Episode - 22

2476 Words
Nakapamewang siyang hinarap ako. Akala mo may lakas pang ibubuga. "Hindi pa ba sapat na pinagtabuyan ka ng aking anak, pinalayas ka na namin. Dapat sa iyo mulayo na at huwag ng magpakita sa amin. Wala kang kwentang babae imoral!" Hiyaw niyang muli at kumukumpas ang isang kamay sa ere. Luminga ako sa aking paligid, maging ang mga shoppers napahinto sa lakas ng boses niya. "Wala ho akong ginagawang masama sa inyo. Hindi rin totoo ang mga ibinibintang ninyo sa akin. Hindi rin ako nakikipagkita o nakikipaglapit sa inaangkin ninyong anak. Lahat ng napag kasunduan sinusunod ko, kayo ang lumalabag sa agreement. Isa pa hindi ko naman alam na nandito rin kayo. Hindi ko rin kayo papansinin kong makita ko man kayo. Please baliwalain nalang inyo ang presensiya ko ganun din gagawin ko para walang gulo. Nakakahiya matanda na kayo pero gumagawa pa kayo ng iskandalo." Malumanay kung saad. Ayaw kung makagawa ng gulo, dahil kasama ko ang mga anak ko at si Mama. Kagagaling lang niya sa sakit. Makakasama sa kanya ang pagbabago ng kanyang pakiramdam baka malagay siya sa alanganin pag nabigla siya. "Who are you and what are you talking about old lady?" Mariing asik ni Reijan. Don't you ever dare accuse our Mom without knowing the truth." Singhal din si Reid. "Huwag n'yo akong mainglish-english mga bastardo." Hiyaw niya sa mga anak ko. "What? We're not! Old woman witch. Ugh." Singhal muli ni Reijan dito. "Don't make embarrass your self in public. "Do you want to know what we know witchy-witchy old woman. Do you want to hear a story of a witchy woman selling her body and blackmailing a multi-millionaire man." Mrs. Legaspi was shocked, when she heard that word come from Reid, she was frightened that she dared not say a word. - .."We know who you are? Our Lola knows you well." Mrs. Legaspi held back her anger until her face turned red. Maging ako napatingin sa mga anak ko, para silang malalaking tao kung magsalita. Kamakailan lang naikuwento ni Mama ang tungkol kay Mrs. Legaspi, ang naging buhay nito nuon kabataan nila, marahil yun ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. Ang sekreto ng kanyang pagkatao na ayaw na niyang balikan at ibinaun na niya sa hukay. - "Are you happy that we found the truth? Isn't that great? Huh!" Nangaasar pang asik ni Reijan - "If you had kept quiet nothing would have been revealed about your stinky past. So stop harassing us. We're not bothering you, I hope you do the same if not, you will end up in a lot of shame old woman." Reid even threatened her. Mrs. Legaspi would just embarrass herself if she continued talking. Pero wala siyang pakialam dahil banta ang mga ito sa buhay niya kung magkakabalikan sila Reinette at Mykel lalo na ngayong may mga anak na ito, kamukhang-kamukha ni Mykel ang isang batang lalaki sa kanyang harapan. Mabubunyag ang tunay niyang pagkatao at yun ang ayaw niyang mangyari. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan, kaya lahat ng taong may kaugnayan sa nakaraan niyang buhay tinalikuran niya. Mga taong nakakaalam ng madilim niyang nakaraan. "Mga hayop kayo manang-mana kayo sa kahayupan ng inyong malanding ina. Tunggayaw niya ng makabawi. "Yan bang itinuturo mo sa mga anak mo, hah?" Sigaw niyang muli kay Reinette. "Anyone here can bear witness to who was first to make rude remarks? Do you think everyone here is blind and deaf. Do you want to expose all of your dirty deeds old lady.?" Pagbabanta na dito ni Reijan. "Mga walang modo, palibhasa sa kalandian lang magaling ang inyong ina, kaya walang maituro sa inyong maganda." Nanggagalaiti niyang sikmat sa aking mga anak. Reinette narrowed her eyes slightly maging mga anak niya nadadamay na sa gulo. "Ano bang ikinagagalit ninyo sa amin at maging ang mga anak ko idinadamay mo sa galit mo sa akin. Subukan n'yo pang pagsalitaan ng hindi maganda ang aking mga anak at makikita ninyo ang hinahanap n'yo." Mariin ko ng singhal nakakawalang respeto ang taong tulad niya. Ibang usapan na kung idadamay pa niya ang mga anak ko. Baka hindi ako makapagtimpi at makalimutan kung matanda siya sa akin ng di hamak. "Bakit ano bang pinagpuputok ng butsi mo at galit na galit ka sa aking anak at maging sa mga apo ko. Ano bang nagawa nilang kasalanan sa'yo at kung anu-anong pinagsasabi mo sa kanila. Kung galit ka sa kanya sabihin mong ikinagagalit mo at huwag mo siyang pagbitangan ng kung anu-anong hindi naman niya ginagawa. Wala kang ibidensiyang ginawa niya ang mga sinasabi mo. Malakas lang loob mong magsalita dahil alam mong hindi ka papatulan ni Reinette. Ako ang harapin mo at sa aking mo sabihin ngayon ang mga ibinibintang mong walang katotohanan." Isang boses mula sa kanilang likurang ang pumailanglang. Nakapamiywang itong pumagitna sa kanila at handang ipagtanggol ang anak at mga apo. Kumukumpas din ang isang kamay nito sa harapan ni Mrs. Legaspi. "Bakit! Hindi ba totoo naman malandi ang anak mo at akung sinu-sinong lalaki ang inaakit niya para makapaminwit ng mayamang lalaki. Kaya kaagad niya niyaya ng kasal ang anak kung si Mykel dahil alam niyang mayaman ito. Tanging pera lang ng mga Legaspi ang habol niya sa amin. Mukha siyang pera, ginamit niya ang katawan ni....." Dalawang sunod na malalakas na sampal sa magkabilang pisngi ang nagpatigil sa mga sasabihin pa sana ng Nanay ni Treyton. At halos mabuwal ito. "Mamaa!" Hindik kung bulalas ng makitang bumiling ang mukha ni Mrs. Legaspi sa lakas ng pagkakasampal niya dito. Sa di kalayuan napahinto rin si Treyton ng masaksihan ang pangyayari. "Lolaaa!" Halos magkapanabayan pang bigkas ng triples. "Huwag mong ibintang sa anak ko ang mga ginagawa mo Herminigilda. Baka nakakalimutan mong sa basurahan ka lang nanggaling. Isa ka lang naman maduming babaeng binihisan ng naging asawa mo yumabang ka na. Pero kahit anung gawing mo, nakatatak na sa pagkatao mo ang nakaraan mo. Kaya huwag kang magmalinis dahil isa kang putik. Sa mabahong pusali ka hinango ng Ama ni Treyton kaya nagmukha kang tao. Ngayon ka lang nakahawak ng salapi pero kung umasta ka akala mo kung sino ka na. O baka gusto mong ipa-alala ko pa kung paano mo binlackmail ang naging asawa mo. Hindi ba nagpanggap kang nabuntisan ka niya kaya napilitan siyang pakasalan ka kahit hindi naman totoo, dahil kahit kailan hinding-hindi ka na mabubuntis, hindi ka na manganganak. Nasira na ang matres mo sa dami ng iba't ibang uri ng mga contraceptive na ginagamit mo, at ilang beses ka rin nagpa-abort. Gabi-gabi hindi lang isa o dalawang lalaki ang naglalabas sayo sa club na pinagtatrabahuhan mo. Ngayon sabihin mo sakin kung sino ang malandi. Ayaw ko na sanang ungkatin ito dahil ang akala ko nagbagong-buhay ka na, pero sa ginagawa mo sa aking anak mas lumala ka pa sa dati mong ugali. Yumabang ka na nagkapagsuot ka lang ng mamahalin mga damit at alahas akala mo kung sino ka na kung umasta." Tunggayaw ni Mama. Kita ko sa mukha ng dati kung biyanan ang pagkapahiya. Halata ang pamumutla siya sa kabila ng makapal niyang make up na komo-cover sa mga piligis niya sa mukha. "Ipapaalala ko sa iyo kung sino ka at kung anong uring trabaho meron ka nuon para matauhan ka, isa ka lang dating prostitute Herminigilda, sa isang barung-barong sa squatter duon sa ilalin ng tulay ka lang nakatira, baka nakakalimutan mo pinagmulan mo. Isa ako sa tumutulong sa iyo noon. Kaya wag mong baliktarin ang katotohanan. Ikaw ang mukhang pera!" Hiyaw ni Mama. May kaba sa aking dibdid na nilapit si Mama. "Mama tama na baka makasama sa inyo ang magalit, kagagaling lang ninyo sa sakit. Hayaan na natin sila. Wala rin naman mangyayari kahit ibilad pa n'yo siya sa katotohanan. Iba na ang buhay nila ngayon kumpara noong kapanahunan ninyo." Bulong ko pa at pilit siyang hinihila. "Bakit totoo naman sinasabi kung gold digger ang anak mo at maging ang mga anak niya sa ibang lalaki ginagamit niya para perahan kami. Mukha siyang pera. Pinag-iiteresan niya ang kayamanan ng mga Legaspi. Kaya hindi ako papayag na makalapit kayo sa pamilya ko. Mga mukhang pera!" Naghihisterekal na sigaw ni Mrs. Legaspi. Kaya muli na naman umigkas ang mga kamay ni Mama at sunod-sunod na inundayan ng sampal sa mukha ang dati kung biyanan, natumba ito sa makintab na flooring na tiles. Tutop din nito ng isang palad ang kabilang pisngi, ang isang kamay naman nakahawak sa kanyang balakang. Pero hindi dun natapos dinuro-duro parin ito ni Mama. "Ikaw ang mukhang pera, galit na galit ka sa anak ko dahil alam na alam ko ang baho mo, natatakot kang mabulgar ang madilim mong nakaraan. Kung nanahimik ka lang sana di sana'y nanahimik din ako. Palibhasa ikaw ang mukhang pera. Pera lang mahalaga sa'yo, para makaahon ka sa pusaling kinasadlakan mo!... Gusto mo talagang ipagsigawan ko sa lahat kung sino ka, isang walang delikadesan babaing nagbebenta ang aliw sa gabi." Mariing singhal na sigaw ni Mama dito. Ngayon ko lang nakita si Mama na nagalit ng ganito, kilala ko siya bilang isang ina at asawang kalmado kung magsalita at laging may pangunawa. Namumula rin siya sa galit na labis kung ipinag-aalala. Marami narin tao sa paligid namin ang nakikiusyoso. Yabag ng sapatos ang nagmamadaling dumaan sa tagiliran ko, koyum ang kanyang mga kamaong mariing humawak sa isang braso ng kanyang ina. "Mga walanghiya ang mga yan, Mykel idemanda mo silang mag-ina ipakulong mo sila. Nakita mo ginawa nila sa akin pinagtulongan nila ako. Ipakulong mo sila para wala ng salot dito. Tumawag ka ng pulis." Naghihistekal niyang tungayaw na utos kay Tryeton. -..Salot ka! Salot kayong mag-iina sa buhay ko..!" "That's enough Mommy Hilda. Wala kayong kahihiyan talaga, dito pa kayo gumawa ng iskandalo kung alam ko lang ganito ang gagawin ninyo hindi ko na sana kayo sinama dito." May diing wika ni Treyton at hinila ito patayo. "Ma..mamaaa.!" Halos maghisterekal ako sa pagsigaw ng makita siyang tinukop ng dalawang palad ang kanyang kaliwang dibdib. "Lolaa!" Napalingon ako kila Reinette ng marinig ang naghihisterikal niyang boses. Halos nakasalampak na siya sa ground kalong ang kanyang ina. Agad kung binitawan ang braso ni Mommy, mamalaki ang hakbang na nilapitan sila. "What happened? Dalhin na natin siya sa hospital." Kaagad na saad ni Treyton nang makalapit siya sa amin at walang babalang pinangko niya si Mama na halos idagan na sa aking ang katawan niya kaya wala akung nagawa kundi sundan siya. Hawak-hawak ko lang sa isang kamay si Mama at umaalalay sa kanila. Kasunod rin amin ang aming triples. Wala silang kibong tatlo, kita sa mukha nila ang labis na pag-aalala sa Lola nila. "Mama relax lang kayo dadalhin namin kayo sa hospital. Hinga lang kayo ng malalalim, at huwag kayong matutulog." Utal na bigkas ni Treyton habang malalaki ang kanyang hakbang at halos tumakbo na siya papalabas ng mall. Alam kung nabibigatan siya kay Mama. Marami rin mga taong sinusundan kami ng tingin ang iba naman lumilihis at nagbibigay daan sa amin. "Sa kotse ko nalang siya isasakay kami na magdadala kanya sa hospital." Sambot ko ng makalabas na kami ng gusali. "Mas malapit yata ang sasakyan ko dun nalang kayo sumakay para mas madali natin siyang madala sa hospital." Tugon niya. "Take the key from my pocket!" Agad niyang utos nang makalapit kami sa kanyang sasakyan. Wala naman pagdadalawang isip na agad kinapkap ni Reijan ang bulsa ng jacket na suot ni Treyton. Ito narin ang nag-unlock at nagbukas ng pinto ng sasakyan nitong isang black Hummer Mercedes-Benz G-class. Ang paborito nitong sasakyan na laging kung nakikitang gamit niya. "Ikaw ng mauna Reinette kandungin mo nalang si Mama para maalalayan mo siya. "Get in kiddos!" Nagmamadali niyang utos, halos tumakbo narin siya kumabila sa driver seat matapos niya maiayus sa kandungan ko si Mama. Inabot din niya sa aking ang isang bote ng mineral water para ipaimun kay Mama. Sunod-sunod na malakas na busina ang kaagad niyang ginawa, ilang security guards din ang umalalay sa sasakyan namin para makalabas kami sa parking area. Kaagad din niya pinasibad ito ng takbo habang walang tigil sa pag-busina, nakasindi rin lahat ng ilaw ng kanyang sasakyan. "Emergency!" Sigaw niya sa hiway patrol group na nadaanan namin, kaya umalalay narin ito sa amin patungong hospital ng makita ang lagay ni Mama. "Mama wag kang matutulog. Malapit na tayo sa hospital." Humihikbi kung usal ng makita siyang pumipikit. Magaan ko rin hinahagod ang kanyang dibdib. "Lola be strong po." Usal din ni Reila nakahawak siya sa isang kamay ng Lola niya. Wala ng nagsasalita, tanging ang huni lang ng sirena ng police patrols ang maririnig. Pag-ingit ng gulong ng sasakyan ni Treyton ng huminto ito ang indikasyong nasa hospital na sila. Mabilis at nagmamadali rin lumabas ng sasakyan si Teryton kasunod ang mga triplets. Siya narin ang nagbuhat at nagsakay sa stretcher sa dating biyanan. "Hurry up, it's emergency." Maawtoridad nitong utos sa mga nurses na sumalubong sa kanila. Katulong din itong nagtulak sa kinahihigaang stretcher bed ng dating biyanan. Nakaalalay naman ang triples sa kanilang ina nakasunod din kay Treyton. "Dito nalang po kayo Sir, di na po kayo pwedeng pumasok sa loob." Harang ng isang nurse kay Treyton. "Ano bang nangyari bakit parang hirap ba hirap huminga si Mama? May sakit naba siya?" Tanong niya nakapamulsa ang isang kamay sa suot na pantalon habang ako nama'y palakad-lakad at hindi mapalagay sa tapat ng emergency room. "More than two weeks palang nakalabas ng hospital ni Mama dahil sa paninikip lagi ng kanyang dibdib at hirap sa paghinga. Mataas din ang kanyang blood pressure. Ang finding ng health examine niya is Mild cardiomegaly, meaning that her heart is little bigger than normal size." Anikong pagtatapat sa kanya. Malalalim na paghinga naman ang kanyang pinakawalan. Simula nuong naging boyfriend ko siya Mama na tawag niya kay Mama kaya hanggang ngayon matagal na kaming hiwalay tinatawag parin niya ito ng Mama. "Just calm down and relax maayus din ang lahat. Prayers lang makaka-survive din si Mama sa panganib. Hindi ka dapat mataranta dahil mawawalan ka ng concentration sa dapat mong gawin, hindi ka makapag-iisip ng maayus. At baka maging ang mga bata panghinaan ng loob sa nakikita nila sayo. Andito lang ako aalalayan ko kayo, at huwag ka ng tumutol dahil hindi ko kayo iiwan kahit magalit ka pa sakin ngayon. Alam kung malaki pa ang galit mo sa akin pero sana maunawaan ko ako kung bakit ko nagawa yun. Hindi rin ito ang oras para mag-away tayo at magsumbatan sa nakaraan. Kadamay mo ako, kakampi niyo ako." Mariin niyang anas kay Reinette. "Maupo ka nalang muna at hintayin nating lumabas ang doctor." Dagdag pa nito, inalalay siya paupo sa bench. "Kukuha lang ako ng maiinum n'yo." Ani pa ni Treyton. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD