Episode -12

2320 Words
Iwinagayway ni Treyton sa harap ng abogado at ama ni Lories ang hawak niyang papel. At nag wika .. ."Sigurado ba kayo sa gusto ninyong mangyari? Pwede pa kayong umatras at manahimik nalang." "Sigurado kami, hindi lang nakasama ni Lorie ngayon dito dahil may mahala silang inaasikasong mag-ina. Huwag kang mag-alala ayun kay Lorie 45% lang ng conjugal property ninyong mag-asawa ang kukunin niya mas malaki parin maiiwan sa iyo." May kompinyansa sa sariling wika niya. 'Saan kaya komukuha ng lakas ng loob ang taong ito? Tumanda ng walang pinagkatandaan. Bakit siya naghahabol sa mga ari-arian ko. Ano ang karapatan niya.' The more he thought about it, the angrier he got. Muli kong hinarap ang kanyang abogado. "Sayang ang mahabang taon mong pagsusunog ng kilay para maging isang abogado. Dapat nag-isip ka munang mabuti bago mo ginawa ito. Sayang ang pinaghirapan mo Brad mauuwi lang sa wala ang lahat." Usal kung nakangisi sa kanya. "Ipapa-authenticate ko ito at pagnapatunayan itong huwad, alam mo siguro kung anung kaso ang pwede mong kakaharapin. Falsification of public document is a crime. And the verdict is Reclusion Perpetua or life time in prison. Sayang bata ka pa naman at mukhang kapapasa mo palang sa bar exam mabubulok ka na agad sa bilanggoan." Usal kung ikinaputla ng mukha niya. "Sir kunin ko na po ang dokumento." May kinig sa boses niyang turan. Tinupi ko ang papel at isinilid sa loob ng bulsa ang aking suot na coat at hindi siya pinansin. Hindi hinahayaan dumami ang tulad niyang abogado. Dapat ngayon palang supilin na para huwag ng pamarisan. "Magkita-kita nalang tayo sa korte. Sigurado naman akung magpapadala ng notice ang korte at ang aking abogado. Sisiguruhin kung lahat kayo maghihimas ng kalawangin bakal na rehas." Turan ko sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita. "Bukod sa falsification of public document, isasama ko naring ang blackmailing. Para wala na kayung lusot, mabubulok na kayung lahat sa kulongan. Mag-i-invite din ako ng maraming media reporters na siyang gustong-gusto n'yo para mas masaya, may pagpipiyestahan ang buong mundo." Singhal ko na at tinalikuran sila. Dinig ko pa ang pagsisihan nila at ang pagtawag sa pangalan ko. Hindi ko na sila pinagaksayahan kahit isang saglit para ningonin sila dumiretso ng naglakad papalayo sa kanila, alam ko naman hindi sila makakalapit sa akin, haharangin na sila ng mga security kanina nakabantay. Kung iskandalo ang hanap nila ibibigay ko sa kanila, maiiskandalo talaga ang buhay nila at tatatak at magmamarka na sa buong pagkatao nila ang mga panloloko nila sa kapwa. Ang pagiging ganid. Kung alam ko lang nuon una na may masama silang intensyon hind ko na sana pinatulan si Lorie. Dapat lang bigyan ng leksyon ang mga taong mapang-abuso tulad nila. Ang kanyang ama ang kilalang ganid maging sa negosyo. Hindi rin tinatrato ng maganda ang mga empleyado ng mga itong nagbibigay buhay sa kanila. Hindi nila ako kakayanin mahihirapan sila bago nila ako mapabagsak. Maglalaho muna sila sa ibabaw ng lupa bago ako. "Ano nanaman bang gulo ang pinasok mong ito Treyton? Kung buhay lang ang iyong ama magwawala yun sa galit at baka masuntok ka pa nun. Kung kailan ka tumanda saka ka napasok sa katakot-takot na iskandalo sa buhay. Iayus mo nga buhay mo. Hindi ka pabata, tumatanda ka. Dapat umiiwas ka sa ganitong iskandalo. Lumalayo ka dapat sa mga taong mapanamantala. Magaling ka nga sa negosyo pero pagdating sa babae bagsak ka. Kailan ka ba magtitino?" Mahabang litanyang panenermon sa akin ni Atty. Puruganan. Kaibigan siya ni Daddy kaya parang tatay ko narin siya at pag may problema ako sa kanya ako unang nagpupunta. "Huli na po ito Atty. Ayaw ko na ng sakit ng ulo. Wala na sigurong matinong babae ngayon. Puro sila manggagamit." Naghihimutok kung usal. Pahinamad kung inunat ang aking mga binti at sumandal sa likuran ng bangkong aking kinauupuan. "Napunta ka na kasi sa tama kumabila ka pa. Kaya hayan wala kanang makitang matino. Nag-iisa lang siya." Makahulogan niyang saad na hindi ko na binigyan pansin. Gusto ko ng matapos kaagad ang mga problema ko kay Lorie at sa pamilya nito. Magsisimula ulit ako ng wala ng babae sa buhay ko. Wala narin lang mangyayari kahit ano pang gawin ko. Kaya kailangan ko narin tanggapin maluwag sa kalooban ko ang aking kapansanan. Ituloy ang tahimik na buhay malayo sa mga problema mula sa mga babaing mapagbalat-kayo. Hindi rin naman nila malalaman ang kakulangan ko kung hindi ko ipagsasabi. At kung dumating ang panahon bumalik na ang aking sigla saka nalang ako hahanap ng babae nakakapiling ko habang buhay. Babaing uunawa at tatanggapin ako. "Atty anung nangyari bakit naguuwian na yata ang mga tao?" Bungad ko pagdating sa RTC - Branch 86. Kung saan gaganapin ang unang court hearing ng kasong isinampa ko sa pamilya ni Lorie kasama ang kanilang abogado. Maging ang mga media reporters nagpa-pack up na ng kanilang mga camera, microphones at tripods "Wala na ang pamilyang kinasuhan mo. Tumakas na sila. Lumabas na daw ng bansa at mukhang bagsak narin daw lahat ng negosyo ng mga ito." Turan ni Atty. "Hindi ako papayag na hindi sila managot sa batas kailangan silang mapabalik sa bansa sa lalong madaling panahon para harapin ang mga kaso nila." Mariin kung tugon, gagawin ko lahat para maibalik sila dito. Ipakikilala ko sa kanila kung sino ang kinalaban at niloko nila. Gusto pa nila akung isahan sa pakikihati ng mga ari-arian meron ako. "Kokontakin ko lahat mga kilala kong FBI. At kahit saan pa silang bansa magpunta ipahahanap ko sila para pagbayarin sa ginawa nilang panloloko sa akin. Hindi ako titigil hanggang hindi ko sila naipakukulong." Mariin kung wika. Walang pwede manloko sa akin ng hindi nagbabayad. Tulad ng ginawa sa akin ni Maia. Ilan taon niya akong niloko kaya ngayon sa isang nayon malayo sa kabihasnan sila nakatira dahil pagnakita ko pa sila magiging kriminal na ako. Ang pinakamamahal kung unang asawa, niloko rin niya ako. Kaya kahit mahal na mahal ko siya isinumpa hinding-hindi na makikipaglapit sa kanya. Itinakwil at pinagtabuyan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero hindi parin makatarungan ang tadhana biniyayaan siya ng dalawang anak na lalaki. Samantala, ako wala ng pag-asang magkaroon kahit isa. Ako rin ang may pagkakamali kung bakit ako nagdurusa ng ganito. Matototonan ko rin tanggapin ng maluwag sa kalooban ko ang lahat. Magiging masaya at normal ang takbo ng buhay ko ng walang babaing gugulo sa akin. Ilang araw ng mapayapa ang aking mundo, walang ng gumogolo. Hinihintay ko nalang deportation order pabalik ng bansa para sa pamilya ni Lorie, bahala na si Atty Puruganan sa kanila. After a long daw of work, and it's late night, Treyton went to the bar alone, the said bar owned by his friend Xavier, and managed by his cousin Bruce, a bartender. Loud music was blasting in the bar, while everyone was screaming and dancing under the colourful neon light on the dancing floor. Ilang beses pang nagpalinga-linga si Treyton, nagbabakasakaling may makitang kakilala, bago dumiretso ng lakad tinungo ang counter bar at naupo sa isang bar stool. "Boss, long time no see. Tulad parin ba ng dati?" Pagbating tanong ng bartender na si Bruce, ang tinukoy ang paboritong inumin ni Treyton. Teryton sneered him and he said. "Double shot please." "Solo flight ka yata ngayon boss?" Agad din tinunga ni Treyton ang alak na kaaabot nito. "Gusto ko lang mapag-isa at magliban." Ramdam ko rin may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinagaksayahan lingonin. "Tequila please." Malambing na boses ng babae sa tabi ko. "Are you alone?" Wika pa niya, alam ko naman ako ang kinakausap niya. Langhap ko rin ang mamahaling pabangong gamit niya. "Maybe you're deaf sayang gwapo ka pa naman." Pangiinsulto niya ng hindi ko siya pansinin. "I'm not interested in a woman hoking up a man in the bar. So stay away from me. Your not my type." I mocked her. Anyway she's not pretty in my eyes. Halos araw-araw ganito na ang buhay ko, opisina, bahay at paminsan-minsa sa bar ako nagpupunta without any woman, no girl can approach me without my permission or else they will taste my punishment. Ihininto ko ang aking sasakyan at binuksan ang pinto, kagaad din akung umikot sa passenger seat para pagbuksan ng pinto si Mommy siya nalang ang lagi kung kasama bukod sa mga kaibigan ko. Simula ng maloko na naman ako ni Lorie. Madalas ko na siyang kasamang kumain sa labas. Siya ang mag-isang nag-alaga sa akin simula ng mamatay si Daddy. Siguro panahon na para naman masuklian ko ang mga kabutihan nagawa niya sa akin nuon. Inalalayan ko siya papasok sa loob ng isang Italian restaurant. Agad naman kaming iginiya ng isang staff sa aming reservation. "Excuse me ser. Mr. Legaspi? Tama po? Kayo po ang asawa ni Ma'am Reinette?" Takang pagkagulat ko sa tanong niya, dahil matagal na kaming hiwalay ng babaing tinatanong niya sa akin. Nakasal at nahiwalay na ulit ako ng ilan beses. Pero bahagyan parin akung tumango. Kanina pa siya umaaligid sa mesa namin. Ang akala ko inilalakad-lakad lang niya ang batang karga niya. "Sir pwede ko po ba kayung maabala kahit sandali, may itatanong lang po ako sa iyo. Lagi po kasing tumatawag sa akin si Dr. Aragon nuon at kinukumusta kayo. Medyo pribado po tanong ko?" Saad niyang muli at hininaan pa niya ang kanyang boses na para bang ayaw talaga niyang iparinig sa iba. Hinila rin niya ang isang bakanteng bangko sa tabi ko at mas lalong inilapit sa akin saka naupo kalong ang batang babae. "Sino ka at bakit mo yan tinatanong? Kaano-ano mo ang babaing tinatanong mo?" Mariing tanong ni Mommy sa babae. Mataman ko lang siyang tinititigan kung kilala ko ba siya, kung kamag-anak ba siya ng babaing ayaw ko ng makita at marinig ang pangalan. Pero hindi ko gaanu makita ang mukha niya dahil malikot ang bata maya't maya itong tumatayo, minsan naman ang maliliit nitong mga kamay nasa mukha ng kanyang ina. "Ako po yung Nurse sa hospital nuong naaksidente kayo, ilang taon na ang nakalipas. Ako po sir ang tumulong kay Dr. Aragon sa pagkolekta ng sperm cells ninyo. Sa pakiusap po ni Ma'am Reinette, para i-inseminate sa kanya. Last po kasi siyang nagpa-check up, napag-alaman naming triples ang babies ninyo. Pero hindi na po siya bumalik, kaya hindi na namin namonitor yung ipinagbubuntis niya kung nagtuloy-tuloy bang nabuo ang mga babies ninyo. Nasaan na po si Ma'am Reinette?" Halos manigas ako sa aking narinig daig ko pang pinukpok ng maso sa ulo. Pakiramdama ko lumaki ang aking ulo. Maging ang buong katawan ko parang nawalan ng pakiramdam. Wala kahit ano mang lumabas na salita mula sa aking bibig. Wala na akung narinig pa. Nabingi na ako. Parang huminto ang pag-inog ang mundo sa akin sa pagkakatulala. Malakas ang naging pintig ng aking puso, para bang gusto niyang lumabas sa aking dibdib. Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ko ito maigalaw. Nangingig ang aking mga daliri sa kamay, nanlalamig ang buo kung katawan. Daig ko pang napasok sa loob ng yelong kwebang walang hangin. Mga hikbi ni Mommy ang nagpabalik sa akin sa pagkatulala. Kaya kaagad akung luminga at hinanap ang babae pero hindi ko na siya nakita. Iniatras ko ang aking bangkong kinauupuan ng walang pag-iingat kaya lumikha ito ng ingay na ikinalingon ng ibang mga taong kumakain, mabilis akung naglakad patungo sa pintuan para hanapin ang babae. "May nakita ba kayung babaing lumabas na may kargang batang babae?" Tanong ko sa security guard. "Baka po sir yung mga lumabas na pamilya ang hinahanap ninyo. Isang van po sila. Mahigit limang minuto narin silang nakakaalis." Tugon niya. Kaya nanghihina akung bumalik sa mesa namin. "Mom, anong alam n'yo sa sinasabi ng babae? May alam ba kayo dito? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang mga nangyari nuon? Bakit patuloy ninyong kinamumuhian si Reinette kahit wala pala itong ginagawang masama?" Asik mo na sa kanya. "Wala akung alam sa mga nangyari nuon. Ang alam ko lang kinausap niya si Dr. Aragon sa opisina nito. At ilang oras siyang nawala, ng bumalik siya parang may iniinda na siyang sakit at ayaw na niya umalis sa tabi ng kama mo. Hawak lang niya ang iyong kamay. Lagi rin siya nakaupo o nakahiga na parang may sakit." Humihikbing paliwanag niya. "Nang dalhin kita sa America, ayaw niyang sumama hindi ka rin niya ihinatid kahit sa paliparan. Ipinaubaya niya sa aking ang lahat. Siya ang asawa mo pero ako ang nagasikaso ng lahat, napaka-walang kwenta niyang asawa, lagi nalang siyang nakahiga. Kabago-bago palang ninyong mag-asawa nagdodonya-doyahan na siya. Siguro akala niya mamatay ka na." Dagdag singhal pa niya. "Hindi n'yo ba naisip na iniingatan niya ang sarili niya dahil sa isemination na ginawa sa kanya?" Saad ko."Anak ko ang mga anak niya. Dalawa lang nakita kung anak niya. Dalawang lalaki ang anak namin. Kaya pala may mga kondisyones siyang hiniling bago kami naghiwalay. Kukunin ko ang mga anak ko sa kanya pagnapatunyan kung mga anak ko ang mga bata." Mariin kung usal at tumayo na kailangan kung masiguro kung ano ang totoo. Ayaw ko ng muling magkamali. "Ang tanong sasama ba sila sa iyo ng ganuon kadali? Kikilalanin ka ba nilang ama kung alam nila kung saan sila nagmula? Ibibigay ba sila ni Reinette sa iyo kung malaki ang isinakrepisyo niya dito. Bilang isang ina parang imposible ang iniisip mo. May mga kasunduan din tayung pinirmahan. At saan mo siya hahanapin? Baka lalo ka lang kamuhian ng mga bata sa mga pabigla-bigla mong disisyon. Matalino din si Reinette at alam niya kung paano ipaglaban ang mga anak. Mag-isip ko munang mabuti Mykel at huwag padala sa bugso ng galit dahil yan ang laging nadadala sa iyo sa kapahamakan." Litanya ni Mommy. Tama siya. Kailangan kung kalmahin muna ang aking sarili at mag-isip ng tamang paraan. Pero paano? . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD