Kung nuon parang balaraw na sumasaksak sa aking puso ang bawat salitang binibitawan niya. Ang mga mata niyang halos maglabas ng apoy sa galit habang matalim na nakatingin sa akin. Ang mga kamao niyang ilang beses dumapo sa aking pisngi. Ang pagsakal niya sa leeg ko na ilang araw kung ininda ang sakit ng aking lalamunan. Ang panahong gustong-gusto niya akung durugin sa kanyang mga palad. Wala akung kalaban-laban sa kanilang mag-ina nuon. Ngayon magdusa siya. Sila ng kanyang ina. Hindi lang pera ang nagpapaligaya sa tao. Maraming bagay ang hindi kayang tapatan ng salapi.
Tatlo lang kaming nakaaalam ng tungkol sa insemination at ayun kay Dr. Aragon hindi niya ipina-record sa hospital. Naka-base narin sa Germany ang nurse na tumulong sa amin nuon. Pero nalaman pa rin ni Treyton ang totoo at madalas na kaming magkikita ngayon. Ito na ang simula ng aming pagtutuos. Hindi ko siya hahayaan makalapit sa aking mga anak. Alam nila kung paano sila nabuo. Mulat sila sa makabagong sensya. Hindi ako papayag na makuha niya ang aking mga anak. Magbabayad sila ng kanyang ina sa mga ginawa nila sa akin. 'Magdusa ka naman ngayon. Lasapin mo ang kabayaran ng mga ginawa mo sa akin, sinira mo ang buhay ko. Kaligayahan mo lang ang tanging hagad ko. Minahal kita ng buong puso, sinarsipisyo ko ang lahat bilang asawa mo noon, pero wala parin halaga sa iyo lahat ng ginawa ko. Maka-sarili kang tao. Sarili mo lang at kayamanan mo ang tanging mahalaga sa inyo. Aanhin mo ang mga kayamanan mo kung mag-isa ka lang sa mundo, mauuwi din yan sa wala. Pag-aagawan ng mga taong tulad mong ganid sa salapi.'
It's Monday today and everyone is busy with their work. Treyton was also busy, he was so engrossed by his laptop typing some datas in his files. When someone knocked on his office door. "Come in!" He said without looking who is it.
"Sir, a confidential letter." His secretary said and left
He received a summon to appear in court with in seven day.
Mariing niyang naihilamus ang mga palad sa mukha, pabagsak na isinalda ang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Ilang araw mula ng magkita sila ng dating asawa. Isang summon na ang natanggap niya mula sa korte. Kailangan niyang magpaliwanag sa korte hingil sa paglabag niya sa isang kasundual. Depensahan ang sarili. Kuyom ang mga kamao. "Damn! Bakit kailangan daanin mo ako sa ganito?" Mahinang usal niya sa kawalan.
Alam niya at kabisado niya ang nilalaman ng agreement nila ng dating asawa. Kasunduan hiniling nito bago ito pumirma sa marriage annulment nila. Lahat ng nakasaad sa agreement mula sa kanila ng kanyang ina, maliban nalang sa isa. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao tinatanong ang sarili kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Inuusig siya ng kanyang konsensiya ngayon.
Muli niyang pinasadan ng tingin ang mga nilalaman ng hawak na dukomento. Hindi na siya maaaring lumapit sa mag-iina niya mula dalawang metrong layo. Sinumpaan salaysay sa harap ng korte at pirmado niya at ng mga abogado.
Sa isipin mawawalan na siya ng pagakakataong makalapit sa mga anak at makilala ang mga ito. Mahigpit siyang napahawak sa maneba ng kanyang sasakyan. Ilan beses din siyang napamura. "That's a god^€dem bul*#hit! No it can't be!.." Malakas na wika niyang umalingawgaw sa loob ng kanyang sasakyan.
Salubong ang makakapal na kilay ng pumasok ng kanilang mansyon si Treyton. Kaagad din niya hinanap ang ina at walang pagdadawalang isip na agad kinumpronta ito
"Ano na naman mga ginawa at sinabi n'yo kay Reinette at nakatanggap ka summoned? Binalaan ko na kayong huwag pakikialaman ang aking mag-iina. Wala kayung karapatan sa kanila." Mariin niyang singhal dito. Mas lalong lalaki ang gulo kung makikisawsaw na naman ito. Kanina sa korte, nalaman niyang nauna pa itong nakatanggap ng summon. Kaya mas lalong nagiinit ang kanyang ulo sa galit.
"Gusto ko lang naman tigilan na niya tayo sa panggugulo niya. Gusto kung kunin nalang natin ang mga bata, hindi man ako siguradong mga anak mo nga sila pero kukunin ko parin sila at aampunin. Para wala na siyang dahilang lapitan at perahan ka pa." Singhal din nito sa kanya.
"Binalaan ko na kayo na huwag na huwag kayung makikialam sa amin ni Reinette. Isang maling kilos pa ninyo, kayo ang buburahin ko sa landas ko." Sikmat ko na. Natatakot akung baka lalong lumayo sa akin ang mga-iina ko kung makikialam na naman siya. She always put a fuel in a a fire.
"Mykel, huwag mo akung pagtaasan ng boses. Wala ka ng galang sa akin ngayon, yan bang natutunan mo sa malanding babae yon? Simula ng makilala mo ang babaing yun nagbago ka na. Ngayon nagkita na naman kayo kaya sinasagut-sagot mo na ako ng pabalang. Ano bang pinakain sa iyo ng babae yun?" Halos maghisterikal na ito sa pagsigaw.
"Mamili ka Mommy Hilda pakalayasin kita sa pamamahay ko o manahimik ka at tanggapin si Reinette at ang mga anak ko bilang mga lihitimong mga Legaspi at tunay na may karapatan sa lahat ng pag-aari ko. Wala kang karapatan laitin ang kahit sinung tao ng walang ginagawang masama sa inyo." Mariin kung wika sa kanyang ikinalaki ng kanyang mga mata. Ngayon ko lang siya nasigawan ng ganito. Ginalang ko siya at nerespeto simula nuong pero ibang usapan na kung mamanipulahin pa niya ang sarili kung buhay at kaligayahan, matanda na ako at alam ko na ang ginagawa ko.
Tama ng minsan nasira ang buhay ko sa pakikialam niya. "Uulitin ko huwag na huwag na kayong makikialam sa buhay ko at sa mag-iina ko, layuan mo na sila. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa susunod na makialam ka pa." Mariin kung banta.
"Huwag mo akung takutin may karapatan ako dito at sa mga ari-arian ng mga Legaspi. Legal akung asawang kauli ng iyong ama." Balik sigaw niya.
"Yes, you are my father's second legal wife Mommy Hilda. Pero nakalimutan mo yatang may pinirmahan kang kasunduan noon bago ka pakasalan ng aking ama. Pre-nuptual agreement, meaning Wala kang makukuha kahit piso o karapatan sa lahat ng ari-arian ng mga Legaspi, tanging apilyido lang ni Daddy ang maaangkin mo wala ng iba. Tanging sustento lang makukuha mo, depende pa kung magkano o bibigyan pa ba kita dahil wala na ang asawa mo." Nakangisi kung marahan saad sa kanya. "Siguro naman bayad na ako sa pag-aalaga mo sa akin nuon, sobra-sobra pa nga ang naging kabayaran ko sa mga nagawa mo. Simula sa araw na ito limitado na ang magiging allowance mo. At magkasya ka kung magkano lang ibibigay ko. Lahat ng bank cards mo or credit cards mo ipapa-deactive ko na. At huwag kang makikiaalam sa amin ni Reinette at sa mga anak namin. Gagawin ko lahat ng sinabi ko hindi ako nagbibiro. So be careful Mommy Hilda." Mahabang wika kung may pagbabanta.
"Hindi mo magagawa sa akin yan, wala kang utang na loob. Nagsakripisyo ako para sa iyo." Sigaw na niya.
"Bayad lahat ng sinasabi mong ginawa mo at pagsasakripisyo mo. Ano pa ba kulang dun. Alam naman nating lahat na pera lang habol mo kay Daddy. Hindi parin malinaw kung saan lupalop ka nagmula. Pwede rin kitang ibalik kung saan ka galing. Kaya mag-iingat ka sa mga ikinikilos mo at sinasabi mo mahal kung madrasta." Mariin kung babala sa kanya. "Now leave, gusto kung mapag-isa at huwag ka ng papasok dito sa opisina ko at wala kang makikitang magpapatunay na may karapatan ka sa mga ari-arian ng mga Legaspi. At pagnatuklasan ko ang tunay na dahilan mo kung bakit against ka kay Reinette, makikita mo ang hinahanap mo." Ramdam kung meron siyang tinatago. Ang huwad na mga tao ang kasundo niya, yung mga taong walang alam gawin kundi gumastos ng walang pakundangan at hindi pinahahalagahan ang pinaghirapan ng kapwa nila. Mga taong manloloko at mapagsamantala, masasama ang ugali, tulad niya.
Ilang malalalim na buntong hininga ang pinawalan ko. Isinandal ang aking likod sa sandalan ng bangkong aking kinauupuan. Nanghihina ako sa mga nanyayari. Kung hindi lang namatay ang tunay kung ina sa panganganak sa akin, sanay may kadamay ako ngayon na uunawa sa akin at magbibigay ng tamang gabay. Alam kung sa bawat ginagawa at kinikilos ni Mommy Hilda may kapalit. Marunong naman akung tumanaw ng utang na loob, sa katunayan itinuring ko siyang tunay na ina at kahit kailan hindi ko siya ipinakilalang madrasta kundi isang ina. Bilang na tao lang nakakaalam na step-motner ko lang siya maliban sa mga kamag-anak namin. Maging si Reinette hindi rin niya alam ang totoo. Pero simula palang ng bata ako marami na akung naririning tungkol sa kanya. Lahat ng mga kamag-anak namin ayaw at galit sa kanya.
Sa ngayon ang importante sa akin ang mga anak ko at ang aking dating asawa. Ang isipin kung paano ko mababawi ang aking mag-iina. Kung paano ko maibabalik ang dati niyang pagmamahal at tiwala sa akin. Matalino si Reinette pwede niyang sabihin lahat at ikailang ako ang ama ng mga anak namin. At walang nangyari sa amin dahil mismong araw ng aming kasal nangyari ang aksidente. Marami siyang pwedeng idahilan. At mas lalong lalaki ang guwang sa pagitan namin na ayaw na ayaw kung mangyari. Mahirap pa naman siyang suyuin, sa panliligaw nga, halos inabut ako ng taon bago ko siya napasagot. Mas mahirap siyang suyuin ngayon, maging ang kanyang ina galit sa akin.
Paano nalang kung walang nurse na nakakilala sa akin paano ko malalamang may mga anak akung nag-i exist sa ibabaw ng mundo. Sa tindi ng galit ni Reinette sa akin alam kung hindi niya sasabihin ang katotohanan at mananatiling lihim ang lahat hanggang sa huling hininga ng buhay namin. Muling sumagi sa aking isipan ang mga binitiwan mga pangungusap ng aking mga anak. Ang unang pagkakataong nakita ko silang lahat ng malapitan. Ang dati kung asawa at biyanan.
"Sorry Mister we don't have a father and we don't need one. Our Mom is enough for us."
"We are a product of modern science and technology. Through artificial insemination and we don't really care who's the sperm donors is. Please stay away from us."
"Don't bother us anymore. And never touch our mother. Don't ever come near us. Please."
Napakasakit sa dibdib na marinig ang ganuon salita mula sa sarili mong mga anak. Tinatanong sa isipan kung alam ba nila ang buong katotohanan ng tungkol sa amin ng kanilang ina. Nuon ko lang sila nakaharap ng malapitan pero yon pa ang maririnig ko mula sa mga bibig nila. Hindi ko alam, matatag at matured na silang lahat. Alam nila kung saan sila nagmula at tanggap nila ang katotohanan. Buo ang loob at may kompyansa sa sarili. Pinalaki silang independent ng kanilang ina
Ang pangungulila ng isang ama sa mga anak ng mahabang panahon ay nadagdagan ng nakakalungkot at masakit na katotohanan. Naglalaro sa isipan niya kung nabasa ba ng mga anak niya ang mga agreement nila ng ina ng mga ito. Kung napanuod ba ng triples ang videos kung paano niya saktan at pagsalitan ito ng masasakit. Itatwang mga anak sila, akusahang nanlalaki si Reinette at nagpabuntis dito.
Ngayon siya ang umaani ng bunga ng malaking pagkakamali niyang nagawa kay Reinette, sa pag-iwan niya sa araw ng kanilang kasal dalawang oras matapos ang seremonya.
Paano niya susuyuin ang mga ito. Hindi naman niya pwedeng idaan sa korte ang lahat tulad ng ipinagpipilitan ng Mommy niya. Lalong lalaki ang hidwaan nila ni Reinette at ng mga anak nila. Malalaki na ang mga ito at hindi niya basta-basta makukuha ang custody ng mga anak nila. Makuha man niya ang mga ito gamit ang implowensiya at salapi hindi rin mapapanatag ang kalooban niya kung ayaw sa kanya ng mga ito. Paano kung kamuhian siya ng mga ito. Ngayon pa nga lang itinatanggi na siya ng mga ito at ayaw kilalanin bilang ama. Paano kung gumawa ng hindi maganda ang mga ito at malagay sa piligro ang buhay ng mga anak nila. Makakaya kaya niyang tanggapin. Wala na siyang naiisip na paraan kung hindi maghintay ng tamang panahon at suyuin ang kanyang mag-iina. Huwag ng pakinggan at sundin ang mga ipinapayo ng kanyang ina. Alam niyang ayaw na ayaw nito kay Reinette kaya hindi ito magbibigay ng magandang advance para mabuo silang pamilya. Pero bakit ganuon nalang katindi ang galit nito dito, kahit wala naman ginagawang masama si Reinette pilit silang pinaghihiwalay.
Ako laban sa kanilang lahat, sa dati kung asawa at biyanan, sa mga anak ko. At kahit daanin sa korte talong-talo ako. Kung nabuo sila sa insemination at hindi aminin ni Reinette sakin galing ang sperm cells. Kahit ipa-DNA test namin ang mga bata. Alam kung hindi siya aamin direktang kinuha sa aking ang sperm cells na pinunla sa kanya. Wala din record sa hospital. Walang taong magpapatunay ng lahat. Matalino siya at kaya niyang dipensahan ang sarili.
Baka isumpa rin nila ako habang buhay kung pwersahan ko silang kukunin. Ano ang silbi ng aking kayamanan kung wala sila sa aking tabi at hindi kinikilalang ama. Walang pamilyang matatawag. Walang kasama sa pagtanda.
Mga problemang gumugulo sa isipan niya at hindi makapag-isip ng maayus. Walang ibang mapagsabihan maliban kay Atty. Puruganan. Ang mga lihim niyang hindi maibulalas sa mga kaibigan. Mga lihim niyang iilang tao lang nakakaalam. Hindi rin niya pweden idaan sa korte dahil siguradong pagpipistahan siya ng mga tao at mabilis pa sa apoy na kakalat ang balita. At ayaw niyang malagay sa isang nakakahiyang iskandalo ang sarili at ang mga anak lalo na si Reinette kilala rin sa maraming lugar.
Isang plano ang nabuo sa isip niya. Hindi man siya sigurado pero kailangan niyang subukan lahat ng maisipan. Hindi siya matatahimik at hindi makukumpleto ang buhay niya kung hindi mabubuo ang pamilya niya.
.
.
.
.
.
.
.
.....................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."IronLady"....