Episode - 9

2237 Words
Ngayon ko nailabas lahat ng galit ko na ilang araw ko rin kinikimkim sa aking dibdib. Halos maghuromentado na ako. Gusto ko silang parusan at habang buhay nilang pagsisihan ang mga ginawa nila sa aking panloloko. Sinira nila ang buhay at kaligayahan ko. Ikinulong nila ako sa hawlang palad nilang lahat at pinikot-ikot. Lahat naman ibinigay ko at sinunod ang mga kapretso nila tapos ito pala mapapala ko puro kasinungalingan lang lahat. Pandaraya at pananamantala lang pala ginagawa nila sa akin. "Basahin mo at lakasan mo para magising kayo sa katotohanan. Baka mapatay ko kayung lahat ngayon palang. Ang tagal kung nagtiis na pakisamahan ang maldita ninyo anak. Sinira niya ang buhay ko. Namin ng asawa ko, ni Reinette. Tapos puro lang pala kasingungalingan ang lahat. Mga pu*** i##¥#na ninyo." Halos maglabasan na ang litid niya sa leeg sa galit kasisigaw sa mga ito. "P-paternal DNA test result. Mykel Treyton Legaspi and Berenice Legaspi. O%. Negative." Nanginginig ang boses na basa ng ina ni Maia. Halos mabitawan nito ang hawak na papel at hindi makapaniwala sa nilalaman nito. Gulat at pagkasindak ang mababakas sa mukha nilang lahat. Matalim ang mga mata nitong pinukol ng tingin ang anak na nakahiga parin sa hospital bed at paminsan minsan inuubo. Tukop din nito ang leeg. "Now sign bicth." Utos niya kay Maia. Hinagis niya dito ang mga papel at isang ball pen. "Pumirma ka nalang bago pa kita mapatay." Singhal niya dito. Walang nagawa ang mga magulang nito kung hindi manahimik nalang. Umiiyak din ang ina nito habang pinapahiran ang pulang likidong umaagos sa labi ng asawa. Mababakas sa mukha ng mga ito ang hindi maipaliwanag na takot at pag-alala. "Treyton please huwag mo naman gawin ito sa akin. Magpapaliwanag ako. Mahal na mahal kita." Pagmamakaawa pa ni Maia kay Treyton. "Pumirma na nalang bago pa ako makagawa ng pare-pareho nating pagsisihan sa bandang huli. At ayaw ko ng makikita pa ang pagmumukha mo sa bahay ko. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ka na makababalik dun kahit kailan. Ipahahatid ko nalang ang anak mo sa bahay ninyo." Mariin niya asik dito. "Kukunin ko ang mga gamit ko." Umiiyak na saad ni Maia. "Wala kang kukunin o ilalabas na kahit ano sa bahay ko. Ang ano mang sinasabi mong gamit pera kong pinaghirapan ang ibinili mo dun. Kaya wala ka kahit isang gamit na pag-aari. Hindi ka na makapapasok dun tandaan mo yan. Ang tagal mo akung pinaikot sa palad mo, kaya magdusa kayung lahat ngayon. Babawiin ko lahat ng sa akin. Tingnan ko kung saan kayu pupulotin ngayon." Sikmat ko na sa kanya. Padaskol ko rin kinuha sa kamay niya ang annulment paper. Nagmartsa ng naglakad palabas ng silid, pabalibag din niya isinara ang pinto. Dahil kung magtatagal pa ako makakagawa na ako ng hindi maganda at malalagay sa isang malaking iskandalo ang aking pamilya. Halos limang taon ang nasayang sa buhay ko sa pagaakalang anak ko nga si Berenice. Kahit papano minahal ko ang bata. Lahat ibinigay ko sa kanilang mag-ina. Ano nalang ang sasabihin ng dati kung asawa pagnalaman niya naloko lang ako ng isang babaing walang kwenta. Pinaikot-ikot lang nila ako. Masakit ang ginawa nila sa akin. Natapakan ang p*********i ko. Pinagtatawanan ng kung sinong lalaki. Kung hindi niya kayang buhayin si Berenice pwede ko siyang ampunin. Pero kakailanganin kong baguhin ang ugali niyang nakuha sa ina at marahil sa ama nito. Iba parin kung matinong babae ang nag-aalaga sa mga anak nila tulad ng pagpapalaki ni Reinette sa mga anak niya. Masunurin ang mga anak niya. Madaling kausapin at disiplinado. Nakita ko yun kung paano niya kausapin ang mga anak niyang kambal na lalaki. Sabagay isa siyang mahusay na guro. Kung nagkataon hindi ko rin siya mabibigyan ng mga anak na pangarap ng kahit sinong babae. Mga pangarap namin nuon. Ako ang sumira sa maganda namin relasyon. Iniwan ko siya at pinuntahan ang babaing manggagamit. Siya at hindi si Reinette ang interesado sa aking kayamanan. Pero hindi ko na siya maibabalik sa buhay ko ngayon meron na siyang ibang mahal, meron narin silang mga anak. May sarili na siyang pamilya. Pagkahinto ng aking kotse sa tapat ng bahay namin kaagad din akung bumaba, malalaki ang hakbang na pumasok sa loob diretso sa main door. Pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Sa bungad palang kita ko na si Berenice. "Hi, Daddy." Bati niya sa akin. Nagkalat na naman ang mga laruan niya sa living room kahit may playroom naman siya. Mas gusto daw niya dito, and she has temper tantrums if she can't get what she want on her own way. Napakahirap pa naman niya pakalmahin. Ngayon ko nakita ang malaking kamalian ng pagpapalaki sa kanya. Yaya lang lagi niyang kasama, at wala din tyagang mag-alaga ng anak si Maia. "Get ready Berenice pupunta kayo sa bahay ng Mommy mo ngayon." Usal ko. Abala lang siyang naglalaro ng kanyang doll house. Marami din siyang nagkalat na mga manyika sa paligid nito. "Ayaw ko dun Daddy. Gusto ko dito." Nagmamaktol niyang tanggin. Nilapitan ko siya at niyakap baka ito na ang huling yakap at halik ko sa kanya. Mami-miss ko siya. "Yaya sumunod ka sa akin." Usal ko at nagdiretsong umakyat sa hagdaan. Dirediretso sa kwarto ni Berenince. Dinig ko rin ang yabang ng Yaya ni Berenice pasunod sa akin. "Kumuha ka ng malaking luggage bag punuin mo ng mga damit ni Berenice. Ihatid mo siya sa bahay ng Mommy niya. Gamitin ninyo ang pick up truck, isakay din ninyo ang mga laruan niya. Umuwi rin kayo agad." Sunod-sunod kung saad. Kita sa mukha niya ang pagkabigla. Nanlalaki ang kanyang mga mata. "Sir." Usal pa niya. "Sundin mo na inuutos ko. Bilisan mo." Mariin kung utos. Tinalikuran na siya at tuluyan lumabas ng kwarto. Ayaw ko man mawalay kay Berenice pero hindi ko siya anak at wala akung kontrol sa kanya. Tangin ina lang niya ang may karapatan at pag hindi ko siya ibinigay kay Maia may posibilidad din gamitin nila ito para perahan ako. Akusahan ng illegal detention or kidnapping at humingi ng malaking halaga. Kabisado ko na ang likaw ng bituka nilang mag-anak. Halos gabi-gabi akong laman ng bar kasama ang aking mga kaibigan. Pag-uwi lasing na lasing na ako. Hindi dahil nawala sa akin si Maia kung hindi dahil sa panluloko niya sa akin. Hindi ko parin matanggap ang nangyari sa buhay ko, mahigit limang taon akung naloko at pinagtatawan nila sa aking likuran. Pinindeho niya ako. Pinakasalan ko siya dahil kay Berenice, ang sinasabi niyang anak namin. Pero hindi ko naisip na planado pala ang lahat para mapunta ako sa kanya at mamasasa ng aking kayamanan. Muling sumagi sa isip ko ang dati kung asawang si Reinette, kung hindi ko siya iniwan at hindi naniwala sa pagbabanta ni Maia masaya sana kami ngayon. Hindi mangyayari ang aksidente. Malusog sana ako ngayon. Baka ako ang ama ng kambal niyang anak na parehong lalaki. "Ano kaya pa?" Tanong ni Brayton ng um-order pa ako ng alak. "Yeah, kayang-kaya. Ngayon lang ito lilipas din naman ito." Usal ko dahil sinabi ko sa kanila ang lahat. Sila ang madalas magsabing walang nakuha sa akin si Berenice at mukang may kakaiba dito. Tama nga ang mga hula nila. Malayung-malayo kasi ang mukha ni Berenice sa akin. May hawig siya sa kanyang ina pero sa akin wala. At alam kung nauunawan nila ako kaya ngayon dinadamayan nila akong lahat. Sinisi rin nila ako dahil iniwan at pinawalan ko si Reinette. "Hi, mukhang lagi kitang nakikitang naglalasing dito." Ani isang tinig ng babae, damakp pagupo niya sa tabi ko na halos kumandong na sa akin. Bahagya ko naman siyang itinulak dahil wala akung panahon sa mga babae ngayon. Puro sila manloloko at pera lang habol nila. Nilingon ko naman ang mukha niya at naalala kung sino siya, ang babaing laging sumusunod sa akin. Madalas ko rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin. At kahit yata saan ako magpunta andun din siya. "Lumayo ka nalang sa aking baka mabigwasan kita. Wala ako sa mood makipagharutan sa babaing malanding tulad mo. Layo!" May diin kung singhal. Pero sa halip na lumayo lalo siyang dumukit sa akin at ipinulopot pa niya ang mga kamay sa akin braso. Ilan beses ko rin ipiniksi ang akin braso pero mas lalo lang siya nagsumiksik sa akin. "No. I'll stay beside you. Alam kung may problema ka kaya laging kang naglalasing, dito lang ako aaliwin kita para makalimot ka." May kompeyansang saad niya. Binaklas ko nalang ang kamay niyang makapulopot sa braso ko at hinayan siya sa tabi ko. Tinalikuran siya at hinarap ang aking mga kaibigan. "Kuha nalang tayo ng VIP room. Para naman may peace of mind ako." Usal kung may kalakas dahil maingay ang malakas at maharot na musikang pumapailanlang madami rin ang nag-e-enjoy sa pagsayaw sa dance floor. Tumayo na akung nauna, iniwan ang babaing daig pang sawa kung makalingkis. At ayun sa kanya Lorie daw pangalan niya. "Bakit isinama ninyo ang babaing yan? Iniwan ko nga isinama pa ninyo." Bulong ko kay Brix dahil siya ang katabi ko. Nasa right side ko naman naupo ang babaeng linta. "Hindi ko isinama sumunod lang, hindi ko naman masawata." Ganting bulong din niya. Kaya napatingin ako kay Hugh dahil siya ang kasabay nitong pumasok. Nagkibit balikat lang ito na tila wala rin alam sa pagsunod ng babae. Dim lights lang ang ilaw na tumatanglaw sa amin may mahina rin musikang tumutugtog. Ilang babae rin ang sunod-sunod na pumasok, mukhang request nila. Wala na akung nagawa sa kanila dahil madalas naman namin ito ginagawa. Kumuha ng mga kapartner namin mga babae minsan nga dalawa-dalawa pa kami ng babae. Pero iba na ngayon wala na akung ibubuga. Hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila. Lagi ko rin sinubukan kung kakayanin ko pa pero talagang lupaypay na siya at ayaw ng tumayo. Ilang beses kung sinubok nuon kay Maia at kahit anung gawin ko ayaw talaga. Hanggang nagsawa na ako. Buti nalang at hindi nahahalata ni Maia ang kakulangan ko. Kaagad ko siyang napapatulog sa gamot na ipinapainum ko sa kanya, kaya ang alam niya may nangyayari sa amin. Napapaligaya ko nalang siya sa pamamagitang ng aking mga daliri at dila at kahit kailan hindi ko siya mabubuntis sa ganuon paraan. Naigik ang babae sa tabi ko ng malakas kung siniko sa tiyan ng hakawan niya ako sa punong hita. Isang pulgada nalang mahahawakan na niya ako. Ayaw ko pa naman may hahawak sa akin dun at malalaman nilang wala akung kapasidad na magpakalalaki ngayon. Isang bagay na hindi katanggap-tanggap ng sino man lalaki. Wala rin nakapansin sa ginawa ko dahil abalang-abala ang mga kaibigan ko sa mga babae nila. Halos ayaw na akung iwan ng babae sa tabi ko maging sa bahay ko sumasama siya. Wala talaga siyang kahihiyan. Padarang kung isinara ang pinto ng kotse ko at ini-lock ito kaagad, pinaharutrot ito palayo. "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo? Bakit hanggang dito sa opisina ko sinusundan mo ako? Ang kapal din ng mukha mong babae ka iniiwasan ka na pilit mo parin ipinagsisiksikan ang sarili mo sa lalaking ayaw sa iyo." Nahihindik kung asik sa kanya. Pero balewala lang sa kanya mga sinasabi ko manhid na yata siya sa kapal ng mukha. "I head na annulled na kasal mo sa dating mong asawa at ipinagpalit ka sa isang simpleng lalaki lang. Why don't you try me tapat ako at mamahalin kita ng wagas." Maarte niyang turan. Pumuwesto pa siya sa likuran ko at niyakap ako sa leeg sabay kintal ng halik sa punong tenga ko. Ni katiting na init wala akung naramdaman. Kaya lalo naginit ang aking ulo sa ginawa niya. Padarang ko siyang itinulak palayo sa akin. "Pwede ba tigilan mo ako sa kalandian mo. Humanap ka ibang lalaking papatol sa iyo. Hindi ko kailangan ng babaing halos maghubad na at bumukaka sa harap ng lalaki." Sikmat ko sa kanya. Walang siyang dilikadesa. Ilan na bang lalaki ang nakatabi nito sa kama at mukhang sanay na sanay na. Ilang buwan narin akung pinepeste ni Lorie at kahit yata anung gawin ko ayaw akung tantanan. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng impormasyon at nagagawa niya akung sundan kahit saan. Alam kung may pera siya at kaya niyang magbayad ng taong susubaybay sa akin. Hanggang sa bahay nadaratnan ko siya na parang pag-aari niya ang aking bahay. Maging si Mommy nauuto niya kaya magkasundo na sila ngayon. Kaya may biglang pumasok sa isip ko bakit nga ba hindi. Isa lang pwede kung gawin ang mag eksperimento kung kakayanin ko pa bang manumbalik ang dati kong lakas. Ang sabi ng doctor pwede pang manumbalik pero hindi ganuon kabilis at kadali kaya kailangan ko rin ang tulad ni Lorie. May lihim na ngiti sa labi akung umakyat sa hagdan sa mga naiisip at hindi sila pinansin. Total game na game naman siya kaya kailangan ko ng bulatlatin ang katawan niya kung tatayo pa ba ang aking p*********i. Kung madadarang ba ako sa kanya. Maganda rin si Lorie maputi at makinis din ang kutis kulang lang sa height di tulad ng dati kung asawa panlaban ang kanyang ganda at taas. Pero may kalandian din palang itinatago, buhay pa ako pero ipinagpalit na ako sa iba at nagpabuntis pa. Iniisip ba niyang katapusan ko na. "I hate you Reinette. I really hate you." . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD