka lang sa akin. Darating ang araw maaayus din natin ito at alam kung mabubuhay tayung maligaya at kompleto." Paniniguro ko. Dumadalangin mabuong sanggol ang similya niya. Next month mapapa-check up na ako para malaman ko ang aking kalagayan. Alam kung matutuwa siya pagnagtagumpay kami ni Dr. Aragon. Mawawala ang mga agamgam niya, tama lang ang ginawa ko para sa kanya ito. "Sana nga hindi ka magbago. Sana nga hindi ka maghanap ng iba. Marami pa naman akung pwedeng gawin kahit my erectile dysfunction conditions ako. I'm sorry kung nagkaganito ang kondisyon ko. Ang sanang honeymoon natin nauwi sa isang malagim na sakuna." Matamlay niyang saad. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pagsisisi. Gusto ko man tanungin kung sino ang pinuntahan niya na naging sanhi ng aksidente niya hindi ko naman magawa at baka lalo siyang malungkot. Depression ang hahatak sa kanya para lalong siyang malagay sa isang pang hindi magandang kondisyon. Alam kung malalaman ko rin kung sino at bakit nangyari ang lahat ng ito. "Ano ka ba Tryeton andito nga ako sa tabi mo ngayon. Araw-araw akung nananlangin sa paggaling mo para makauwi kana sa akin. Pasensiya na kung hindi ako nakasama pero andito lang ako sa bahay, hindi ako umaalis at naghihintay ng pagdating mo, kaya huwag ka ng malungkot mahal ko." Paglalambi ko pa. Gusto kung mapanatag ang kalooban niya. Magbalik ang dati niyang sigla. Yung Mykel Treyton na minahal ko. Masayahin at laging may ngiti sa mga labi. Lahat gagawin ko para lubusan na siyang gumaling at bumalik ang dati niyang kompiyansa sa sarili. . . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD