Episode - 8

2339 Words
Pagbaba ng hagdanan dumiretso na akung naglakad patungo sa dinning table at naupo sa kabisera. Muli kung sinulyapan ang aking wrist watch bago nagumpisang magsandok ng pagkain. "Hurry up Berenice ako na maghahatid sa iyo sa school." Saad ko dahil kanila pa sila nagtatalo ng kanyang ina. Masyado siyang na-spoiled ng kanya ina at Lola. Lahat ng maibigan ibinibigay at sinusunod ang gusto. Kaya kahirap ng sawatahin ngayon. Katwiran ni Mommy nag-iisang anak ko daw. "Kumain ka ng madami para hindi ka agad gutumin. Ubusin mo rin ang baon mong snack." Mga bilin ni Maia. Ganitong senaryo nalang makikita at maririnig mo tuwing umaga. Pinagmamasdan ko lang silang mag-ina. Nakasimangot na naman si Berenice at mukhang hindi nagustohan ang mga litanya ng kanyang ina. Mahirap siyang pakalmahin pag hindi naibigay ang gusto. Maging sa damit masyadong mapili, apat na taon palang siya pero marami ng alam na kaartehan. Mana talaga siya sa kanyang ina. Masyadong maluho sa katawan. Isa lang ang napupuna ko sa kanya, morena ang kutis niya samantala pareho kaming maputi ni Maia. Itim ang kulay ng pares ng mga mata niya, brown ang kay Maia, blue ang sa akin. Iniisip kung sino ba ang may itim na kulay ng mga mata sa amin pamilya at sa kanyang ina. Kaya naalala ko tuloy ang babaing may kulay gray na mga mata na gustong-gusto kung titigan. Last month nakita ko sila sa mall kasama ang kanyang mga anak at mukhang disiplinado ang mga ito kahit mga lalaki hindi tulad ng aking anak walang kontrol sa emosyon. Lalaki siyang spoils brat din tulad ng kanya ina. . ........... Flashback.......... . "Look at that. I like that. "Me too, please get that toy for me. "No.That's mine." Mga munting tinig ng mga batang lalaki ang nagpaligon sa likuran ko. Nagtatalo sila at pilit inaabut ang laruan sa bandang taas ng shelves. Malaki ang mga laruan. Pagnahila nila at bumagsak siguradong tatamaan silang dalawa. Kinuha ko ang doll house na itinuturo ni Berenice at muling nilingon ang mga batang lalaking hindi nalalayo sa edad ni Berenice para sana lapitan ang mga ito upang tulongan abutin ang gusto nilang laruan. Pero naestatwa ako at hindi ko maihakbang ang aking mga paa sa nakikita. Nakapaluhod ang isang tuhod niyang masusing kinakausap ang dalawang batang lalaki. Ilang beses din niyang kinintalan ng halik ang mga ito sa noo. Halos sabay din tumango ang mga bata marahil hindi niya kaya ang preso nuon dahil nakita ko yun kanina at may kamahalan ang mga laruan. Isang sleeveless floral dress na hanggang tuhod ang kanyang suot. Mahiksi narin ang buhok niya na dati lampas bewang.Tulad ng dati napakaganda parin niya kahit walang bahid ng ano man make up ang kanyang mukha. Wala rin ipinagbago ang hubog ng kanyang katawan kahit may anak na siya. Kaya pala malaki ang kanyang tiyan nuong huli ko siyang nakita, kambal ang anak niya. Mas lalo rin pumuti at kuminis ang mamula-mula niyang kutis ngayon. Isang sneaker na puti lang suot niya sa paa. Isang may kalakihang itim na shoulder bag din nakasukbit sa kanyang balikat. Sinundan ko nalang ng tingin ang dalawang bata, hindi ko naman makita ang mukha nila dahil nakapatalikod sila sa gawi ko. Naguunahan naman silang lumapit sa shelve ng may mas maliliit na mga laruan. At nagkanya-kanya silang dalawa ng pili. Habang nakasunod lang sa kanila si Reinette. Mabagal itong naglalakad palinga-linga sa mga laruan naka-display. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang may magnet ang mga batang humihigop sa akin, gusto ko silang lapitan. Ibigay ang mga laruan gusto nila. Inilinga ko ang aking paningin upang hanapin ang lalaking ipinagpalit niya sa akin pero wala akung makita. . ..........End of the Flashback........... . "Ayaw ko na busog na ako." Paangil na saad ni Berenice kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "Berenice hindi tama ang ginagawa mo nasa harap tayo ng hapag kainan. Huwag mong awayin ang Mommy mo." Madiin kung usal. "I'm done Daddy." Usal niya at tumayo na. Wala akung nagawa kung hindi tumayo narin. Kinuha ko ang coat ko at isinuot ito habang naglalakad palabas ng bahay. Dinig ko rin ang mga yabag ni Berenice pasunod sa akin. Inalalayan ko siya papasok sa kotse ko at maingat na isinara ang pinto nito. "Mag-aral mabuti at hindi puro paglalaro ang atupagin. Huh." Usal ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa school nila. Nakahalukipkip lang siyang nilinga ako. Maldita talaga siya tulad ng kanyang ina. "Look who's here, the poor girl. She's weak hindi nalang kasi mag-stay sa house nila at duon mag-aral." Usal ni Berenice kaya bahagya kung pinilig ang kanyang kamay na hawak ko, masama ko rin siyang tiningnan. Nilingon ko ang batang babaing tinutokoy niya nakasuot ito ng facemask may katabing isang babae. Mapayat siya at medyo maputla ang kanyan balat. Ilan beses ko narin siyang nakikita paghinahatid o sinusundo ko si Berenice. Ang dinig ko pa twice a week lang siya pumapasok at nagho-home study na siya dahil sa kondisyon niya. Parang gusto ko tuloy maawa sa kanya at tanungin kung anung sakit niya para matulungan pero isang exclusive school for the girls ang school na ito kaya malaman na may kaya rin sila. Baka mainsulto ko pa ang mga magulang niya. "Huwag kang manlait ng kapwa mo, pasalamat ka at malusog ka at walang sakit di tulad niya. Sa sususnud na laitin mo pa siya ililipat kita ng ibang school." Pagbabanta ko pa sa kanya. Napakabata pa niya para mang-bully ng may karamdaman. "Pasok ka na sa room mo Reila dito lang ako babantayan kita hindi ako aalis." "Ok po Yaya. Thank you po." Dinig kung usapan nila ng babae. Inayus pa nito ang facemask ng bata maging ang mahiksing buhok nito. Bitbit din ng babae ang bag nito papasok sa loob ng classroom. Sinundan ko nalang ng tingin ang babae, bumalik na ito sa dating kinauupuan bench kanina. Nagtipa sa gadget na hawak marahil upang ipinaalam ang kalagayan nila sa amo niya. Diretso na akung naglakad papalabas ng school campus. Kailangan ko naring pumasok sa trabaho, marami pa akung dapat ayusin at i-review mga dokomento. Mabagal na ang usad ng mga sasakyan indikasyon nag-uumpisa na ang mahabang traffic sa kalsada. Halos isang oras din ang itinagal ko sa pagkakaipit sa traffic kaya ang labas tinanghali na ako. Pero ayus lang ito nalang naman kasi ang magagawa ko para sa aking anak. Ang ihatid siya sa school paminsan-minsan. Kaagad akung sumakay sa elevator ng may pagmamadali. Malalaki rin ang aking hakbang patungo sa opisina ko at hindi pinansin ang mga pagbati ng mga empleyada kung nasasalubong ko. Kaagad kung hinubad ang aking coat pagapasok ko sa loob ng opisina ko at isinampay ito sa likod ng aking executive swivel chair. Mataman ko lang pinasadahan ng tingin ang mga folders sa ibabaw ng aking table. May karamihan na ito at kailangan ko ng matapos lahat. "Good morning Sir. Coffee sir?" Bungad niya matapos nagbigay ng three warning knocks sa pinto. Bahagya lang akung tumango ng hindi siya nililingon. Sanay na ang aking secretary sa akin. Ilang beses ko na ba siyang napagbuntunan ng init ng ulo. Hindi ko na yata mabilang. Ilang beses narin siyang inaway ni Maia at pinagbintangan ng kung anu-ano. Pero heto parin siya at nagtitigaya sa akin. Si Reinette lang yata ang kasundo nilang lahat. Puro papuri ang ibinibay nilang komento dito. Kaya lahat sila nanghihinayang ng malaman nagkahiwalay kami ni Reinette. Tama naman sila mabait ito. She's beautiful indeed. She is beautiful inside and out at wala akung masabi dun, pero hindi rin pala siya nakukuntento sa iisang lalaki at naging mapaghanap. Dinampot ko ang isang folder at binuklat ito. Wala akung panahon para isipin ang babaeng taksil. May kati rin sa katawang itinatago. Sayang ang oras at panahon ginugol ko sa kanya. Isa siyang walang kwentang babae. Kung alam ko lang na mahilig pala siya dapat nuon pa man pinagsawaan ko na siya. Para patas kami. Bayad ang lahat ng paghihirap ko sa kanya. Hindi ko pa man natatapos i-review ang isang folder ng gambalin naman ako ng sunod-sunod na tunog ng akin cellphone. Kagyat ko itong kinuha sa lalagyan binasa kung sino ang caller id. At ng makita ang taong nagmamayari ng numero kaagad kung pinindot ang answer botton. "Yes, Alvarez what is the result? Did you get the rightful results?" Nasasabik kung tanong dahil ito ang bubuo at tatapos sa mga bumabagabag na puzzles sa isipan ko. Ayaw ko man magduda pero kailangan ko ng katotohanan para sa ikapapanatag ng aking kalooban. At huwag ng pansinin ang mga komento ng mga tao sa paligid. At kahit isa wala akung natanggap na positive commetns mula sa kanila kahit mga kakilala ko pa sila. "Yes Sir. Andyan po ba kayo sa office ninyo? Mas maganda po siguro kung dyan nalang sa office ninyo ko ito basahin. Ipakikita ko nalang sa inyo." Usal niya at naputol na ang linya. Hindi na ako hinintay na makasagot. Kaya lumakas ang kabog ang aking dibdib. Ni hindi niya sinabi kung nasaan siya at kung gaano katagal akung maghihintay sa kanya. Nawala tuloy ang focus ko sa mga folder na dapat kung i-review at tapusin. Sinimsim ko nalang ng sunod-sunod ang aking kape habang naghihintay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganitong hindi ko mawari. Ilang araw na akung nagoobserba sa mga kinikilos ng aking asawa. Ang sabi ng mga kasambahay namin madalas itong lumabas ng bahay. Minsan kasunod ko lang daw umaalis. Saan siya nagpupunta gusto kung makita ang mga ginagawa niya at kung sino ang kinikita niya. Lahat ng cards na hawak niya ipina deactivate ko na. Kaya wala na siyang mapapakinabangan ni isa sa mga ito. Maging ang mga hawak na cards ni Mommy limitado narin. At hindi siya pwedeng lumampas sa itinalaga kung halaga. May paglalagyan siya sa akin pagnakita ko sila. Ginulantang ako ng sunud- sunod na tawag na tila nagmamadali, kaya wala sa loob na tiningnan ko kung sino ang nangiistorbo sa akin. "[Mom, napatawag ka? May problema ba?]" Kaagad kung sagot sa tawag niya. "[Anak Mykel pumunta ka ngayon dito sa hospital dinala namin ang asawa mo dito. Nawalan siya ng malaytao, dapat kasi inaalagaan mo siyang mabuti.]" May paninisi pero ramdam ko ang galak sa boses niya. Kaya napaisip ako. Ito na ba ang pagkakataong kung hinihintay. Ilang araw narin kumukolo ang aking dugo sa galit. Pasalamat pa sila at nakapagtitimpi pa ako. Isinaalang-alang ang batang maapektohan nito. Dahil kung hindi baka napatay ko na sila. "[Sige Mom pupunta na ako. Saan hospital ba yan?]" Malumanay ko ng tanong. Naikoyum ko nalang ang aking mga kamao sa naiisip. Matapos kung ibaba ang cellphone, ilang beses pa akung nagbuga ng hangin upang kumalma. Kailangan ng matapos ang pagtataksil niya, nila ng pamilya niyang ganid at mapanamantala. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang dalawang puting sobre. Isinuksok ko ito sa bulsa ng aking coat at tumayo. Naglakad palabas ng aking opisina. Ito na ang wakas. Tama na ang mga pagbabalatkayo. Siguro wala ng matinong babae ngayon o wala lang talaga silang kasiyahan at hindi nakukuntento sa iisang lalaki. Ihininto ko ang aking sasakyan sa parking area at huminga ng malalalim ayaw kung makagawa ng isang bagay na pwedeng makasira ng aking pagkatao, ng aking pangalang iniingatan. Pumasok ako sa elevator para puntahan ang nasabing hospital room kung saan sila naduon ngayon. Sinalubong nila ako ng mga nakangiting mukha. Lalo na si Mommy. Tuwang-tuwa rin ang ina ni Maia. Hinahagod pa nito ang buhok ng anak. "What happened?" Kaagad kung tanong. Kahit may idea na ako. "Honey. Sorry hindi ko alam, akala ko pagod lang ako." Malambing niyang usal. "Sa wakas masusundan narin si Berenice. Magiging ate na siya." May galak sa mukhang turan ng kanya ina. "Congratulations Mykel. Madadagdagan na apo ko." Nakangiti rin saad ni Mommy. "Who's the father?" Kaagad kung tanong at malalaki ang hakbang kung nilapitan ang kama niya, sabay sakmal sa panga niya at piniga ito. "Who is the..." Isang suntok sa likod ko ang nagpatigil sa sasabihin ko kaya binitawan ko ang leeg ni Maia at binigyan ng isang malakas na sampal sa pisngi ang kanya ina. "Pu....**ina." Sigaw ng ama ni Maia at nagpawala ng isang suntok pero sinalag ko ng aking palad ang kamao niyang nakakuyom at pinilipit ito, itinulak ko siya na naging sanhi ng pagkakasaldak niya sa bangko sa likuran niya. "Wala kayung karapatan sakta ako. Nakikinabang lang kayong lahat sa mga pinaghirapan ko." Asik ko. Binigyan ko pa siya ng dalawang sunod na suntok sa mukha at dinuro-duro silang mag-asawa. Atska binalikan ko si Maia nakamulagat ang mga mata at hindi makagalaw sa nasaksihan ginawa ko sa mga magulang niya. Muli kung piniga sa panga. "Sino ang ama ng ipinagbubutis mo?" Sigaw ko at inundaya siya ng mag-asawang sampal. "Mykel buntis ang asawa mo baka kung mapaano ang bata." Nagalalang saad ni Mommy. "Wala akung pakialam kahit anung mangyari sa kanya ang tanong ko ang sagutin niya. Dahil kahit kailan hindi ko siya sinipingan simula ng iuwi ko siya sa bahay." Malakas kung asik. "Kailan pa nakabuntis ang daliri. Tanging finger ko lang ginagamit ko sa iyo. Kailan pa nilabasan ng semilya ang daliri? Huh." Mariin kung bulong sa punong tenga niya." Hinarap ko ang kanyang mga magulang na kanina pa walang tigil sa kamumura at pagbabanta sa akin. Hinugot ang mga sobre sa bulsa ng coat ko at ihinagis sa mukha nila ang isa. "Hayaan basahin ninyo. At sabihin ninyo sa aking kung wala ba akung karapaatan magwala ngayon. Inuutusan ko rin kayung isuli lahat ng mga nakulimbat ninyo sa akin. Ibalik mo ang aking sasakyan ng walang galos kung hindi pasasabugin ko ang bahay mo. Ipakukulong ko rin kayung lahat na puro manloloko." Mariin kung asik sa kanila. Hindi habang panahon maloloko nila ako. Ilang taon din nila ako pinaglaruan. Ginawang gatasan ng buong pamilya niya. Lahat ng luho nasusunod nila gamit ang pera ko. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD