11

2372 Words
MAGKASABAY na bumalik sa tinutuluyan nila sina Bornok. Sandali pa ngang namili ang binata ng ilang gamit sa bahay sa isang tindahang kanilang nadaanan. Binilhan nga niya si Trixie ng mga sabon at lotion na para sa babae. Alam niyang kailangan ito ng dalaga lalo pa’t makinis ang balat nito. Ni wala nga siyang nakitang taghiyawat sa mukha nito. Ang mga borders nga ay pasimple na lamang tumingin sa kanilang pagdaan. Kasalukuyang naglalaro ng mobile games ang mga lalaki habang may kanya-kanya namang katawagan sa phone ang mga babae. Si Bornok nga ay wala ng pakialam sa mga ito. Dumiretso silang dalawa sa loob ng kwarto at doon ay mabilis na umupo si Trixie. May ilang pagkain kasing binili si Bornok na hindi niya nararanasan pang kainin sa pinanggalingan niya. Napasulyap nga si Bornok sa dalaga na masayang iniisa-isa ang mga binili niya. Kaya nga habang busy ito ay mabilis siyang nagpalit ng damit at pagkatapos ay lumabas siya para maglinis ng mukha. Nagdala na rin siya ng toothbrush na may toothpaste. Paglabas nga niya ay bigla siyang hinarangan ni Emily na may subong lollipop. “Hoy! Bornok! Talagang dito titira ang babaeng iyon? Alam na ba iyan ng may-ari?” tanong ng dalaga habang hawak sa isa niyang kamay ang lollipop. “E-eh… O-oo…” natatawang winika ni Bornok at doon nga ay lumapit ang isang lalaking border na si Carlo at inakbayan siya. “Baka naman maiisama mo sa amin iyan. Mag-iinom lang tayo…” wika nito na halatang may masamang balak sa dalaga. Napaismid na nga lang si Carlene sa narinig at sinamaan ng tingin si Bornok. “Hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo doon. Talagang hindi natakot sa pagmumukha mo e, ano?” dagdag naman ng babaeng tumabi kay Emily. Naka-sando lang ito at makikita ang cleavage nito roon na sinamahan pa ng maikling shorts na kanina pang pasimpleng pinagpipiyestahan ng mga lalaking borders na naroon. “S-sige… Mapasok na ako sa banyo…” ani na lang ni Bornok na mabilis na lumayo sa mga iyon. Pagkapasok nga niya ng CR ay agad siyang umihi. Pagkatapos niyang magbuhos ay nag-toothbrush na nga siya at naghilamos ng mukha. Paglabas niya ay nakasalubong niya si Sophie na nakangiti sa kanyang paglabas. “Hi! Bornok,” magandang bati nito at si Bornok ay pasimpleng napaatras at hindi niya maiwasang mapasulyap sa malaki nitong dibdib na tinatabunan ng maluwag na tshirt. Napalunok na nga lang siya ng laway at ngumiti. “H-hi! S-sophie. Magandang gabi,” aniya at si Sophie ay pumasok na sa CR. Napakamot pa ito sa maputing hita at ang laylayan ng suot nito ay bahagyang umangat. Eksakto pa namang napalingon si Bornok doon at nakita niya ang maikling shorts nito. Pumasok tuloy bigla sa isip niya ang nangyari sa panaginip niya kaninang umaga. Napalunok na lang siyang laway at nagmadaling pumunta sa loob ng kanyang kwarto. Para kasing may nabubuhay na laman sa gitna ng kanyang hita na kailangan niyang pigilan. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya si Trixie na kasalukuyang kumakain ng tsitsirya. Hinihimod pa nito ang kanyang daliri at nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti ito. “Ang sarap ng pagkaing ito…” sabi ng dalaga na mabilis pang kumuha ng mga chips. “W-wala bang ganiyan sa pinanggalingan mo?” ani naman ni Bornok na inilagay na sa lalagyan ang kanyang toothbrush. Kinuha nga niya ang kanyang biniling toothbrush para kay Trixie. “Wala!” mabilis na sagot ng dalaga na tuluyan na ngang inubos ang kinakain nito na hindi man lang naalok si Bornok. “Gamitin mo ito. Mag-toothbrush ka bago matulog,” ani Bornok at iniabot niya ang bagay na kanyang hawak kay Trixie na titig na titig naman doon. “Ano’ng bagay ito? Turuan mo nga ako lalaki,” ani ng dalaga at ang hawak niyang plastic ay inikot niya at itinupi. Napangiti na nga lang ng pilit si Bornok. Kung tama ang iniisip niya ay mukhang mangmang sa ibang bagay ang babaeng ito. “Panglinis ng ngipin,” sabi ng binata sabay turo sa kanyang bibig. Tila nga magtuturo siya sa isang bata nang oras na iyon dahil si Trixie ay nakatingin lamang sa kanya habang ipinapakita kung paano iyon. Wala na ngang pagpilian si Bornok kundi ang lumabas muli. Kasama nga niya si Trixie at sa paglabas nila ay napatingin kaagad sa kanya ang mga borders doon. “Hi!” malakas na bati naman kaagad ng mga lalaki sa dalagang kasama ni Bornok. Kaso, ni isang lingon ay hindi ginawa ni Trixie na kasalukuyan lang na nakatitig sa toothbrush na may toothpaste niyang hawak. Napangiti na nga lang nang pilit si Bornok at pumunta silang dalawa sa tapat ng lababo sa may gilid ng CR. Pinatamaan niya ng tubig ang toothbrush at pinagawa kay Trixie ang kanyang sinabi. “Ang lamig!” bulalas ni Trixie na mabilis na napadura nang malasahan ang paste. Si Bornok nga ay napakamot na lamang sa ulo. “Ituloy mo. Sadyang ganyan iyan,” aniya at parang nahihiya siya dahil nakatingin sa kanila ang mga kapwa niya borders. “’Yan… Ganyan nga,” ani Bornok nang sa wakas ay nagawa na ni Trixie ang pinagawa niya. “Ang lamig sa bibig. Nakakaganda ng lasa!” masayang wika ng dalaga at si Bornok ay napangiti nang bahagya sa tila pagiging mangmang nito. Agad nga silang pumasok sa loob ng kwarto at ang mga lalaking naroon ay muling tinawag si Trixie, ngunit hindi pa rin sila pinansin ng dalaga. “Tsk… Hindi pwedeng ikaw lang Bornok ang tumikim ng ganyan…” wika ng isang lalaking borders na tila may masamang balak kay Trixie. Magmula nang makita niya ito kaninang umaga, nang makita niya kung gaano ito kaganda ay hindi na niya ito makalimutan. “Kailangang matikman kita…” ***** PASIMPLENG pinagmasdan ni Bornok ang nakahigang si Trixie sa ibabang higaan ng kanyang double-deck na kama. Nabigyan na niya ito ng kumot at makikitang nakataklob na kaagad iyon sa katawan nito. Tanging ang mukha na nga lang ang nakalitaw sa dalaga. Pasimple rin niyang pinagmasdan ito at hindi pa rin niya maisip na kasama niya ang ganito kagandang babae dito sa loob. “Bakit mo ako pinagmamasdan lalaki?” biglang tanong ni Trixie at si Bornok ay mabilis na umakyat sa itaas na higaan sabay sabing wala. “Lalaki ba talaga ang tawag mo sa akin?” nasabi ni Bornok nang siya ay humiga na rin. “Hindi ko naman alam ang iyong ngalan kaya lalaki ang aking itinatawag sa iyo.” “Bornok. Iyon ang pangalan ko.” “B-bornok. Iyon pala ang pangalan mo?” Pasimpleng natawa si Trixie sa pangalang narinig niya at ang sunod na sinabi nito ay bahagyang ikinaseryoso ng binatang nasa itaas. “Ang ganda ng pangalan mo para sa akin…” Nabigla si Bornok sa narinig niya at nang dungawin niya si Trixie sa ibaba ay nakita niyang tulog na ito. Maingat na nga niyang inabot ang switch ng ilaw mula sa pwesto niya. Pinatay na niya ang ilaw sa loob at humiga na nang maayos. Ang tunog ng electric fan na rin lamang sa loob ang tanging maririnig at hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi sa kanya ng dalaga. Ngayon lang yata siya nakarinig na may nagandahan sa mabantot niyang pangalan. “Joke lang iyon… Huwag kang matuwa Bornok.” Bago nga siya pumikit ay dito na niya naalala si Geraldine. Parang nakalimutan na nga niya ang ginawa nito sa kanya dahil sa dalagang kasama niya, pero, gusto pa rin niyang gamitin ang kanyang abilidad. Kaya nga sa pagpikit niya ay siya ring pag-iisip niya na marating ang panaginip ng dalagang iyon. Ang paligid ay nagdilim at tuluyan na ngang nakatulog si Bornok. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng isang lugar na kung saan ay may nagpapatay-sinding ilaw. Sa paligid ay maraming mesa at ang daming mga nag-iinom na kung sino-sino rito. Sa unahan nga ay may mga kumpol ng tao na nakatayo na tila may hinihintay. Kasalukuyan na ngang nasa panaginip ni Geraldine si Bornok at siya ngayon ay isang kaakit-akit nang lalaki. Nakasuot siya ng black tuxedo at kung siya ay pagmamasdan ay para siyang artista sa kanyang pormahan na sinamahan pa ng mabango niyang katawan. Nagsimula ngang tumugtog sa loob ang isang nakakaindak na musika at ang mga nasa unahan ay naghiyawan at nagsayaw na nang nagsayaw. Si Bornok naman ay mabilis na iniikot ang mga mata para hanapin ang kanyang target. Sa paglakad nga niya ay nakasalubong niya ang isang waiter na may dalang tray na may mga wine glass. Bawat isa doon ay may lamang alak, at dahil alam niyang panaginip lang ito ay mabilis siyang kumuha ng isa roon. Kalmado siyang naglakad habang ang marami ay nagsasaya at nag-iinom. Sa dulong bahagi ng bar naman ay nakakita siya ng isang babaeng nakaupo. Nakasuot ito ng white maong shorts at itim na sleeveless. Kasalukuyan ngang may dalawang lalaking nakatayo sa kanyang harapan at mukhang kinakausap ito. “Miss, pwede bang makipagkilala?” ani ng isang bigotilyo na kung pagmamasdan ay nasa edad trenta mahigit na. Sa tabi nga nito ay naroon ang isa pang lalaking naka-black shirt na tila alalay nito. Si Geraldine naman ay napatingin dito matapos uminom ng alak na nasa mesa niya. Gusto niyang may lumapit sa kanyang boylet, kaso hindi naman niya gusto ang lumapit sa kanya kaya parang naasiwa siya. Masyado rin itong malapit sa kanya at parang hindi niya gusto ang pabango nito. “S-sorry Manong… I don’t want to introduce myself to you,” pasupladang winika ni Geraldine. Mukhang kahit sa panaginip ay ganoon pa rin ang ugali nito. Sa hindi kalayuan ay naroon na nga si Bornok na pasimpleng nakamasid lang sa pwedeng mangyari. Ngumiti naman ang lalaki at kumuha ng wallet sa bulsa. Nagbilang siya ng pera sa harapan ni Geraldine at pagkatapos ay kumuha siya ng sampung libong piso roon. “Isang gabi Miss… Kapalit nito. Romansang marino ang ipapatikim ko sa iyo.” Makikitang parang nakatitig pa ang lalaki sa nakalabas na cleavage ni Geraldine. Kanina pa kasi niyang pinagmamasdan ang dalaga pagkadating sa bar. Nakita niya ang kasexy-han nito at pakiramdam niya ay napakasarap daw isama nito sa kama. “Tingin mo sa akin? Prostitute? I don’t need your money,” sabi ni Geraldine at masungit pa rin ito na naging dahilan upang ang kanina pang pinipilit na kumalmang lalaki ay hindi na makapagpigil. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang pera at inilapit na niya ang mukha sa mukha ni Geraldine na mabilis na napaatras. “Ang bango mo…” bulalas ng lalaki at si Geraldine ay napaatras mula sa pagkakaupo. Hinawakan na nga siya ng lalaki at kinabahan na siya dahil parang hindi siya makawala roon. Nakita pa nga niya ang paglabas ng dila ng lalaki. Napatili na si Geraldine at humingi na siya ng tulong, kaso kumabog ang dibdib niya sapagkat ang mga tao sa paligid ay tila bingi sa mga sinasabi niya. “What is happening here?” naibulalas niya at maging siya ay parang hindi makagalaw sa paghawak sa kanya ng lalaking halatang halang na halang sa kanya. “Please, help me!” sigaw na niya sa sarili at mas lalo siyang kinabahan dahil hindi siya makapagsalita. Ang lalaking may hawak sa kanya ay sinibasib na ang kanyang leeg at wala siyang kalaban-laban sa ginagawa nito sa kanya. “Ang bango mo miss… batang-bata!” bulalas ng lalaki at agad siyang umatras para pagmasdan ang dibdib ng dalaga. Ang makapal na palad ng lalaki at gumalaw na nga at si Geraldine ay napapikit na lamang sa nangyayari. “Akin ka na ngayon…” sabi ng lalaki at halos maglaway na siya nang hilahin ang telang humaharang sa isang dibdib ni Geraldine. Lumitaw nga ang isang dibdib nito, kaso, kasunod noon ay ang pagtama ng kamao ng isang lalaking biglang sumulpot sa tabi nila. Binigyan ni Bornok ng malakas na suntok ang lalaki at si Geraldine ay nagulat sa nangyaring iyon. Isang lalaki ang nagligtas sa kanya at ang isa naman ay bumagsak at napaupo habang dumurugo ang may parteng bibig. “Mga gago kayo ah!” bulalas ni Bornok at nakita niya ang pagresbak ng kasama nito. Susuntukin na sana siya nito kaso agad niyang nasalag ang kamao nito gamit ang kanyang bisig. Kasunod nga noon ay ang paghakbang niya pauna. Kasama rin noon ang kanyang kanang kamao at sapul nga sa mukha ang isang iyon. Mabilis nga rin siyang lumayo nang may sumuntok naman sa kanyang tabi. Nakabangon na pala uli ang lalaking una niyang nasuntok. Dito na nga siya napangisi at sa paglayo niya ay doon na niya sinuntok sa sikmura ang lalaking iyon na halos mailuwa na ang lahat ng mga nainom. Si Geraldine naman ay napatitig sa lalaking nagligtas sa kanya. “S-sino ang isang ito… A-ang gwapo niya,” bulalas ni Geraldine na hindi na naisip na takpan ang isa niyang dibdib dahil sa nangyayari. Nakita nga niya kung paano pinabagsak ng ekstranghero na iyon ang dalawang lalaking kanina’y kumakausap sa kanya. Sa paglingon ni Bornok ay isang matinis na tunog ang biglang narinig sa paligid at ang paggalaw ng mga tao at bagay sa paligid ay biglang nahinto. Seryosong pinagmasdan ni Bornok ang dalagang si Geraldine. Dito na nga bumalik sa alaala niya ang mga hindi magagandang bagay na pinagsasabi nito sa kanya. Napakuyom siya ng kamao pero nanatiling kalmado sa paglapit dito. Nakita niya ang isang dibdib ni Geraldine at napangiti siya nang makitang ang liit ng butol na nasa tuktok nito. “Nakalabas ang isa mong boobs,” wika ni Bornok at seryoso niyang pinagmasdan si Geraldine na nangingiting nakatitig sa kanya. “Sa wakas,” sabi pa sa sarili ni Bornok at wala na nga siyang sinayang na sandali. Tama na ang usapan sapagkat alam niyang nasa panaginip siya. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Geraldine at walang pag-atras niyang hinalikan ito sa labi na sinamahan niya ng pag-ipit sa maliit na butol na nasa ibabaw ng nakabuyangyang nitong dibdib. “Uhmm…” bulalas nga kaagad ng dalaga na napaigtad nang masaktan sa pagpisil ng binatang ngayon ay ipinapasok na ang mainit na dila sa loob ng matamis niyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD