Episode - 15

2230 Words
Kung may malalim na dahilan, at kung may masamang nagawa si Reinette laban kay Mommy uunawain ko siya at patatawarin. Mas malaki ang nagawa kung pagkakasala sa kanya. Sinaktan at nilait ko siya, agad ko siyang hinusgahan at pinagtabuyan. Pwede kaming magsimula uli kasama ang mga anak namin. "Hindi ko gusto at hindi ko gugustohin ang tulad ng babaing yun. Walang ginawa kundi maghubad sa harap ng maraming tao. Ibilad ang katawa para makaakit ng mga lalaki at isa ka sa naakit niya. Nabighani ka lang dahil nakita mo ang hubad niyang katawan. Naakit kalang sa katawan niya, maraming babae dyan na mas desente at may pinag-aralan din. Huwag na huwag mo siyang iuuwi dito wala siyang karapatan tumira dito. Wala siyang kwentang babae at baka ginagamit lang niya ang mga anak niya para bumalik ka sa kanya, alam naman nating pera mo lang interest niya sa iyo. Nakita mo nga nagdiwang agad siya ng maaksidente ka akala niya katapusan mo na.Tama ng nakaranas siyang natira ng mansyon ng mga Legapis. Huwag mo na siyang patatapakin muli dito." Mariin na niyang pagbabanta. Pero hindi ako papayag na hindi mabuo ang aking pamilya. Kailangan ko sila sa buhay ko. Siya lang ang makauunawa at makatatanggap ng kalagayan ko. Sinayang ko ang mahabang panahon ng buhay namin sa walang kwetang paratang. Gusto ko rin malaman ang kalagayan ng anak kung babae. Ano bang sakit niya at kung paano magagamot. Ikukuha ko siya ng specialistang doctor para sa sakit niya kung hindi pa siya magaling, ako magpapagamot sa kanya. Sila ang gusto kung makasama sa pangtanda ko. "Bahay ko ito at kahit sinong gusto kung itira at patuloyin dito walang makapipigil sa akin kahit sino. At wala kayung karapatan hadlangan ang mga gusto ko. Huwag din ninyo akung subukan. Kaya kung gusto ninyong maging matiwasay ang buhay ninyo tanggapin ninyo si Reinette bilang asawa at ina ng aking mga anak, siya ang magiging reyna ng tahanan ito. Babala ko. Tama ng pinakinggan at sinunod ko siya nuon. "Sila ang pamilya ko at higit na may parapatan sa mansyon itong. Dito dapat sila nakatira, sila dapat ang nakikinabang sa mga pinaghirapan ko, at lahat ng meron ako, may karapatan sila." Pinal kung wika. "Bahay ko rin ito at may karapatan ako dito. Nakilala mo lang ang walang kwentang babaing yun naging suwail ka na, kayang-kayang mo na akung sagut-sagutin ngayon. Nawawalan ka na ng respeto sa akin. Ako ang nagpakahirap mag-alaga at nagpalaki sa iyo, ganito igaganti mo sa akin ngayon matanda ka na. Paano ko pang gugustohin makita dito ang babaing yun?" Sikmat na niya. "Kung ano ang gusto ko yun ang masusunod. Ang sarili kung pamilya ang titira dito sa mansyon ng mga Legaspi dahil sila ang tunay at dugong Legaspi." Mariin ko ng wika at tinalikuran siya. Ayaw ko ng makipagtalo sa kanya. Wala rin naman patutungohan maganda ang paguusap namin. "Nakasisisguro ka bang mga anak mo nga ang mga anak niya paano kung inupahan lang pala niya ang babaing nagpanggap na nurse at puro scripted lang pala mga sinabi niya. Para makakuha sa iyo ng pera ang babaing yun. Hanggang ngayon ayaw ka pa rin niyang tigilan, mukha talaga siyang pera. At hindi siya titigil hangat wala siyang nakukuha sa iyo." Mahabang litanya pa niya bago ako nakalabas ng opisna ko. Pero buo na ang disisyon ko. "Walang dudang mga anak ko sila, kamukha ko ang isa at ganun na ganun ako nuon bata pa ako. Damang-dama ko yun dito." Ani ko sabay turo sa kaliwang dibdib ko. "Kaya maling galaw mo lang laban sa kanila. Makikita mo ang hinahanap mo." Mariin kung pagbabanta sa kanya at isinara ang pinto. Ano bang inaayawan niya kay Reinette. Naghuhubad daw ito sa harap ng maraming tao, two piece swimsuit para sa mga sinasalihan nitong competition is normal anong mali dun. Ang akala ko ikatutuwa niya ang mga plano kung buoin ang aking pamilya hindi pala at kabaliktaran ng mga naiisip ko. Pagdating kay Reinette wala talaga akung mapapalang maganda sa kanya. Pero hindi ako papayag na hindi mabuo ang aking pamilya, lumalaki na ang aking mga anak at nagkaka-edad narin kami ni Reinette. Gusto kung makilala nila ako bilang isang ama. Mahirap lumaki ng hindi kompleto ang pamilya naranasan ko na yun at ayaw ko ng iparanas sa mga anak ko. Gagawin ko ang responsibilidad ng isang ama sa kanyang mga anak. Ako gagabay sa kanila. Ibibigay ko lahat ng kailangan nila. Para sa kanila lahat ng pinaghihirapan ko. Inikot ko ang buong mansyon at inisip kung ano dapat baguhin para sa mga anak ko. Isang babae at dalawang lalaki ang anak namin. Tatlong kwarto ang pinasok ko at inisip kung ano bang maganda para sa batang babae. Mga stuff toys. Ipinilig ko ang aking ulo dahil mukhang hindi na nila kailangan ng mga laruan tulad ng una ko silang makita sa mall. Mga damit at gadget. Siguro kailangan ko nalang ipa-renovate ang magiging kwarto ng bawat isa sa kanila pero wala naman akung ideas sa mga likes and disliked nila. Kung anung favourite color nila. Ilang buntong hininga ginawa ko dahil hindi ko pa alam kung saan sila makikita at kung papayag ba si Reinette sa mga naiisip ko. Alam kung malaki ang galit niya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano siya susuyuin. Halos dalawang taon ko siyang niligawan nuon bago ko nasungkit ang matamis niyang oo. Nirespeto at iningatan ko siya, ingat na ingat din ako nuon para maitago ang kalokohan ko sa mga babaeng laging dumikidit sa akin. Nasira din ng isang babae ang maganda sanang relasyon inalagaan namin. Nauwi sa kasumpa-sumpang paghihiwalay. Ngayon ako ang umaani ng pagdurusa. Nangangapa sa dilim. Umaasang isang araw magkaharap sila ng dating asawa at mapatawad ang isat-isa. Treyton was busy with his work until evening. He didn't concentrate on his work, thinking about everything, Reinette and the triples. Every time he remember them, he feels a flutter in his chest. Suddenly Treyton looked at his expensive wrist watch and stretched out his back and stood up. It was twelve o'clock at night and he decided to leave work. He doesn't want to go home. He didn't want to see his mother scolding him. He didn't want to argue with her. But he tired and need rest. . ....................... . Masayang pumasok sa isang kilalang mall sila Reinette, nakapagitan siya sa dalawang anak na lalaki, nakahawak naman sa braso ng kanyang Lola si Reila. Abalang tumitingin ng mga naka-display na items. "Maiwan ko na muna kayo dito pupunta lang ako sa grocery may bibilhin lang akong ilang ingredients." Saad ko ng makapili ng ilang peraso ng gamit. "Sige magkita nalang tayo malapit sa counter 2." Tugon ng kanyang ina. "Kung ano lang kailangan niyo yun lang kukunin nyong tatlo" Bilin niya sa mga anak ko bago mabagal na naglakad papalayo. Abala si Reinette sa pagtingin at pagbabasa sa level ng hawak na maliit na bote ng isang ingredient ng may maramdaman siyang mabibigat na mga yabag papalapit sa kanya. Pasimple niyang nilinga ang may-ari ng mga yabag. Kunot noo niyang pinagmasdan ang tao sa harap niya at kinikilala kung sino ito. Sa tagal ng panahon hindi niya ito nakita... gulat at pagtataka ang biglang rumehistro sa mukha niya. Kinalimutan na niya ang tao sa harapan niya at hindi na pinangarap makita pang muli. 'What a small world' piping bulong niya sa isip. "Magaling! Magaling! Nagpakita na naman ang babaing ahas. Lumabas na naman sa lungga niya. Anong plano? Gusto na naman gulohin ang nananahimik namin buhay. Kailan mo ba kami titigilan sa panggugulo? Hanggang kailan mo ba kami gugulohin? Ngayon naman ginagamit mo pa ang mga anak mo sa panggugulo sa amin. Hindi ka pa ba nakukuntento sa mga lalaki mo at hanggang ngayon ayaw mo parin tantanan si Mykel. May sarili na siyang pamilya kaya layuan mo na ang aking anak. Alam ko naman pera lang niya ang habol mo. Ang kayamanan ng mga Legaspi. Layuan mo ang aking anak at bigyan ng kapayapaan. O' baka gusto mong masaktan at ipagtabuyan ulit." Naghihisterikal niyang tunggayaw sa akin. Napapahinto narin ang ibang tao at pinanunuod kami. "Kung hindi mo kayang buhayin ang iyong mga anak ibigay mo nalang sa amin, kukunin ko sila para wala kang dahilang perahan si Mykel. Aampunin ko sila. Huwag mo nalang kaming gulohin mag-ina. Layuan mo na kami. Bibigyan din kita ng pera at huwag ka ng magpapakita sa amin kahit kailan." Dagdag pa niya. Buti nalang at hindi ko isinama ang aking mga anak. Pinagmasdan ko lang siyang nagtatatalak, malaki na ipinagbago niya malalalim na ang mga gatla niya sa noo at ilalim ng mga mata. At kahit naka hair dye na siya halata pa rin puti na buhok niya, manipis narin ito. Ilan taon naba ang lumipas, ngayon ko lang ulit siya nakita, buhat ng ipinagtabuyan niya ako sa mansyon nila. Hanggang ngayon kayamanan parin nasa isip niya. Wala na bang mahalaga sa kanya kundi salapi. Wala siyang kinatandaaan. Marami ka ngang pera kung masama naman ugali mo, sinong matinong tao ang magiging kaibigan niya. "Maghunos dili ka sa mga sinasabi mo Mrs. Legaspi. Baka atakehin ka sa katatatalak, madali ang buhay mo, hindi mo mapapakinabangan ang mga salaping ipinagyayabang mo. Wala naman akung ginawang masama laban sa inyo bakit hanggang ngayon galit na galit ka parin sa akin. Lumayo na nga ako sa inyo. Ayaw ko narin nalalapit sa inyo o nadidikit ang pangalan ko sa inyo." Singhal ko na sa kanya. Nakakawala ng respeto ang ugali niya. Para siyang walang pinag-aralan kung umasta. "Kung makita mo man ako magpanggap kang hindi ako kilala ganun din gagawin ko para matahimik tayo. Isipin mong hindi tayo nagkakilala." "Huwag mo na akung linlangin babae ka, kaya ka bumalik at nagpakitang muli sa amin para hingan ng pera ang aking anak. Ginagamit mo ang mga anak mo para makakuha ng pera kay Mykel, kaya kukunin ko ang mga bata para wala kang magamit para perahan kami." Mariing sikmat din niya. "Huwag mo na kaming i-blackmail, masasaktan ka lang ulit baka mapatay ka pa ni Mykel kaya huwag ka ng magtangkang lumapit sa kanya." Napaismid nalang ako sa tinuran ng Mommy ni Treyton, ano bang tingin niya sa akin? Magmamakaawa sa kanila, hihingi ng pera? Matatakot sa anak niya. Matanda na siya pero puro pera parin ang nasa isip niya, hindi naman niya madadala sa hukay niya ang pinagmamalaki niyang pera. "Hindi lahat ng bagay kayang tapatan ng salapi mo Mrs. Legaspi. Meron akung mas mahalaga pa sa pera mo na wala ka, at kahit kailan hindi ka magkakaroon ng sariling sa iyo. Dahil hindi ka na kayang bigyan ng apo ng nag-iisang anak mong inutil. Kaya kahit pagpatung-patongin mo pang lahat ng pera mo balewala yan at hindi isasama sa hukay mo lahat ng kayamanang ipinagmamalaki mo ng mga taong maglilibing sayo. Binabalaan din kitang huwag na huwag kang lalapit sa akin, sa amin ng mga anak ko dahil hindi mo magugustohan ang aking gagawin sa susunod na magtangka ka pang lapitan ako at ang mga anak ko." Mariin kung saad sa kanya. Wala siyang karapatan sa ano mang bagay na meron ako, huwag niyang idamay ang anak ko. At sa tuwing nakikita ko pagmumukha niya muling nanariwa ang lahat sa akin. "Kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka. Kayang-kayang kung kunin silang lahat sa iyo. Ang isang kagaya mong mababa ang lipad na babae walang karapatang mag-alaga ng mga bata. Walang matinong hanap buhay. Mapapariwara lang ang buhay ng mga bata sa'yo." Mariing din niyang sikmat sa akin. "Huwag na huwag mo akung maliitin at laitin Mrs. Legaspi baka hindi mo parin alam hanggang ngayon na walang nakakapuwing na malaki. Dahil ang minamaliit mong ito ang siyang magpapabagsak sa iyo at magbabalik sa putikan pinang-galingan mo. At huwag kang magpanggap na malinis dahil sa putikan ka lang hinango ng ama ni Treyton." Mariin ko rin singhal sa kanya. Kita ko kung paano siya tinakasan ng kulay sa mukha. Ang namumula niyang pisngi sa kapal ng make-up nabaliwala sa puti ng mukha niya. "Paano kaya kung sabihin ko sa unutil mong anak-anakan kung sino ka talaga at kung saan putikan ka pinulot at binihisan ng tatay niya. Sa palagay mo anung mangyayari sa iyo ngayon? Kaya hinay-hinay lang Mrs. Legaspi, baka ibalik ka sa pusali ng anak mong pinagmamalaki." Naghahamon kung usal. Pinakatitigan pa siya at hinintay kung anong isasagot niya bago ko siya tinalikuran. Ibibigay ko sa kanyang ang hinahahanap niya. Humanda na sila, ngayon nila matitikman ang pait na pinalasap nila sa akin. Doble ang balik nito sa kanila. Kaagad kung kinontak ang abogado ko at sinabi sa kanila ang gusto kung mangyari. Ito na ang simula ng kalbaryo ng mga Legaspi. Ipatitikim ko sa kanila kung gaano kasakit ang durugin ng pinong-pino ang pagkatao. Kung paano laitin at ipagtabuyan na parang basura. Hindi naman ako mapag-higanting tao pero sila naman ang nauna. Legal lahat ng gagawin kung action, may mga agreement kami at pirmado nila ng kanyang anak-anakan. Kung nuon mapagmamalakihan nila ako ngayon mababaliktad ang lahat. Sila ang luluhod at luluha ng dugo sa aking paanan. Malapit ng mag-krus ang ating landas Mykel Treyton at pagsisisihan mong lahat ng ginawa mo sa akin. Bulong ko sa kawalan. . . . . . . ....................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. ...thanks much......lrs.. ...."IronLady"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD