Episode - 2

2145 Words
Isang oras palang ang nakalipas ng magpaalam ang asawa sa kanya. Isa ng kahindik-hindik na balita ang kanyang natanggap. Binalot ng madilim na pangyayari ang kani-kanina lang na masayang pagdiriwang ng kanilang kasal. At halos pangapusan siya ng hininga buti nalang at may nag-abut sa kanya ng isang basong tubig na kaagad naman niyang ininum. Kaya umugong na ang mga sari-saring masamang balita at nagpasalin-saling sa mga bibig ng mga tao na may kanya-kanyang bersyon. Mga sari-saring mga tsismis mula sa mga taong may makakating dila na kaagad nagbibigay ng walang katotohanang komento. Mga taong may malabnaw na pag-iisip. "Sabi ko na nga bang malas ang ang araw na ito para sa pag-iisang dibdid." "Baka naman pinuntahan ang kalunya at ayaw ng pauwiin ang lalaki." "Sinasabi ko na nga bang hindi dapat pagkatiwalaan ang ganung klase ng lalaki." "Kung hindi ba naman siya nasilaw sa yaman ng lalaki hindi sana siya sawi ngayon." "Tama ang sapantaha ko luha lang ang mapapala niya sa lalaking yung." "Ano ba yan kakakasal lang iniwan na agad ang asawa at sumama na sa kalaguyo niya. Mahirap talaga pag gwapo ang lalaki maraming babaing naghahabol." Mga bulongang hindi na niya pinansin. At sa nanlalabong mga mata dahil sa namumuong luha. Kipkip ang laylayan ng traje de boda mabilis siyang nagtatakbo pasakay sa naghihintay sa auto. Upang sundan sa nasabing pagamutang ang asawa. Kasunod ang ina ni Mykel Treyton na halos magkandarapa din sa paglakad. "Ano bang sabi? Sino bang nakausap mo? Bakit siya naaksidente? Saan nangyari ang aksidente?" Natatarantang sunod-sunod na tanong ng kanyang biyanan. "Mommy isang pulis po ang tumawag sa akin, ang sabi dinala na daw nila sa hospital si Treyton. Mabilis daw ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan at hindi nakontrol ang manela nito kaya bumangga sa isang concrete barrier at sumalpok sa mga equipments ng ginagawang kalsada. Hindi rin daw bumuka ang airbag ng sasakyan niya." Umiiiyak kung turan. "Paki bilisan po Manong." Utos ko na sa driver. Paghinto palang ng kanilang sasakyan kaagad na niyang binuksan ang pinto nito, nahihirapan man siyang maglakad dahil sa kanyang mahaba at makapal na traje de bodang suot at mataas na takong ng sapatos tuloy lang ang lakad takbo niya papasok sa loob ng hospital. Idagdag pa ang humuhulas niyang make-up dahil sa mga luhang bumabasa dito. Kaya halos hindi na siya makilala sa hitsura niya. Lakad paikot-ikot habang umiiyak lang ginawa nilang magbiyanan ng makarating sila sa tapat ng operating room. Wala pang malinaw na resulta ng kinahinatnan ang asawa sa aksidenteng nangyari.Tanging mga pulis lang na remisponde ang nagbibigay ng ulat sa kanila at base lang sa kung anung nakita at narinig sa mga taong nakasaksi ng insidente. "Mommy ano na pong nangyayari sa asawa ko? Bakit po hanggang ngayon hindi pa sila lumalabas sa operating room. Ano na pong lagay niya?" Umiiyak kung tanong. Pero mga pagsinghal lang ang nagiging tugon sa'kin ng aking biyanan. Dahil maging siya hindi alam ang nangyayari. Madalas din tapikin at himasin ng palad ng kanyang biyanan ang dibdib nito.Tulad ko kinakapos din ng hangin sa baga sa labis na pag-aalala kay Treyton. Ano na bang nangyayari sa loob. Totoo bang malas ang araw na ito para sa amin. Ang saya-saya pa namin kanina bigla nalang napalitan ng matinding kalungkutan. Mga samot saring gumugulo sa aking isipan. "Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" Bungad ng may edad ng lalaking Doctor pagbukas palang ng pinto ng operating room, pagkaraan ng halos dalawang oras na paghihintay namin. Pinasadahan pa niya ako ng tingin na parang gulat na gulat sa hitsura ko. "Ako nga po Doctor. Kumusta po lagay ng asawa ko?" Tanong niya dito. Kunot noo lang siyang tinitigan nito na tila ba may gustong sabihin na hindi mabigkas. Ilang beses din itong umuling-iling. "Doc sabihin po ninyo ano ng lagay ng asawa ko? Ayus lang po ba siya? Pwede ko po ba siyang makita?" Muli niyang tanong dito. "Huwag kang masyadong mag-alala. Malaki ang tsansang makaligtas siya." Anito. Ganun pa man naiiyak parin ako sa sinapit ng asawa ko. Kung hindi ito umalis hindi sana mangyayari ang sakuna. "Doc pwede ko na po bang makita ang asawa ko?" Muli kung tanong. "Kasal na ba kayo o ikakasal palang kayo?" Usal nitong malayo sa tanong niya. "Katatapos lang po ng aming kasal at kasalukuyan pong ipinadiriwang ito ng may tumawag sa aking asawa kaya napilitan siyang lumisan para puntahan ang taong kausap niya sa selpo niya." Litanya niya. Muli itong umiling-iling kaya nahihiwagaan na siya sa inaakto nito. "Doc tapatin po ninyo ako ano po lagay ng asawa ko. Parang awa na po ninyo sagutin ninyo ang aking katanungan." Pagmamakaawa ko pa. "Tatapatin na kita at sana huwag kang mabibigla, huwag karin magbibigay o gagawa ng hindi magandang desisyon." Usal niya. Bagamat may kaba sa dibdib napatango ako. "Pangako po uunawain ko siya. Mahal na mahal ko po ang asawa ko." Umiiyak kung pagamin sa kanya. "Sumunod ka sa akin, sa opisina ko tayo mag-usap dahil medyo maselang ang pag-uusapan natin." Saad niya at nagmamadali ng naglakad. Halos tumakbo ako pasunod sa kanya yakap-yakap ang aking traje de boda, lahat ng madaanan namin tao pinagtitinginan ako, nagbubulongan din sila na parang ngayon lang nakakita ng taong naka-gown. Pero hindi ko sila pinapansin at iniisip kung ano bang totoong nangyari kay Tryton. Naputol ba ang paa nito o ang kamay nito. Ano na ang totoong nangyari sa asawa ko. "Maupo ka." Kaagad niyang utos sa aking pagpasok namin sa opisina niya. May kaliit ito kumpara sa mga opisinang nakikita ko. Maraming kung anu-anong bagay gamit sa paggagamot ang naka-display sa isang istante, maging ang lamesa niya may mga instrumento sa pan-check up sa pasyente. Naupo nalang ako dahil nanghihina ako sa nangyari sa asawa ko. Nanginginig ang mga tuhod at kalamnan ko sa labis na pag-aalala. At tinatanong sa isip ko kung sino ba ang taong tumawag sa kanya at ganuon nalang siya mataranta na parang may hinahabol siyang kung ano. "Hindi na ako magpapalihoy-ligoy pa Mrs. Legaspi. Hindi naman masyadong malubha ang naging pinsala sa asawa mo sa naturang aksidente. Nagkaroon lang kaunting fracture ang isang tuhod niyang naipit, at wala ding tinamaang internal organ sa bakal sa tumagos sa katawan niya, na pwedeng ikapanganib ng buhay niya. Sa ngayon hihintayin nalang natin siyan magising. At kailangan pang obserbahan ang kalagayan niya. Ang kailangan lang masemento ang kanyang tuhod. Pero ang malaking problema baka malabo ng magkaanak pa kayo ng asawa mo. Masyadong napinsala ang p*********i niya. Ang ibig kung sabihin ano mang oras mula ngayon mamatay ng lahat ng mga sperm cells niya at tanging himala nalang kung makabuo pa kayo ng anak. Ang parteng pinamamahayan ng mga semilya o sperm cells ng lalaki ang siyang labis na napinsala. Mahihirapan narin siyang magpaligaya ng babae gamit ang kanyang pagkalalaki." Mahabang litanya niyang ikinabigla ko. Hindi naman ako inosente sa ganitong bagay napag-aralan ko naman yun nuon nasa kolehyo pa ako at alam ko ang ibig niyang sabihin. Ilang milyong din ng semilya ng lalaki ang kailangan para makabuo ng bata at isa lang dun ang kailangan. Daig pa niya ang na-permanent vasectomy, magiging inutil narin siya sa kama. Wala na siyan kakayahang magpaligaya ng babae. Ang alam ko hindi nagtatagal ang buhay ng sperm cells sa labas ng katawan ng lalaki pag itoy nahanginan na at dahil sa aksidente at sa mga gamot na itinuturok sa kanya kailangan ng maisalba ang milyong-milyong sperm cells niya para mabuong bata. "Doc ano ang dapat gawin upang mahabol pa natin ang mga buhay na sperm cells ng asawa ko. Hindi po ba pwedeng i-fertilize sa aking yun ngayon? Ang alam ko po Doc fertile ako." Usal kung walang sa loob dahil kailangan kung mabigyan ng anak si Treyton. Kailangan namin ng anak na kokompleto sa amin bilang mag-asawa. "Alam ko pong kaya ninyong gawin yun. Marami ng nagsasabing kayo ang isa sa pinakamagaling na Doctor pagdating sa insemination sa mga mag-asawang gustong magka-anak. Kayo ang eksperto sa ganyang uri ng siyensya." Usal kung paninirugo. "Mahihirapan na tayo. Matagal ko ng hindi ginagawa yan. Ilang taon na akung huminto sa ganyang trabaho. Simula ng ilang sunod na insemination ang ginawa ko na hindi nagtagumpay, nawalan ako ng kompiyansa sa sarili." Saad niyang may lungkot sa mukha. "Doctor parang awa na po ninyo gawan po ninyo ng paraan. Lahat po gagawin ko magka-anak lang po kami. Alam ko pong ito na huling patak ng aking pag-asang magkaanak. Kailangan ko pong sumugal. Pakiusap po tulungan po ninyo kami ang aking asawa." Umiiyak kung pakiusap sa kanya halos maglumuhod ako sa paanan niya, gawan lang niya ng paraan. Alam kung sa makabagong teknolohiya at siyensya, wala ng imposible sa panahon ngayon at madali nalang para sa kanila ang hinihiling ko. "Doc paki-usap po bago mahuli ang lahat. Kailangan ko pong subukan. Masakit man po ito o hindi kakayanin ko po." Pagmamakaawa ko pa at niyugyog ang kanyang braso. Kailangan kung habulin ang buhay na mga semilya ng aking asawa. Kung hindi baka wala na kaming pagkakataon pang magkaroon ng anak. Magiging magulo ang aming buhay at malaking dagok yun sa kanya p*********i. At hindi katanggap-tanggap ang pagiging isang inutil ng isang lalaki lalo sa tulad niya. At ang sabi tanging himala nalang ang maaaring mangyari upang makabuo pa kami. Ibig sabihin suntok sa buwan na ang lahat at mahirap umasa sa isang bagay na alam mo ng hindi na mangyayari. "Nagmamakaawa po ako kailangan po natin subukan ulit ang galing ninyo at ang pagkakataon namin na magka-anak. Wala naman pong mawawala kung susubok po tayo uli. Alam ko pong kaya pa ninyo. Huwag po sana ninyo kami bibigoin ng aking asawa. Kakasal lang po namin at ayaw ko pong mauwi sa wala ang aming mga pangarap na bumuo ng isang masayang pamilya." Umiiyak ko ng pagmamakaawa sa kanya. Maging ang nurse sa may harapan ko nagpapahid narin ng kanyang mga luha. Marahil naaawa na siya sa akin. Kanina pa ako iyak ng iyak pero hindi ako naisisiraan ng loob at pilit kung pinatatag ang aking kalooban para makapag-isip kung anung mabuting gawin. Hindi ko kailangan manghina, lalo ngayong nasa dilikadong sitwasyon ang buhay ng aking asawa. Ng amin relasyon bilang mag-asawa. Saan hahantong ang buhay namin ngayon dahil sa nangyari. "Nurse igayak mo ang pasyente kailangan nating ng agarang insemination" Mariin na niya utos at may pagmamadaling lumabas ng opisina. Kaya nabuhayan ako ng loob at agad ng pasalamat sa kanya. Alam kung bawat sigundo ngayon mahalaga sa amin at kailangan kung sundin ang ano mang ipaggagawa at ipag-uutos nila. "Ma'am kailangan na po ninyong hubarin ang damit pagkasal ninyo para hindi kayo mahirapan. Ipahuhubad din po ni Doc yan suot ninyo." Aniya sa akin. Pero wala akung dalang damit at tanging bra at panty lang suot kung panloob. "Miss wala akung dala kahit ano. Nasa receptions kami ang aming kasal ng may tumawag sa aking. Kaya hindi ko na nagawang magbihis sa pagkataranta." Usal ko na siya namang totoo. "Sige po ma'am maghintay lang kayo sandali at kukunin ko lang yung extra kung damit na dala. Hubarin na po ninyo yang suot ninyo at ito ang ipalit ninyo." Utos niya sa akin at inabot niya sa akin ang isang asul na hospital gown kasama ang isang itim na garbage bag para paglagyan ko daw ng aking traje de boda. Walang pagdadalawang isip na sinunod ko siya ng makalabas siya ng kwarto. Kaagad ko rin sinuot ang hospital gown na bigay niya. Sa hiksi ng gown umabot lang hanggang singit ko. Pero hind ko kailangan mag-inarte ngayon. Sanay akung magsuot ng two piece sa mga beauty pageant na sinasalihan ko at laging nakabantay ang aking asawa na nou'y nobyo ko palang, pero hind para maghubad at ipakita ang aking private part. Pero ngayon kailangan kung gawin alang-alang sa asawa ko at sa magiging anak namin dahil ito ang huling pag-asang magbibigay sa amin ng kompletong pamilya. Ang magiging anak namin. IUI or Intra Uterine Insemination ang paraan sa gagawin sa akin. Isang maliit na hiringgilya at tubo lang daw ang gagamitin para maipasok ang sperms at maglalaguy ang isa o higit pa papasok sa matris ko at tatagal lang ng lima hanggang sampung minuto ang pagsasagawa. Kailangan ko rin daw magpahinga ng ilan pang minuto matapos ang procedures. Hindi rin daw gaanung masakit at hindi kailangan gumamit ng pampamanhid. Kailangan kung magsakrepisyo bilang isang babae para sa aking pamilya at magiging anak namin at sana maging isang ina rin sa hinaharap. Kalakip ang panalangin unti-unti akung humiga sa obstetric bed. Kinakabahan man pero pilit kung pinatatag ang aking kalooban para sa amin ng aking asawa lahat gagawin ko para sa ikasasaya niya. Para sa kanya ito, para sa mga pangarap naming sa pagbuo ng masayang pamilya. . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD