Treyton was very busy every day with his work and searching for Reinette and the kids. He got off from work until midnight.
Treyton goes around the malls and other places almost every day, trying to see Reinette and the triples. He hired an agents to help him find them. He thought, people like them from other country have a tendency to go to certain places, attractions such as malls, and amusement parks to have fun and relax while on vacation.
Treyton was busy with his work until his phone rang. He immediately looked at the caller ID before answering the call.
"Sir, negative, walang tumutogma sa descriptions na binigay niyo." Nanghihina akong napasandal sa likod ng aking swivel chair sa narinig. Hanggang kailan ba ano aasang makita sila.
Lahat nililibot ko at iniisa-isang tinitingnan ang mga tao. Nasasabik akung makita sila. Makausap at mayakap. Humingi ng tawad at suyuin sila para mabuo kaming isang pamilya. At lahat gagawin ko para sa ikaliligaya nila. Pagbayaran ang mga nagawang hindi maganda sa aking dating asawa. Punan ang mga pagkukulang ko sa aking mga anak.
More thant one month narin akung nagpapalibot-libot pero hanggang ngayon anino man nila hindi ko makita kahit saan ako magpunta. Kahit si Atty Puruganan naawa na sa akin, sinisisi rin niya ako sa mga nangyari sa amin ng dati kung asawa. Maging ang mga kaibigan ko tumutulong rin silang maghanap sa aking mag-iina. Wala parin linaw kung makikita ko pa ba sila o baka naka-alis na sila at bumalik na sa ibang bansa. Ganuon pa man hindi parin ako tumitigil sa paghahanap sa kanila. Umaasa parin makikita sila. Nananalangin mapatawad niya at tanggapin muli.
Halos hindi ako makahinga ng may matanawan akung pigurang kilalang-kilala ko kahit nakatalikod siya sa akin. Malalaki ang hakbang at halos tumakbo na akung sinundan sila at hindi pinansin ang mga taong aking nabubonggo. Malakas man ang kabog ng aking dibdib at may takot na nararamdaman. Sinunod ko parin ang isinisigaw ng aking puso at isip kahit nag-aalala ako sa aking gagawin.
Pagkasabik at pangungulila sa kanyang ang nagudyuk sa akin para mahigpit siyang yakapin ng walang babala ng maabutan ko siya. Pagtadyak sa aking mga paa ang nagpagising sa aking diwang lutang kasabay ng paghihiwalay ng aming katawan ni Reinette.
Magkasunod na malakas na sampal sa magkabilang pisngi ko ang nagpagulantang muli sa akin ng maghiwalay ang aming katawan. "Who the hell are you to make such an embarrassing scene? You f*****g idiot." Sigaw niya sa mukha ko, inundayan niya muli ako ng isang sampal. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa mukha ko. Galit ang mababakas sa maganda niyang mukha. Nasaan na ang Reinette na minahal ko noon. Ibang-iba na siya ngayon.
"Stay away from our Mom Mister." Mariin din babala ng isang batang lalaking pumagitna sa amin, ang isa sa aming anak. Silang dalawa ang tumadyak sa magkabilang paa ko.
"R-reinette." Halos mabulonan ako ng sarili kung laway sa pagbigkas sa pangalan niya. "I'm so sorry. Sorry sa mga nagawa ko sa iyo. Pinagsisisihan ko ang lahat. Nagkamali ako sa pag-aakusa sa iyo nuon. Patawad sa mga nagawa ko sa'yo at nasabi ko." Tanging nausal kung pagmamakaawa sa kanya.
"Sorry for what? Do I know you? Did we meet before? Or maybe you're my creepy f*****g stalker." Mariin niyang asik.
"Reinette." Bigkas ko sa pagkagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya, talaga bang muhing-muhi na siya sa akin.
"Get lost!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Nasa pagitan siya ng amin dalawang anak na lalaki. Matatalim din ang asul nilang mga matang nakatingin sa akin.
"Tayo na umuwi na tayo, umalis na tayo dito. Huwag na ninyong pagaksayahan ng oras ang taong yan. Wala naman tayung mapapala dyan. Gulo lang dala niyan sa buhay natin. Umiwas na kayo sa taong yan, malalagay lang kayo sa isang malaking iskandalo at kahihiyan." Mariing sikmat ng Mama niya ng malapitan niya kami at makilala ako, kaagapay niya ang aming anak na babae may suot na naman siyang face mask kaya hindi ko kita ang buong mukha niya. Ngayon ko lang silang tatlo nakita ng malapitan. Gusto kung yakapin sila at magpakilala ako ang kanilang ama pero hindi ko magawa. Nakatayo lang ako at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Naumid narin ang aking dila. Malalaki na sila, hindi tulad ng huli ko silang nakita. Asul ang kulay ng pares ng mga mata nilang tatlo, sa akin nila nakuha. Kaya hindi maitatatwang mga anak ko sila, sa akin sila nanggaling. Tama nga ang sinabi ng nurse triples ang anak namin. Sinakpripisyo niya ang lahat para sa akin pero ano ang iginanti ko sa kanya. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng nagawa ko sa kanya.
"Let's go, don't mind him. He was out of his mind." Mala-kidlat sa talim ang mga mata ni Reinette na inirapan ako bago niya hinila sa braso ang mga anak namin palayo. Talagang suklam na suklam siya sa akin, maging ang dati kung biyanan. Ni minsan hindi ko siya naringgan ng hindi magandang salita nuon, itinuring niya akung parang tunay na anak, ngunit ngayon bakas din sa mukha niya ang pagkamuhi sa akin.
Para akong naistatwa sa kintatayuan ko ng marinig ang sinabi ni Reinette. Tinanaw ko lang ang papalayun bulto ng katawan nilang lahat. Nagiinit ang aking mga mata at may nagbabadyan luhang namumuo. 'I've been looking for them for a long time'. For the first time in my intire life, someone's slapped my face hard in a public place. Yes, Reinette slapped me. It's embarrassing but I can't do anything, anyway it's all my fault. And I deserved it.
Pagdaramdam at lungkot ang tanging nakapa ko sa aking dibdib. Bagsak ang mga balikat ko silang sinundan ng tingin. Mga kabayaran ng panlalait at pananakit ko sa kanya noon. Pinagbintangan pera ko lang interest niya sa akin, Hindi man lang siya binigyan ng kahit isang sandali upang makapagsalita kahit umiiyak, at nagmamakaawa na siya sa akin. Ngayon siguradong wala rin akung makukuha ni katiting na awa mula sa kanya. Hindi rin niya ako pakikinggan sa mga paliwanag ko. Kahit siguro lumuhod pa ako sa harap niya at humingi ng tawad paulit-ulit hindi niya ako kaaawaan. Ginatungan pa kasi ni Mommy ng apoy ang nagbabaga kung galit nuon kaya heto ang kinalabasan. Masakit. Napaka-sakit palang talikuran ka ng mahal mo. Harap-harapan kang itatwa, magpanggap na hindi ka kilala sa harap ng aming mga anak. Mababakas din sa mukha ng aming mga anak ang poot. How much more kung ipagtabuyan ka pa, saktan at laitin tulad ng ginawa ko sa kanya nuong ipinagbubuntis niya ang mga ito. Pilit niyang kinakalma ang sarili para maproteksyonan ang aming mga anak. Kung sakaling naging mahina siya baka wala rin kaming nabuong mga anak, magiging kriminal din ako ng sarili kung mga anak.
Nanghihina ang mga tuhod kung naglakad palabas ng mall, mabigat din ang aking mga paa at hirap ihakbang. Iniisip kung ano ng susunod kung gagawin upang mapalapit sa aking mag-iina. Sa sitwasyon namin ngayon hindi ko sila madaling masusuyo. Ngunit lahat gagawin ko para bumalik siya sa akin. Hindi ko siya pagsasawaang suyuin kahit alipustahin at libakin pa niya ako. Isumbat lahat ng nagawa at nasabi ko sa kanyan noon. Kahit saktan pa niya ako ng paulit-ulit tatanggapin ko mabuo lang ang amin pamilya. Iaalay ko ang buong buhay ko para sa kanila ng mga anak namin.
Muling niyang ipinagpatuloy ang paglilibut kung saan-saan lugar na alam niyang may posibilidad na puntahan ng mag-iina niya. Umaasang makausap muli ito at pakinggan ang pagmamakaawa niya.
Ilang beses ng nagpapalinga-linga si Treyton, halos lahat yata ng taong makita tinitingnan niyang mabuti, kinikilala. At ayun pa sa kanyang kaibigan si Kyle dito sa kilala hotel niya madalas makita si Reinette. Kaya ilang beses akung nagpapabalik-balik dito at nagbabakasakaling makita rin siya. Gusto ko siyang makausap. Humingi ng tawad at ipaunawa sa kanya ang lahat.
Hindi siya nawawalan ng pag-asang mapapatawad at tatanggapin muli ng dating asawa. Lahat ginagawa niya. Muli na naman nagbunga ang matiyaga niyang paghihintay at paghahanap. At sa ikalawang pagkakataon nagkrus ang kanilang landas, wala na siyang inaksayang sandali agad siyang humarang sa daraanan ni Reinette at nagmakaawa.
"Reinette can we talk please." Nanantya niyang pakiusap.
"Excuse me Mister, wala tayung dapat pagusapan at huwag mo akung abalahin sa mga walang kwenta mong salita. Layuan mo ako at patahimikin." Singhal nito sa kanya.
"Please sana maunawaan mo ako. Nabigla lang ako nuon. Alam mong napakalaking dagok sa p*********i ko ang nangyari sa akin. Naging maiinitin din ang aking ulo dahil sa kapansanan ko. Hindi ko maibigay sa iyo ang mga pangangailangan ng isang asawa, hindi ko magawa ang aking obligasyon bilang asawa mo. Natatakot akung iwan mo dahil hindi na kita kayang paligayahin noon. At ng mabalitaan kung buntis ka, hindi ko matanggap na nainsulto ang pagkatao ko. Kaya nagawa kung saktan at laitin ka. Please sorry sa mga nasabi ko at pananakit sa iyo. Mahal na mahal parin kita Reinatte at kahit kaylan hindi nagbago ang damdamin ko para sa iyo. Sorry kung inakusahan kitang pera lang habol mo sa akin at hindi binigyan ng pagkakataon magkapagpaliwanag. Nagpapasalamat din ako sa pagsasakpripisyo mo para magkaroon tayo ng mga anak." Humihingal kung litanya sa kanya. Kunot noo lang siyang matalim ang mga matang nakatunghay sa akin. Ibang emosyon ang nababakas ko sa mukha niya. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo ng ating mga anak. Ibibigay ko lahat ng pangangailang ninyo. Kahit ano sabihin mo, ibibigay ko." Dugtong ko pa para makumbinsi ko siyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Lahat gagawin ko para bumalik lang siya sa akin sila ng mga anak namin. Pakakasalan ko siya ulit kahit saan pa niya gusto tanggapin lang niya ako ng buong-buo.
- .."Anak..?!"
-..-"Alam ko na ang lahat..."
"Huwag ka ng mag-aksaya ng laway mo Mr. Legaspi, dahil ano mang sasabihin mo wala ng saysay ngayon at hindi na mahalaga sa akin. Mabubuhay kami ng mga anak ko ng walang hinihinging tulong sa iyo, at sa kahit sino man sa angkan mo o kahit kaninong tao, tulad ng sinabi mo nuon. Sinusunod ko ang lahat ng ating agreement. Isama mo nalang sa hukay mo lahat ng kayamanan mo para mapakinaban ng mga bulate at maging pataba sa lupa. At wala karin karapatan tawagin anak ang mga anak ko. Tulad ng sabi mo, ni minsan walang nangyari sa atin at hindi kana maaring mag-kaanak dahil isa ka ng inutil, walang silbi. Nabuntis ako ng ibang lalaki, kaya hindi ikaw ang ama ng mga anak ko. Ngayon panindigan mong lahat ng sinabi mo, yun man lang magawa mo bilang lalaki." Asik pa niya sa akin.
"Sorry na, pero lahat ng meron ako para sa atin mga anak ito. Lahat ng kayamanan at pera ko sa inyo ng ating mga anak. Kayo ang dapat nakikinabang ng mga ito. Wala narin akung asawa ngayon matagal ng annulled ang aming kasal dahil sa panloloko niya sa akin. Siya ang sumira ng buhay natin." Pagtatapat ko na sa kanya. "Patawad sa mga nagawa kung kamalian. Hindi ko na uilitin." Dagdag ko pa.
"Wala akung pakialam kahit ilang beses ka pang magpakasal at magpa-annulled. Yan lang naman pwede mong gawin para pagtakpan ang pagiging impotent mo. Hindi rin ako interesado sa pera o kayamanan mo Mr. Legaspi dahil mas mayaman pa ako sa iyo ngayon. At kahit pagsama-samahin mo pang lahat ng kayamanan mayroon ang buong angkan mo. Hindi parin kayang tumbasan ng sinasabi mong yaman ninyo ang kahalagahan ng aking mga anak, at kahit isang daan beses ka pang magpakasal sa kahit kaninong babae hinding-hindi ka na magkakaroon ng yamang tulad ng sa akin. Kaya tama lang angkinin mo ang anak ng ibang lalaki para pagtakpan ang magiging inutil mo. Mga lalaki ng mga asawa mong pinagtatawanan ka pagnakatalikod, dahil yan naman gusto mo ang maging isang pindeho. Ayaw mo ng matinong babae at mas gusto mo yung ilang beses ng nagpalipat-lipat sa kama ng kung sinu-sinong mga lalaki. Yung mga babaing pinagsawaan ng kung sino-sinong lalaki. Mga babaing binuntis ng kung sinong lalaki ang gustong-gusto mong pinakakasalan.Tigasalo ka ng ipot ng mga kabaro mo. Totoo nga ang sabi nila hindi dapat kita pinagkatiwalaan dahil ang tulad mo ay hindi mabilang ang babaing nilalandi ng sabay-sabay. Kaya babae rin ang dahilan ng pagiging inutil mo. Karma sa iyo yan, sa pag-iwan mo sa akin sa araw ng kasal natin.
Binabalaan din kita huwag na kayung lalapit sa akin kahit kailan, lalo na sa akin mga anak. Isa pa, huwag mong angkinin ang mga anak ko dahil hindi mo sila anak. Wala kang anak sa akin. Wala tayung naging anak. Wala naman nangyari sa atin paano tayo magkaka-anak at kahit saan pa tayo makarating walang makapagsasabing may anak tayo. Wala kang ibidensiyang may anak tayo, kaya huwag kang mangarap na may anak tayo. Huwag mong ankinin ang hindi sa iyo." Sikmat ko at tinalikuran siya. Kung nuon sila ang walang pakundangan nagsasalita sa akin ng kung anu-ano ngayon ako naman, at lalaban ako alang-alang sa aking mga anak. Hindi rin ako magtataka kung bakit hanggang dito sa hotel na sangay ng pinagtatrabahuhan ko nasundan niya ako, dahil madalas kung makita ang kaibigan niyang si Kyle dito.
"Reinette, please come back. Come back to me. I love you with all my heart. I'll do anything and everything bumalik ka lang sa akin kayo ng mga bata." Namamaus na usal niyang umabot sa pandinig ko, marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan. Masarap pakinggan ang mga binitiwan niyang mga salita, pero nanariwa parin sa aking ang lahat sa tuwing nakikita ko silang mag-ina. Hindi narin ako sigurado ngayon kung totoo ang mga sinasabi niya. Malinaw naman mga anak ko lang interest niya dahil ni kuting hindi na siya makabubuo. Labasan man siya ng isang libong beses wala ng silbi.
.
.
.
.
.
.
.......................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
...thanks much......lrs..
...."IronLady"....