Episode -10

2309 Words
Pagbukas ko sa pinto tanaw ko na si Lorie sa malawak na living room magkatabi sila ni Mommy nakaupo sa sopa para silang mag-ina kung titingnan. Nakakapit sa braso ni Mommy ang dalawang kamay niya. Magaling mambola at manuyo si Lorie at kayang-kaya niyang utuin si Mommy. Niyayakap at nireregaluhan niya ito ng kung anu-anong mamahalin bagay. At kung titingnan mo para siyang isang maamong tupa sa bait. Mahinhin at disente kung kumilos at magsalita. Malambing na tila mo natural lang lahat ng kanyang kinikilos. Dinaanan ko lang sila at dumiretso sa magarbong hagdan. "Mykel, hindi mo man lang ba babatiin si Lorie kanina pa siya dito naghihintay sa iyo." Malumanya na usal ni Mommy kaya nahinto ko ng hindi sila nililingon. "Tita hayaan n'yo siya at baka pagod sa trabaho. Ayus lang po ako dito." Malambing niyang wika. "Mom, nagkita lang kami kanina, galing siya ng office, at mayat-maya rin siyang tumatawag sa akin. Ano pa ba ang kailangan niya. Sino bang nagsabing pumunta siya dito? Halos dito na nga siya magtira." Mahabang litanya ko at diretsong umakyat ng hagdanan. Ang mga bagay na iniiwasan ko, nangyari parin at wala na akung magagawa. Sa kadahilanan hindi na umaalis ng bahay namin si Lorie at halos dun na siya nakatira at sa kwarto ko siya natutulog. Kaya wala na akung pwedeng pagpilian kung hindi sundin ang kagustohan ni Mommy at ng mga magulang ni Lorie na ikasal kami. Dahil ibinabahay ko na daw ang anak nila. Masisira daw ang reputasyon nila, kaya napaismid ako mayroon pa ba sila nuon, hindi ko na nga mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ng anak nila. Wild siya pagdating sa kama buti nalang at mas magaling ako sa kanyang magpanggap. At wala siyang nahahalata sa akin. Kaonting gamot lang nagagawa ko ang lahat ng gusto ng wala siyang alam. Kung nuon napapaikot-ikot nila ako sa palad nila ngayon iba na, wise na ako. Hindi na nila ako maiisahan natoto na ako. Sila ang paglalaruan ko. At pagsisihan nila ang pamimilit nilang pakasalan ko ang anak nila. Simpleng kasal na nga lang anunsyo pa nila sa lahat ng pahayagan ang kasal namin at nangangarap pa ng isang engrandeng kasal daw sa susunod na taon. Alam ko naman kaya nilang gawin lahat pero hindi sa akin. Pwede ko siyang pakisamahan pero hindi para matali sa katulad niyang aportonista kung hindi para pageksperimentohan lang. Sayang ang gagastusin ko sa kanya kung wala akung mapapala. Negosyante ako at lahat idi-deal ko bilang isang negosyo at sinisiguro kung ako ang makikinabang ng malaki. -"Ngayon isang pamilya na tayo at kung ano man ang magiging problema andito lang kami ng Mommy 'nyo handa kaming makinig at tumulong." May galak sa mukhang turan ng ama ni Lorie. Kung alam lang niya kung ano plano ko baka atakihin siya sa puso. "Oo nga naman Treyton mga magulang mo narin kami ngayon. Alagaaan mong mabuti at pakamahalin si Lorire nag-iisang anak namin yan at mahal na mahal namin. Ikaw ng bahala sa kanya. Mabait naman bata yan." Ani pa ng kanyang ina. Kumikinang ang kanyang mga matang tuwang-tuwa. Kaya napapaisip tuloy ako, parang may binubuo silang planong hindi maganda. Walang kibo nalang akong napatango-tango at inaaral ang mga kinikilos nila. At kung makapulopot sa aking katawan ang kanilang anak para siyang sawa gutom. Lumilipas ang mga araw, magiging mayasyadong possessive si Lories, gusto niya siya laging nasusunod. Ano pa ba hahanapin niya, hindi naman lahat araw o oras nasa kanya ang aking attention, may trabaho akong dapat pagukulan ng mahabang oras. Gusto niya lagi kaming lumalabas at nagpupunta kung saan-saan, gusto niya gabi-gabi kaming may dinner date sa mga mamahaling restaurants. Ilang araw narin akung kinukulit ni Lorie, kumain daw kami sa labas. Ano pa ba ang kailangan niya, araw at gabi na nga kaming magkasama. Nagde-demand pa ng kung anu-ano ngayon sa bahay na nga tumitira na parang donya kung makaasta. Masyado rin iskandalosa. Lahat yata ng babae inaaway, ilang beses nabang naiskandalo ang huhay namin ng dahil sa walang kwenta niyang mga aligasyon at haka-haka. Ang masama pa laging nasa pahayagan ang lahat ng nangyayari sa buhay namin, ang hilig nilang magtawag ng media para makakuha ng attention ng madla. Mahilig sila sa publicities. Pahinamad kung dinampot aking nag-iingay na cellphone at ng makita ang caller ID. "Babe papunta na ako sa paborito nating restaurant sunod ka nalang dun." Kaagad niya bungad pagsagot ko sa tawag niya at agad din pinutol ang tawag na akala mo kung sinong mag-utos. Nakakaubus siya ng pasensya. Pero wala narin akung magawa kung hindi sundin siya, at ng makita ang oras.. 2:32pm. Inayus ko ang mga nagkalat kung folders sa ibabaw ng akin mesa, tumayo na para sundan si Lorie. Kailangan ko siyang pagbigyan para matigil na sa pangungulit. Gutom narin ako. Sa dami ng trabaho ko nakakalimutan ko na ang pagkain. Kaagad akong bumaba ng aking sasakyan at diretsongng lakad patungo sa pinto ng nasabing restaurant. Isa ito sa sikat at kilalang restaurant, sinasabing rin masasarap ang pagkain dito. Agad din binuksan ng security guard and transparent glass door ng makita ako. Ilang habang palang ang nagawa ko ng saktong naman nakita ko kung paano na naman magwala si Lorie. Inundayan niya ng isang sampal sa pisngi ang isang babae. At bago pa ako makalapit sa kanila may nagmamadaling tumatakbong batang lalaki galing sa likuran ko na muntikan kung ikatumba ng masagi nila ako. Ibinababa ng isa ang hawak na gitara sa sahig sa may daraanan ko, malalaki ang hakbang nitong umangat sa sahig at buong pwersang nagpawala ng isang flying kick ganuon din ang ginawa ng isa pang bata. Bagsak sa semento si Lorie dahil sa magkasunod na dalawang sipa sa kanyang panga. Nakaamba rin ang maliliit nitong kuyom na mga kamaong sa tapat ng mukha ni Lorie na handang na naman silang dalawang manakit. "You woman. Don't lay your sinful finger on my mom." Mariin sigaw ng isang batang lalaki kay Lorie nakapasalampak na siya sa flooring na tiles.Tutop niya ang pangang tinamaan ng mga paa ng mga ito. Maging ang kanyang balakang hinihimas niya. Kuyum na kuyom parin ang malilit na kamao ng mga ito at hindi inaalis sa tapat ng mukha ni Lorie. Ganuon din ang isa pang batang lalaki. Nakatayo lang ako na parang walang lakas na awatin sila. Pinagmamasdan ko lang ang kanilang ina. Gusto ko siyang yakapin at proteksyonan pero wala na akung karapatan sa kanya ngayon. Kinasusuklaman ko siya sa ginawa niyang panloloko sa akin.. "Anong nagawa kung kasalanan sa iyo at bigla ka nalang nanampal? Sino ka ba? Anung karapatan mong manakit?" Nanggagalaiti rin tanong ng babae kay Lorie. At inudayan nito ng mag-asawang sampal sa pisngi si Lorie. "Yan ang bagay sa iyo bitch." Mariin asik nito at muling nagpawala ng isa pang malakas sa sampal. "Yan pa." "Good job Mom." Sabay pang usal ng dalawang batang lalaki. Sinibat niya ako ng mala-kidlat na tingin. "Igapos mo babae mo Mister para hindi nagwawala at huwag mong hayaan pakalat-kalat. Para siyang asong ulol. Malakas lang pala loob lampa naman." asik niya at matatalim ang mga matang tinitigan ako. Hindi ako nakakibo sa tinuran niya lalo at kaharap ang mga anak niya. Hindi ko akalain may itinatago pala siyang tapang at maging ang mga anak niyang kambal mukang marunong ng martial arts. "Here's your guitar." Saad ko nalang inabut sa kanila ang gitarang pinulot ko sa samento. Muntik ko pang matapakan sa pagmamadali para sana lapitan sila. "No. Thanks. That's just for you. Use that to hit your ugly wife's head." Nakangisi niyang turan sa akin. Nag-hi five pa sila ng kanyang kakambal. Pamilyar din sa akin ang mukha ng isang batang lalaki. "Let's go Reid, Raijan. Usal na ni Reinette at inakbayan ang mga anak papalayo sa amin. "Babe! Ano bang tinatayo mo d'yan bakit hindi mo siya sinaway ng sampalin niya ako. Bakit hindi mo ako pinagtanggol? Bakit pinanuod mo lang kami? Napakalandi niya. Ang babata pa ng mga anak niya tinituruan na ng kawalanghiyaan. Sinaktan nila ako. Mga walang galang." Asik ni Lorie. "Babe buhatin ko ako masakit ang balakang ko, maging ang mukha ko mahapdi. Ididimanda ko siya sa ginawa nila sa akin. Magbabayad silang mag-iina sa akin." Mangiyak-ngiyak niyang usal. Niyuko ko siya at pinakatitigan. Hindi gawain ng isang matinong tao ang mga inaasal niya. Niyuko ko siya. "You b***h, you put youself to great shame agan. Ilan beses na ba kitang pinagsabihan huwag kang gagawa ng iskandalong malalagay sa kahihiyan ang buhay ko. Sinasagad mo talaga ang pasensya ko. Lagi ka nalang nakikipag-away sa mga babaing wala naman ginagawang masama sa iyo. Masyado kang iskandalosa. You have no shame. This is the last and the end. I don't want to see your f*****g face agan...ever again." Mariing kung asik sa kanya at iniwan siyang nagwawala sa galit. Nakakahiya sa mga anak ni Reinette. Sa ganitong paraan pa kami muling nagkita ng malapitan. Gustong-gusto kung pagsasampalin si Lorie kanina sa ginawa niya kay Reinette pero nagtitimpi lang ako. Alisto ang kanyang mag anak kahit bata pa ang mga ito. Handang proteksyonan ang kanilang ina.Tama lang na pinag-aral niya ang martial arts ang mga anak. May magtatanggol sa kanya sa ganitong pagkakataon. Tinalikura ko si Lorie dala ang gitarang iniwan sa aking ng anak ni Reinette, hindi ko rin mawari kung bakit ko ito tinaggap ng walang pasubali. Kita ko rin sa mukhan ng dalawang bata ang saya, may kislap ang kanilang mga mata, dahil ba sa maipagtanggol nila ang kanilang ina laban kay Lories. Dinig ko pang tinatawag ako ni Lorie pero hindi ko na siya nilingon. Tama na sobra na, wala na siyang ginawang tama. Puro nalang kahihiyan. Naglakad ako diretsong lumabas ng restaurant at tinungo sa aking kotse. Masusi ko rin pinagmasdan ang gitara. Huling hawak ko ng gitara noon high school pa ako.Tatlong letrang "R" na sricker ang halos magkakapatong ang nakadikit sa likuran bahagi nito my "LOVE" din kulay pula at sa ibaba nito malalaking titik na DADA na kulay asul na may borderline na puti. "RRR LOVE DADA" bulong kung basa. Parang may nakapa akung inggit sa aking dibdib. Mahal na mahal nila ang kanilang ama at maging sa gitara ipinapahayag nila ang kanilang damdamin sa kanilang ama. Ngunit sino ang kanilang ama bakit hindi nila kasama? Ilang beses ko ng nakita si Reinette pero kahit minsan hindi ko ito nakitang may kasamang lalaki. Nasaan ang ama ng mga anak niya? Iniwan ba sila nito. . ........................ . Dinig ko pa ang boses ng asawa ni Treyton bago kami makapasok sa elevator. Iba na naman ang asawa niya. Napaisip tuloy ako, kung magaling na ba siya, dahil kung hindi, hindi siya mapapalit-palit ng asawa. Ang imposible nalang ang magkaroon siya ng anak, siniguro yun ni Doctro Aragon wala ng pag-asa magkaroon siya ng anak. Tanging himala nalang daw kung magkaroon siya ng anak. "You two stay here and never leave. I just have some work to do." Usal ko sa mga anak ko pagpasok namin sa opisina ng amin manager. Ito lang ang panahon ko sa kanila dahil pag nasa bahay ako, kay Reila naman ang buong attention ko. Kailangan kung iayus lahat ng mga dokumentong dadalhin ko sa pagalis namin. At matatagalan pa bago kami muling bumalik dito. Tatlo hanggang apat na taon ang pinapipirmahan kontrata sa akin ng may-ari ng hotel ng malaman niya ang kondisyon ng aking anak na babae, ng sabihin ko sa kanyang gusto kung subukan ipagamot si Reila sa ibang bansa. Mas mabuti narin kung dun nila ako ia-sign sa London ng mahabang panahon para hindi na ako taon-taon umuuwi. "Huwag kayung lalabas na dalawa dito." Muli kung banta sa kanila dahil ayaw kung magkita na naman sila ng kanilang amang walang kwenta. Walang inatupag kung hindi puro babae. "Good morning Sir." Agad kung bati. "Come here, sit." Usal niya ng makita ako. "These are the documents you need to bring. Keep those documents and personally deliver them to the chairman when you arrive. It's that clear?" Pahapyaw kong inisa-isa at binasa ang mga dukomentong binigay niya sa akin. May kakapalan din ang mga ito. "Alright." Bigkas ko ng masigurong original copy ang lahat ng certificates. "Miss Ocampo bring them all. You will get your plane ticket working visa within two days." Napataas ang aking ulo ng marinig ang boses ng aming general manager. "Huh! ..that fast." Bulong ko nalang. "Good luck Miss Ocampo. I hope and pray for your daughter recovers well, there are so many good specialist doctor out there." "Guys be ready napaaga ang flight natin." Bungad kung wika habang magaan kung hinahagod ang likod ni Reila. "Mama next week na po ang flight natin kailangan natin mahabol ang pasukan sa school ng mga bata dun, para huwag masayang ang panahon." Usal ko habang yakap-yakap ko si Reila. "Really Mom, aalis na tayo?" Hindi makapaniwalang saad ni Reila. "Yes, maipapagamot narin kita sa magaling na specialist Doctor para sa kondisyon mo. Be cooperative." Bulong ko sa kanya. "Ikaw naman ang nakakaalam ng lahat, basta ako nakasuporta lang sa inyo ng mga bata. Kung ano ang alam mong makabubuti para sa mga anak mo sige lang andito lang ako." Saad ni Mama. "I'm so excited to travel by plane." "I'm excited to get on the plane." "See you London soooon." Naiiling nalang ako sa mga sinasabi ng aking mga anak. Alam kung gustong-gusto nilang pumunta sa ibang bansa. Lalo na pagkinukuwento ko sa kanila kung gaano ito kaganda. Kung sana andito lang ang kanilang ama madali lang lahat. Marami siyang connection. Kayang-kayang niya kahit ilan beses pa kaming magpabalik-balik sa ibang bansa. Pero iba ang nangyari mas inuna pa niya ang mga babae niya kaysa pakinggan ako. Ang kamuhian at ipagtabuyan ako. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD