Episode - 20

2531 Words
Mataman ko lang pinakatitigan ang lalaki sa harap ko, hindi ako maaaring magkamali siya ang isa sa mga hurado sa huli kong sinalihan beauty contest. Ang supladong lalaki, ayun sa babaeng MCEE a younger ilite business man daw. But this man in front of me has arrogance. "Remember me? ..Do you recognized me now, I'm one of the judges in the beauty contest you participated in. Mykel Treyton." Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. I just looked at him. 'If this man lost his mind?' On my thought. "Yes, I remember you Mr. Legaspi, why are you here? I hope you didn't bother bringing flowers." Usal ko at hindi pinansin ang nakalahad niyang kamay, hindi ko rin pinagaksayahan tingnan at amuyin ang mga bulaklak na bigay niya sa akin tulad ng pag-snob niya sa akin noong gabi ng parangal. "Sorry to say this but, I think you have the wrong place. Mr. Legaspi." I said straightforward. Treyton raised an eyebrow and give me a sweet smile, as if he was really enjoying what he see. "It's just a small thing... Call me Mykel or Treyton my mother and some of my relatives call me Mykel, it's up to you which of the two names you prepare to use. As long as you utter my name, I'm happy." Hindi ko na siya pinansin at inayus ang mga librong dadalhin ko sa faculty room. I taking a deep breath and I picked up the books. "Let me help you." Agad niya kinuha sa kamay ko ang mga libro. "Will you take it home?" "No, I'll take these to our faculty room." Tipid kung tugon. Mula noon nagsunod-sunod na ang pagdalaw nito sa kanya, sa eskwelahan at bahay at halos ayaw na nitong umuwi. Wala narin itong body guard at driver na kasama. She went back to the present from her deep thoughts when her phone rang. She immediately looked at the caller ID. "Hello! Attorney, good morning." * ********** * May ngiti sa mga labing nakaupo sa kanyang executive chair si Treyton nakade-kwarto ang binti habang bahagyang pinaiikot-ikot ang kinauupuang bangko. Nakaharap sa kanyang laptop ngunit malayo ang nilalakbay ng kanyang isipan, banayad na hinihimas ng mga daliri ang baba. Ilang buwan na ang nakakalipas at sa palagay niya successful ang first moved niya. Tahimik at walang siyang naririnig mula sa kampo ng dating asawa. At lalong hindi mahirap bigyan ng scholarship ang triples. Alam niya ang private school na pinapasukan ng mga anak, isang salita lang niya pasok ang mga ito sa scholarship programme na siya ang mag-i-sponsor. Mula sa libro hanggang tuitions fee. Kailangan niya ulit bumuo ng bagong plano para sa scholarship ng triples. Alam na alam niyang mahihirapan si Reinette sa pagpapa-aral sa mga anak nila. Mahirap ang solo parent at kahit may kalakihan ang sweldo nito mahihirapan parin ito. Sa pagpapa-aral man lang makatulong siya dito. Malalim na napabuntong hininga si Treyton, kung totousin maliit na bagay lang ang maibibigay niya para sa mga anak. Kung pwede lang walang pagdadalawang isip ibibigay niya lahat ng gusto ng mga ito. Pero mahirap kausapin ang dating asawa, suko hanggang langit ang galit nito sa kanya. Wala na siyang makitang pagmamahal dito, matatalim na ang mga mata nito at walang ng mababakas na pag-ibig dito. 'Kasalanan kung lahat ng ito kung bakit ako ngayon nagdurusa ng ganito' Bulong niya sa kawalan. Kung pwede lang niyang kunin si Reinette para sa mga hotel nalang niya ito magtrabaho, gagawin niya, bibigyan niya ito ng malaking sweldo, ngunit alam ng dating asawa ang mga hotel nila at hindi ito basta-basta malilinlang. Tatlong sunod-sunod na katok sa pinto ng opisina ko ang aking narinig. Hinintay kung sino ang papasok. "Sir, Excuse me. Atty. Sandival wants to talk to you." Bigay babala ng aking secretary kaya napakunot noo ako, at may kabang bumundol sa aking dibdib, nagtaas ng ulo. 'Anong kailangan niya sa akin?' "Let him in." Tanging lumabas sa aking bibig. Hinintay ang pagpasok niya. "Good morning Mr.Mykel Treyton Legaspi." Bungad niya paglapit sakin. Tumayo ako at inabot ang nakalahad niyang kamay. Sa porma at tindig niya pinahihiwatid ang pagiging dignified at may kompiyansa sa sarili. Halos di rin nagakakalayo ang aming taas at edad. Ilang beses ko na bang narinig at nabasa ang tungkol sa kanya, sa murang edad hindi na mabilang ang mga kasong hinawakan niyang naipanalo. Pero may mga bulong-bulongan din failed ang married life niyang tulad ko dahil iniwan siya at sumama daw sa isang milyonaryong matanda ang kanyang asawang sikat na modelo at dating starlet. Talagang hindi lahat ng bagay mapapasa-iyo kahit magandang lalaki ka pa at mayaman. "Atty. Aaron Sandival. Legal counsel of Miss. Reinette Ocampo." Agad niyang saad. "Please have a seat Atty.?" Tugon ko kahit may konting idea na ako kung bakit niya ako sinadya. "I'm not beating around the bush Mr. Legapis, I know you have a lot of work to do, and I don't want to bother you to much. I'm here on behalf of my client Miss Reinette Ocampo. I know you know her. I know, you know why I am here, don't you? Nananantiya niyang wika. "At alam kong alam mo kung anung pinunta ko dito. Alam mo rin bang maaari kang sampahan ng kaso ng may ari ng hotel sa mga ginawa mo, maging lahat ng taong kinasabwat mo, dawit." May diin niyang turan. "Mabuti ang intensyon ko Atty. Walang masama dun. Nagmamagandang loob lang ako sa kanila. Alam ko rin alam mo kung ano ako sa buhay ni Ms. Ocampo." May diin kung saad kahit alam kung may mali talaga sa ginawa kong pakikipag-sabwatan sa mga staff ng hotel. Yun lang kasi naisip kung paraan para makatulong sa kanila. Alam kung hindi tatanggapin ni Reinette kung harap-harapan akung magbibigay ng tulong sa kanila ng mga bata. Kahit nahihirapan siya kinakaya pa rin niya. Hindi siya yung taong mahilig umasa sa kapwa. Tinatanong kung bakit nalaman niya ang lahat. Sino ang naghudas. Iniisip kung hindi ba sapat ang ibinabayad ko sa kanila. At kung malalaman ko kung sino siya, mananagot siya sakin. "Pero may mga written agreement kayo, pirmado mo at notaryado ng iyong abogado. Pwede ka parin makasuhan, kayo ng mga tao. Labag sa batas ang ginawa mo. Paano kung malaman yun ng pamunuan ng hotel. Matatangal sila sa trabaho lahat at baka kasuhan din sila ng pakikipagbaswatan. Kawawa naman sila, may pamilya din silang umaasa sa kanila. Negosyante ka at ayaw mo rin sigurong mangyari yan sa kompanya mo." May nakakauyam niyang ngising turan, habang kinukutingting niya ang kanyang attaché case. Inilabas niya ang may kaliitang mga brown envelopes at inilapag sa harapan ko. "Ito ang katibayan gumawa ka ng labag sa batas. I warn you Mr. Legaspi, sa susunod na gagawa ka pa ng maling hakbang sisigurohin kung hihimas ka na ng kalawangin bakal na rehas. At kung pwede huwag mo ng lalapitan at pakikialaman ang mag-iinang Ocampo. Wala kang karapatan sa kanila. Iwasan ninyong mag-ina ang mga Ocampo, wala silang ginagawang masama sa ninyo, nanahimik sila. Ikaw at ang iyong ina ang mapaggawa ng iskandalong nakakasira sa imahe ninyo. Kaya kung may natitira pa kayung mag-inang kahihiyan pwede ba layuan n'yo na ang mga Ocampo bago mo pa pagsisihan ang mangayayari sa hinahaharap." Litanya niyang may pangbabanta. "Sa agreement ninyo malinaw na nakasaad dun na hindi ka magbibigay o' walang matatanggap na kahit ano, pera man o' kahit anong bagay ang pamilya ng Ocampo mula sa mga Legaspi. Kaya huwag ka ng magpagod at magaksaya ng salapi mo dahil mabubuhay sila ng maayus ng wala ka. Matuto sana kayong mag-inang tumupad sa mga sinumpaan nyong pangako Mr. Legaspi, may kaakibat na parusa ang sino man lalabag dito, kung hindi sisiguruhin kung nanangot kayo sa batas." Wala akung maikatwiran sa mga pinagsasabi niya. Maging si Mommy nasasama sa mga binabantaan niya. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon nag-iinit parin ang dugo niya sa tuwing maririnig ang pangalan ni Reinette. Ano ba ang dahilan at kahit ilan beses ko na siyang pinagbawalan pilit parin niyang inaaway ang mga ito, kulang nalang sugurin niya sa tinitirhan bahay sila Reinette. "This is your last warning Mr. Legaspi. At lahat gagawin ko para ipagtanggol ang aking kliyente at sisigurohin kung makukulong kayo ng iyong ina. If I we're you I would avoid them. Bigyan ninyo sila ng katahimikan at huwag na huwag lalapitan. Yang ang nakalagay sa agreement n'yo Mr. Legaspi baka nakakalimutan mo, o baka gusto mo pang ipaalala ko sa'yo ang lahat ng detalyeng nakasaad. I have a copy of your agreement. Do you want to see?" Mariin niyang wika. Ilang beses lang akung umiling, alam ko naman meron siyang kopya, abogado siya at sinisiguro niyang kompleto ang lahat ng detalye, simula umpisa hanggang ngayon bago niya hawakan ang isang kaso. "There is no need. I have my own copy. Hindi ko naman sila ginugulo. Hindi naman siguro masamang tumulong sa kapwa Atty.?" Sambut pa niya, at walang ganang isinandal ang likod sa kanyang swivel chair. "Depende sa taong tutulongan mo Mr. Legaspi. At huwag na huwag mo ng ipilit ang mali. Ikaw narin nagsabing wala silang makukuha mula sayo at sa buong angkan mo kahit isang centemo. You will not give them help. Therefore, just keep your money, and don't waste to them. They don't ask you for money. Hindi ka rin nila ginugulo, kayo lang mag-ina ang gumagawa ng gulo. Siguro naman nakakaintindi ka ng isang salita. Sayang lang ang galing mo sa negosyo kung wala ka naman palang pangintindi. Simple logic hindi mo maintindihan. Tanggapin mo nalang ang katotohanan ayaw na niya sa iyo. Itinapon mo na siya, kaya kung may pumulot man sa kanya wala ka ng pakialam dun, ang tanging magagawa mo nalang ang iwasan sila at magpanggap na di kilala." Mahabang litanya niya. Inayus at isinilid ng lahat ng gamit niya sa kanyang briefcase. "Just leave them alone, problem solve." Dugtong pa niya bago ako tinalikuran at tuluyan lumabas ng pinto. "Pumulot?" Usal ko at ng ma-realize ang ibig niya ipakahulugan. "Damn!!.. Don't you ever dare to snatch her away from me. You might see hell in no time. Try me Sandival. Reinette is my wife, the mother of my children, and she only belongs to me. She's only mine, mine alone." Mariin kung usal sa kawalan. Dagdag problema ko pa siya ngayon. Bakit nga ba ngayon lang siya nabuhayan ng loob kung kailan nakaalis na ang abogado. Mas lalo niyang kailangan bantayan si Reinette ngayon dahil may aahas na ditong iba. At hindi maitatangging magandang lalaki rin ang abogado. Hanggang ngayon ilang oras ng nakaalis ang abogado. Tinatanong ko parin kung bakit nalaman niya ang lahat. Sino ang naghudas. Iniisip kung hindi ba sapat ang ibinabayad ko sa kanila. At kung malalaman ko kung sino siya, mananagot siya sakin. Sadya lang bang maparaan si Reinette at lahat natutuklasan. O baka kaya binabantayan din niya ako, at lahat ng mga galaw ko nalalaman niya. "Iba ka talaga Reinette. Lalo mo akung pinahanga sa iyong katalinuhan mahal kung Reinette. Ano pa ba ang pwede kung gawin na hindi mo ikagagalit, para mapatawad mo na ako." Bulong niya sa hangin. Pinakatitigan ang nakalatag na mga envelopes sa harapan niya, nakasulat sa ibabaw nito ang buong pangalan ni Reinette, maging ang halaga ng sweldo nito. May kulay pulang ink din na pagkakasulat ng tamang computation ng talagang sahod nito. At lahat ng sobrang pera naiwan sa sobre. Pahinamad niyang isinandal ang katawan sa likod ng kanyang swivel chair at ipinikit ang mga mata. Iniisip kung paanong sasapat ang kinikita nito para sa tatlong anak nilang pawang nasisipag-aral. Pag-ingit ng gulong ng isang black hummer Mercedes-Benz G-class ang nagpalingon sa mga tao ng bigla itong huminto sa parking space ng isang kilalang Italian Restaurant. Kaagad din bumababa ang sakay nito, at walang pakialam sa mga taong nagbubulongan. Sanay na si Tryeton makarinig ng mga bulongan. Simula pa nuong ikasal siya kay Reinette, sinundan pa ng mga iskandalong tsismis ng dahil kay Lorie. Sinipat ang kanyang mamahalin pambisig na kulay gintong suot na relong rolex, at may pagmamadaling naglakad papasok sa nasabing establisemento. Kaagad din siyang pinagbuksan ng salamin pinto ng security guard at magalang na bumati ito sa kanya. Kunot ang noo at nanliliit ang kanyang mga mata sa hindi inaasahan makikita pagpasok niya ng restaurant, tama nga ang pahiwatig nito sa kanya. Magkaharap sa isang round table sila Atty. Sandival at ang dating asawang si Reinette at masayang naguusap. Gusto ko man niyang lapitan ang mga ito para sapakin sa mukha ang lalaki pero naisip niyang walang siyang karapatan gawin ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya. "This way sir for your reservation." Usal ng isang babaeng crew na sumalubong sa kanya kaya nawala ang tingin niya sa dalawang tao. Wala sa loob din siyang sumunod sa babae. Nagkukukot sa inis ang kanyang kalooban sa nakikita habang nalalakad pasunod sa babae. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng table sa loob ng restaurant sa may b****a pa ng pinto pumwesto sila Atty. Sandival at Reinette, kung saan agad mo silang makikita pagpasok ng nasabing restaurant "Mr. Legaspi nice to see you again. How have you been?" Agad na bati sa akin ng mga ka-meeting ko. "I'm Good! I've been busy quite bit since we saw each other last year." Walang gana kung tugon at nakipag-shake hands sa kanila isa-isa. Umupo ako sa harapan nilang iba ang tinitingnan. Tinatanaw ang dalawang taong di kalayuan sa table namin, manaka-naka siyang sumusubo ng pagkain nakahain sa harap niya na may ngiti sa mga labi. Tinatanong sa isipan kung nasaan ang aming mga anak. Bakit hindi niya kasama ang mga ito. "Mr. Legaspi are you listening to us? Are you interested in our proposal?" "Sorry, come again." Usal ko dahil nawawala ako sa sarili ng dahil sa nakikita. Nag-aalala na pagpikit ng aking mga mata may gawin hindi maganda si Atty. Sandival kay Reinette. Ayaw kung makitang may hahawak sa kanyang ibang lalaki. Kung kasama sana niya ang triples alam kung safe siya. "You are not yourself. You're spacing out." Komento pa ng isa. "You're out of your mind and you're still in awe." Sambot din ng isa. "Sorry guys, I'm just exhausted from my hectic schedule these past few days." Katwiran kong pagsisinungaling. "If you feel really bad, let's just re-set our meeting some other time, then." Suhesyon ng isa. "Take a rest. You need a vacation even a small amount of your time to relax." Sabad pa ng isa. "Yeah, we know how busy you are. If you want, come with us to see some places with a lovely ladies." May ngiti rin saad ng isa. "I know you're single now." Taas ang dalawang kamay niyang dagdag ng lingunin ko siya. Paano akung hahanap ng ibang babae kung ang babae gustong kung makasama nasa kabilang mesa lang at may kasamang ibang lalaki. Hindi ko rin alam kung bakit nanghihina ako parang hinigop lahat ng energy ko. Mas mahirap yatang tanggapin maaagaw na siya ng iba. Tuluyan na siyang mawawala maging ang aming mga anak. . . . . . ..................................................... ..please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. ...thanks much......lrs.. ....."IronLady"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD