Episode - 14

2316 Words
"Sir sa mga ibinigay ninyong impormasyon madali nalang namin sila makikilala pero mas maganda po siguro kung mayroon din kayung pakikita samin mga larawang ng sinasabi ninyong asawa at mga anak ninyo." Nanghihinang napasandal tuloy ako sa likod ng akin swivel chair sa tinuran ni agent Wilson. Saan ako kukuha ng hinihingi niya. Ngayon wala tuloy akung maipakitang larawan ni Reinette sa mga secret agents na hina-hired ko. Wala na siyang photos sa bahay sinunod ng kasambahay namin ang inuutos niya. At ang ilang naman natira itinapon na ni Maia nuon sa bahay pa sila nakatira at pinalitan ng mga larawan niya at ni Berenice. Hindi ko rin naisipang kuhanan sila ng larawan. Tanging ang kanilang gitara lang meron ako. Kaya napaisip ako.'Sino ang tinutukoy nilang "DADA" sa nakadikit na sticker sa likod ng gitara? Ako ba? O meron pang iba silang kinikilalang ama?' "Wala na ako ng mga sinasabi ninyo, itinapon na ng amin kasambahay at ng naging kapartner ko nuon." Tugon ko nalang na siya naman totoo. Ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay. Hindi ako naging fair at hindi siya binigyan ng due process para maipaliwanag ang side niya. Para maipagtanggol ang sarili. Sana nagkaintindihan kami. Marami na siyang isinakrepisyo para sa akin. Pero ako walang ginawa para sa kanya kung hindi saktan at laitin siya. Napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sa aking buhay. Buhay at kaligayahan ko ang nasira. Ngayon naghahabol ako, saan ko sila makikita? Ang pinakamamahal kung babae. Ang babaing kinasusuklaman ko ng ilang taon. Ngayon naman, siya rin ang magbibigay buhay at pag-asa sa akin. Sila ang aking kaligayahan at yaman. Ang aking asawa at mga anak. . ........... . Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko ang aking mga anak. No face mask na si Reila sa hindi mataong lugar, mamula-mula narin ang pisngi at labi niya ngayon. Ang dating halos buto't balat at namumutlang niyang katawan, ngayon nagkakalaman narin. Malalaki na silang tatlo, halos magkasing laki sila Reid at Reijan mas maliit si Reila marahil sa sakit niya kaya mabagal ang paglaki niya. Sa mahigit dalawang taon namin dito malaki na ang ipinagbago nila in-adapt na nila halos lahat ng kultura dito. At kahit si Mama natutuwa siya sa naging kalagayan namin dito kahit medyo hirap kami dahil ang mamahal ng mga gamot at treatment ni Reila. Ang importante daw nakakaraus kami sa pag araw-araw namin pangangailangan at naging maganda ang kalusugan ng kanyang apo. Next year uuwi na kami para dalawin naman namin si Papa, kung dati taon-taon ko siya nadadalaw ngayon siguro baka tuwing ika-tatlong taon nalang namin siya madadalaw. Every three year nalang ang aking bakasyon. Mga araw na pwede namin dalawin ang mga kamag-anak at ang amin bahay. Dito kami nagbabad sa park, pag day-off ko, malapit lang ito sa pinagtatrabahuhan ni Mama para hintayin siya. Apat na oras lang trabaho niya sa kada araw. Siya ang nababantay sa isang laundry shop. Minomonitor niya ang mga customers at ang mga machines kung may nagloloko. Sayang daw kikitain niya dito magaan lang naman daw trabaho niya kaya hinayaan ko nalang siya para may sarili rin siyang pera. Kailangan ko rin ipasyal ang mga anak ko paminsan-minsan lalo na si Reila para makasagap ng sariwang hangin. Lalo na ngayon gumaganda na ang kalagayan niya nagbunga narin ang aming mga pagsasakripisyo. At ayun sa doctor huwag lang mapapabayaan magtutuloy-tuloy ang magandang kalusugan ni Reila. Siya lang naman ang may problema sila Reid at Reijan malalakas naman ang resistensya. Marami pa rin siyang iniinum ng mga antibiotics at vitamins pero kaya ko naman tugunan ang mga pangangailangan nila. Meron din libreng gamot na nakukuha para kay Riela, yun nga lang limitado. . ....................... . Mausok at maingay ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Marami narin nagsasayaw sa dance floor at mukhang may nagse-celebrate ng birthday ayun sa kantahan sa gilid ng bar. Dumiretso nalang ako ng lakad ng matanawan ko ang aking mga kaibigan sa may counter. "Anung meron at nagpatawag ka ngayon? Akala ko ba busy ka sa paghahanap sa mag-iina mo at wala kang time mag-bar." Reklamo nila. Halos hindi ko na sila nakakasama sa ganitong lugar naging abala ako sa paghahanap sa aking mag-iina. Kung kailan hinahanap ko sila saka ko naman hindi makita. Dati sa mall at restaurant ko lang sila nakikita ngayon halos pabantayan ko na mga mall at restaurant pero wala parin sila. "Hindi ako nagpatawag para mag-bar, si Max meron daw ibibigay sa aking mahalaga. Pero bakit hanggang ngayon wala pa taong yun. Sa akin pinasasagot ang iinumin daw natin ngayon." Paliwanag ko sa kanila. Wala naman talaga akung kaaydi-idea kung bakit pilit niya akung pinapupunta dito. Maraming bagay ang umaakupa sa aking isip, hindi ko nga alam kung saan hahanapin si Reinette nawawalan na ako ng pag-asang makita silang mag-iina. Ilang taon ko na silang hinahanap pero hanggang ngayon anino man nila walang makakita. Ayaw ko naman mag-isip ng hindi maganda, tulad ng madalas nilang sabihin baka may iba na itong asawa o baka nangibang bansa na at dun nakapag-asawa. At huwag naman sanang may nangyaring masama sa kanila. At kung nag-asawa na siya kukunin ko ang aking mga anak. "Whooaa.. Kompleto kayo ngayon. Sorry for being late. VIP nalang tayo charge naman kay Treyton lahat ng gastus." Nang-aasar niyang komento bago naupo sa tabi ko. "Let's go, sa taas tayo." Dagdag pa niya at muling tumayo. Wala na kaming nagawa kung hindi tumayo narin at sumunod sa kanya. "Ang tagal mo, bakit ngayon ka lang kanina pa kami dito?" Reklamo ko na kay Max pagpasok namin sa VIP room. Isang mapusyaw na ilaw lang tanging tanglaw. Isang may kalakihang round table naman ang nasa gitna at may nakapaikot din mga bangko dito. Pahinamad akung naupo, tumabi rin siya sa akin. Pero nakangisi lang siya at parang nang-aasar pa siyang pinagmamasdan ako. Inisang tungga ko nalang ang lamang alak ng aking hawak na baso at hindi na siya pinansin. "Relax bakit parang inip na inip na kayo. Dati naman tayung halos umagahin dito." Nakangisi niyang tugon sa amin. Sumimsim din siya ng alak sa baso niyang hawak. "Hindi ako pwedeng umagahin ngayon may meeting ako bukas ng umaga." Ani Roldan. "Hindi rin ako pwedeng magpagabi, kabuwanan na ni Lora. Next week due na niya." Saan naman ni Xavier. Sa narinig naiinggit ako sa kanya, sana naalagaan ko rin si Reinette noon, sana ako ang kasama niya nong nanganak siya. Maraming sana ang nasa isip ko, but we can't turn back time. Not turning back the clock. "Dumating na sila Mama, sinundo ko sila sa airport noon isang araw. And you know what i saw at the airport?" Tanong niyang pambibitin. Hinayaan ko lang siyang magkuwento pero sa akin siya nakatingin. Parang may ibig siyang ipahiwatid sa mga titig niya sa akin. Dinikot niya sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang cellphone at kinalikot ito. "Do you want to see what is it? Do you want to know who they are?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Ano na naman ba yan bakit hindi mo nalang ipakita at sabihin kung ano yan." Walang gana kung turan dahil parang sa akin lang siya nakatingin, ako lang kinakausap niya. Wala naman nagsasalita sa mga kaibigan namin at nakikinig lang sila. Inilapag naman niya sa harap ko ang kanyang cellphone. "Watch." Utos niya. Kaya bahagya kung ibinaba ang aking tingin sa gadget niya. Tatlong bata ang magkakasabay na naglalakad ang aking nakita. Diretso ang tingin nila. Nakaakbay naman ang isang batang lalaki sa balikat ng katabi niya batang babaeng may suot na face mask. Dalawang babae din ang nakasunod sa kanila. May kinig ang aking mga daliring hinawakan ang cellphone para i-zoom in ito upang makilala ko ang mga taong nasa larawan dahil may kalayuan ang kuha. Walang kakurap-kurap ang aking mga matang pinagmasdan mabuti ang mga tao sa video footage. Ini-scroll ko pa ang gadget upang makita ang ibang larawan. Isinu-zoom in ko rin bawat isa. Halos hindi na ako makahinga habang pinagmamasda ko ang mga ito. Alam kung lahat sila nakatutok ang mga mata sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko. Pero hindi ko maibuka ang aking bibig at walang salitang maisip. Na-blangko ako. Tanging mga mata ko lang ang gumagalaw. Pinahid ko ng aking daliri ang mga luhang hindi ko namalayan umagus na pala sa aking pisngi. Kung hindi pa ako tinapik sa balikat ni Max hindi ko mararamdaman. Ang tagal ko silang hinanap at halos ikutin na namin ang lahat ng bayan dito makita ko lang sila. Ngayon sa larawan ko lang sila nakitang sama-samang lahat. Malalaki na sila, binatilyo at dalagita na sila. Magkakatabi silang naglalakad na tatlo. Naka dark blue maong pants ang isang tenernuhan ng puting polo shirt na may nakaibabaw na blaze na kulay gray. Nakasuot din siya ng shade. Ang isa naman simpleng maon pants katerno ng isang puting long sleeve t-shirt. At ang aking prinsesa isang faded ripped maong jeans at white t-shirt lang suot niya. May nakatali rin pink na sweatshirt sa bewang niya. Abala din siya sa pag-scroll ng gadget niyang hawak, nakapagitna siya sa dalawa niyang kapatid na lalaki. At mukhang bantay sarado siya ng mga ito. Lahat sila naka white sneaker shoes. Simple lang ang dalawa maliban sa isang maporma at mukhang seryoso. Pinakatitigan ko ang aking anak na babae para nakita ko na siya. Naka suot siya lagi ng face mask. Maputla at payat na payat. Siya ang batang babaeng binu-bully ni Berenice nuon sa school nila. Mas mahaba narin ang buhok niya ngayon at mas mataba na siya. Hindi narin siya namumulta tulad ng dati. Muling tumulo ang aking luha ng maalala ang hitsura niya nuon una ko siyang nakita sa school nila. Laging naka-alalay ang yaya niya sa kanya. Apat ang nakuha niyang larawan ng mag-iina ko. At isang video, may dalawang minuto ang haba. Ang isang larawan, si Reinette katabi ang Mama niya. Hila-hila ng isang kamay ni Reinette ang may kalakihan luggage nila maging ang Mama niya may hila rin ito. Ganun din ang dalawang lalaki kung anak. Sila ang tunay kung mga anak. Mula sa akin. My own flesh and blood at hindi si Berenice. Sila ang aking mga tagapagmana. Ngayon ko napagtanto kung gaanu siya katalino at kabilis mag-isip, kaagad niyang naisipan i-saved ang last drop sperm cells kung may buhay. Triples ang naging bunga. "Bro paki-forward mo nalang sa akin mga pictures ng mag-iina ko." Pakiusap ko. Ibinalik sa kanya ang cellphone niya. Pero pinag-agawan naman nila at tiningnan din ang mga larawan sa gadget ni Max. "Ang lalaki na ng mga anak mo Bro. Buti kung kilala ka nila." "Saan na sila makatira ngayon? Saan ba sila galing?" "Ano plano mo?" Mga tanong ng mga kaibigan kung hindi ko naman alam ang isasagot sa kanila. Hindi ako makapag-isip, nalilito pa ako. Gusto ko silang makita at makausap ng personal. Gusto ko silang makasama. Gusto kung mabuo ang aking pamilya. Sila ang kokompleto sa buhay ko. Kaya naman pala kahit saan kami magpunta hindi namin sila makita. Nasa ibang bansa pala sila. Ngayon andito na sila, saan ko naman sila hahanapin, saan sila nakatira ngayon. Saan sila tumutuloy. Kung babalik pa ba sila sa ibang bansa at kailan. Sana mapigilan ko sila at dito nalang sila sa akin. Ako magpapagamot sa aking anak. Ako ang magpro-provide ng lahat ng pangangailangan nila. Ibibigay kung lahat ng kailangan nila. Tuwang-tuwa kung ibinalita agad kay Mommy ang tungkol sa aking mag-iina. "Mom nakita ko na sila. Malapit ko na silang makasama. Dumating na sila mula sa ibang bansa." May sigla kung turan kay Mommy, naabutan ko na naman siya sa loob ng aking opisina dito sa mansyon. Hindi ko lang alam kung bakit madalas ko na siyang makita ngayon sa loob ng aking opisina. Nahihiwagan man ako hindi ko nalang pinapansin at ayaw kung bigyan malisya ang mga napupuna ko sa kanya. "Ano dumating na sila at nakita mo na? Sino bang tinutukoy mo?" Bulalas ni Mommy. Kaya ikunuwento ko sa kanya ang tungkol kila Reinette. Pinakita ko rin sa kanya ang mga larawan ng mag-iina kong kuha ni Max sa airport. "Sigurado ka bang mga anak mo sila? Paano kung hindi at palabas lang nila noong babae para magkabalikan kayo. Alam naman natin interesado ang babaing yan sa kayaman meron tayo. At kung talagang mga anak mo nga sila. Bakit hindi mo kunin ang mga anak mo at iuwi dito. Anung ibubuhay ng babaing yun sa mga anak mo. Baka kung kani-kaninong lalaki yun pumapatol para lang may ibuhay sa mga bata. At siguraduhin mo munang anak mo nga sila, dahil hinding-hindi ko sila matatanggap dito sa pamamahay ko." Dagdag asik pa niya. "Gusto kung buoin ang aking pamilya kukunin ko sila kasama si Reinette. Pakakasalan ko ulit siya." Saad ko. Alam kung wala siyang ginawang masama sa akin ako ang nakagawa ng hindi maganda sa kanya. Ako sumira ng relasyon namin. Ako ang nagluko. Ako ang nangbabae. "Hindi mo na siya ibabalik dito sa bahay ko. Ayaw ko na siyang nakita dito sa bahay ko, ang mga bata nalang kunin mo. Tama ng minsan nakasal kayo huwag mo ng ulitin at baka pagsisihan mo lang." Singhal niya sa akin. "Mom ano bang nagawang hindi maganda sa iyo ni Reinette at ayaw na ayaw mo sa kanya. Samantala sila Maia at Lorie na puro manluloko at masama ang ugali kasundo ninyo. Dahil ba hindi siya sangayon sa mga gusto n'yo at may sarili siyang mga disisyon." Angil ko na sa kanya. Simula palang ng ipakilala ko sa kanya si Reinette nuon una ayaw na niya dito na ipinagtataka ko. "Bigyan ninyo ako ng makatwiran kadahilanan kung bakit ayaw n'yo kay Reinette. Kreminal ba siya? Magnanakaw ba? Sinaktan ba kayo? Sabihin 'yo para maintindihan ko kung bakit ayaw niyo sa kanya. . . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD