10

2836 Words
ANG LAKAS ng kabog ng dibdib ni Trixie nang magawa niyang iligtas si Bornok mula sa mangyayari sanang aksidente rito. Kanina nga ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaba at alam niya ang ibig-sabihin nito. Dahil nga hindi pa natatapos ang nakatakdang araw para maging ganap siyang mortal ay makakaramdam siya ng ganito sa oras na nasa panganib ang taong pinagpasahan niya ng kanyang kapangyarihan. “Nasisiraan ka na ba ng ulo lalaki!?” bulalas ni Trixie habang pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Napansin niya ngang nakayuko ito at umiiyak. Kung hindi lang talaga niya ito kailangan ay iiwanan na niya ito… kaso wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang samahan ito at panatilihing nasa mabuti itong kalagayan. Napakuyom siya ng kamao at hinawakan ang mukha ng binata. Nakita niya kung gaano katawa-tawa ang itsura nito… pero sa tulad niyang hindi talaga mortal ay wala siyang pakialam dito. “Tumingin ka sa aking mabuti! Kung gusto mong tapusin ang buhay mo ay pwede bang itigil mo na? Paano na lamang ako kung ikaw ay mawawala? Kailangan kita! Hindi ka pwedeng mawala!” winika ni Trixie sa binata at ang mga nakarinig noon sa paligid ay nabigla. Paano raw ba nangyari na ang isang magandang babae ay ganito ang sinasabi sa lalaking iyon? Kaso, walang pakialam ang tulad ni Trixie sa ganitong mga masasabi ng mga mortal. Tumayo siya at kinuha ang kamay ni Bornok para patayuin ito. Ang driver nga ng sasakyang huminto sa kanilang tapat ay napa-iling na lamang. Mukhang wala naman daw problema sapagkat alam naman niyang wala siyang nabunggo. “Tumingin kayo sa kaliwa’t kanan sa susunod!” bulalas nito at pinatakbo na nga muli nito ang minamanehong sasakyan. Si Trixie ay tinapik ang likod ni Bornok at sinabing umuwi na sila. “Bakit mo pa ako iniligtas?” mahinang winika ni Bornok na nagsimula nang alisin ang nangilid niyang luha. “Kailangan mong mabuhay…” “Wala ng kwenta ang buhay ko. Wala namang silbi na narito pa ako.” “Iyong kapangyarihan mo? Ano ba’ng kwenta noon? Ganito pa rin ako… Katawa-tawa at walang kwentang tao,” dagdag pa ni Bornok na nakayukong naglakad habang kasabay ang dalagang ipinagtitinginan ng mga makakasalubong nila. “Isipin mo na may kwenta ka pa dahil narito pa ako at kasama mo…” wika ni Trixie na napabuntong-hininga na lamang. “Wala na akong trabaho. Nawalan pa ako ng pera. Paano pa kita mapapakain? Wala na rin akong maiibayad sa bahay kung maningil na ang may-ari?” “Kaya paano pa? Palagay mo ba? Makakahanap ako ng trabaho bukas? Hindi ko na alam ang gagawin ko…” bulalas ni Bornok na mas lalong nanghina. Si Trixie na nakasuot ng pambahay ng binata ay may kinuha naman mula sa kanyang bulsa. “Ibenta mo ito!” wika ng dalaga at may inabot siyang bagay sa harapan ng binata. Napaseryoso si Bornok nang makita ang isang makintab na singsing sa palad ng dalagang kasama niya. “S-saan iyan galing?” bulalas niya. “Bago ako pumunta sa mundong ito… Pinaghandaan ko na ito. Alam ko na malaking pangangailangan ang salapi kaya ang ilang alahas ko ay dinala ko rito. Marami pa ako niyan at lahat ng iyon ay nasa loob ng iyong silid sa kung saan ka nakatira,” ani Trixie habang nakatingin sa lalaking kasabay niya. Si Bornok naman ay napa-isip kung saang mundo ba nagmula ang dalaga? Hindi nga niya ito natatanong pa kung anong klaseng tao ba ito, kung engkanto ba o isang aswang. Naka-ilang beses na rin niyang naririnig mula rito na may ibang lugar itong pinanggalingan at parang mas napapa-isip siya kung ano ba talaga ang babaeng kasama niya. “Ibenta mo! Hindi ko alam kung magkano ang halaga niyan sa lugar na ito, pero makakatulong iyan. Kaya bilang kapalit niyan, samahan mo ako hanggang sa araw na kailangan ko nang umalis… Iyon ba ay maayos na usapan nating dalawa, Lalaki?” seryosong winika ni Trixie at si Bornok ay napabuntong-hininga na lamang. Kung wala ang babaeng ito, palagay niya ay wala na siyang dahilan pa talaga. Nakadalawang beses na siyang iniligtas nito. Kung hindi dumating ang magandang babaeng ito ay baka… “Sige… Kung iyan ang gusto mo. Mabuti na lang at hindi ka naiilang na kasama ako? Isa pa, masyado kang maganda para sumabay sa akin,” wika ni Bornok na napatingin saglit sa malayo. Napatawa naman ang dalaga. “Bakit ako maiilang sa lalaking may hawak sa kapangyarihan ko? Isa pa, sa tulad ko ay hindi ako tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang indibidwal. Lahat ng iyan ay nawawala at lahat ng iyan ay maglalaho sa oras na tumanda ka,” winika pa ni Trixie na nagpakuyom ng kamao ni Bornok. Hindi makapaniwala ang binata na makakarinig siya ng ganitong mga salita. Salitang ni minsan ay hindi niya naririnig na sabihin sa kanya. ***** HALOS manginig ang kamay ni Bornok nang hawakan ang perang iniabot sa kanya ng pinagbentahan niya ng singsing ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na ganito ang magiging halaga ng bagay na iyon. Maging ang bumili ay hindi rin makapaniwala nang masuri ito. “Magkano ang halaga ng singsing?” tanong ni Trixie na tila walang alam sa kung magkano ang hawak na pera ng binata. Si Bornok ay napalunok pa ng laway at kinakabahang pinagmasdan ang perang nasa kamay niya na lilibuhin na may kasamang mga limandaang papel. “T-thirty t-thousand…” sabi ni Bornok sa dalagang hindi man lang nagulat sa narinig. “Malaking halaga ba iyon sa mundo ninyo?” tanong ng dalaga. “Oo!” sagot ni Bornok at nang marinig ito ni Trixie ay napangiti ito na bahagyang ikinagulat ng binata. “Ayan, may magagamit ka na para sa pang-araw-araw mo habang wala ka pang trabaho. Hindi ba, maganda iyon?” ani ng dalaga at si Bornok ay napatingin sa kabilang panig dahil natulala siya sa ngiti ng dalaga. “S-salamat.” Naglakad na nga sila at may isang kainan silang nadaanan. Napatingin nga si Bornok sa dalaga at tinanong kung gusto nitong kumain na sila. Agad namang pumayag si Trixie at sa pagpasok nila sa loob ay napatingin nga ang mga kalalakihang naroon sa dalaga. Sino ba namang hindi mapapatingin dito? Walang make-up o kahit ano pa. Ni hindi pa nga nakakapagsuklay ng buhok… pero ang ganda pa rin ng dalaga na sadya namang kahit sino ay mapapatingin dito. Si Bornok ay tila napalunok na lamang ng laway dahil parang ang sama ng tingin sa kanya ng marami. Nakatayo silang dalawa sa may tinginan ng ulam at sadyang parang isa siyang masamang tao sa mga naroon. “A-ano ang gusto mo?” mahinang tanong ni Bornok at ang isang lalaking tindero ay pasimpleng nakasulyap sa kanilang dalawa. “Kahit ano, ikaw na ang bahala sa pagpili,” sagot naman ni Trixie na napalibot pa ng tingin sa paligid. Ang inosente nitong mukha at ang maamong mga mata ay nasilayan tuloy ng mga naroon. Nagkamot pa ito ng ulo at pagkatapos ay nilaro-laro ang buhok na lalong nagpa-cute dito. Pagka-order ni Bornok ay dinala na niya ang mga kakainin nila sa isang bakanteng mesa. Pasimple pa rin ngang nakasunod ang mata ng mga naroon sa dalagang si Trixie at ang binata ay nakakaramdam na ng pagkailang sa mga nangyayari. Pinaupo niya ang dalaga at inilagay sa tapat nito ang isang cup na kanin, at ang kalahating takal na adobong manok. Ganoon din ang kanyang kakainin kaso, dalawang cup ng kanin naman ang nasa plato niya. Maya-maya pa ay lumapit ang isang crew ng lugar na may dalang dalawang softdrinks. “S-salamat,” sabi ni Bornok nang iabot ito sa kanya. Ang lalaking crew nga ay pasimpleng nakatingin sa dalaga na kasalukuyang nakahawak sa kutsara at tinidor. “May kailangan pa po kayo ma’am?” tanong ng crew at si Bornok ay napangiti na lang. Bahala na si Trixie kung sasagot ito. “Siya ang iyong tanungin sapagkat siya ang kasama ko,” ani ni Trixie at isang seryosong tingin ang ibinigay niya sa lalaking titig na titig sa kanya. “S-sorry po ma’am…” natatawang ani ng lalaki na hindi pa rin makapaniwala. Mas lamang naman daw siya ng paligo sa lalaking kasama ng dalaga pero bakit hindi siya nakaranas ng ganito? Hindi rin naman mukhang mapera ang lalaki kaya paano raw ito nangyari? “Ku-kuya. D-dalhan mo na lang kami ng tubig,” ani Bornok at pansin niyang ang sama ng tingin ng crew sa kanya. “Bakit kasi masyadong takaw-pansin ang babaeng ito?” Napatingin na nga lang siya kay Trixie na kasalukuyang pinipirat ang kanin na nasa plato nito gamit ang hawak na kutsara. Kumain na nga sila. Si Bornok ay ganado sa pagkain dahil ngayon lang uli siya nakakain sa isang restaurant dahil nagtitipid siya madalas. Pasimple nga siyang napatingin kay Trixie na seryosong nginunguya ang kaning sinamahan nito ng ulam. “Ano ang tawag ninyo sa ganitong klaseng luto? Kakaiba, ang sarap,” ani ng dalaga at hindi niya maiwasang matuwa rito. “A-adobong manok iyan… Masarap ba?” tanong pa ni Bornok na para sa kanya ay tama lang ang lasa. Hindi ito napakasarap pero ayos lang din. Tumango si Trixie na nagpatuloy sa pagkain. Si Bornok nga ay nakaramdam na lamang ng kakalmahan dahil sa kabila ng nangyari sa kanya ngayong araw ay heto siya at may kasamang isang magandang babae… tapos may pera pa. Tinakpan nito ang masamang nangyari sa kanya kanina at hindi niya maiwasang mapangiti nang may kanin na naiwan sa pisngi ni Trixie matapos nitong sumubo. “May problema ba lalaki?” tanong ng dalaga kay Bornok nang makita siya nitong nakatingin sa kanya. “M-may kanin ka sa pisngi…” ani Bornok at si Trixie ay napaseryoso. “Alisin mo,” ani Trixie at si Bornok ay napalunok ng laway. Nakatingin sa kanya ang dalaga at kasabay noon ay ang seryosong pagsulyap ng mga nasa paligid sa kanilang dalawa. “Tangina! Ang swerte ng dugyot na ito!” Ito ang nasa isip ng karamihan doon. Sila nga ay parang bumaba ang tingin sa sarili dahil parang dinaig pa sila nito. Inalis ni Bornok ang kanin sa pisngi ni Trixie gamit ang kanyang kanang kamay at ang mga lalaking nakakita noon ay nakaramdam ng pagka-inggit. May isang napahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at may isa nga na nabitawan pa ang kutsarang hawak. “Paano ka nakabingwit ng ganyan? Sana all!” wika sa sarili ng isa. “Ano? Mayroon pa ba?” tanong pa ni Trixie habang nakatingin sa binata at si Bornok ay parang nagandahan sa dalaga nang mapatitig siya rito. “W-wala na!” natatawa niyang wika at nang mapatingin siya sa kanan niya ay doon na rin siya napatingin sa babaeng bagong pasok lang sa loob. Si Geraldine ay nabigla nang makita ang pangit na si Bornok kaso, nang mapatingin siya sa babaeng nasa harapan nito ay doon siya napahinto sa paglalakad. Napataas siya ng kilay at napahinto sa tapat ng mesa ng dalawa. Ang mga nasa loob ng resto ay napaseryoso dahil isang magandang babae na naman ang dumating. Kaso, nagulat sila nang tumigil ito sa harapan ng dalawang kanina pa nilang tinitingnan. “Miss? Kasama mo ang lalaking ito?” tanong ni Geraldine na may ngiti sa labi. Tiningnan naman siya ni Trixie na parang wala lang. “Oo, bakit mo naitanong?” May bahagyang pagkabigla si Geraldine sa kanyang sarili nang marinig iyon. Napatingin siya kay Bornok at dama pa rin niya ang inis dito. “Manyakis ang isang iyan. Hinipuan ako niyan sa trabaho kanina. Tsaka bakit ka sumama sa isang iyan? Miss, wala ka riyang mapapala… Sayang ang ganda mo kung sa pangit ka sasama!” malakas na wika ni Geraldine at si Bornok ay dahan-dahang napayuko nang marinig iyon. Ang mga nasa paligid ay tila napasang-ayon pa sa narinig nila. Mukha nga namang manyakis si Bornok lalo’t maganda ang kasama nito. Imposible raw kasi na mangyari ito. Baka raw ginayuma? O baka ginamitan ng hipnotismo. “Sino ka ba?” nakangiti namang tanong ni Trixie kay Geraldine. Napatikhim si Geraldine at inayos ang sarili. “Visor niya ako sa work at kanina ay kakatanggal lang niya sa trabaho dahil sa kamanyakan niyan.” Malakas pa rin ang boses niya na rinig na rinig ng mga kumakain sa loob. Dahil doon ay lalo ngang lumakas ang loob ng iba na magsalita. “Miss! Tama siya… Bakit sa ganyan ka sasama? May mas maayos na lalaki kumpara sa isang iyan.” “Oo nga! Kung ako sa iyo Miss, maghanap ka ng mas gwapo. O kaya, iyong may sasakyan o pera. Ano ba’ng mapapala mo sa isang iyan?” Si Bornok ay napaseryoso at ang hindi pa niya tapos na pagkain ay parang hindi na niya kayang ituloy pagkatapos pa nito. Sa dinami-rami ng taong papasok dito ay si Geraldine pa. “Mukhang tama nga kayo. Bakit nga naman ako sasama sa isang ito?” natatawang winika ni Trixie at siya ay napatingin pa kay Geraldine. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang sa mga paa. Maganda at sexy ito at mukhang masarap romansahin base sa kanyang obserbasyon. “Pero bakit din ako susunod sa mga sinasabi ninyo? Kagustuhan kong sumama sa isang ito… Kung mayroon man sa inyong komokontra, iyon ay dahil naiinggit kayo sa lalaking ito?” nilakasan na ni Trixie ang kanyang boses. Ang mga nakapakinig noon ay nagulat. Si Geraldine ay napaseryoso nang ngisian siya ni Trixie. “Masaya ka na ba sa ginawa mo sa lalaking ito?” tanong ni Trixie at si Geraldine ay bahagyang napaatras. “Wala na siya at ano pa ba’ng pakialam mo sa kanya? Hindi ka ba makapaniwala na isang kagaya ko na mas maganda sa iyo ay sasama sa kagaya niya?” natatawa pang winika ni Trixie at si Bornok ay napaseryoso sa narinig niya. Heto na naman daw si Trixie at dinidepensahan siya sa marami. Kagaya lang din kaninang umaga. “W-what are you talking about!? Yuck! I don’t care sa pangit na iyan. Manyakis at bastos iyan… Nakakatawa ka. So, wala ka ring kwenta tulad ng isang iyan?” tumawa rin si Geraldine at ang eksena sa loob ng resto ay parang naging isang palabas sa marami. Pero ang hindi paniwalaan ng mga naroon ay nasa pagitan ito ng lalaking nasa mesa roon. “Nakakatawa ka… Isa ka lamang mortal na ginagamit ang kagandahan para makapangmaliit ng kapwa. Subukan mong alisin ang gandang iyan. Tingnan na lang natin kung nasaan ka ngayon?” mariing winika ni Trixie na ikinaseryoso ni Geraldine. Napakuyom ng kamao si Geraldine at nakaramdam siya ng inis sa babaeng ito. Parang nainsulto siya rito kaya nga mabilis na gumalaw ang kanang kamay niya para ito ay sampalin at ipamukha sa lahat na siya ang mas malakas sa kanilang dalawa. Ngunit isang kamay ang pumigil sa kanyang gagawing iyon. Nakatayo na si Bornok at hawak-hawak ang braso ng dalagang si Geraldine. “Sa oras na sampalin mo ang babaeng iyan… Hindi ako magdadalawang-isip na patulan ka,” seryosong winika ni Bornok at si Trixie ay napangiti sa ginawa ng binata. Sa wakas daw ay nagkaroon na ito ng kaunting tapang. Agad na lumayo si Geraldine at binitawan kaagad siya ni Bornok. Magsasalita pa sana siya, pero kakaiba ang naramdaman niya noon kay Bornok. Parang hindi niya kayang pagsalitaan ito dahil sa dating ng mga titig nito. Isang pagtawa naman ang ginawa ni Trixie at si Geraldine ay wala ng nagawa kundi ang umalis sa resto sapagkat pakiramdam niya ay napahiya siya sa marami. Napaupo na nga lang si Bornok at parang nanginig ang dibdib dahil sa ginawa niya. Ang mga nasa loob ay napalunok na lamang ng laway dahil sa nangyari. “Magaling ang ginawa mo. Nagawa mo nang tumindig at magsalita,” nakangiting wika ni Trixie at si Bornok ay parang nahiya rito. Parang may isang tinik din ang nawala sa kanyang dibdib dahil doon. Agad nga silang nagpatuloy sa pagkain at sa paglabas nilang dalawa sa resto ay kaagad na nagkaroon ng maliit na tsismisan tungkol sa kanila. Naglakad na silang dalawa pauwi. Si Bornok ay nakaramdam ng pagkagaan ng dibdib at habang siya ay naglalakad ay nagpasalamat siya kay Trixie. Ngumiti naman si Trixie at nagsalita. “Puntahan mo siya sa kanyang panaginip at doon mo iparanas sa kanya ang romansang hindi pa niya nararanasan…” nakangiting wika ni Trixie at si Bornok ay napalunok ng laway sa narinig niyang iyon. Nahawakan nga pala niya uli si Geraldine at kung gagamitin niya ang kanyang abilidad… Magagawa niya iyon. “Bumawi ka sa kanya, sa pamamagitan ng bagay na iyon…” ani pa ni Trixie at si Bornok ay napaseryoso sa bagay na iyon. Sa tagal niyang tiniis ang mga pangmamaliit nito sa trabaho ay ngayon ay may tsansa na siyang magawan ito ng bagay na ikakaligaya niya. “Sige…” sabi ni Bornok at si Trixie at tinapik siya sa kanyang likod pagkasabi noon. “Dalhin mo siya sa langit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD