"Yes, Reijan." May ngiti sa mga labi kung tugon. Iniisip na baka naiinip na sila sa loob ng mansyon ng mga Legaspi. Naninibago sila, sanay silang kasama si Mama kahit maliit lang bahay namin. Ilang araw ng lagi silang isinasama ni Treyton sa opisina nito. Ihinahatid din ako sa trabaho ni Tryeton, kanina nagpaiwan ang mga ito. Alam ko naman ang dahilan ni Treyton kung bakit niya sinasama ang mga ito sa opisina niya kahit hindi niya sinasabi. Paano kung wala ni isa sa triplets ang mahilig sa pagnenegosyo tulad ng kanilang ama. Tuald ni Reid, bata pa siya sinasabi na niyang gusto niyang maging isang abagado, tulad ng ng una kung pangarap noong bata pa ako. Pero naimplowensiyhan ako ni Mama na kumuha ng Education course kaya ang bagsak ko teacher. Gustong-gusto rin niyang kasama si Atty. Sa

