"Huwag mo akong isama sa mga kalokohan mo Treyton. Kasalanan mong lahat ng yan. Kung pinag-isipan mo at pinakingan ang dati mong asawa nuon tulad ng sinasabi ko sa iyo di sanay masaya kayo ngayon namumuhay kasama ng mga anak ninyo. Lagi ka kasing nagpapadaig sa bugso ng iyong damdamin, inuuna mo ang galit sa pangunawa. Kung mahal mo siyang talaga dapat inunawa at pinagpaliwanag mo siya. Pinakinggan ang panig niya at hindi inakusahan kaagad at pinarusahan. Sa korte binibigyan ang akusado at nagaakusa ng karapatan upang dipensahan ang mga sarili nila, ikaw hinatulan mo agad siya ng walang alam sa tunay na dahilan. Ngayon ikaw ang nakagapos sa sarili mong konsensiya at pagsisisi. Kaya ikaw din ang magpapalaya sa sarili mo. Sa sarili mo rin pamamaraan ka makakalaya sa piitang ikaw ang gumawa. Mag-isip kang mabuti at huwag magpadalus-dalos baka hindi ka na makalapit sa kanila at hanggang tanaw ka nalang." Mahabang litanyang panenermon ni Atty. Puruganan sa kanya.
Tama siya nagpadaig ako sa galit. Hindi naman niya ako masisisi sa kalagayan ko, mahirap tanggapin sa kaalamang nabuntis siya ng walang namagitan sa amin. Hanggang yakap at halik lang nagagawa ko sa kanya nuon. Hindi kayang tanggapin ng ego ko ang nangyari sa akin bilang lalaki. Kilala ako at maraming humahanga sa akin, maraming babae ang napapapansin at halos maghubad sa harapan ko. Kinaiingitan ng mga kabaro ko, pero ngayon wala ng silbi. Kailan ma'y hindi na makukumpleto ang p*********i.
"Atty pakikiusapan lang ninyo siyang makipag-usap sa akin. Gusto ko siyang makausap kahit sandali lang. Please Atty. gusto ko siyang makausap na kaming dalawa lang." Pagmamakaawa kung pakiusap sa kanya. Gusto kung makatulong sa kanila alam kung may problema sila financially. Sa kalagayan ng anak namin babae alam kung hindi maganda health conditions niya. Mahihirapan din siyang pag-aralin silang tatlo ng sabay-sabay.
"Hayaan mo nalang sila. Nanahimik na sila at hindi kayo ginagambala tulad ng gusto ninyo. Hindi ka rin nila inoobligang hingan ng kahit ano. Ikaw ng nagsabing wala silang makukuha sa inyo kahit isang sentemo. Wala kang laban sa kanila. May kasulatan kayo, pirmado at notaryado. Paano kung itanggi niya ang lahat at sabihin ang sperm cell na ipinunla sa kanya sa sperm cells bank kinuha. Ano pang laban mo kahit lumabas sa DNA testing na anak mo nga sila wala ka parin laban at karapatan sa kanila. Common nalang ang ganyang kalakaran ngayon. Maraming mga babae na ayaw mag-asawa ang nabubuntis, may mga lalaki rin nag-kakaanak ng walang asawa, surrogate, sa pamamagitan ng insemination, at kahit may asawa pa nagagawa nila yan kung wala silang kapasidad makabuo. Marami rin paraan ng insemination, pwede karin mamili kung lalaki o babae ang gusto mong maging anak, pwede rin maging kambal or triples. Maraming kilalang sikat na mga tao ang gumawa na niyan. Matalino ang dati mong asawa at sigurado akung wala kang laban sa kanya, at huwag mong ipagmalaki ang pera mo dahil walang saysay yan sa sitwasyon n'yo ngayon ng dati mong asawa at mga anak.
Uulitin ko sa'yo, isa lang hiling niya nuon, ang mawalan kayo ng ugnayan at bawal ng makalapit sa isa't-isa. Mula sa mga pamilya n'yo hanggang sa kaibigan. Duon palang hindi mo naisip na may bagay siyang kailangan proteksyonan. Ngayon alam mo na kung bakit yun lang pinakiusap niya. Wala ka sa mga tumatakbo sa utak niya. Puro kayo pera. Pera lang nasa isip ninyo. Ang mga kayamanan ninyon ayaw ninyong mabawasan pero wala naman pinatutonguhan mabuti. Pasalamat ka nalang kung ipakilala kang ama nila. At kung hindi habang buhay kang magdurusa sa mga nagawa mong kasalanan sa kanya. Ngayon mo gamitin ang kayamanan mo para lumigaya ka at makalimutan sila. Don't make things too complicated. You just need to relax. Life is so short, enjoy your life while you are young and be happy dahil walang gumagambala sa 'yong Reinette Ocampo, tulad ng gusto mo. " Mahabang litanya niyang nagpasikip ng aking dibdib.
Ano na gagawin ko, ayaw ko naman masiraan ng loob. Tama siya mapera at maimplowensiya nga ako, magaling sa negosyo pero iba ang angkin talino niya. Wise mag-isip si Reinette ano nga ang laban ko sa kanya. Hawak niya ang lahat ng alas.
Hawak ng isang kamay ang isang tasa na may laman umuusok na paburitong kape, habang ang isa naman nakapamula sa kanyang itim na suot na trouser. Tinanaw ang malawak na siyudad mula sa salamin bintana ng kanyang opisina. Mga nagsalimbayan ibat-ibang uri ng sasakyan ang makikitang nag-uunahan sa kalsada at ang matatayug na mga gusali at hindi pahuhuli ang kanyang empire. Ang kanyang sariling gusaling itinuring niyang sagisag ng kanyang kapangyarihan at yaman, habang nagiisip ang mga dapat gawin. Papano ba niyang mababawi ang tiwala at pagtingin ng dating asawang si Reinete at ang mga anak nila. Sunod-sunod na buntong hininga lang ang pinakawalan niya ng wala siyang makapang pwedeng idahilan dito. Isa laban sa limang taong matindi ang galit sa kanya dahil sa kagaguhan niyang nagawa. Ang pagtatabuy niya dito ng hindi binigyan halaga ang kondisyon nito. Ang pagpayag niyang magkaroon sila ng mga agreement. Ngayon heto at itinatatwa siyang kilala nito sa harap ng mga anak nila.
"Hindi ako pwedeng umupo nalang at tumunganga. Tanawin sila sa malayo at baliwalain ang lahat. Hindi ko ugaling magbulag-bulagan sa kabila ng alam ko kung ano ang katotohanan. Kailangan kong kimilos, makipagtransaksyon. Kundi hinding-hindi ko na malalapitan ang aking mag-iina. Tulad ng sinabi ni Atty Puruganan ako lang ang magpapalaya sa sarili ko sa hawlang ako mismo ang gumawa. I am a good business man so, let's start with business deal. Lahat ng bagay pwedeng daanin sa trading. We have a differenct set of mind, Reinette. I know that from the very first time I met you, you have a unique talent. If you are smart about dealing with something or someone, so am I." Kausap niya sa sarili.
May kaba man sa dibdid sa mga tumatakbo sa isip niya pero kailangan niyang makipagsapalaran para sa mag-iina niya. Subaybayan ang mga ito. Alamin ang kahinaan ng kalaban. Humanap ng paraan upang pabagsakin ito. In business kailangan mo ng maraming public ads para makilala at tangkilikin ang produkto mo. Dito kailangan quiet ka lang, dapat walang ingay. Walang announcement displays.
"So, work hard to win-win the situation. Giving good benefits is my first step. I will do everything to get you back Reinette, together with our triples." Mga katagang ilang ulit niyang binibigkas sa kawalan habang pinaiikot-ikot ang kinauupuan swivel chair at malalim na nagiisip.
*
******
*
Samantala habang naghahanda ng kanilang hapunan ang mga Ocampo. "Ano na ang plano mo ngayon nalaman na ng dati mong asawa ang tungkol sa mga anak ninyo? Malaking gulo na naman ang hatid nito sa inyong mag-iina. At maging ang kanyang madrasta nakikialam din." Nag-aalalang tanong ni Mama. Baka daw gumawa ito ng hindi maganda at sapilitan kunin ang mga anak ko. Pero marami akung pwede idipensa para hindi niya makuha isa man sa aking anak.
"Huwag kayung mag-alala Mama alam ko kung anung gagawin ko. Wala silang karapatan lapitan sino man sa atin. May agreement kami. Nagpadala narin sa kanila ng warning notice ang abogado ko galing sa korte. Wala din siyang makukuhang ibidensiyang sa kanya direktang galing ang mga anak ko." Saad ko. Kahit mapatunayan pang anak nga niya ang triples kung wala naman nangyari sa amin paano niya sasabihin anak niya ang mga anak ko. Hindi natural at walang penetration or intercourse na nangyari sa amin. Maraming pwedeng pagkunan ng sperm cells ng lalaki para maipunla sa babae, kahit mapatunayan pang magka-match sila.
"Mommy he looks like Kuya Raijan." Singit ni Reila. Sa unang pagkakataon personal niyang nakita ng malapitan si Treyton. Kilala nila kung sino ang kanilang ama. Nakita nila sa taguan ni Mama ang wedding album namin. Alam din nilang naaksidente ito ilang oras mapatapos ang aming kasal. Wala akong maitatago sa mga anak ko maliban nalang sa tunay na nangyari sa amin sa mansion ng mga Legaspi bago ako pinalayas.
Kahit anung mangyari, masama man o mabuti at kahit sa ano mang paraan sila nabuo iisa ang kanilang ama, mula sila kay Mykel Treyton. Gaano man ito kasama ama parin nila ito.
"Yeah, he look like his Dada." Nangaasar din usal ni Reid.
"Yes, we look aliked our Dada Reila." Naguuyam din ngisi ni Raijan sa kapatid dahil silang dalawa ang kamukhang-kamukha ng kanilang ama. Alam nila ang totoo kung paano sila nabuo, kung saan sila nagmula, pero limitado lang nalalaman nila dahil ayaw kong magtanim sila ng galit sa kanilang ama. Ang away namin ni Treyton para lang sa amin dalawa at hindi kasama ang amin mga anak. Dipende na sa mga anak ko kung paano nila huhusgahan ang kanilang ama kung malaman nila ang buong katotohanan.
"Lahat kayung tatlo kumuha ng mukha sa kanya maging ang kulay ng mga mata ninyo nakuha n'yo sa kanya, kaya huwag na kayung mag-asaran." Awat ko sa kanila. "Kaya nga ibinigay ninyo sa kanya ang gitara n'yo dahil gusto n'yo siyang makilala. Pero hindi pa sa ngayon, bawal pa silang lumapit sa atin, ayaw kung madamay kayo sa ayaw namin." Dagdag ko pa. Alam kung nauunawaan nila ako, alam ko rin sabik sila sa aruga at pagmamahal ng isang ama. Naiingit din sila sa mga kakilala at classmates nilang kompleto ang mga magulang. Pero malaki ang kasalanan ng kanilang ama sa akin paano kung mahina ako baka hindi rin nila nasilayan ang mundo. Kaya dapat lang magdusa siya para maramdaman niya kung gaano kasakit ang ipagtabuyan at laitin. Ang pagbuhatan ng kamay at akusahan ng kung anu-anong hindi ko ginawa. Pagbayaran muna niya ang pananakit na ginawa nila sa akin.
"It's alright po Mom, he's already married again to an ugly duckling woman." Ngisi pa ni Reid. Mukhang ako naman inaasar nila.
"Mommy hugs him so tigh."
"Yeah, I saw them. He like a hungry crazy dog." Sambut din ni Reijan. "That's why I bullied him earlier, I stepped on his foot really hard." May pagmamalaki na niyang wikang nakangisi.
"Mommy slapped him too." Singit din ni Reid
"Ohh.. Why? That's embarrassing, I"m pity him." Saad ni Reila. Mukhang maka-ama siya, lagi niya itong tinatanong kung anong gustong kinakain ng kanyang ama, kung ano mga pabito nitong kulay at lugar na pinupuntahan."Mom is a bully too, isn't she."
"Stop bullying each other, kumain nalang kayo ng maayus para matapos na at makapagpahinga na kayo." Awat narin ni Mama sa kanila dahil nagtatawanan na sila sa mga kalokohang sinasabi. "Bukas may online check up ka pa sa Doctor mo Raila, mabuti na yung namo-monitor natin ang kalagayan mo para alam natin kung anung gagawin." Dugtong pa ni Mama kaya natahimik na sila. Ayus na ang kalagayan ni Raila, antibiotics at vitamins nalang iniinum niya, pero kailangan parin namin mag-ingat dahil hindi pa 100% itong magaling at may posibilidad parin daw bumalik ang sakit niya kung mapapabayaan. Nagpapasalamat din ako at nagbunga ang mga patitiyaga at sakripisyo namin para maipagamot siya.
Hindi ko kailangan iwasan siya, liliit ang mundo ko kung gagawin ko yun. Kailangan kung magtrabaho para sa mga anak ko. Ayaw kung nasasayang ang aking oras ng nakatunganga lang. Malaki ang pangangailangan namin ng mga anak ko, tatlo sila at nagsisipag-aral lahat. At wala akong panahon para sa mga taong walang alam gawin kundi manggulo.
"Miss Ocampo, Mr. Gauthier has been looking for you for a while now. He said, you should report to his office immediately." Ani isang hotel staff pagpasok ko palang sa lobby ng hotel.
"Ok, thank you. I'm going." Tanging naging tugon ko kahit nagtataka kung bakit ako hinahanap ng aming General Manager. Pwede naman niya akung tawagan sa cellphone ko kung may importante siyang sasabihin sa akin. Baka may dumating na notice at pinababalik na ako sa London kahit hindi pa tapos ang aming bakasyon.
Naguguluhan man sa naiisip nagtuloy parin siyang naglakad patungo sa opisina ng kanilang General Manager. Tatlong warning knocks ang ginawa niya bago pinihit ang doorknob.
"Good morning sir. Are you looking for me?" Bati niya dito pagpasok.
"Come in. Have a sit." May pagmamadaling utos nito sa kanya, matapos hubarin ang reading glasses nito at ilang beses pang ikinurap-kurap ang mga mata.
"Thank you sir. Is there a problems sir with our guests?" Nanantiya kung tanong dahil wala naman akung alam na dahilan kung bakit niya ako hinahanap.
"The Chairman called me earlier. He said, he transferred you here, so you will be working here starting monday. You will no longer go back to London to work there Miss Ocampo. Mrs. Graham took your place in London." Diretsong wika niyang nagpamulagat sa aking mga mata. Gusto kung magprotesta sa mga sinabi niya pero wala akung karapatan dahil ang CEO na daw nag-utos.
"But, Sir my daughter's need to visit her doctor personally." Reklamo ko parin. Alam niya ang kondisyon ni Reila. Isa siya sa natuwa ng ipadala ako sa London noon dahil maipapagamot ko na daw ang aking anak.
"I have nothing to do Miss Ocampo. That is the Chairman's order. And we will follow his orders. However, you will receive compensation according to them." Saad niya.
Bagsak ang balikat na lumabas ng opisina ng kanilang Gen. Manager si Reinette. Wala naman talaga silang magagawa kung ang utos ay galing mismo sa may-ari ng hotel. Mabait ang kanilang CEO pero pagdating sa trabaho very strict ito at ayaw ng pinangungunahan. Mahirap din mawalan ng trabaho.
Kailangan kung tanggapin kung ano disisyon nila, wala naman masama kung dito na ako ia-sign, ang inaalala ko lang ang aking anak, ang pagpapa-check up niya.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
...thanks much......lrs..
....."IronLady"....