Halos maghisterikal ang mag-aamang Lorie ng hindi na sila makapasok sa alin man building ng mga Legaspi at maging sa mansyon ng mga Ligaspi..
"Pasensya na pero hindi ko na kayang pakisamahan ang inyong anak. Lagi nalang nalalagay sa matinding kahihiyang ang aking pangalan. May pangalan at repotasyon din akung iniingatan. At sana maintindihan niyo ang gustong kung iparating." Malumanay kung saad. Gusto ko silang makausap ng maayus para walang samaan ng loob.
"Hindi kami papayag na ganuon mo nalang kadaling hiwalayan ang aming anak. Ilan buwan palang kayung nakakasal." Taas kilay na tungayaw ng kanyang ina. "At malaman buntis si Lorie kaya siya nagwawala ng ganuon. Nagiba-iba ang mood ng babaing nagbubuntis kaya intindihin mo naman ang asawa mo baka maapektuhan ang magiging anak ninyo." Dagdag pa niyang ikinangisi ko.
"Babe tama si Mommy baka nga naglilihi ako kaya lagi akung masungit. Nagka-carved din kasi ako sa maaasim." Sabat din ni Lorie. Ilang beses lang akung umiling sa mga drama nila.
"That's impossible." Bulalas ko. "May tapal ka nga lang bago kita hiniwalayan." Dagdag wika kung nakangisi. Kaya nawala ang kanilang angas na mag-ina.
"Bueno, bago pa mauwi sa sakitan physical at kung hindi na kayo magkasundong dalawa at gusto mo ng tuluyang hiwalayan ang aking anak dapat ilagay natin sa tamang proseso. Ayaw ko naman maagrabyado ang aking nag-iisang anak. Papayag kaming mapa-annul ang kasal ninyo, dahil kasal kayo at ligal kayong mag-asawa, isinasaad sa ating batas na ano mang pag-aari ng isa ay pag-aari ninyong mag-asawa. In other word, conjugal property or community property, na kung sakaling maghiwalay ang mag-asawa dapat paghatian nila lahat ng mga ari-arian meron sila. At dahil kasal kayo ano mang pag-aari mo may karapatan ang aming anak dahil conjugal property ninyong mag-asawa yan. 45% ng lahat ng ari-ari ng Legaspi mapupunta kay Lorie bago ma-approve ang annulment of marriage ninyo. At hindi kami papayag na basta mo nalang siyang itatapon ng ganuon kadali. Nag-iisang anak namin si Lorie." Litanya ng kanyang ama.
"Dad baka pwede pa namin ayusin ito. Ayaw kung malayo sa asawa ko." Pagsusumamo niya sa kanyang ama.
"Treyton, magbabago na ako. Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikagagalit mo pangako Babe." Pagmamakaawa ni Lorie sa akin matapos siyang hindi pagbigyan ng kanya ama.
"No. My decision is final. Hindi ko na kanyang pakisamahan ka. Mukhang yata nagkamali ako ng patulan ko ang pagaakit mo at mukhang may mental health issue ka. Hindi gawain ng matinong tao ang mga pinaggagawa mo. Gawin ninyo kung anung gusto ninyo. Pero ako, tinatapos ko na pakikisama sa iyo, ang pakikipagugnayan sa inyo. Ayaw ko ng makita pa kayung lahat at huwag na huwag ninyo akung guguluhin dahil may paglalagay kayung lahat sa akin." Asik ko.
"Asawa mo parin ang anak ko hanggat hindi naa-annul ang kasal ninyo. Kaya may karapatan parin siyang umuwi sa bahay ninyo. At sa lahat ng mga ari-arian meron ka." Sambut ng kanyang inang nanggagalaiti
"Maglabas muna kayo ng ibidensyang legal ko nga siyang asawa bago kayo magbitaw ng ganyang salita." Paghahamon ko. Tinalikuran sila at malalaki ang hakbang na iniwan sila kahit ilang beses ko pang narinig na tinatawag ako ni Lorie hindi ko na sila pinagaksayahan lingonin pa. Tama na ang mga kalokohan. Kaagad akung sumakay sa aking kotse at pinahaharurot ito patungo sa akin opisina.
Pagpasok ko sa aking opisina dumiretso ako sa aking cabinet at binuksan ito. Kinapa ang susi sa akin bulsa at binuksan ang volt. Hinila ko ang isang puting sobre at inilabas ang laman. Pinasadahan ito ng basa, sampung buwan na ngayon at ang tanging naka-pirma si Lorie at ang mga magulang niya. Wala kahit isang maliit na tuldok sa ibabaw ng pangalan ko maging ang judge na nagkasal sa amin walang lagda. Paano nilang sasabihin legal kaming magasawa ni Lorie kung hindi naman naipa-register ito. Buti nalang nakapag-isip pa ako kung hindi malaki ang mawawala sa akin. Pagsisihan nila ang mga ginawa nilang ito sa akin. Ano nalang ba ang mga negosyo nila kumpara sa mga negosyong kung pinagiiteresan nila. Kayang-kayang ko silang pataubin.
Pinunit-punit ko ng maliliit ang papel na hawak ko dahil wala ng sasay pang itago ko ito. Wala rin nangyari sa mga ginawa ko. Nakakapagod na at mukhang suko na ako. Hayaan nalang ang panahon kung kailan ako muling sisigla. Lumayo sa mga babaing manggagamit at ang tanging hangad ang aking mga pinaghirapan. Pero saan ko dadalhin ang mga pinaghihirapan ko kung wala naman akung anak na pag-aalayan nito. Kanino ko ito iiwan na hindi aabusuhin. Kaya sumagi sa isip ko ang mga anak ni Reinette, nakakainggit siya.Tama lang siguro ang ginawa niyang panloloko sa akin. Ang ibigay ang sarili sa ibang lalaki at magpabuntis dito. Para makompleto siya bilang babae.
.
...........
.
"Mommy, it's freezing here but i feel good."
"Yeah, I need to wear jacket and gloves. I want to go outside to feel the white snow breeze."
"I want to bring this. I want to learn how to play snow skiing. Mom can you buy us ski equipment?"
Ilang araw palang kami dito sa London pero kung anu-ano ng plano ang gusto nilang gawing magkakapatid. Wala naman silang reklamo sa liit ng aming tinitirhan. Napakamahal naman kasi ng rental ng bahay dito kaya kailangan namin pagtiyagaan ang maliit para maka-survive kami. Dalawa ang kwarto, isang may katamtaman laki at isang maliit na kung tutuusin bodega lang pero inayus ko at ginawang kwarto ni Mama.Tumayo nalang ako at sumilip sa glass window.
"Ok, you can go and play outside." Utos ko sa kanila dahil nuong isang araw pa sila nagsasabing maglalaro daw sila ng snow sa labas ng bahay namin. Ngayon manipis lang ang snow di tulad ng kadarating namin na hanggang binti ang kapal ng snow. Kaya tuwang-tuwa sila paglumulubog ang mga paa nila sa snow. Nag-aalala lang ako sa kanila na baka mabigla sila at magkasakit. "Be careful, it's slippery." Paalala ko sa kanila.
"Do i need to wear a face mask outside the house Mommy?" Tanong ni Reila. Kaya kinarga ko nalang siya at inayus ang kanyang suot na face mask. Kailangan ko pa silang sanayin sa klima at kapaligiran dito. Kung paano makihalo-bilo sa ibang lahi. Kailangan ko rin puntahan ang doctor na inirekomenda ni Dr. Soria. Specialist daw ito sa sakit tulad ng sa aking anak, sana makatulong siya sa karamdaman ni Reila. Dahil ang sabi mahaba-haba daw itong gamutan.
Kailangan ko narin maghanap ng school na pwede nilang pasukan. Maging si Mama gusto rin niyang magtrabaho dito. Maganda daw dito dahil per hour lang ang trabaho.
"No one will go outside." Mariin kung bilin sa kanila dahil mukhang nagpla-plano na naman silang maglaru sa labas.
"Mommy only one hour." Pakiusap pa ni Reijan. Ginalaw-galaw pa niya ang hintuturo sa tapat ng mukha ko. Siya ang pinakamahilig sa snow at halos ayaw ng paawat kahapon. Lahat na yata ginawa niya. Nahihiga at nagta-tumbling sa mga snow. Gumawa din sila ng snow man kaya maging ang aming carrot na stock sa kusina kinuha nila at ginawang ilong ng mga snow man nila.
"I have to go now." Usal ko nalang at hinalikan sila isa-isa. Kailangan umalis ako ng mas maaga dahil may kalayuan din ang hotel kung saan ako ngatatrabaho. Wala naman kasing bahay na pwedeng upahan malapit dun at kung mero man napakamahal.
"Mommy, please." Usal pa niya pero hindi ko na siya nilingon, bahala na si Mama sa kanila kung papayagan sila. Alam ko naman hindi sila kayang tiisin ni Mama.
Kailangan ko pang maglakad ng ilang metro para makarating sa charing cross ang pinaka central mainline station at maglakad uli para marating ang hotel na pinagtatrabahuhan ko. Baka bukas ko pa maiuwi ang ang aking service vehicle. Hindi naman nakakahiyang maglakad dito marami rin akung kasabayan naglalakad at parang ordenaryong bagay lang sa kanila dito ang maglakad. Nuong una hirap na hirap ako kalalakad at ang hirap din mag-adjust pero ngayon bali wala na sa akin ang lahat nakasanayan ko na at kabisado na ang paligid. Kaya kailangan ko narin sanayin ang aking mga anak.
Pagpasok ko sa loob ng hotel dumeretso na ako sa elevator para pumunta sa aking opisina. Kailangan ko pang i-supervise ang mga staff and members, tanungin kung may problema. I-check ang kitchen at mga chief namin. Ang amin operations. Siguruhin masa-satisfied ang aming mga guests sa aming serbisyo sa kanila. Kailangan maging hospitables pero kahit papaano meron at meron talagang guest na abusado minsan gumagawa pa ng iskandalo. At ipinagpipilitan ang baloktot nilang katwiran. Sino ba naman kasi nagpauso ng phrase na tama ang "the customer is always rigth" na lagi nilang ginagamit pangatwiran. Ang alam ko isa lang itong Motto or Slogan nuong 1909 at ang orihinal na likha dito sa London sa isang department store itinatag para masigurong makukuha ng mga customers nila ang magandang serbisyo sa kanilang store. At simula nuon lagi ng ginagamit ng lahat kahit saan parte ng mundo na yata.
Kailangan ko rin maging abala sa lahat ng oras para walang puwang ang masasamang mga pangitain sa akin isip na bagabagin ako. Kalimutan ang mga taong nanakit sa akin. Kahit sila ang talo sa laro ng buhay namin. Nasa akin parin ang alas.Tanging ako lang nakinabang sa huling katas niya. Bahala na kung matuklasan nila ito o hindi na. Wala rin akung planong ipaalam sa kanila ang katotohan. Pag dumating ang araw na buksan ko na ang aking puso para magmahal muli siguro wala naman masama dun. Wala naman akung lalabangin na kasunduan at wala akung matatapakang tao. Matagal ng annulled ang amin kasal kaya malaya na ako pumili ng kung sino ang gusto kung maging kasama sa buhay. Basta tanggap nila ang aking mga anak. Mamahalin ang mga ito at hindi sasaktan.Tao lang ako at kailangan ko rin ng katuwang sa buhay pagtanda ko. Hindi habang panahon siya nalang ang iispin ko. Sabi nga nila may hangganan ang lahat.
.
.......................
.
Samantala sa opisinang pagmaymay-ari ni Treyton, nakatayo siya paharap sa wall to ceiling glass wall ng kanyang opisina hawak sa isang kamay ang tasa na may lamang umusok na black coffee ang isang kamay naman nakapamulsa, seyoso ang kayang mukhang naka tanaw sa malawak na siyudan. Naghihinayang sa mga araw na nagdaan sa buhay niya. Sinisisi ang sarili.
Ilang tawag at report narin ang madalas kung matanggap, hindi ko na nga mabilang. At kahit saan nalang yata gumagawa sila ng ingay. Sa exlcusive subdivision namin sa gate palang hindi na sila papasukin ng mga security guard dun. Kaya sigurado akung hindi sila basta-basta makakapasok sa bahay ko. Lalo na sa aking building. Haharangin na sila ng mga security guards sa bungad palang ng gusali. Ano pa ba kailangan nila? Wala naman silang makukuha sa akin kahit isang centemo. Marami na silang napakinabangan sa akin. Lalo na si Lorie at ang kanyang inang hanggang sa Paris nagsi-shopping gamit ang aking pera.
Wala na akung pagpipilian kung hindi harapin ang mga taong ayaw ko na sanang makita para wala ng gulo ngunit mapilit sila at maging sa magazine at tabloids naglabas narin sila ng sariling article tungkol sa pagpapabaya ko daw sa aking asawa. Ayaw na ayaw ko pa naman nadadamay ang mga negosyo ko sa issues tungkol sa mga babaeng tulad ni Lorie. Nasisira ang aking reputasyon at malaki ang magiging epekto nito sa aking mga negosyo.
Lumabas ako ng aking opisina kailangan ko ng tapusin kung ano man ang nagmamagitan sa pagitan namin ni Lorie at sa pamilya niya. Imulat ang kanilang mga mata sa katotohanan.
Sinalubong ko ang mag-aamang ilang araw na kung binubulabog. Ayaw parin nila akung tingilan at pilit nakikihati sa mga pinaghirapan kung negosyo. Mga negosyong mula pa sa aking Lolo at Lola hanggang nasalin sa akin amang pumanaw ng maaga at naiwan ako sa pagaarura ni Mommy. Hindi ko basta-basta nalang ipamimigay kahit kanino ang mga pinaghirapan ng aking pamilya. Tanging mga Legaspi lang ang makikinabang nito. Ang lahat ng ito'y matagal ng nasa aking pangalan. Ako lang ang pwedeng komontrol nito at hindi pwedeng makinabang ang mga taong ganid. At interesado sa pinaghirapan ng iba.
Tanaw ko na silang mag-aama sa may bungad ng aking building at bukod sa kanila may kasama pa silang isang lalaking nakasuot ng barong tagalog na mukha naman bagong gising.
"Ano ang kailangan ninyo at nanggugulo na naman kayo dito? O baka gusto ninyong ipakaladkad ko kayo sa mga securities ko palabas ng aking building." Mahinahom ko parin saad. Ayaw kung gumawa ng iskandalo sa territory ko. Ayaw kung malagay sa kahihiyan ang aking kompanya.
"Meron na kaming nakuhang marriage certificate ng kasal ninyo ni Lorie, nagsasabing legal kayung kasal ni Lorie. Nakakuha ang aming abogado." Pagmamalaking sikmat sa akin ng tatay ni Lorie. Nilingon niya sa may likuran ang lalaking naka-barong, ang kanya daw abogado. Kaagad naman nitong binuklat ang hawak ng briefcase at may pagmamadaling inilabas ang isa perasong papel.
Inilahad niya sa aking harapan ang isang perasong papel. Pinakatitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa bago ko kinuha sa kamay niya ang papel. Pinasadan ko ito ng tingin. Isang ngisi ang sumilay sa aking labi. Pinakatitigan siyang muli at ilang beses akong umiling-iling. "Tsk..tsk.." Palatak ko. "Sayang ka bata ka pa."
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lh