Mataman ko lang pinagmamasdan ang batang babae sa hospital baby crib. Katabi ng hospital bed ni Maia. Payapa siyang natutulog nakabalot siya ng puting kumot maging ang ulo niya may balanggot din kulay pink na netting. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nararamdaman ang tinatawag nilang galak ng isang magulang. Parang may mali sa akin ni hindi ko siya magawang hawakan o natatakot lang ako na baka masaktan ko siya pag ako humawak sa liit ng katawan niya. Wala rin akung makapang excitement sa aking dibdib. Simula ng dahil namin siya dito sa hospital.Tanging pag-aalala lang ang nakapa ko sa aking dibdib dahil sa nakikita ko kaninang mga pagdaing ni Maia. Halos magsisigaw na siya sa sakit daw ng kanyang tiyan at hirap sa pag-iri. Dapat masaya ako ngayon dahil may anak na ako. Ngunit parang may kulang parin sa akin. Pilit ko rin kinakapa sa dibdib ko kung ano ba hinahanap ko pero wala akung makuhang kasagutan at pakiramdam. Nalilito na ako sa kaiisip. Si Mommy lang lang abalang nag-aasikaso kay Maia at sa bata. Ang kanyang inang kanina pa hindi mapakali at tuwang-tuwa sa apo nila.
"Napaka-ganda ng atin apo ang cute-cute niya." Ani Mommy sa ina ni Maia. "Kahawig siya ni Treyton noon maliit pa siya."
"Mas malaki ang nakuha niya kay Maia. Pinaghating Maia at Treyton ang muka niya. Lalaki siyang magandang bata tulad ng kanyang mga magulang." May ngiti sa mga labing litanya ng ina ni Maia.
Naupo nalang ako sa couch at pinakinggan ang mga usapan nila.Tulog parin si Maia, mukhang nahirapan siya sa panganganak. Ilang oras din siyang naglabour. May swero ang isang kamay niya. Siguro kung si Reinette ang nakahiga sa kama baka hindi ko siya iwan. Pero wala na siya at hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Tinatanong ang sarili kung sino at ano ba ang dahilan ng paghihiwalay namin. Iniwan ko siya sa araw ng pagdiriwang ng kasal namin, pero nanlalaki siya at hindi hinintay na nanumbalik ang lakas ko. Pero kung nagkataon paano ang anak namin ni Maia. Matatanggap kaya niyang may anak ako sa ibang babae. Kung hindi ako nalasing ng gabing yun, hindi ako madadala sa pangaakit ni Maia hindi sana mangyayari ito. Naging marupok din kasi ako, kaya mas malaki ang naging kasalanan ko sa paghihiwalay namin. Pero masakit tanggaping nagpabuntis siya sa lalaki niya at gusto pa niyang ipaako sa akin. Hindi ko akalain magagawa niya yun sa akin.
Napatayo ako ng bigla nalang umiyak ang sanggol. Naguunahan naman binuhat ito ng mga Lola niya.
"Baka gutom na ang baby natin." Usal ni Mommy.
"Pero ayaw mag-breastfeed ni Maia masisira daw ang figure ng dibdib niya." Usal ng Ina niya.
"Hindi pwedeng hindi siya mag-breastfeeding. Mas healthy daw gatas ng ina kaysa sa mga formula milk." Sabad ko na. Siya ang ina dapat alam niya kung ano makabubuti sa anak namin. "Huwag ka ng maginarte. Kailangan na niyang sumuso, nagugutom ang bata." Singhal ko na. Muling akung bumalik sa pagkakaupo sa couch at hindi siya pinansin. Puro sila reklamong mag-inang wala sa lugar.
Pansin ko rin kay Maia na parang ayaw niyang kargahin ang bata, laging si Mommy ang kumakarga dito na parang sabik na sabik sa apo. Dalawa rin kinuha niyang yaya ng anak namin dahil nahihirapan pa daw siyang mag-alaga.
"Yaya paliguan mo na ni Baby Berenice. Ingatan mo siyang mabuti." Utos niya sa yaya ng anak namin. Tatlong linggo narin ang anak namin at hanggang ngayon minsan ko palang siya nakarga. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, sa tingin ko parang wala akung amor sa anak namin kahit anung pilit kung ilapit ang sarili ko sa kanya wala akung makapang kakaiba sa akin puso.
"Dapat alam mo rin kung paano alagaan ang anak natin at huwag iasa lahat sa yaya niya." Usal ko sa kanya.
"Kaya ako kumuha ng dalawang yaya para sila ang mag-alaga kay Baby Berenice. Hindi ko kayang magalaga ng bata. Hindi ko kayang magpalit ng diaper at bihisan siya. Siguro paglaki nalang niya." Saad niya. "Ayaw ko pang malusyang." Dugtong pa niya.
"Dapat hindi ka nagbuntis kung hindi mo naman pala kayang mag-alaga ng anak." Mariing ko ng sikmat. Nagmartsa na akung lumabas ng nursery room, iniwan siyang nagbubunganga. Mauubus lang pasensiya ko sa kanya at baka kung ano pang magawa kung pwede kung pagsisihan sa bandang huli.
Lumilipas ang mga araw na patuloy lang kami ni Maia na nagtatalo tungkol sa anak namin. Mas gusto pa niyang maglakwatsa kaysa magalaga ng bata. Puro shopping lang ginagawa niya, kasama ang mga kapatid at ang kanyang ina. Pero mas madalas ang mga kaibigan niya kasama, puro pasarap lang sa bunay ang alam.
"Bawas-bawasan mo ang paglalakwatsa, may anak ka na at dapat naka-focus ka sa anak natin. Iba paring pag ikaw ang nag-aalaga." Singhal ko na sa kanya. Mas nauuna pa akung umuwi kaysa kanya.
"Inaayus ko lang ang nalalapit natin kasal at binyag ni Baby Berenice. Gusto ko engrande ang kasal natin yun may mga madiang magko-cover sa ating kasal. And of course dapat grand wedding of the year. At ang aking isusuot na wedding gown manggagaling sa sikat na fashion designer mula sa Italy. Maging ang sapatos ko. Gusto kung bonggang-bonga ang kasal natin." Nangangarap niya saad.
"Hindi tayo magpapakasal tulad ng nais mo. Isang civil wedding lang ang gaganapin at mga malalapit na kamag-anak lang ang iimbitahan wala ng iba." May diin kung turan. Ayaw kung ianunsyo sa buong mundo ang kasal namin. Tama ng isang kasal lang ang naging magarbo at ayaw ko ng maulit yun. "Marami kang damit dyan na pwedeng isuot. Bili ka ng bili hindi mo naman lahat naisusuot. Pagna-approve na ang marriage annulment namin pwede na kitang pakasalan para sa bata at hindi dahil may gusto ako sa'yo kaya itanim mo sa kokote mong mapurol bata lang ang tanging dahilan kung bakit pakakasalan kita kaya alagaan mong mabuti ang bata kung hindi itatapon kita sa basurahan." Asik ko pa.
"Hindi pupuwede gusto kung makasal tayo sa simbahan at gusto kong engradeng kasal. Kumbidado lahat ng kamag-anak natin at mga kaibigan." Singhal na niya.
"Kung gusto mong makasal sa akin makuntento ka sa civil wedding lang dahil yan lang kaya kung ibigay sa iyo. Kung ayaw mo naman mas mabuti sa akin." Asik ko na.
"Kung hindi mo rin lang kayang ibigay ang gusto kong kasal, lalayo na kami ng anak ko sa iyo. Aalis na kami dito." Sigaw niyang nanghahamon.
"Huwag mong sagarin ang pagtitimpi ko Maia. Alam mo kung ano ang kaya kung gawin. Wala kang pwedeng puntahan na hindi ko kayang abutin. Pwede kang lumayas sa pamamahay ko ano man oras mo gustohin pero iiwan mo ang aking anak. Kung hindi, buong pamilya mo at maging ikaw dadalhin ko sa impeyerno. At simula sa araw na ito limitado na ang pwede mong puntahan at pagkakagastusan. Hindi ikaw ang naghihirap na naghahanap buhay. Dagdag pasanin ko rin ang mga mapansamantala mong pamilya, ginawa na nila akung palabigasan maging ang aking mga sasakyan pinagpipeyestahan nila. Kaya hinay-hinay lang Maia isang pitik ko lang malalagay kayong lahat sa hukay. Subukan mong ubusin pasensiya ko. At makikilala mo kung sino ako." Mahabang kung wikang may pagbabanta sa kanya. Ang sabi ng kanyang ama hihiramin lang sports car ko pero ilang buwan ng lumilipas hindi pa isinusoli at mukang wala ng planong ibalik. Huwag ko lang makikitang gagamitin niya ang mga alahas na itinabi ko kung hindi malilintikan siya dahil wala siyang karapatan isuot ang mga yun. Isang tao lang nag mamayari nuon. At ayaw ko ng makita pa yun kahit kanino.
"Hindi mo ako pwedeng igapos sa bahay na ito. Gusto ko rin lumabas upang makasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Huwag mong kontrolin bawat kilos at lakad ko. Hindi porque at may anak na tayo ikukulong mo na ako dito. At huwag mong isama ang pamilya ko sa usapan natin. Huwag mo silang idadamay dito. Hindi pa tayo kasal pero minamandohan mo na ako." Sikmat na niya sa akin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pakakasalan ko pa ba siya. Pero matalino sila isinunod sa apilyido niya ang amin anak dahil hindi pa naman daw kami kasal. Kaya heto silang lahat nanamantala.
.
........................
.
"Mama, kaya mo na bang bantayan silang tatlo? Kailangan ko na pong magtrabaho lalo sa kondisyon ng aking anak na babae. Kukuha nalang tayo ng makakasama ninyo dito para may katulong ka sa pag-aaalaga sa kanila. Kailagan kung kumita ng malaki para may pampagamot tayo kay Reila." Halos magmakaawa na ako kay Mama. Mahina ang baga ng akin anak na babae lagi siyang may sakit. Kaunting pawis lang uubuhin at humihingal na siya. Naubus na lahat ng aking saving maging si Mama naibibigay narin niya ang kaunting pension niya at kinikita niya sa pagaahente ng mga lupa. Kung andito lang sana ang kanilang ama madali lang niyang maipagagamot ang aming anak, pero pinatabuyan niya kami at inakusang anak ng ibang lalaki ang aking ipinagbubuntis. Kakayanin ko ito, lahat gagawin ko para sa mga anak ko.
"Ikaw na ang bahala Reinette, hindi ko pwedeng hadlangan ang gusto mong makapagtrabaho sa ibang bansa. Mabuti pa nga siguro kung aalis ka baka ibigay na sa iba ang nakalaan trabaho para sa iyo. Nakakahiya narin sa taong nagmamagandang loob sa iyo kung paghihintayin mo ng matagal. Magiingat ka nalang dun at alagaan mo ang iyong sarili. Huwag kang mag-alala kaya ko pa naman silang alagaan." Mahabang wika ni Mama.
Halos araw-araw yata laman kami ng hospital dahil sa kondisyon ni Reila. Maraming bawal sa kanya, kailangan niya ng mga vitamins para sa baga.
Halos buto't balat siya. Ipinanganak ko siyang mahina at maliit. Mahigit dalawang taon na sila pero maliit parin siya kumpara sa mga kapatid niyang mga lalaki. Masisigla at malalakas sila. Mukhang walang napuntang sustansiya sa kanya. Pero kumpleto naman ako ng bitamin na iniinum nuon, masusustansiya din kinakain ko. Madami rin ako kung kumain. O baka sa labis na pagiisip ko sa tatay nila kaya naapektuhan siya. Mga samu't saring katanungan ang gumugulo sa aking pagiisip sa tuwing pagmamasdan ko ang aking bunsong anak. Naawa ako sa kanya kung pwede ko lang akuin ang kanyang sakit ginawa ko na. Kaya lahat gagawin ko para sa mga anak ko. Ipakikita kung kaya ko silang tatlong buhay ng wala kahit anung tulong mula sa kanilang ama. Kaya hindi na nila dapat pang makilala ang kanilang ganid na ama. Ang tanging mahalaga lang sa kanila ang kanilang kayaman. May bago narin siyang pamilya ngayon.
"Reid Terrance, Reijan Thaddeuz. What are you two doing here? Who did this? You two are terrible." Nahihindik kong turang ng makita sila sa kusinang halos maligo sa harina. Nagkalat din sa sahig na tiles ang harina. Nagtatawan lang silang tuwang-tuwa ng makita ang mga hitsura nila. "You two get out of here. Go to the bathroom and clean your body." Nakapamewang kung utos sa kanila. Halos madulas pa sila sa pagtayung dalawa. Kung sana kasing-sigla rin nila ang kapatid nilang bunso wala sana akung problema ngayon. Hindi ako masyadong nag-aalala. Ang problema hindi siya pwedeng mapagod, madali siyang hingalin at madalas maghabol ng hininga. Bawal din sa kanya ang maalikabok kaya madalas din siyang mag suot na facemask lalo na paginilalabas ko siya ng bahay.
Sa tatlong anak ko alam kung hindi kakayanin ni Mama na alagaan sila. Sa pagbabantay palang kay Reila Trexia baka mahirapan na siya idagdag pa ang kakulitan nila Reid at Reijan baka magkasakit na si Mama sa kunsume sa kanila. Ilang buwang nalang kaarawan na nila. Pero next month na alis ko at hindi na nila ako makakasama sa kanilang kaarawan.
Kailangan ko talagang mag-sakripisyo, magtrabaho sa ibang bansa malayo sa mga anak ko para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Masustentuhan ang mga pangangailan ng aking anak na babae. Lahat ba puro pagsasakrepisyo nalang ang gagawin ng isang ina. Una bilang asawa ni Mykel Treyton Legaspi, nagsakrepisyo ako para sa ikaliligaya niya pero nauwi sa mapait na paghihiwalay ngayon bilang isang ina gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko.
"Mommy are you leaving? You leaving us?"
"Mommy's leaving us because she work in abroad."
"Mommy will go to London to work, so we can buy a lot of food and your medicine. Don't worries were here for you. We'll take good care of you. And Lola is here for us. So you have nothing to worry about."
Mahigpit kung niyakap ang aking mga anak. Hindi ko rin mapigil ang pag-agus ng aking mga luha sa mga naririnig mula sa kanila. Kinakalma nila ang kanilang bunsong kapatid. Sa murang edad malawak na ang pangunawa nila at naiintindihan nila ang kalagayan ni Reila. Matatas narin silang magsalita. Sa kanilang tatlo si Reid ang mas maunawain at pasensiyoso. Lagi siyang nakangiti, masayahin siyang bata unlike Reijan na laging seryoso tulad ng kanya ama. Tamihik at mapagmasid sa kapaligiran.
Ito ang unag pagkakataon mawawalay ako sa kanila ng matagal. Kaya hindi matapos-tapos ang mga bilin ko, pagyakap at halik ko sa kanila. Pilit ko rin pinipigil ang pag-iyak, ayaw kung makita nila akung lumuluha dahil ilang beses ko rin silang nakita nagpahid ng luha gamit ang kanilang palad ganuon din si Mama umiiyak din siyang pinagmamasdan kami. Hindi naman nila ako pwedeng ihatid sa airport dahil hindi kakayanin ni Reila.
"Mommy the taxi has been waiting for long."
"The airplane is waiting for you Mommy you may leave now."
"Go Mommy take care always. I love you. We love you. We will miss you."
.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....