Episode -13

2397 Words
"Sorry sir, wala po kaming record ng mga sinasabi ninyo. Ang tanging meron kami yung record lang na in-admit kayo. Yung tungkol sa insimination wala po kami. Isa pa sir ang alam ko hindi kami nag-i-insimination dito. May mga private clinic po kasing gumagawa niyan at hindi po dito sa hopsital namin." Mahabang paliwanag ng isang nursing staff na patuloy lang na nag-i-scroll ng mouse ng computer. "Si Dr. Aragon daw ang nag-isiminate kay Mrs. Legaspi." Usal ko ng maalala ang pangalan ng doctor na binangggit ng babae. "Sorry po talaga sir. Ang pagkakaalam ko po simula ng bumalik ng Pilipinas si Doctor Aragon hindi na siya gumagawa ng insimination. Wala na po kaming nabalitang ginawan niya ng sinasabi ninyo. At ayaw na po niyang mag-isiminate hanggang mag-retired na po siya. At ang balita po namin wala na po si Doctor Aragon may isang buwan ng nakalilipas, sa ibang bansa po siya namatay." Usal niyang ikinabigla ko. Muli na naman nagtaasan ang aking mga balahibo. "Yung nurse na nag-assist kay Dr. Aragon pwede ko bang makausap?" Muli kung usal. "Sir madami pong nurse dito kung hindi po ninyo alam ang pangalan niya paano po namin kayo matutulongan hanapin ang taong sinsabi ninyo. Ang sabi ninyo walong taon ng nakakalipas paano pa nating malalaman kung sino ang nurse na tinutukoy ninyo. Madami na pong umalis at mga bagong nurse dito ngayon. Hindi rin ninyo matandaan ang hitsura ng mukha. Sir baka sa ibang hospital naganap ang sinasabi ninyo at hindi dito sa amin." Naiirita na niyang wika sa kapipilit kung makita ang mga taong kailangan ko. May ilang tao narin nakapila sa may likuran ko. Kaya wala akung nagawa kung hindi ang lumisan. Ang kailangan ko nalang ay hanapin siya. Ilang beses ko na siyang nakita kasama ang mga bata. Nakita ko rin siyang buntis nuon. Nakita ko rin na maliit pa ang mga anak namin nuon. Ilang buwan na ang nakalipas ng huli ko silang makita at sa hindi magandang pagkakataon pa. Nang dahil kay Lorie nagalit sila at maging yata sa akin galit din sila. Papano ko rin sasabihin ako ang ama nila kung ang alam nila asawa ko si Lorie. Paano ko ipapaliwanag ang lahat. Paano ko rin pakikiusapan si Reinette kung suko hanggang langit ang galit niya sa akin. Nadagdagan pa ng huli kaming nagkaharap. "Pasensiya na Treyton. Kung mapatunayan mo man anak mo nga ang mga anak ng dati mong asawa wala akung maitutulong sa iyo. Ako mismo ang gumawa ng mga kasunduan ninyo. Kayo, ikaw ang may pinakamaraming kondisyones na ibinigay. Ang pagkakatanda ko, ang tanging hiniling ng dati mong asawa walang na kayung pakialaman at bawal ng lumapit pa sa isat isa maging sa mga kamag-anak ninyo at malalapit na kaibigan. Bawal kang makipagunayan sa kanila. Ikaw din ang nagsabing wala kang anak sa kanya at ang ipinagbubuntis niya ay anak niya sa ibang lalaki. Hindi ko pwedeng kalabanin ang sarili ko. Ibig kung sabihin hindi kita pwedeng ipagtanggol laban sa kanya dahil ako ang gumawa ng kasunduan na alam na alam nating gagamitin niya yun laban sa iyo. Meron din siyang mga videos na pwede niyang gamitin laban sa iyo. Malinaw na recorded ang lahat at pwede niya yun gamitin sa korte." Saad niya. "Bakit hindi mo nalang siya kausapin? Pag-usapan ninyo ang tungkol dito. Ayusin mo ang buhay ninyo alang-alang sa mga bata. Naging padalus-dalus ka kasi nuon at hindi nakinig sa mga payo ko. Nakinig ka agad sa mga bulong-bulongan. Ilang beses ka narin nakasal sa ibat-ibang babae. Naiskandalo narin ang buhay may asawa mo sa ibang babae, sa palagay mo ba hindi nakarating sa kanya ang mga balita hinggil sa iyo at sa naging mga asawa mo? Mabubunyag din ang matagal mo ng sekreto dahil sa korte kakalkalin nila ang buong istorya mula umpisa hanggang wakas." Turan niya. "Paano mo rin patutunayan anak mo ang mga anak niya kung wala ka naman mailabas na ibidensiyang ninakaw nga niya ang sperm cells mo para i-inseminate sa kanya. Namatay na ang doctor at hindi mo rin makita ang nurse ni hindi mo nga inalam ang pangalan. At sa palagay mo kakampihan ka ng nurse pagnalaman niya ang ginawa mong patatakwil kay Reinette ng malaman mong buntis ito. Ang laki ng isinakrepisyo ng asawa mo para sa ikaliligaya mo pero anung ginawa mo." Panininisi niyang angil sa akin. Tama siya tatlong beses na akung nakasal at walang nagtagal sa kanila. Una siya, pangalawa si Maia niloko niya ako. Siya ang sumira ng buhay ko, namin ni Reinette. Sumunod si Lorie nakikipag-away siya palagi. Lahat yata ng babaing tumitingin sa akin at tinitingnan ko ginugulo niya. Lagi siyang lamang ng news bilang isang babaing iskandalosa, obsessed kahit sinong babae inaaway. At kahit si Reinette at ang mga bata inaway niya. Kaya nauwi sa hiwalayan ulit ang aking pekeng kasal. Ngayon heto naghahabol ako ng mga anak. Dahil kahit kailan hindi na ako magkaka-anak at alam niya yun. Siya ang unang pinagsabihin ng kondisyon ko. Kaya ba nakapag-isip siya agad na i-save ang mga sperm cells ko at ipapunla sa kanya. Halos hindi ko alam ang iisipin ko. Saan ko ba siya hahanapin para makausap. Tanong ko sa isipan ko. Isa siyang mabuting babae at asawa. Malinis siya at hindi totoong nagtaksil sa akin. Ako ang taksil sa amin. Ako ang may kasalanan ng lahat sa mga nangyari sa amin. Wala siyang pagpipilian kung hindi balikan ang bayan kanyang isinumpa walong taon na ang nakalilipas ngayon. Ang bayan kung saan niya nakilala sa isang beauty contest si Reinette. Ang bayan kung saan siya unang ikinasal at sumumpang ito lang ang mamahalin hanggang sa kabilang buhay. Pero nagulo ang lahat ng dahil sa kasinungalingan ng isang babae. Pinaikot siya sa palad nito ng ilang taon. Mahigit apat na oras pa ang gugulin niya sa biyahe para makarating sa bahay nito. Dati-rati halos araw-araw siyang nagpupunta sa bayan ng Santa Marta at wala siyang reklamo sa layo nito makita lang si Reinette. Pero ngayon hindi siya mapalagay sa kinauupuan dahil hindi niya alam ang sasabihin dito. Kung paano humingi ng tawad. Kung tatanggapin ba siya nito. Kung haharapin ba siya nito. Kung paano siya tatanggapin ng mga anak. Sa laki ng kasalanan niya sa dating asawa hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya nito. Kabisadong-kabisado na niya ang daan patungo sa tahanan ng dating asawa. Pero marami ng nabago ngayon madami ng naglalakihan mga gusali. Marami narin naglalakad na mga tao sa magkabilang sidewalks. Moderna na ang lugar. Marami naring magagarang mga sasakyan ang nasalimbayan sa kalsada. Lumago ang kalakalan sa lugar. At mukhang maraming investors ang gustong magnegosyo dito tulad ng madalas mailathala sa pahayagan. Dito daw gustong magtayo ng negosyo ang mga dayuhan mula sa ibat ibang panig ng mundo. Maganda daw at tahimik ang lugar kaya dinarayo ng maraming mga tao. Malakas na kabog ng dibdib niya ang kanyang naramdaman pagtapat sa bahay na pakay niya. Malaki narin ang ipinagbago nito. Iba na ang kulay ng bakod at bahay. Moderna na ang ayus nito. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya bago nagpasyang bumababa ng sasakyan. Luminga-linga pa siya sa paligid bago siya kumatok sa itim na tarangkahan. "May pitong taon na po namin nabili ang bahay at lupang ito mula sa mga Ocampo. Hindi rin namin alam kung saan sila lumipat. Wala kaming balita sa kanila simula ng umalis sila ng Santa Martà." Mahabang wika ng babae. Kaya halos pangapusan ako ng hininga sa mga narinig. Simula ng maghiwalay kami ilang beses ko lang siyang nakita. Saan siya ngayon nagtatrabaho? Saan na sila nakatira? Saan sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. May nakakain pa ba sila ng maayus? Anung naging buhay nila. Matalino siya at alam kung marami siyang pwedeng gawin para kumita pero triples ang mga anak namin ayun sa babae paano niyang bubuhayin lahat ng iyon na mag-isa. Bakit dalawa lang nakita ko, huwag naman sanang totoo ang iniisip kung pinaampon niya ang isa. At naibenta ang bahay nila dahil naghihirap na sila. Pero maayus naman ang mga kasuotan nila ng huli ko silang makita. Mga katanungan hindi ko alam kung saan ko aapuhapin ang kasagutan. Ngayon ko naunawaan kung bakit ganuon nalang ang naramdaman ko nuon una kung nakita ang mga bata. Para silang mga magneto na hinihigop ako. May pwersang gusto ko silang lapitan at yakapin. Yun ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Lahat na yata ng alam kung lugar na pwede niyang puntahan inikutan ko na.Tinatanong ang mga taong dating kakilala namin pero iisa ang sagot nila, wala na silang balita dito buhat ng itoy nag-asawa na. Hindi narin daw nila ito nakikita. Kasalanan kung lahat ng ito mahal na mahal ko siya pero nilait at pinalayas ko siya sa bahay namin. Ipinagpalit sa huwad na babae at itinakwil ang tunay kung pamilya. Kung pinakinggan ko lang sana ang pakiusap niya. Ako dapat ang kasama niyang nag-aaruga at nagpapalaki sa mga anak namin. Ako ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan nila. Pero iba ang nangyari, ibang tao ang nakinabang ang akin pera ang mga babaing mapagkunwari, ang anak ni Maia. Kay Berenice ko lahat naibinigay ng luho, nabuhay siyang parang isang prensesa, hindi ko naman kadugo at nasunod lahat ng gusto nilang mag-ina.. Samantala, ang mga anak ko tipid sa pangangailangan ni hindi nabilhan ng gusto nilang mga laruan. Dapat sila ang nakikinabang ng aking perang pinaghirapan. Sa kanila ko dapat binubuhos ang attention at pagmamahal ko. Nahahati na ang oras ko sa trabaho sa opisina at paghahanap sa aking mag-iina. Nasasabik na akong makita sila, mayakap at mahagkan gusto ko na silang makasama, buoin ang aming pamilya. Hanapin ang isa ko pang anak bakit dalawa lang kasama niya lagi. Ibibigay ko lahat mga gusto nila. Higit pa sa mga naibigay ko kay Berenice. Kasalanan kung lahat kung sana binigyan ko siya ng pagkakataon magpaliwanag nuon maayus sana ang buhay namin ngayon. Maligaya sana kami kasama ang mga anak namin. Muli na naman nanariwa sa isipan ko ang lahat ng nangyari samin ni Rrinette kung paano ko siya saktan, laitin at ipagtabuyan. . ..........Flashback.......... . "Treyton pwede ba akung lumabas may kakausapin lang akong tao. Babalik din ako kaagad." Pakiusap niya sa akin. Nakangiti pa siyang humalik sa akin labi. Kaya hinapit ko siya sa kanyang maliit na bewang at siniil ng halik. Ito nalang tanging magagawa ko sa kanya. "Huwag kang magtatagal mami-miss kita agad." Humihingal kung saad matapos kung pakawalan ang kanyang mga labi. "Pasasamahan kita sa driver." Dagdag ko pa. Lumabas ng amin silid. Napakunot noo ako ng mabasa ko ang text message ng driver ko. Sa hospital daw nagpahatid ang aking asawa. Kaya muli ko hinintay ang iba pa niya text upang alamin ang mga pupuntahan at kakausapin niyang mga tao. Maging si Mommy sinasabing baka may kakatagpuin daw lalaki kaya ayaw akung isama. Pero ayaw kung pagisipan ng hindi maganda ang asawa ko. Muling tumunog ang aking selpon at sa nabasang messages halos sumulwak ang aking dugo. from driver:.. Sir masayang-masaya si Ma'am Reinette dahil sa pagbubuntis niya. Nagpapahatid siya sa simbahan. Congrats boss." Ilang suntok sa mesa ang ginawa ko dahil sa galit. Paano ko siya mabubuntis kung wala naman nangyayari sa amin. Wala na akung kapasidad na makabuntis. "Yan na nga bang sinasabi ko sa iyo. Wala talaga akung tiwala sa babaing yan. Siguro akala niya namatay ka sa aksidente at nagdiriwang siya, inisip na mapupunta na sa kanya lahat ng kayamanan mo at pati ang katawang ipinamigay na sa lalaki niya." Sumbat ni Mommy sa akin matapos kung sabihin sa kanya ang ibinalita ng aking driver. Ilang beses din akung nagpaikot-ikot sa loob ng opisina ko upang kalmahin ang aking sarili. Tanaw ko sa hardin ang aking taksil na asawa at mukhang maaliwalas ang kanyang mukha nababakas dito ang kanyang saya. Ilang sunod na katok ang aking narinig sa pinto kaya tumayo na ako dahil alam kung ang aking asawa na yun. Isang malakas na sampal ang agad kung binigay sa kanya pagpasok niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat at takot sa ginawa ko sa kanya. "T-treyton." Hindik niyang anas. May namumuo narin luha sa kanya mga mata, tukop niya ang pisngi pero balewala sa aking ang nakikitang hitsura niya. Dinakma ko ang leeg niya at sinakal na muntikan niyang ikapugto ng hininga. "Malandi ka sino ang ama ng pinagbubuntis mo? Mapapatay kita sa kalandian mo." Sigaw ko sa kanya. Mga sunod-sunod na pagubo naman ang ginawa niya tutop ang leeg ng pawalan ko siya. Nakabatuktot ang katawan niyang inilang hakbang ang couch at naupo dito. Hinila din niya ang mga throw pillow at itinakip sa kanyang tiyan. "Treyton please makinig ka naman muna sa akin. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Hindi mo ako kailangan saktan. Wala akung ginagawang masama." Pagmamakaawa niyang umiiyak. Pero isang sampal muli ibinigay ko sa kanya. Sinundad pa ng mag-asawang sampal mula kay Mommy. Matatag lang siyang naupo at tinanggap ang mga pananakit at panlalait namin sa kanya. Pigil din ang kanyang pag-iyak. "Para yan sa pagbababoy mo sa pangalan ng mga Legaspi. Wala kang karapatan dalhin ang pangalan yan. Lumayas ka sa pamamahay ko. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo malandi ka. Layas!" Sigaw ni Mommy sa mukha ni Reinette. . ..........End of the Flashback.......... . Mariin kung naipikit ang aking mga mata sa mga ala-ala kung paano ko siya sinaktan at inalipusta. Kung paano ko siya pinagtabuyan. Ni wala siyang dinala kahit ano mula sa akin. Pinunit din niya ang aming wedding picture sa ibabaw ng aking working table. Umalis siyang hindi ko alam kung may dala ba siyang cash. Gusto ko siyang habulin nuon at pabalikin pero pinigilan ako ni Mommy at pinagbantaan ng kung anu-ano. Ngayon hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Kung tatanggapin pa ba niya ako muli sa buhay niya, nila ng aming mga anak. Tama si Atty kahit mapatunayan kung mga anak ko nga sila kung hindi naman sila sasama sa akin. Mawawalan din ng saysay ang paghihirap kung kunin sila tulad ng gusto ni Mommy, baka kamuhian din nila ako. Pero saan ko sila hahanapin ngayon. Kailangan ko na silang makita sa lalong madaling panahon alam kung kailangan nila ng tulong ko. Sa dami nila maghihirapan talaga ang kanilang ina sa kanila. . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD