Kaagad kung sinamsam ang aking mga gamit ng makita ang oras, kung dati rati halos hating gabi na ako kung umuwi at laging laman ng mga bar, ngayon kailangan kung umuwi ng maaga para makasama ang aking mag-iina. Kailangan kung bumawi sa kanila, makasalo sa pagkain ng hapunan. Gampanan ang tungkolin ng isang ama sa mga anak ko. Malaki ang pagkukulang ko sa kanilang lahat. Gusto kung tanggapin nila ako at mahalin din bilang kanilang tunay na ama, buoin ang pamilyang aking sinira. Tiisin ang hindi magandang pakikitungo sa akin ni Reinette. Ang importante kasama ko sila. May pagmamadali akong bumababa sa aking sasakyan dumiretso ng lakad patungo sa main door ng bahay, nasasabik akong makita sila. "Where's Reinette?" Tanong ko ng hindi ko makita ang aking mag-iina pagpasok ko ng mansyon. Dahil

